NARAMDAMAN ni Glezee ang malakas na pagyugyog sa kanyang katawan kasabay ng maingay na tunog ng kanyang alarm. Ngayon na pala ang unang araw niya bilang occupational therapist reliever sa isang rehab clinic ng El Pacífico: The Country Club Island. Ang buong isla ay siya rin ang buong country club. Ngunit sa laki nito, tanging ang mga members lang nito at mga imbitadong tao ang nakakapasok dahil sa higpit ng seguridad ng isla. May sarili itong hangar, runway, helipad, at port. Maraming activities ang pwedeng gawin sa loob ng isla tulad ng yachting, scuba diving, skimboarding, rock & mountain climbing, golf, archery, equestrian, parasailing, at paragliding. Lahat na lang yata ng pera at talento sa mundo ay sinalo ng mga club members. At nang magpa-ulan ang Diyos ng kagwapuhan, nasa VIP list sila.
Ang kaibigan kasi niyang si Sham ang talagang naka-assign sa branch na iyon ngunit kinailangan nitong magleave dahil sa isang ankle sprain na natamo nito habang pauwi sa worker's lodge noong sabado ng gabi. Hindi nito masyadong makita ang daan dahil nakalimutan nito ang eyeglasses nito sa luob ng kwarto.
"Glez, gising na!" Pukaw sa kanya ng kanyang kaibigan.
"Five minutes." Sagot niya matapos pinatay ang kanyang nag-iingay na alarm at nagtakip ng unan sa mukha.
Sarap na sarap talaga ang tulog niya lalo na't naka-high ang aircon at madaling araw na kung matulog siya kakanuod ng kpop videos. Kahit nuong college sila ng kaibigan niyang si Sham ay ganoon din ang gawain nila sa dormitory. Hanggang ngayon dito sa workers' lodge ng naturang island ay ganoon pa rin ang routine nilang magkaibigan.
"Bumangon ka na at si Doc Jin ang mag-o-orient sa iyo."
Kumaripas siya ng bangon at binati ang kaibigang nakabenda ang paa.
"Good morning, Sham! Pahiram ng position mo ha."
"Maligo ka na bilis at first date ninyo ngayon. Bawal malate."
Hinablot niya ang kanyang twalya bago pumasok sa CR na nakangiti. Masisilayan na niya ulit ang kanyang crush noong college. Nakilala niya ito noong intern pa lang siya sa isang hospital at ito naman ay isang resident doctor. Napakabait ito at napakagwapo din. Hindi niya malilimutan ang ginawang pagtulong nito sa kanya sa tuwing may case conference sila kasama ang lahat ng medical interns.
Pagkatapos niyang maligo at magbihis ng scrub suit at jeans ay nagpaalam na siya sa kay Sham.
"Huwag mo nang papansinin yung ex mong mukhang ipis, ha. Nandito na ang future boyfriend mo." Sabi nito habang nakahiga na ulit sa kama. Matutulog na naman ito buong araw at gigising lang kapag nagutom. "Nagchat kasi siya sa'kin. Tinatanong kung magkasama ba tayo. Ang kapal talaga ng mukha."
"Tapos anong nireply mo?"
"As if nagreply ako. Binlock ko siya."
"Ang harsh mo naman."
"Anong harsh?! In the first place, hindi dapat ine-entertain ang mga evil spirits. Bad luck yun. Baka hindi pa kami magkatuluyan ni Andoni ko. Wag kang mag-alala. Aalagaan ka ng mga club members basta magpakabait ka lang at sakyan mo ang mga sayad sa utak nila."
"Hindi ba delikado yon?"
"Medyo lang. Pero okay lang gwapo naman sila at mababait."
"Lahat?"
"Unfortunately. Ang unfair talaga. Ang hirap maging loyal kay Andoni pero sinisikap ko naman. Hay naku! Magpipyesta talaga mga mata mo, Glezee. Ang advice ko sayo, kung friendly naman sila, huwag ka ng mahiya. Sige ka lang. Go lang ng go!"
"Sinabi mo yan, ah? Sige. Susubukan kong sakyan ang sayad nila. Alis na ako. Baka naghihintay na yung date ko."
"Ikumusta mo na rin ako kay Andoni!" Pahabol nitong sabi.
Natatawang umiling si Glezee bago tuluyang umalis. Ilusyonada pa rin sila ng kaibigan niya.
