TWO
Chleo
My eyes roam around the stadium where our Nexus team is having their weekend practice. Hinahanap ng mga mata ko ang lalakeng alam kong dito ko matatagpuan at nang matanaw ko siya sa bench malapit sa team ng school, nilingon ko ang dalawa ko pang ka-grupo.
"Ayun si Drako. Tara na para makapag-meeting na tayo." Excited kong sabi. Hindi na ako makapaghintay na sabihin sa kanila ang gusto kong mangyari para lang magkaroon kami ng mas mataas na marka sa project namin.
Nagsimula akong maglakad habang ang dalawa kong kasama ay tahimik lang na nakabuntot. May ilang nakapansin sa akin at agad bumati, habang ang ilang kalalakihan ay nakangising kumaway. Mayamaya'y may isang nasa field na nakakita sa akin. Tumigil ito sa pagtakbo at bigla na lamang sumigaw.
"Chleo! Hi!"
I already got used to this. Iyong tipong pinauulanan ako ng atensyon ng halos ng lahat ng nakakakilala sa akin. Nahihiya ako minsan ngunit kapag binabati nila ako, madalas ay ngumingiti na lamang ako saka kakaway pabalik.
I raised my hand and waved back in a prim manner. Kailangang ang aking kilos ay maayos at kalkulado sa lahat ng oras, ngunit minsan, nakakalimutan ko rin ang lahat ng trainings ko kay mama.
Lalo na kapag naiinvolve si Drako...gaya na lamang ngayon.
Pababa pa lang ang kamay ko nang muli kong ibalik kay Drako ang aking atensyon ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang makitang matalim na ang tingin niya sa lalakeng kinawayan ko. Nang mabaling sa akin ang mga mata niya, unti-unting napawi ang kurba sa aking mga labi at ang dibdib ko'y nagsimulang bumayo nang tumayo siya at naglakad patungo sa amin.
I watched him walk towards me with locked jaw, piercing eyes, and...jealous expression written all over his face.
In that moment I don't even know if I was scared...or happy to see him that way.
"Kilala mo ba 'yong kinakawayan mo, Ruth Chleonour Magnison at kung makangiti ka ay abot langit?" Galit na tanong ni Drako. Heto na naman siya, pero bakit hindi ko pa rin magawang masanay?
Nakagat ko ang aking labi saka namumulang umiling habang hindi magawang tumingin pabalik sa galit niyang mga mata. He's been like this since we were kids, but I never had the guts to ask why. Maybe because a part of me wants it whenever he's acting that way. Hindi ko alam kung bakit, basta natutuwa ako kapag masyado siyang nagiging protective sa akin. Ang ayaw ko lang talaga ay iyong kapag hindi niya nakokontrol ang sarili niya at napapasabak sa gulo ng dahil sa akin.
Though Drako never seemed to care how many punches he's going to take, I cannot afford to look at his bruised face while lecturing him to stop getting in so much trouble. Isa pa, ayaw kong nasisita siya ng mga magulang niya at nababansagang basagulero gayo'ng hindi naman talaga siya palaaway kung hindi dahil sa akin ang rason ng pakikipagbuno niya.
"I'm just trying to be friendly, Drako." Pinilit kong pekein ang tapang ko kahit nakakatakot talaga ang paraan kung paano niya ako tignan.
Drako pouted in an annoyed look. "Some people often mistaken friendliness as flirting kaya maging maingat ka sa pagiging friendly mo." Nilingon niya ang dalawang nasa likod ko ngunit mas tinagalan niya ang tingin kay Bently.
Wala pa mang sinasabi si Drako ay dinipensa na agad ni Bently ang kanyang sarili. "H—Hindi kami talo, Drako."
"Mabuti naman." Tugon ni Drako na nagpula sa mukha ko. Okay, why the hell am I blushing and why did he say that? Naku!
Thank goodness Lou Ann cleared her throat. "Saan tayo magmi-meeting, Chleo?"
"Oh, doon na lang sa Cafe malapit sa City library. Kailangan din nating kumuha ng iba pang reference books. Chineck ko na iyong librong nakuha natin sa school library. Pahapyaw lang ang nakasulat doon tungkol kina Cassandra at Vance." Sagot ko bago ko tinignan si Drako. "Tara na, at bago ka pa magtanong, nope. I didn't ask Mrs. Rosemary to change our subject for this project. Gusto naming tatlo ang topic natin kaya sa ayaw mo at sa gusto, si Cassandra Rose at Vance ang atin."
Napasimangot ako at marahas na bumuntong hininga nang halos maubos na namin ang lahat ng nakuha naming reference books sa city library, pero sobrang kaunti pa rin ng facts na nakalap namin. This can't be. Para bang masyadong maingat ang pagkikwento ng mga may akda sa buhay ng topic namin.
