Chapter 2 - ONE

ONE

Drako

"The Moon Goddess had given us the strength and power not to think of ourselves as higher and better beings than the normal humans. She bestowed it unto us, so we can be strong for those who aren't, and we can protect those we love and care about."

Humikab ako at prenteng isinandal ang aking likod sa silya. Ang sinag ng palubog na araw ay tumagos sa salaming bintana at humalik sa aking pisngi, senyales na malapit nang mag-uwian.

Patapos na naman ang isang araw at bukas ay walang pasok dahil sa general pack gathering. Ofcourse the youngsters like us are not included yet. Puro pa lamang history at pahapyaw na trainings ang binibigay sa amin. Well of course not with my bestfriend. When did it start? Ang alam ko ay talagang bata palang kami ay madalas nang bugbog iyon sa mga pagsasanay.

Maybe that's why Lay acts and thinks maturely even if I'm older than him. Wala akong matandaang naging kaibigan niyang mas bata sa kanya. He actually got only a few friends, and we are all older than him.

We've been friends since I can't remember because my dad is his father's Beta. Alam naming lahat na si Layco ang susunod na pinuno ng Brenther, kaya kahit pa sabihing mas matanda ako sa kanya, kailangan ko pa rin siyang bigyan ng respetong nararapat sa estado niya.

I wonder if Layco will come over tonight? Matagal na naming planong magkakaibigan na matulog sa tree house ko. I'm sure Warren's parents will let him crush at my place. Si Layco lang naman ang medyo alanganin.

Mrs. Rosemary leaned on the edge of her table as she scanned our faces. Our Lycanthrope class teacher looks way younger than her age, and her obsession with everything about our kind is just too much. Why do we still have to take this class anyway? Hindi pa ba sapat na impormasyong sa pagtungtong namin ng fifteen ay lalabas na ang totoo naming kakayanan?

I sighed. Sumulyap ako sa wall clock at tamad na nagkamot ng ulo. "Can we please go home now? It's just five minutes before the end of our class."

Ngumiti siya at dinampot ang isang fish bowl na nasa mesang may lamang mga papel na nakatiklop. "Draco Lafrell, my most impatient student as always. Tama, limang menuto na lang. Limang menuto ka na lang maghihintay para matapos ang klase."

She and the rest of the class laughed with what she said. Hindi na lang ako sumagot at nakasimangot na lang na nagpangalumbaba tutal ay mukhang wala na rin akong magagawa.

When everyone's laughter finally subsided, Mrs. Rosemary raised the bowl while looking at me. "I still need you to pick a piece of paper from this bowl. Each piece has a number written on it. That's gonna determine which group you'll work with for your project."

Napalunok ako, ang mga mata ay napatingin sa unang taong pinabunot sa bowl. Hindi ako mahilig sa mga ganitong gawain sa eskwelahan kaya lang ay hindi nito maiwasang mapukaw ang atensyon ko...dahil sa isang tao.

She was sitting on the left part of front row, looking so prim and proper with her classy yet conservative blue dress, her long silky black hair was swaying with her every move.

Pagbuklat niya ng kapirasong papel ay nagsisilip kaagad ang ibang mga kaklase namin para makita kung anong grupo siya mapapabilang. Ang nakakainis lang, karamihan sa mga sumilip ay iyong mga kaklase naming lalake na wala rin namang hilig mag-aral.

Of course they were just interested with her. Sino ba naman ang ayaw makahalubilo ang panganay ng mga Magnison? She's just so famous at school and even in the other packs that almost everyone wanted to get even the slightest of her precious attention.

She giggled in a calculated manner. "Teka lang, hindi ko pa alam."

"Uy, Chleo sana magka-grupo tayo."

"Ako rin. Dalian niyo na kasing bumunot diyan!"

Dinig kong sabi ng iba naming kaklase. Inis akong napangisi habang umiiling. Why don't she just shoo them away just like what Layco often does? Magkapatid ba talaga ang dalawang 'to?

