Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 66 - Editing // Writing

Chapter 66 - Editing // Writing

~OCT 8 AT 1:30 AM~

Jervien: may dtr ka?

Jervien: Yvon

Jervien: meron ka bang dtr jan?

Yan agad ang bumungad sakin pagkabukas na pagkabukas ko ng phone ko ngayong umaga… teka… tinawag niya akong Yvon? Tinawag ako ni Jervien ng Yvon? Hoy! Tinawag ako ni Jervien ng Yvon! Kinikilig ako! Hoy, ang aga-aga grabe na agad ung kilig ko ngayon!

~OCT 8 AT 7:07 AM~

: Meron pa

Agad na reply ko kay Jervien habang may ngiti saking mga labi. Tinawag niya akong Yvon… yiiiiieee~! Makababa na nga para makapag-almusal na! Agahan ko nga pasok ko ngayon hehe~

"Sino magwawalis ngayon?"

Tanong agad sakin ni mama pagka babang pagkababa ko ng hagdan. Hindi pa nga nagtatagal 'tong kilig na nararamdaman ko may gusto na agad sumira.

"Ako po."

Simpleng sagot ko sa tanong sakin ni mama at saka inilapag na sa coffee table namin ung phone ko at ung bote ng tubig na madalas kong dalhin sa taas tuwing gabi.

Kumakain na ako ng almusal ko sa may sofa habang nagi-scroll lang sa newsfeed ko sa fb ng bigla nang magreply sakin si Jervien.

~OCT 8 AT 7:21 AM~

Jervien: okay na pala hahaha

: Ahh okiee

At… hindi na siya nag reply sa reply ko. Still… tinawag ako ni Jervien ng Yvon! Naalala niya ung sinabi ko sakaniya nung August nung madalas pa kami magpuyat na dalawa nun! Nakakatuwa lang kasi naalala niya pa un… gusto ko lang ikeep ung mga ganung tao sa buhay ko. Alam niyo ung feeling na un? Kasi kahit trivial lang ung bagay o mga bagay na sinabi mo sakanila, naaalala pa nila un. Meaning, na sayo talaga ung atensyon nila… Tama na nga! Ahahahaha! Makapag walis na nga lang para makaalis ako ng maaga dito sa bahay!

Lumipas ang ilang oras ay nandito na rin ako sa wakas sa library dito sa school namin at kasama ko sila Chin, Violado, Christina at Juliana.

"May assignment, Chin?"

Tanong ko kay Chin matapos kong tignan ung sinusulat niya sa yellow paper.

"Ung sa Philo."

Sagot ni Chin habang nagsusulat pa rin siya sa yellow paper.

"Ahh…"

Yan na lang sinabi ko sakaniya at saka tumango. Nagawa ko na pala ung assignment ko dun.

"Ibon, peram ng phone mo, edit na natin ung mga video."

Sabi sakin ni Violado habang nakatingin na siya sakin. Okay, nakalimutan ko pala sabihin sainyo ung puwesto namin. Ung lamesang kinauupuan namin ay pang anim na tao at lima kami. Nakaupo si Chin sa dulo ng lamesa habang nakaharap siya sa labasan at pasukan ng library tapos katabi naman niya si Violado at ung katabi naman ni Violado ay ung bag niya. Pinatong kase niya roon. Nakaupo naman sa harapan ni Chin si Christina na katabi ko at katabi ko rin si Juliana na nakaupo sa kabilang dulo. Napapagitnaan po nila ako.

"Hindi ko pala alam kung pano alisin ung watermark nung app sa video natin."

Sabi ko kay Violado sabay abot ko na sakaniya ng phone ko habang tinitigan ko na rin siya.

"Kahit wag na natin alisin kung di talaga kaya."

Sabi ni Juliana habang nakatingin na rin siya samin. Tinignan ko na siya at saka tumango.

"Pwede rin."

"Hoy, alisin mo nga bag mo."

Sabi ni Christina kay Violado sabay tayo na niya sa upuan.

"Ayoko nga."

Sagot ni Violado kay Christina sabay kuha na ng bag niya at saka ipinatong na sa hita niya.

"Kayo na muna bahala mag-edit dyan, magko computer lang ako."

Sabi ko sakanila sabay tayo na rin sa upuan ko.

"Sige lang."

"Sama ako, Ibon."

Sabi nila Violado at Juliana sakin. Tumango na lang ulit ako kay Juliana at saka naglakad na papalapit dun sa desk ng student assistant na nagbabantay ng library. Binigay na namin pareho ni Juliana ung ID namin at saka binigay rin ng student assistant ung number ng computer na gagamitin naming dalawa.

Pagka upong pagka upo ko dun sa harap ng computer na gagamitin ko… finally! Makapag update na nga ng story na sinusulat ko. Hehehe~ Ah! Ung story po pala na sinusulat ko ay fanfiction at about po siya sa BTS. After ng ilang taon ng paga-attempt na magsulat ng story ay sa wakas! Sa wakas ay nakapag sulat na rin ako!

Eleven years old ako pinaka unang nag-attempt na magsulat, eh. Kasi ung mga kaklase ko nung grade six, na adik sa isang app na kung saan pepwede kang magbasa at mag-sulat. And since madalas pa ako magbasa ng libro nung mga panahon na un, as in ung hard copy na libro, bigla ko na agad naimagine ung sarili ko na may napublish ng libro dahil sa mga kinekwento sakin ng mga kaklase ko nun na pag sumikat daw ung libro mo dun sa app, malaki raw ung possibility na maipublish un through hard copies.

Dumating na ung pasukan nun tapos grade seven na kami, dun na ako naka-isip ng isusulat, eh. English pa ung naisipan kong isulat nun. Ahahahha! Nakapag upload na ako ng isang chapter nun sa app na un hanggang sa umabot na ako ng chapter nine… hindi ko alam kung anong nangyari nun pero biglang nawala ung mga chapters na sinulat ko nun sa app at ni isa wala pa ring nagbabasa nun kahit na sinabi ko na sa mga kaklase ko na try nilang basahin ung sinulat ko.

After nun… ahahha… hindi ko na tinuloy. Unang attempt pa lang un. Tas hanggang sa naging grade nine student na ako at nagkaroon na ako ng crush kay Joaquin dahil sa mga kaklase namin na Inaasar kami sa isa't isa kesyo raw akala nila mag jowa kami at bagay raw kami, mga ganto-ganyan. Well, nung una wala pa akong story na naiisip pero nung pinakita niya sakin ung pamangkin niya na anak ng panganay niyang kapatid ay nag-attempt ulit ako na magsulat. Pero walang na sulat.

Grade ten magka klase pa rin kami ni Joaquin at crush ko pa rin siya. Nag-attempt ulit ako na magsulat kaso wala pa rin akong na sulat. Sa huli, hindi ko na lang tinuloy ung pag-susulat. Hanggang sa January nitong taon, nirecommend sakin ni Cess ung SAVE ME na webtoon kasi nakita niya akong nagbabasa ng webtoon kaya ayun. Dun na nagsimula ang writing journey ko.

Hindi ko alam bakit ko biglang shinare 'to sainyo pero thank you na rin sa pagbabasa ng mga sinasabi ko… kung meron mang magbabasa ng isusulat kong story