Chereads / A Hundred Years and Beyond / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

[ "Sebastian! Sebastian! " halos pabulong na

tawag sa kanya ni Divine habang nagtatago sa ilalim ng malaking puno na natatakpan ng mga damo. Kaagad naman niya itong nilapitan at napangiti sa ginagawa ng nobya.

"Nabasa ko ang liham mo na iniabot sa akin ni Anita" sabi nito nang makalapit siya. Si Anita ay ang tanging kaibigan nito na pinapayagang makapasok sa mansion ng pamilya ni Divine.

Simula nang malaman ng mga magulang ni Divine na may relasyon sila ay ikinulong ng mga ito ang anak sa loob ng mansyon.

Hinawakan niya ang kamay ng nobya at buong pagmamahal itong tinitigan.

"Bukas magiging akin ka na.. Bukas wala nang makakapigil saating dalawa, ngunit hindi ako makakatulog ng mahimbing hanggat hindi ko nasisigurong hindi magbabago ang isip mo.. Ibig Kong masiguro na walang sino man ang makakapaglayo sa iniibig ko sa akin. Gayunpaman, buo ang tiwala ko sa iyo kaya naisipan ko ang bigyan ka ng regalo na siyang magpapa-alala sa iyo na ipaglalaban at poprotektahan kita sa kahit na sino man." boung puso niyang pagtatapat sa dalaga sabay ng pag bukas niya sa dalang supot na naglalaman ng kwentas na may pulang diyamante sa gitna.

"Napakaganda" nagniningning ang mga matang papuri ng dalaga.

Sobrang saya ang naramdaman niya sa nakikitang kasiyahan sa mukha ng nobya.

"Maria Divina! Buksan mo ang pinto! " sigaw iyon ni Don Fernando na ama ni Divine.

Nataranta naman ang dalaga.

"Bukas, sa papalubog na araw.. Sa may tabing ilog, hihintayin kita sa ilalim ng malaking puno ng balete." pagkasabi nito ay niyakap siya ng dalaga at hinalikan sa mga labi. "Mahal na

mahal kita Sebastian, hihintayin kita".

Tumakbo ito palapit sa mansiyon at inakyat ang Teresa ng silid nito gamit ang lubid. Kapagkuwan ay lumingon ito sa kanya at ngumiti bago lumapit sa pinto ng silid nito at binuksan iyon.

Kitang kita naman niya ang galit sa mukha ng ama nito.

"Nandito na naman ba ang anak ng espanyol na iyon? Maria ilang beses ko bang sabihin sa iyo na hindi kayo maaring magkaroon ng ugnayan ng lalakeng iyon! Mapang api ang lahi nila! Tayo ay indio lamang hindi tayo nararapat sa kanila! Ano nagkita na naman ba kayo? Sumagot ka Maria! " bulyaw nito sa anak.

"H-Hindi po papa" naluluhang sagot ng dalaga, bakas ang takot sa mukha nito. Hindi ito marunong magsinungaling pero kung

pag iibigan nila ang pag uusapan, gagawin nito lahat.

"Papa..Pilipino si Sebastian, oo espanyol ang ama niya.. Pero dito ho siya ipinanganak at pilipina ang ina niya.. Pa, Mahal ko po si Sebastian, hindi niya ako sasaktan.. Papa pabayaan niyo na ho kami, pakiusap papa" umiiyak na ito habang nakaluhod sa harapan ng ama. Parang pinira piraso naman ang puso niya sa nakikita. Ayaw na ayw niyang nakikitang umiiyak ito.

"Hindi! Ako ang padre De pamilya.. Ako ang masusunod! At kung sabihin Kong hindi puwede, iyon ang masusunod! " sigaw nito sa

anak. Kapagkuwan ay lumabas ito sa silid.

"Bukas, iliigtas kita Divine".. Bulong niya sa sarili.

Napag desisyunan niya nang umuwe na nang may nahagip ang paningin niya. Isang bulto ng lalake na nagmamasid sa may madilim na bahagi ng kakahuyan.

Akmang lalapitan niya ito nang bigla itong mawala. Siya naman ay nagpatuloy na lamang sa paglalakad pauwi sa isiping guni

guni niya lamang ang nakita.

Nagmamadaling nagtungo si Sebastian papunta sa tagpuan nila ni Divine. Papalubog na ang araw at alam niya nag hihintay na roon ang nobya.

"Sa wakas, magtatanan na tayo Divine. Magpapakasal tayo at bubuo ng masayang pamilya." Napangiti siya sa naisip, wala nang

pagsidlan ang kasiyahan niya ng sa wakas ay makakasama niya na rin ito.

Nagpapasalamat siya dahil wala itong bantay ngayong araw dahil isinama ang mga guwardiya nila ng magulang nito sa bayan dahil may pagtitipon ang mga katepunero sa bayan. Isa sa meyembro ang ama ni Divine kaya kinailangan ito sa pagtitipon.

Kasalukuyang nagkakagulo ang buong Pilipinas dahil sa rebolusyong nagaganap kaya Malaya si Divine na nakaalis ng bahay na walang naghahanap pagkalipas ng ilang minuto na hindi ito matagpuan sa mansiyon.

Nasa dalawang daan metro din ang layo ng bahay niya sa tagpuan nila ng nobya kaya mabilis niyang tinakbo ang daan para kaagad na makarating sa may ilog kung saan naroroon at naghihintay ang dalaga.