Nasa gitna na ang bowl nang mapasuntok sa ere ang isa naming kaklaseng lalakeng kanina ay nakikiusyoso kung anong grupo ang nabunot ni Chleo. Nabaling sa kanya ang buong atensyon ko at nang makita ko ang malaking ngisi sa bwisit niyang mukha, tuluyang naningkit ang mga mata ko.

"Yes! Kagrupo ko si Chleo!" Humalakhak ang tarantado at talagang lumapit pa sa harap ni Chleo para lang makipag-apir.

Inis kong hinampas ang palad ko sa mesa dahilan para biglang tumahimik ang buong klase. Nabaling ang atensyon ng lahat sa akin, pati na si Chleo na nakataas pa ang kamay para sa pakikipag-apir.

My jaw was locked as I stood up. Mabilis nalamon ng malalaki kong hakbang ang distansya ko mula kina Chleo, at nang marating ko sila ay sinamaan ko ng tingin ang lalake bago ko hinablot ang papel na hawak niya. Bumaba sa papel ang aking tingin saka ako bahagyang ngumuso. "Group four? You're not group four, Ike."

Kumunot ang noo niya. "Groβ€”"

Naputol ang sinasabi niya nang halos patakbo akong lumapit sa may hawak ng bowl. Dumukot ako roon ng isang piraso at binuklat. "Group two." Tinaasan ko siya ng isang kilay habang palapit ako sa kanila. "Group two ka." Huminto ako sa harap ni Chleo saka ko padabog na dinampot ang bag niya na alam ko namang pag-aagawang bitbitin mamaya ng mga patay na patay sa kanya.

"Ha? Teka groβ€”"

"Group two, Ike. Ako ang group four." Masama ko siyang tinitigan, pero si Ike ang tipong hindi ko masisindak kaya bago pa man umalingawngaw ang tunog ng bell, nasa sahig na kaming dalawa at nagpapambuno dahil lang sa piraso ng papel na kahit anong mangyari ay hindi ko ibibigay sa kanya.

"Para kang bata kanina! What are you? Six?" Singhal ni Chleo sa akin nang lumabas ako ng detention room. Ang bilugan at kulay abo niyang mga mata ay halos manlisik sa akin, ang ilang hibla ng kanyang buhok ay dumikit na sa kanyang noo dahil sa pawis

Kumunot ang noo ko nang makitang hanggang leeg niya ay pawis na na para bang kanina pa siya naghihintay. Ang init pa naman sa parteng 'to ng school. Ba't kasi nandito pa 'to?

Sinuot ko sa isang balikat ko ang bag ko saka ko inagaw ang bag niyang hawak niya sa parehong kamay. Hindi ko na pinansin ang pagtataray niya sa akin, sanay nang makita ang bahagi niyang 'yon na bihira niyang ilabas.

"Wala ka bang sundo? Anong ginagawa mo rito ang init-init dito tignan mo 'yang itsura mo?" Sita ko bago ko dinukot ang panyo sa bulsa ko. "Punasan mo 'yang mukha mo pawis na pawis ka."

Imbes na tanggapin ang panyo ayΒ  tinulak pa niya ako habang nagngingitngit ang mga ngipin niya sa inis. Napikon na naman dahil hindi ko na naman inintindi ang katarayan niya. Napakamot ako ng ulo. Kailan naman ba kasi gumana sa'kin 'yon?

Naningkit ang mga mata niya saka niya ako dinuro. "Ulitin mo pa 'yon magho-home school na talaga ako. You keep ruining my circle, Draco! Katorse ka na pero kung umakto ka para kang elementary boy!"

I sighed. "Chleo, hindi ko sinisira ang circle of friends mo. I am justβ€”"

"What? Trying to protect me?" Naaasar nitong putol sa sinasabi ko.

"Keeping you away from trouble."