Hindi uso sa kanya ang breakfast since college dahil sa palaging pagmamadali niya. Paglabas niya ng worker's lodge ay agad na bumati sa kanya ang malamig na simoy ng hangin. Suminghut-singhot at inilagay sa bulsa ng scrub suit ang mga kamay niya saka sinimulang naglakad patungo sa clinic. Kagabi siya dumating kaya hindi niya masyado naaninag ang lugar. Ngunit ngayon ay kakasikat lang ng araw, at dinig mula sa kanyang kinaroroonan ang alon sa dagat. Sobrang nakakarelax ang lugar. Pwede pala maging ganito kaganda ang Pilipinas basta naaalagaan lang ng mabuti ang lugar. Mabuti na lang at nasa sentro ng isla nakapwesto ang clinic at hindi siya masyadong malayo sa dagat kapag naisipan niyang magswimming. Malaki kasi ang isla. May patag, may burol, may bundok. Hindi na rin siya magtataka kung may kuweba man o bulkan. Napakaself-sustaining ng lugar. Kung gusto mo ng isda, manghuli ka sa dagat. Kung gusto mo naman ng gulay, may greenhouse. Kung gusto mo ng prutas, mamitas ka lang. Province is life nga naman.
Nang makarating siya sa clinic ay ngingilan pa lang ang mga tao roon. Pinakita niya sa security personnel ang ID niya bago siya nito pinapasok. Pumunta siya sa counter upang magtime in gamit ang biometric system nila. Seven forty-nine na pala.
Naabutan niya ang maintenance personnel na naglilinis sa rehab area kaya minabuting tinanong niya ito.
"Excuse me, po. Dumating na po ba si Doc Jin?"
"Mamaya pa pong alas otso darating si Doc, ma'am." Sagot ng nagmo-mop na personnel. "Kayo po ba yung reliever ni miss Sham?"
"Opo. Ako nga po. " Nginitian niya ang mabuting trabahador na mukhang nasa early fifties.
"Doon na lang po kayo sa pantry maghintay. Mayroon rin pong makakain doon kung hindi pa kayo nag-agahan."
Nagpasalamat siya sa matanda bago siya tuluyang iniwan nito. Teka, saan nga ba ang pantry dito? Malaki ang clinic. Akala mo hospital. Kunsabagay, sa mahal nga naman ng membership dito dapat salo din nito ang lahat ng pangangailangan ng mga miyembro. Mapamedical man o rehab services. Nakapagtataka nga lang na pulos lalaki lang ang pwedeng maging member dito. Kaya rin nagkukumahog makapasok ang mga kababaihan sa isla na iyon. Lahat kasi ng members ay mayayaman at guwapo. Daw.
Sa wakas na natagpuan na niya ang lecheng pantry. Nahirapan pa siyang tuntunin inyo dahil nagcomouflage sa katabing salamin ng gym ang pintuan papasok sa pantry. Ngunit pagbukas at pagbukas niya sa pintuan ay may kung sinong napasinghap.
"Aish!"
Laking gulat niya nang makita niya ang nagmamay-ari ng baritonong boses. Isang lalaking nakawhite tshirt at itim na sweatpants na akay-akay ang IV line at may hawak na isang tasa ng kape ang nakatayo sa may pintuan. Natapunan yata ito ng kape ang sarili nang binuksan niya ang pinto.
"Hala! Sorry po!" Natatarantang hinging patawad niya dito. Napatanga lang din ito sa damit nitong may mantsa. "Sir ikukuha ko nalang ho kayo ng bagong damit." Kabagu-bago pa lang niya dito ngunit palpak na siya agad. Napatingin siya sa mukha nito. Medyo tumingala pa siya ng kaunti dahil sa tangkad nito. Saglit na natigilan siya para pagmasdan ang gwapo nitong mukha kahit na nakasalamin ito. Maputi, bilog ang mata, tangos ang ilong, full thick lips, at mukhang badtrip. Nakasalubong ang kilay nito ngunit ang cute ng dating nito sa kanya. Lumingon sa kanya ang lalaking nakakunot ang nuo. Tila nahihibangan ito sa ideya.
"Don't bother. Wala akong spare shirt dito." Iyon lang at saka nito inilapag sa counter ang tasa at naghubad. Aba't ano na ang nangyayari sa mundo at bigla-bigla naghuhubad ang isang ito sa harapan niya?! Oh my eyes...my eyes...my gulay!
"S-sir?" Pukaw niya dito mga ilang segundo bago siya nakarecover sa nakita niyang hubad na katawan. Lord, ito na po ba ang almusal ko? Mahilig ako sa rice pero salamat sa mga pandesal na ito.
"Malagkit sa katawan kapag hindi ko hinubad ito.." Sagot nito nang hindi inaangat ang tingin sa kanya. "Sasabihan ko na lang ang sanitary engineer na linisin ang sahig dito bago pa merong madisgrasya." Pagpapatuloy nito habang nahihirapang tanggalin ang tshirt dahil sa intravenous line nito. Hindi niya talaga sinasadyang titigan ito pero..pero bakit parang hindi niya maiwasan? Nag-e-exist pala talaga ang ganoong klaseng katawan. Hindi OA sa muscles pero firm at perfectly contoured. Palibhasa first time niyang makakita ng ganito in person at malapitan pa.
