Chereads / Chicken, Beer, & Kyungsoo / Chapter 5 - CHAPTER 5

Chapter 5 - CHAPTER 5

GLEZEE woke up to an uneasy feeling. Masakit ang ulo niya at masakit din ang puson niya. Hindi na niya matandaan kung ano bang mga kinain niya at parang nagrarambulan na silang lahat sa loob ng tiyan niya. Hindi niya muna ito pinansin at sa halip ay pinagpatuloy ang pagtulog. Ngunit sa hindi pa siya nakakaidlip ng tuluyan ay bigla siyang nakaramdam ng pagdaloy ng likido sa pagitan ng mga hita niya. Naihi na yata siya. Bumalikwas siya ng bangon upang pumunta sa banyo. Agad na sinuot niya ang kanyang salamin na nasa katabing desk. Dali-dali siyang nagtungo sa pintuan at agad na bumungad sa kanya ang mukha ni Kyungsoo na nakasuot ng apron.

"Good morning." Casual na bati nito sa kanya. He really looked cute in his apron.

"Good morning..." She replied with confusion. "Bakit ka nandito?" Tanong niya habang kinukusot ang mga mata.

"Because I live here." He motioned the entire area.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Glezee nang isa-isang rumehistro sa utak niya ang mga nangyari kagabi at kung paano siya napunta sa bahay ni Kyungsoo. Inabutan na siya ng antok sa Tierra Bonita at masyado siyang lasing para maglakad. In short, ginawa niya itong alalay. Pero mamaya na niya pagbabayaran ang mga ginawa niya dito.

"Kyungsoo, saan ang banyo?" Itinuro nito ang salamin na floor to ceiling ang laki sa loob ng kwarto. "Kyungsoo, hindi ako masked rider. Hindi ko alam paano pumasok diyan."

Napansin yata nitong tuliro siya kaya pumasok na ito sa silid at ito na mismo ang nagbukas ng pintuan nitong sliding door pala. Sino ba kasi ang nagpauso ng mga ganitong klaseng pintuan? Ni wala man lang handle. Napangiwi siya nang maramdaman niyang may dumaloy na naman sa pagitan ng mga hita niya.

"Pagkatapos mo dito, bumaba ka na lang_ Okay ka lang ba?"

"Excuse me muna."Dumiretso na siya sa CR nitong napakasinop at linis.

Matapos niyang maibaba ang salawal at maupo sa toilet bowl ay nagulintang siya sa dami ng dugo na nasa panty niya na tumagos na sa pantalon niya. Hindi siya nandidiri pero nag-aalala siya sa bedsheets ni Kyungsoo! Tatawagan na sana niya si Sham pero wala sa kanya ang cellphone niya.

"Kyungsoo?"

"Bakit? Anong nangyari?" Mukhang nandoon lang ito sa labas ng pintuan. And there was a hint of panic in his voice.

"Paabot ng cellphone ko, please." Narinig niya ang mga kaluskos nito. Hinahanap din nito ang cellphone niya. How is it that a simple gesture such as this could give her different feels. At such a time like this!

"Here." He started to slide open the door.

"Huwag kang papasok!" Mariin na pagbabawal niya. Lintik na lang kung makita siya ni Kyungsoo sa ganoong kalagayan.

"You know what, there's blood in my sheets. What is going on? Are you...? This ain't miscarriage, is it? Babasagin ko ang mukha ng Usui na iyon kung..." Hindi niya alam kung matatawa ba siya because his voice was filled with sincerity. If only she could see his face.

"Virgin nga sabi ako kaya imposible 'yang iniisip mo."

"Pero bakit may dugo? W-wala naman akong ginawang masama. Sa sala pa nga ako natulog."

"Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Almuranas? Baka nasobrahan ka sa anghang ng kimchi fried rice."

"Nababaliw ka na ba? Just slide it in already." At nang matawagan na niya si Sham para makapagpadala na siya nito ng mga kakailanganin niya.

