Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 67 - Vlog Uploaded

Chapter 67 - Vlog Uploaded

And… yes! Uploaded na ung vlog ng grupo namin sa ytube! Pero parang nang-aasar naman 'tong ytube na 'to! Bakit ginamit pa nilang thumbnail ung pagmumukha kong hindi mo malaman kung nagulat ba o tumatawa o nangangasar rin, eh. Sa dinami raming pwedeng gawing thumbnails ako pa ung binungad nila!

Okay, tama na pagrereklamo. Oras na para ishare na 'to sa mga kagrupo namin. Ano-ano kaya mga magiging reaksyon nila? Ahahahhaha! Hindi na ako makapag-hintay! Nasend ko na halos sa lahat ng mga kagrupo namin at si Jervien ung panghuli. Hehehe~ save the best for the last.

~OCT 9 AT 8:39 AM~

: *You sent a link*

Jervien: hahahahaah

: Wag mo pansinin mukha koooo ahahahaha

Nahihiya ako! Ahahahhahaha! Nakakainis ka ytube! Ako napagtripan mo! Kung gusto niyo pong makita ung vlog namin, search niyo lang po ung ano… bucket hat challenge kase wala kaming fishbowl nun. Ahahahhaha! Teka… parang nagdadalawang isip na ako. Ahahahahha! Nakakahiya kase! Mukha ko talaga mismo ung bubungad sainyo! Ayokong sumama ung araw niyo dahil sakin!

By the way, if nakucurious kayo kung nasan ako ngayon… nasa bahay pa po ako. Tapos na po ako kumain ng almusal at chill-chill lang po ako ngayon dito sa sala namin. Kala mo walang pasok mamayang ala una, eh. Hindi ko rin po alam kung bakit ko po sinasabi sainyo pero ayun lang. Char.

~OCT 9 AT 8:57 AM~

Jervien: okay lang yan

Jervien: hahahaha

: Mukha akong ewan dyan ahahaha

Jervien: hinde ko pa napapanood

Jervien: mamaya panuorin ko

Jervien: la akong internet eh

: Sige sigee

Jervien: sayang

: Gusto mo mamaya connect ka sa hotspot ko

Jervien: wag na hahaha

: Okay lang ahahaha

: Kung gusto mo na panuorin mamaya

Jervien: wala din ytube cp ko

Jervien: hahaha

: Dito na lang sa phone ko ahahaha

: Nandito pa naman ung vid, eh

: Ahahahah

Jervien: ayaw ko din panuorin

Jervien: nahihiya ako

Jervien: hahaha

: Nahiya ka pa ahahahaha

: Eh, nagawa na nga natin, eh

: Kung ano anong mga kahihiyan laman nun ahahahhaa

Jervien: hinde ko lagi pianapnood yung mga gawa namin Video ehh

Jervien yung mga film namin dati hinde ko pa napapanood ehh

Jervien: hahaha

: Weehh??? Ahahahha

Jervien: ayaw ko mapanood sarili ko

: Nasan ba ung film niyo???

Jervien: hahaha

: Kasi nahihiya ka?? Ahahahha

Jervien: ganoon na nga

Jervien: hahaha

: Nasa ytube ba ung sa film niyo??? Ahahahaha

Jervien: yup

: Ano titleeeee????

Jervien: hinde ko alam ehh

: Hehehe

Jervien: hahahahaha

Jervien: sayang

: Ayy ahahahaha

Jervien: kay Violado tanungin mo

: Kaya nga, eh sayangg

: Sige sige mamaya

Jervien: sige lang

At… dyan na natapos ung pagchachat namin ni Jervien sa isa't isa kase mag-aasikaso na ako sa sarili ko.

Lumipas ang ilang oras ay nasa library na ako sa school namin at nagtatype na ako sa computer dun para sa story kong Love Yourself: Wonder. Baka nga araw-arawin ko na ung pag pasok ko ng maaga para lang makapag-update ako sa story na sinusulat ko. Hindi kasi bwelo sa bahay, eh.

"Ibon, nasend mo na sa iba ung video natin?"

Tanong sakin ni Violado nung nakatayo na siya sa likuran ko, dahilan para mapatingin ako sakaniya at saka tumango na lang bilang sagot.

"Nasend mo na rin ba kay ma'am?"

Tanong pa ulit sakin ni Violado habang nakatayo pa rin siya sa likuran ko.

"Hindi pa. Ikaw na lang magsend kay ma'am."

Sagot ko sa tanong sakin ni Violado habang patuloy pa rin ako sa pagtatype ko sa keyboard. Kung nagtataka kayo kung pano ko nagagawa un… ako rin po.

"Pwede umupo dyan sa tabi mo?"

Tanong pa sakin ni Violado. Teh…

"Ewan ko."

Yan na lang ung sinagot ko sakaniya sabay hawak na ng mouse at saka kinlick na ung tab ng fb kasi sigurado ako na magtatagal pa 'tong si Violado sa tabi ko.

"Uupo na lang rin ako, saglit lang naman, eh."

Sabi ni Violado sabay hatak ng upuan sa tabi ko at saka naupo na. Yep. Tamang scroll na lang ako sa newsfeed ko habang andito pa siya sa tabi ko kasi malilito ako sa mga itatype ko.

"Pa-hotspot nga ko, Bon. Wala na kasi akong load, eh. Tapos di pa ako binibigyan ng pampaload ni mama."

Sabi sakin ni Violado habang hawak na niya ung phone niya. Kinuha ko na rin ng tahimik ung phone ko sa lamesa na pinagpapatungan ng monitor ng computer at saka binuksan na ung data at hotspot ko.

"Bukas na."

Simpleng sabi ko kay Violado sabay lapag na ulit ng phone ko sa lamesa.

"Pini-em mo ba sakin ung link ng vlog natin?"

Tanong nanaman sakin ni Violado. Hinga ng malalim, Ibon, hinga ng malalim… kalma lang.

"Oo."

Yan na lang ung sinagot ko sa tanong sakin ni Violado habang nagi-scroll pa rin ako sa newsfeed ko dito sa fb.

"Online kaya ngayon si ma'am?"

Tanong nanaman ni Violado. Kelan ba 'to mauubusan ng tanong? Oo, sinabi ko nung mga nakaraan na mahilig akong magsagot ng mga tanong pero shempre may mga times rin talaga na hindi mo maiiwasang hindi mainis sa tinatanong ng iba.

"Send mo na lang kay ma'am kahit offline siya, makikita rin naman niya yan, eh, pag nag-online na siya."

Sabi ko kay Violado sabay refresh ko na ng tab ng fb.

"Send ko na lang, noh? Makikita rin ung ni ma'am."

Sabi sakin ni Violado sabay tingin na niya sakin. Teh... kakasabi ko lang nyan sayo ngayon-ngayon lang. Hindi mo ba ako pinakinggan kanina?

"Oo, send mo na lang kay ma'am."

Kalmadong sagot ko sa sinabi sakin ni Violado habang tinitigan ko na siya. Kalma lang, Ibon, ha… kumalma ka lang.

"Sige, send ko na lang kay ma'am."

Sabi ni Violado sabay tingin na sa phone niya. Hingang malalim, Ibon, hingang malalim. Scroll na lang ulit tayo sa newsfeed. Oo, un na lang gagawin ko.

"Nasend ko na, Ibon. Balik na ko dun kela Juliana. Sarado mo na rin ung hotspot mo."

Sabi sakin ni Violado sabay tingin na niya ulit sakin, dahilan para mapatingin na rin ulit ako sakaniya.

"Sige."

"Salamat."

"Sige lang."

Finally! Alone at last!