Hawakan ko na kaya? Saglit lang? Pero hindi pwede. Harassment iyon.
"Okay ka lang, miss?" Nagulat pa siya nang bigla itong mag-salita.
"Ha?" Nabaling ang atensyon niya sa mukha nito. Ang cute talaga. Kung hindi lang seryoso ang tono nito hindi siya matatakot dito.
"Ang pula ng mukha mo. Nilalagnat ka ba? Huwag ka ng pumasok sa trabaho kung ganoon." sambit nito bago siya iniwan sa loob ng pantry. Sinundan pa niya ito ng tingin. He walked away unbothered that he was shirtless. Hindi niya mapigilang pagmasdan ang malapad na likod nito. Kahit nakatalikod ang gwapo pa din. At contoured din ang back muscles nito.
"Sir, teka," Habol niya dito. "Pwede ko po kayong ipagtimpla ng bagong kape."
Napahinto ito sa paglalakad at kunot noong lumingon ito sa kanya. Magsasalita na sana siya ulit but they were interrupted by another man's voice.
"I see you two have met." Napalingon sila ng lalaki sa bagong dating. "You must be Glezee?"
Dumoble ang blessings niya sa umagang iyon nang dumating ang crush niyang doktor na may dalang paperbag. Ang presko tingnan ng mukha nito. Amoy shower gel. Amoy macho. Medyo basa pa ang buhok at may pandesal pa sa bunganga. Ngunit ibang pandesal na naman ang pumasok sa utak niya. Maghunos-dili ka, Glezee.
Naglakad ito papalapit sa kanila ng lalaki. Mabuti na lang at naisipan niyang magjeans sa araw na iyon at kahit papaano ay may kakapitan ang panty niyang parang naloose thread na sa ngiti ng gwapong doctor.
"Good morning."
"G-good morning, doc." Nahihiyang bati ni Glezee sa doctor.
"Oh, Kyungsoo, bakit ka nakabold?" Nagtatakang tanong ng doktor.
"Huwag mo akong tingnan ng ganyan. She opened the door to the pantry at the exact time na palabas ako kaya natapunan ako ng kape. May spare shirt ka ba?"
"Meron sa office. Kunin mo lang doon." May initsa itong susi na agad ring nang sinalo ng lalaking tinawag nitong Kyungsoo.
"Salamat." Binalingan siya nito. Nanigas na naman siya. "You should check her temperature, Jin. She looks unfit to work. Mukha siyang lalagnatin."
Tapos nilayasan na sila nito. Narinig niyang tumawag ito ng maglilinis sa natapong kape.
"Pasensya ka na sa isang 'yon." Nakangiting humingi ng paumanhin ang doctor sa kanya. "Manhid talaga iyon."
"Ah, okay lang po iyon. Kasalanan ko naman talaga."
"Gusto mo?" Inalok nito sa kanya ng nakangiti ang paperbag na dala nito. At kahit hindi siya kumakain ng breakfast ay papatulan niya itong mga pandesal na offer nito. Kumuha siya ng isa bago nagpasalamat. Ngumunguya siya nang magreplay na naman sa utak niya ang hubad na katawan ni Kyungsoo. Muntik na siyang masamid.
"Are you sure you're alright, Glez?" nag-aalalang tanong ng doktor sa kanya.
"Yes, doc. Ganito lang talaga ako sa umaga. Parang wala sa sarili." Nakangiting sagot niya.
"Kumain muna tayo sa pantry. Doon ko muna ipapaliwanag sa'yo lahat ng kailangan mong malaman bago kita itour sa buong clinic." Parang sila-ulong hindi mapuknat ang mga ngiti sa mukha ni Glezee habang nakasunod sa doctor. Sana hindi na gumaling ang injury ng kaibigan niya para siya na lang magtrabaho dito forever. Pero syempre hindi papayag ang kaibigan niyang masolo niya ang lahat ng gwapo sa clinic dahil patay na patay din ito sa isa pang doctor na kasama ni Jin na nagju-duty sa clinic sa iyon.
MATAPOS siya mag-agahan kasama ang paborito niyang doctor ay nilibot siya nito sa buong clinic. Dalawang palapag ang gusali. Ang medical services area ay sa east wing samantalang ang rehab services naman sa west wing. Iisa lang ang pantry sa south wing para makapaghalubilo ang mga staffs. May staff's lounge naman sa second floor na may sliding door patungo sa open area na may garden. May mga benches din dito. Ang sosyal talaga ng dating. Pwedeng pwede nag awing dating venue. Tanaw mula dito ang kulay asul na dagat at ekta-ektaryang lupain na may iba't-ibang klase ng puno, may isang banda na nagsilbing pasture para sa mga kabayo, may open field para sa gustong maglaro ng football, golf, at iba pa. Sayang lang talaga at hindi siya mahilig sa sports. Pero baka magbago ang isip niya kung yayain siya ng poging kasama niya. Beke nemen, doc.