Saglit na natigilan pa ito. "Slide what in?"

"Yung cellphone ko!" Paano ba sila nakarating sa ganitong klaseng usapan. Ah rold susej!

He followed what she said and slid her phone. She immediately dialed Sham's number. Narinig niyang tumikhim si Kyungsoo. "Maligo ka na lang muna. Kung masakit ang puson mo, wag ka munang pumasok sa trabaho. Or maghalf day ka kung gusto mo. Let me call Jackson."

"Pasensya na talaga Kyungsoo, ah. Sobra na kitang naabala. Ako na ang maglalaba ng bedsheet mo para kahit paano ay makabawi ako."

"A simple thank you will do. But okay. Whatever you say. Take your time to clean up. Sa baba lang ako." Then he left.

Sa wakas at sinagot na rin ng kaibigan niya ang telepono.

"Sham! Natutulog ka pa ba? Sorry talaga kung nagising kita. Nandito ako sa bahay ni Kyungsoo ngayon. Nakitulog lang ako, wag kang mag-alala. Hindi rin kami magkatabi natulog kaya ligtas ang bataan. Pero Sham, I have a favor to ask. Pwede bang padalhan mo ako dito ng damit? Dinugo kasi ako. Pati na rin Jeunesse at heat pad, please."

"Ilan?" Tipid na sagot nito. Kagigising lang yata nito at masyadong malalim pa ang boses.

"One pack, please, Sham. Thank you!"

"You're welcome, Glezee. And it's Charles, by the way. Tulog pa si Sham. At mukhang parehas kayo na dinatnan. I guess I just need to prepare the same things you asked for. Oh, you don't need to force yourself to work if you're having dysmenorrhea. I'll inform Jackson. Rest well."

After Charles ended the call. Glezee's mind was filled with curiosity. While taking a warm shower, medyo naibsan ang pananakit ng puson niya. Kaya pala bigla bigla na lang siyang naglilihi ng kimchi fried rice at iba pa. Hindi pa rin niya maiwasang mag-alala kung nakuha pa ng doktor ang mga kailangan niya. Pero mas nag-aalala siya kung paano niya lalabhan ang bedsheet ni Kyungsoo. Tatalab na ang ordinaryong washing machine doon? Di bale, ipapalaundry na lang niya.

Pinagtripan niya ang mga inosenteng bote ng shampoo at sabon doon. Ang bango ni Kyungsoo ay mismong amoy ng sabon at shampoo nito. Ginamit na rin niya para pareho sila ng amoy. It's a couple thing. May ganon?! Nakangisi niyang pinagpatuloy ang pagsasabon. Masinop talaga sa mga bagay si Kyungsoo. His toiletries were arranged at hindi rin ito gaano karami. Meron din itong luffa. Hindi na niya iyon ginamit para hindi maghalo libag nila.

Pagkatapos niyang maligo ay lumabas na siya ng banyo na nakatapis. Hindi na niya ginamit ang bathrobe nito at masyadong malaki para sa kanya. Naabutan niya si Kyungsoo na nilalapag sa kama nito ang paper bag.

"Charles had this delivered. Sabi niya kinuha niya lahat ng sizes at hindi niya alam ang size mo." When he turned to her, his eyes wandered from her head to toe. Quickly, she felt warmth invaded her cheeks. "I'm sorry. I'll be outside." Nagmadali itong lumabas sa sarili nitong kwarto.

Habang hinahalungkat niya ang pinadalang damit at supplies na may kasama pang toothbrush, hindi niya maiwasang maisip na dinaig pa ni Kyungsoo si Usui sa mga napagdaanan nito habang kasama siya. He saw her half naked! Samantalang hindi naman talaga niya ito nobyo. Has she been so careless? Luckily, Kyungsoo was a good man. He didn't take advantage of her. Kung tutuusin, halos itapon pa nga niya ang sarili niya dito kagabi when she asked him to dance with her. Napamura siya sa sariling kaharutan. But that night she felt so free and.. and just herself. Malandi nga siguro siya. Okey lang siguro lumandi dahil single naman siya. Wala naman sigurong masama sa ginagawa niya. Unless, Kyungsoo felt bothered then she would have stopped. But he didn't even complain. In fact, he said he was going to make sure she gets to do whatever she wants. Isn't he the sweetest?