Maingay na humigop si Bently sa kanyang frappe bago niya nilapag ang notes niya. Nasa harap ko sila ni Lou Ann habang si Drako, na halos ayaw din namang tumulong, ay nasa aking tabi at tahimik na kinakain ang blueberry cheese cake na inorder niya.
"Wala talaga. Halos iisa ang laman ng mga reference books na 'to. Maybe we should really change out topic? Sabihin na lang natin kay Mrs. Rosemary na limited lang ang available details tungkol kay Cassandra at Vance." Mungkahi ni Bently.
"He's right." Drako lazily pushed the saucer in front of me. Hinati niya pala ang blueberry cheesecake at tinirahan ako. "And aren't you even aware? They're a very sensitive topic. Bakit ba iyan ang pinili niyo in the first place? Baka mamaya matanggal pa si Mrs. Rosemary sa trabaho dahil sa pag-approve niya diyan."
Sinimangutan ko si Drako. Kaya ayaw ko itong kagrupo eh. Tamad na nga't walang ambag, puro pa kontra. Nakakainis!
"That's the thing, Drako. If we will be able to come up with a report that no one will expect, mas mataas ang grades na makukuha ng group natin."
"Who cares about grades, anyway? That's just the numbers that people use to get recognitions. Ikaw pa itong sabik sa mataas na grado gayong sobra-sobra na nga ang pagkilalang natatanggap mo." Kumento niya dahilan para tumalim ang tingin ko sa kanya.
"Alam mo ikaw madalas talagang walang preno 'yang bibig mo pasalamat ka at sanay na sanay na ako sa tabas ng dila mo kun'di baka inilibing na kita diyan mismo sa kinauupuan mo. Kung wala kang matinong sasabihin kainin mo na lang 'yang cheese cake mo nang wala nang unnecessary thoughts na lumabas diyan sa pesteng bibig mo!" Inis kong tinulak pabalik sa harap niya ang platito saka ako huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Calm down, Chleo. Remember the ultimate rule. Grace under pressure. Grace under pressure.
Nagtinginan na lamang si Lou Ann at Bently, tila nagpapakiramdaman kung dapat ba silang sumabat o mas mabuting itikom na lamang din nila ang kanilang mga bibig ngunit nang medyo kumalma na ako, dinampot ni Drako ang tinidor at kumuha ng piraso sa cake bago niya inangat ang tinidor sa tapat ng bibig ko.
"Have some sweets nang umayos 'yang mood mo."
Naningkit ang mga mata ko sa kanya. "Ayoko."
He sighed. "Fine. I'll say something helpful if you'll take a bite."
I gave him a doubting look but he just licked his lips. "I promise, Chleo. May sense na ang sasabihin ko."
Ilang segundo ko pa muna siyang masungit na tinitigan bago ko sinubo ang piraso ng cheesecake. Ugh. The taste never gets old. Nagbago agad ang mood ko sa isang iglap dahilan para gumuhit ang matipid na ngisi sa mga labi ni Drako.
He leaned forward, his elbows rested on the table. Sandali niya munang pinasadahan ng kanyang mga daliri ang medyo mahaba niyang brown na buhok bago siya tuluyang nagsalita.
"The reason why I don't want our group to tackle about Vance and Cassandra is because according to my grand father, they were one of the most controversial couples in history, and their accounts were ordered to be gathered before by the Alpha King. Walang makapagpatunay pero may ilang haka-hakang nakatago ang mga journals sa puso ng Remorse. In some place where no ordinary lycans, not even those in position, could easily have access to."
Napahinto ang pagkuha ko ng piraso ng cake dahil sa narinig. Pare-pareho kaming nagtapunan ng hindi makapaniwalang tingin nina Lou Ann at Bently, at nang tignan namin si Drako, mahina niyang tinango ang kanyang ulo saka niya binasa ang kanyang ibabang labi.
"Yup. You guessed it right. The very thing we need to have high marks for this project is in the Alpha King's territory. So sorry to burst your bubble but this is the part where we're gonna give up this insanity." He reached for his glass of iced latte and smiled in an annoying way. "So, siguro naman may option B kayong nakahanda?"
I sighed and put down the fork as I made my decision. Bahala na.
"Wala." Tugon ko dahilan para salubungin niya ang blangko kong tingin. "There's no option B for this project because we're going to stick to this one."
Tumayo ako at kinuha ang aking bag. "I don't give a damn if the accounts are in Vourden. I'd get those references whether you'll join me or not in paying the Alpha King's lair a visit..."