"Ako lang at si Jackson ang mga physiatrist on duty dito sa country club. Si Charles naman at Andoni bahala sa medical services. Kung wala ka ng tanong, pwede ka ng magsimula sa baba. Pero medyo maaga pa. Mga nagji-gym pa lang ang nandoon sa ibaba. Kaya mga PT na bahala sa kanila."
"Kapag off ko, pwede po ba akong mag-libot?"
"Sure. Basta ang rule lang ay huwag kang maglalaro ng kahit na anong sports kung wala kang kasamang miyembro. Bawal rin kumuha ng pictures ng members ng walang permiso."
Naglakad na sila pababa.
"Member din po ba kayo dito, doc?"
"Yes. Lahat kami ng mga doktor dito ay member din. Bakit mo naman naitanong?"
"So may oras pa po kayo para sa sports?"
"Kung ayaw may dahilan. Kung gusto hahanapan mo ng paraan." Makahulugang sagot nito. May pinanghuhugutan yata ito. Hindi na lang siya sumagot. Malapit na silang makarating sa ground floor nang magsalita ulit ito.
"Ah, one thing. Kapag ganitong walang patient or off duty ako, call me Jin. Okay?" Nakangiting bumaling ito sa kanya sabay kindat. Muntik siyang dumiretso sa hagdan sa gulat niya. Buti nalang at nakaalalay kaagad ang doktor sa kanya at nakahawak din siya sa handrails.
"Oops! Gotcha!" Natatawang sambit nito. Inalalayan na siya nito hanggang makarating sila sa pinakahuling baitang ng hagdan.
"Grabe ka Jinyoung. Kakabukas pa lang ng clinic gumagalaw ka na."
"Miss, huwag kang magpauto sa mga ngiti niyan. Maharot talaga ang isang 'yan."
Dalawang matatangkad na lalaki na nakariding habit ang kakapasok lang sa clinic. Yung isa gusto niyang panggigilan ang pisngi at ang isa naman gusto niyang panggigilan ang baba. Required din yata na gwapo ang lahat ng magpapamember.
"Boys, behave." Sabi ni Jin nang makalapit sa kanila ang dalawang kakarating lang. "This is Glezee. She's your new OT."
"Hi!" Nakangising bati ng mga ito sa kanya.
"These are Chanyeol and Sehun. Pero si Sehun lang ang magpaparehab. He will be your first patient." Paliwanag ni Jin. "Anong ginagawa mo dito, Chanyeol?"
"Nagpapasundo si Kyungsoo. Nasaan ba siya?"
"Oh, he's in my office. He was shirtless and gave Glezee a bit of a shock when I arrived."
Nanlaki ang mga mata nina Sehun at Chanyeol.
"I know. Ngayon ko rin lang nakita na naghubad ng tshirt si Kyungsoo. At sa harapan pa ng babae." Natatawang sagot ni Jin bago ito tuluyang inexcuse ang sarili.
"Ibang klase talaga bumati si Kyungsoo. Sana hindi ka natrauma sa nakita mo, Glezee." Umiiling na naglakad patungo sa doctors' office si Chanyeol.
"Tara na, miss. Hindi ako maghuhubad kaya wag kang mag-alala." Nakangising sambit ni Sehun. Pagpasok nila sa OT room ay biglang nagring ang phone niya. Tiningnan niya kung sino ang caller at baka importante iyon ngunit ang pangalan ng ex niya ang lumabas. Mabilis na dinecline niya ang tawag.
"Ex mo?" Napatingala siya kay Sehun. "Sorry. Di ko sinasadyang mabasa ang pangalan niya. Ang hirap kasi kapag may ganitong height ka. May nakikita kang hindi mo dapat nakikita." Umupo ito sa isang upuan katabi ng ultrasound at paraffin bath.
"Okay lang po iyon, sir. Wala naman tayong magagawa sa height na ibinigay ni Lord sa'tin. Dapat nga iniwan ko na sa locker ang phone." Sagot niya habang nagsuot ng gloves.
"No, it's okay. You need to have your phone with you always. What if it's urgent, 'di ba?" He took off his jacket and rested his both hands on the towel laid on the table.
"Oo nga po." Glezee started to brush Sehun's wrists and hands with paraffin.
"So, ex mo nga iyon?"
"Paano niyo po nalaman?"
"Hindi ko talaga alam. Hinulaan ko lang." Nakangising sagot nito sa kanya. Ah, lintek. "Welcome to El Pacifico, lady. Sana mag-enjoy ka sa company namin."