Pagkatapos niyang magbihis ay dumiretso na siya sa baba dala dala ang heat pad. Kyungsoo's house interior was painted all white. Nakapamaaliwalas tingnan. Malalaki rin ang mga sliding window nito kaya nakakakuha ng sunlight ang bahay. Nakabukas ang mga ito kaya labas pasok ang preskong hangin sa bundok. She was enjoying the highland view when she walked past the kitchen area, and there saw him seated by the marble kitchen countertop sipping a cup of coffee while reading the morning paper. Ang sarap gumising sa umaga kung ito ang bubungad sa'yo.

Umupo siya sa tabi nito. Bahagya pa itong nagulat nang hinila niya ang upuan. He folded the paper and proceeded to attend to her.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" He motioned to the heat pad she was carrying. "Masakit ba puson mo? Does your head hurt? Sabi ni Jackson, pwede ka daw maghalfday. If the pain doesn't subside, pumunta ka na daw sa clinic."

"Oh? Thank you! Medyo naibsan ang sakit ng ulo at puson ko pero sigurado akong sasakit pa ito kaya dinala ko 'to." She eyes the fluffy pancakes in front of her. Mahilig siya sa rice pero dahil nag-effort si Kyungsoo, uubusin niya ang anumang pagkain ang ilapag nito sa harap niya. "Dati pa talaga ako takam na takam sa mga ganitong klaseng pancakes. Sa videos ko lang kasi ito nakikita. Overpriced naman kapag sa restaurant. Salamat sa iyo at libre akong makakakain nito." She gave him a smile before digging in.

"You're very welcome." He said cheerfully as he took a bite of her food. Napansing niyang wala itong sariling plato. Siya lang ba ang ipinagluto nito? "I think the banana is just ripe enough. It's good. What do you think?"

"Anong 'good'? Ang sarap kaya. Lagyan mo kasi ng syrup at butter. O, heto." While chewing, she gave him another piece from her own fork. "Masarap 'di ba?"

Nag-isip pa ito saglit habang nginunguya ang pagkain. "Oo nga. Isa pa, please. Aaahhh..." Ngumanga ito na para bang nagpapasubo. She obliged. Maliit na bagay. Kahit isubo niya pa pati tinidor.

"Gusto mo pa?"

"Hindi. Okay na ako. Sa'yo na iyan. Para sa'yo naman talaga yan." With Kyungsoo looking straight to her eyes, he has managed to break any wall that she had built between them. She'll just work on putting them back again later. For now, she'll just live this moment with him.

"Ikaw naman nagluto nito kaya share na tayo." Hindi niya alam kung bakit niya ito sinusubuan. Ang mas malala pa, ginagawa niya ito na parang normal lang ito sa kanya. "O, baka naman tapos ka ng kumain? Kung ganon, akin na lang 'to lahat."

"Hindi pa ako kumain. Hindi naman talaga ako kumakain ng breakfast." He took another bite of pancake using her fork. Para na silang nagkiss! Ang lakas lakas na ng tibok ng puso niya pero bahala na ito. Okay lang magkatachycardia paminsan-minsan. Ito na ang cardio workout niya.

"Ako rin. Pero dahil nag-effort ka," She ate another portion using the same fork. Wala ng hiya hiya. Nakapagtoothbrush naman siya. "at masarap ang luto mo, kakain ako."

"Mukhang hindi tayo mabubusog nito. Pang isang serving lang iyan. Gagawa na lang ako ulit."

"Sali ako!"

Nakigulo na siya kay Kyungsoo sa kusina. May hinog na saging, harina, itlog, at gatas na nakalapag sa counter. Hindi naman pala mahirap hanapin ang ingredients nito.