Inis siyang natawa saka niya tiniklop ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib. "By what? By putting yourself in it? Wow."

Napailing na lamang ako. "Tara na nga baka mamaya hinahanap ka na sa inyo." Ginaplos ko ang aking labing medyo masakit pa dahil sa pakikipag-suntukan kanina.

Unti-unting nawala ang inis sa mukha niya nang matitigan ang gilid ng aking mukha. Lumambot ang kanyang ekspresyon hanggang sa tuluyan siyang bumuntong hininga.

Chleo held my arm and dragged me back inside the room. Pinaupo niya ako sa isa sa mga silya roon bago niya kinuha ang isang plastic sa kanyang bag na nakapatong sa kandungan ko. Nasa harap ko siya, abalang maglagay ng gamot sa bulak, pero ako, ang buo kong atensyon ay nasa matinding pag-aalalang nakaguhit sa maganda niyang mga mata.

I don't know why I felt somewhat happy to see her worry about me. It's like a part of me feels so fulfilled, iyong tipong hindi sasapat ang mga salita para lang maipaliwanag mo.

"Huwag mo nang uulitin 'yon." Nagtatampo pa rin ang tonong bilin niya bago ako tinitigan pabalik.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, nagwawala, hindi ko makontrol. Bakit ganito? Bakit madalas ganito ang maramdaman ko? Nakakapraning, pero ni ang kumurap, hindi ko man lang nagawa. Kung hindi pa niya pinitik ang aking noo saka niya isinilid ang mga gamit niya sa kanyang bag, hindi pa siguro ako matatauhan.

"Hindi magandang nakikipag-away, Drako. Lalong hindi ka dapat nakikipagbuno dahil lang sa akin. Kapag inulit mo pa 'yan hindi na talaga kita kakausapin." Nakasimangot niyang sabi bago siya naupo sa silyang nasa tabi ko.

"Para wala nang gulo, at dahil baka raw maghamon ka na naman, nagdecide si Mrs. Rosemary na ilagay na si Ike sa group two. Ikaw, si Lou Anne, si Bently tsaka ako ang magkakagrupo, at dahil sa naging gulo kanina, ako na ang magpapaliwanag sayo ng project natin."

She pulled out a book inside her bag. Ang kapal naman paano 'yon nagkasya sa bag niya? Kaya naman pala ang bigat eh hindi naman 'to sanay mahirapan.

"We're going to report about the historical mates in the history of Remorse and their contributions to the lycan society. Nakapili na kami kanina kung sino ang sa atin." Ngayon ay may sigla na niyang ani, halatang excited.

"Sino naman?" Kunwari na lang ay interesado akong tanong kahit pa tamad talaga ako sa mga ganitong gawain. Bakit kasi may mga ganito pa. Kung aral, aral lang sana hindi kung ano-ano pang mga pakulo ang pinapagawa.

Gumuhit ang napakalaking ngiti sa mga labi niya at kumislap sa saya ang kanyang kulay abong mga mata.

"Cassandra Rose Coulson and Vance Devonaire! The first ever vampire and lycan mates in history!"

Parang nanlamig ang buong katawan ko sa narinig.

A/N: Chleo Magnison is Alpha Layco Magnison's older sister. Nabanggit na siya sa kwento ni Layco na Beauty and The Alpha. I hope nabasa niyo na iyon at iba pang furrst-generation stories ko para hindi kayo malito sa mga characters. 😊😊😊

Song inspirations for this story:

Empty Space- James Arthur

Lover- James Arthur Cover

Love Story -Patch Quiwa's cover

Falling by Harry Styles -Patch Quiwa's cover

I found You- Andy Grammer

Balita- I Belong To The Zoo

Any song recommendation or certain song na pinakinggan niyo habang nagbabasa sa story ko? Comment it down.

You can also send me fan-made edits (quotes or lines from my stories, trailers, etc.). I'll post it on my other SocMed accounts at sa official page ko. 😊😊😊