"Candiz ! Come on. Let's dance!" Pasigaw na sabi Maia sa kanya para magkarinigan sila sa gitna ng ingay ng tugtug sa Club Millenium.
Si Maia ang matalik na kaibigan niya, isa itong modelo.
"Maia, I'm not dancing! " sagot niya. Pinaikot lang nito ang mata. "Okay, dito kalang.. Drink! Wag kang papauto sa mga yan" anito sabay turo sa mga lalakeng umiinom sa di kalayuan na panay tingin sa kanila.
Natawa naman siya sa sinabi ng kaibigan.
"are you for real? I'm not interested" natatawang sagot niya. "Oh siya, have fun ! I'll wait for you here.. Wag ka lalayo sabay na tayo uuwe mamaya" aniya. Tango lang ang sagot ng kaibigan bago ito naglakad papunta sa center stage ng club para sumayaw.
Siya naman ay nag order ng margarita sa bartender. Habang umiinom ng alak, nagkataon namang tumama ang paningin niya sa isang guwapong lalakeng titig na titig sa kanya.
Gosh, he's goddamn gorgeous!
Iba ang dating nito sa mga kalalakihang nandoon, panay ang lapit ng mga babae rito na parang inaakit ito pero mukhang wala naman itong pakialam, ni hindi nga nito tinitignan ang mga babaeng lumalapit dito. Nakatitig lang ito sa kanya na parang kilalang kilala siya.
Well, he's familiar though.Pero paano at saan? She's very sure na Hindi pa sila nagkakilala nito. He has this very alluring and mysterious aura, it's like she's bewitched. Hindi niya maalis ang titig sa lalake. And behind those intimidating looks with oozing confidence and mysteriousness, she can see it, there's longing and sadness and a glint of happiness in his eyes.
Ilang minuto silang nagtitigan ng lalake bago ito lumapit sa kanya at inaya siyang sumayaw.
Well, wala iyon sa Plano niya. Ang gusto niya lang ay uminom sa bar pero nang hilahin siya nito sa dance floor ay wala sa sariling nagpatianod lang siya.
She couldn't say anything, nakatulala lang siya. She doesn't like men touching her, lalong lalo na kung isa itong estranghero. Pero iba ang naramdaman niya nang humawak ito sa beywang niya at bumulong sa tainga niya na ilagay ang mga kamay niya sa mga balikat into.
His voice is like music to her ears, napakasarap pakinggan. She felt comfort, warm, safe, and home. Kumabog ng malakas ang dibdib niya, nakapagtataka mang maramdaman iyon sa isang taong hindi niya kilala, hinayaan niya lang ang sariling namnamin ang sandaling iyon. She's lost in his deep eyes.
Parang may kumirot sa puso niya ng tawagin siya nitong Divine.
I'm not Divine! I'm Candiz Ivory Yag Sang! So napagkamalan lang pala siya nitong si Divine. Who's Divine? Hmm I wonder siguro girlfriend ng hayop nato! Bwesit pinaasa ako. Bulong iyon ng isip niya.
Lumipas pa ang ilang minuto habang dahan dahan silang sumasayaw na magkadikit ang katawan. Hindi na niya na masyadong natandaan ang mga kaonting pinag usapan nila dahil tila hindi na siya nakakapag isip ng maayos, ang ginawa niya lang ay ang tumutig sa mga mata into.
At bago pa siya bumalik sa tamang pag iisip ay may iniabot itong kwentas na may pulang pendant. Kapagkuwan ay bigla nalang siya nitong binitawan at iniwan.
"No I'm not, you are absolutely my Divine…. My salvation"
"Soon you'll know why. I'm not gonna tell you yet" Iyon lamang ang naalala niya sa lahat ng mga sinabi into.
Saka niya lang napag tanto ang ginawa nitong pag iwan sa kanya at hindi niya maintindihan nang may kumurot uling sakit sa dibdib kasabay ng isang luhang pumatak sa pisngi niya.
Fuck! He's just a stranger! A random guy in the club looking for someone to bed! Bulong ng isang bahagi ng isip niya.
No! You've seen it. If he is, then bakit hindi niya pinapansin yung mga babaeng lumalapit sa kanya? Remember his eyes! It tells something. Bulong naman ng isa pang bahagi ng isip niya.
At bago pa niya timbangin kung ano ang nararapat gawin, kusa na siyang dinala ng mga paa niya patungong exit na sa tingin niya ay nilabasan ng lalake ilang minuto lang ang nakalipas.
Halos hinalugad niya na lahat ng sulok ng bar, mula sa labas, sa bawat kanto ng parking, sa bawat banyo kahit pa men's room at VIP room ay sinilip niya na. Hindi siya nagpa pigil sa mga bouncer at gurads na pumipigil sa kanya, ngunit wala doon ang lalake.
No! I need to see him again!
At nang bumaba ang tingin niya sa naka kuyom na palad niya, dahan dahan niyang ibinuka iyon at napangiti nang maalala ang kwentas na bigay nito.