"Kung makikigulo ka dito," He was suddenly right behind her. Isinuot nito sa kanya ang isa pang apron at may itinali sa likuran niya. He was so close she can feel his body on her back. At dahil madaldal ito, nararamdaman niya ang hininga nito sa batok niya. "Magsuot ka nito. Kung ayaw mong manghiram ka ng tshirt sa'kin."

May kinuha itong baking paper at inumpisahan ang pag-gunting at tape. Mabuti na lang at lumayo na ito dahil baka marinig na rin nito ang tibok ng puso niya sa sobrang lakas.

"Para saan iyan?"

"Mould. Para hindi ka mahirapan." He said ever so softly na parang hinaplos na nito ang puso niya. Kaya imbes na kumalma siya, naghysterical lalo ang sistema niya. He really went his way into making a mould kahit gutom na silang dalawa para hindi siya mahirapang magluto. How could this man be so considerate of her feelings?

He took the bowl and cracked the eggs one by one, making sure the yolks were separated. Meanwhile, she was admiring his every move in the kitchen. Sarap jowain. He then gave her another empty bowl and two pieces of ripe bananas. "Pisatin mo gamit itong tinidor. Tapos paghalu-haluin mo na kasama ang mga ito." He motioned to the yolk, milk, and flour.

He helped her move around his kitchen. She first observed him cook the pancake without any mould. Napakadali lang tingnan but when it was her turn, nagmukhang scrambled egg ang niluto niya. Nang-iinis na tawa ang binitawan nito. Siya rin naman ay naiinis na sa sarili dahil kahit ano na lang ang gawin nito ay gwapo pa rin sa paningin niya.

Nang sa wakas ay nakagawa na siya ng presentableng pancake, hinubad na niya ang kanyang apron at bumalik na sa counter. Si Kyungsoo naman ay may kung anong kinuha muna. Pagbalik nito ay paubos na niya ang share niya. She gave him his share in another plate with his own fork this time.

"Here." He offered her a comb. "Nga pala, we should discuss the rules and regulations of this pretense. Kung ano ang mga boundaries, when should we necessarily act, and what to do kasi syempre I need to know kung hanggang saan ang limits natin. Para naman hindi mo na ako itake advantage ulit."

Kinuha niya rito ang suklay nang nakasalubong ang kilay. "Kailan naman ako nagtake advantage sa'yo?"

"Kagabi." He started eating his share. "Ninakawan mo na ako ng halik, ginawa mo pa akong alalay. May benefits ba ako dito?"

"Ah, yes. About that," Pinanggigilan ni Glezee ang buhok niyang buhol-buhol. "Let's put an end to it. Sabi mo nga, I took advantage of you. At wala rin akong benefits na maibibigay sa'yo. Humihingi ako ng patawad lahat ng mga pang-aabala. Sana naman hayaan mo akong makabawi man lang sa'yo. Lalabhan or palalabhan ko ang bedsheet mo at babayaran kita sa mga nakain at nainom ko."

"Gusto mo talagang makabawi?" He finished the last bite of his pancake and took the poor comb from her hand. Ito na rin ang nagpatuloy sa pagsusuklay ng magulo niyang buhok. "Let's go for a real date this time. Yung walang halong pagpapanggap. This time, kung ano man ang mga kinikilos ko, I want you to know that I'm doing it because I want to. And I'm not holding myself back. Ayos ba?"

His eyes focused on her, waiting for her answer.

"Okay..." Tanging sambit na lang niya.

"You smell nice, by the way." He flashed a gentle smile. "I know you used my shampoo and soap pero iba pa rin pala ang dating kapag ikaw ang gumamit. Mas lalo yatang bumango. Weird noh?"

"Oo nga. Weird."

"It's okay. I like weird." He pinched her nosed before putting the comb down. "Your hair is done. Isaksak mo na iyang heat pad mo bago ka pa abutan ng matinding sakit sa puson. Ako na bahala dito."