.... and I will.
"Candiz! Kanina pa kita hinahanap, alam mo yun! Sabi mo doon ka lang sa bar, but you weren't there! I'm so worried akala ko may tumangay nang lalake sayo! " sunod sunod na sabi ni Maia. Bakas ang pag alala sa boses at mukha nito.
"Ahm, may sinundan lang ako sa labas, pero wala na eh nakaalis na ata" nakayuko niyang sagot.
"Ahm wait.. Is that a diamond necklace? Whoaa it's pretty ba't ngayon ko lang nakita yan?" puno ng paghangang tanong ng kaibigan nang makita ang necklace na ngayon ay suot niya na.
"Actually, yun nanga eh.. Hinahanap ko yung may ari nito, naiwan niya ata, so I think of wearing it para pag nakita niya kunin niya na lang. " sagot ni Candiz.
"Girl, di kaya mapag kamalan kang magnanakaw niyan? Saan niya ba naiwan yang necklace na yan? It's seems so precious at mamahalin.. It's vintage like yung mga sinusuot ng mga medieval queens.." Hinawakan nito ang pendant na nasa bandang dibdib niya habang sinusuri iyon.
"...So it's very impossible na magdadala ng ganoon ang isang lalake sa club at sadyang maiiwan pa.. get my point?" Pagtataka ng kaibigan.
"Well, hindi naman literally naiwan.. Inabot niya sakin while we were dancing and before I could ask, he disappeared.. Hindi ko alam kung saan siya pumunta so I looked for him" paliwanag niya.
"Silly! " natatawang sabi ni Maia sabay hampas nito sa balikat niya. "Eh binigay naman pala sayo eh, baka mayaman lang yun at nagandahan sayo.. Nangyayari talaga yun tulad ng mga manliligaw ko, you know para magpa impress or hanapin natin or magpa misterious" natatawa pa ring dagdag into. "Come on! Let's go home baka hanapin na tayo ni tito.. Malalagot ako"
HALOS matulos si Sebastian sa kinatatayuan niya sa loob ng Club Mellenium. She's here, she's now alive.. She came back. Pagkausap niya sa sarili na hindi pa rin makapaniwala.
Umiinom ito sa may bar. Bagama't may mga pagbabago sa itsura nitto dahil na rin siguro sa paglipas ng panahon kasabay ng fashion at trend, alam na alam niyang si Divine iyon. My love. Her face is as pretty and innocent as ever, ang matang kulay brown na mahahaba ang pilikmata, ang katamtamang tangos nitong ilong, ang labi nitong mapula na nakakaakit tignan. Bagamat may pagbabago sa pananamit at style into, hinding-hindi siya magkakamali sa pagkakakilanlan nito. She is Maria Divina Luna, ang pinakamamahal niya.
Kusa siyang dinala ng mga paa niya palapit sa babaeng matagal na niyang hinahanap hanap. Ang babaeng bumaliw sa tanang buhay niya.
"Hi.. Wanna dance? " tanong niya sa babae.
Nakatitig lang ito sakanya at nang hindi ito makasagot ay kusa niyang kinuha ang kamay nito. Hinayaan naman siya ng dalaga nang hilahin niya ito patungong dance floor. Tamang tama naman ng matapos ang nakaka indak na tugtug at napalitan iyon ng malamyos na musika.
Kusang nagsi-alisan ang mga walang kapareha at tanging ang mga may kapareha lamang ang natira at kasama na sila doon.
"Put your hands on my shoulder, my Divine" bulong niya sa tainga into.
Sinunod naman iyon ng dalaga at siya naman ay humawak sa beywang nito. Dahan dahan namang nag umpisa silang sumayaw.
I knew I loved you before I met you
I think I dreamed you into life
I knew I loved you before I met you
I have been waiting all my life
Banayad lamang ang bawat galaw nila habang magkadikit ang katawan. Hindi niya lubos akalain na ang babaeng pinaka-hanap hanap at pinaka-hihintay niya ay nasa harapan na niya at naisayaw niya pa. No! I can't let her know who I am yet.. I have to take it slow! Bulong iyon ng isip niya. But I think I can drop some hints.. Hmm
"So you came back, I've been looking for you divine" sagot niya sa matiim na titig nito sakanya.
"Sorry but, I think you're dancing with the wrong person. My name is not divine.. I'm not you're Divine" bulong nito na batid niya ay ngayon lamang nag sink-in ang sinabi niya.
In your eyes I see my missing pieces
I'm searching for
I think I found my way home
I know I might sound more than a
little crazy but I believe….
"No I'm not, you are absolutely my Divine.. My salvation" sagot niya na ikinahigpit ng hawak ng dalaga sa mga balikat niya.
Batid niya ang pagtataka at katanungan sa titig into sa kanya.
"Soon, you'll know why. I'm not gonna tell you yet" dagdag niya para hindi na ito magtanong pa.