Nabalot ng kaba at sakit ang puso ni Sebastian nang makarating siya sa kanilang tagpuan. Hindi siya makapagsalita sa nakita..

Nakahiga si Divine. Ang suot nitong damit na kulay puting bestida ay nababalot ng dugo mula dibdib pababa sa may tiyan nito.

Halos liparin niya ang pagitan nila papunta sa lalakeng naka itim na may hawak na patalim. Puno iyon ng dugo habang ang lalakeng may hawak noon ay tila nasisiyahan sa nakikita. Tila hindi nito napansin ang presensiya niya.

"Hayop ka! Anong ginawa mo sa kanya! Magbabayad ka! " Sigaw niya na puno ng galit.

Pinagsusuntok niya ito at pinagsisipa. At dahil sinanay naman siya sa pakikipaglaban kaya

hindi nakalaban ang lalake.

"Bakit mo ginawa ito! Sabihin mo! " Sigaw niya na puno ng galit.

Tumawa lang ito "panganib siya sa uri namin" kapagkuwan ay sinabi nito. "Muli siyang mabubuhay, muli siyang babalik.. At muli namin siyang hahanapin"

Nahagip ng panging niya ang tattoo nito sa leeg. Simpleng mga guhit lang iyon na batid niya ay isang simbolo na ito lamang ang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng lalake. Ngunit sa tingin niya ay isa ito sa mga sundalong espanyol na pumapatay ng kahit sinong Indio na makikita nito.

Duguang nakahandusay na ang lalake. Sinulyapan niya ang nobya saglit ngunit nang ibalik niya ang tingin sa lalakeng pumaslang sa nobya ay wala na ito roon. Malamang ay tumakas na ito.

Dali dali niyang nilapitan ang dalaga at pinaunan sa mga hita niya. Mahina na ang paghinga nito.

"Hindi! Hindi! Divine huwag mo akong iiwan! Magpapakasal pa tayo hindi ba.. Gagawa pa tayo ng pamilya" umiiyak na siya habang binibigkas ang mga katagang iyon.

"Pa-patawarin m-mo ako Sebastian." Nakahawak na ito sa mukha niya at umiiyak, bakas sa mukha ang panghihina nito.

"Ipagako mo sa akin, ipa-ipagpatuloy mo ang buhay mo. At kapag nabigyan ako ng isa pang pagkakataon na mabuhay muli, ikaw at ikaw ang mamahalin ko. " bakas sa mukha nito ang hirap at sakit.

"At kung mangyare man iyon,sana ako pa rin ang mahalin mo. K-kunin mo itong kwentas na ibinigay mo. Sana ito ang magpapa alala sa iyong nais kong palagi mong aalagaan at poprotektahan ang iyong sarili. I-ipinapangako Kong m-mamahalin kita kahit na sa kabilang buhay" Pilit nitong ibinubuka ang mga mata nito na tila gusto nang sumara.

"Patawarin mo ako..nangako akong poprotektahan kita pero hindi ko nagawa.." humihikbi niyang sagot. "Pangako Divine, kung sana lang ipagkaloob sa atin ang isa pang pagkakataon upang makasama pa kitang muli." Isinubsob niya na ang mukha sa gilid ng leeg nito. "Hindi..hahanap tayo ng manggagamot. Huwag ka lang bibitaw Divine.. Hihingi ako ng tulong" aniya na natataranta. Hindi niya kayang iwan siya nito.

"Shh.." Anang dalaga sabay ang hawak nito sa mukha niya. "Hindi na ako tatagal Sebastian, ngunit bago ako umalis ayaw kong nakikita kang umiiyak. Pa-pakiusap ..Mangako kang aayusin mo ang buhay mo" anito. Kahit nasasaktan ay pinilit niyang tumango.

"Huwag kang mag alala sayo at sayo pa rin ang kwentas na ito na magpapa alala rin sa akin tungkol sa pagmamahalan natin.

Hihintayin kita Divine, at pangako ikaw lamang ang mamahalin ko habambuhay. " dagdag niya habang mahinang umiiyak at matiim na nakatitig sa mukha ng dalaga.

Minememorya ang imahe at bawat sulok niyon.

"Patawad S-sebastian, hindi ko mat-tutupad ang pangako Kong masayang pa-pamilya sa iyo. Ipagd-darasal ko'ng mabuhay muli n-nang sa ganun ay hindi na k-kita iiwan pang muli" hirap na itong magsalita at madalang na ang paghinga. "Mahal na mahal kita" pagkasabi niyon ay pumikit na ito.

"Divine..! Divine!.. Gumising ka, huwag mo akong iiwan" halos mapasigaw na siya at napahagulgol. ]

Gaano nga ba ka sakit ang maiwan ng taong pinakamamahal?

Napapikit nalang si Sebastian nang maalala na naman ang nangyari sa babaeng pinakamamahal niya. Sobrang nangulila siya dito. Halos lahat ng bansa ay napuntahan niya na mahanap lang ito. Walang araw na hindi niya ito naalala, at ang tanging hawak niya lamang na bagay na naiwan nito ay ang kwentas na pinaka iningat ingatan niya.

Ang kwentas na ibinigay ko sayo bago moko iniwan. A symbol of our love, and a promised to protect the beholder. You promised to love me till you have given another chance to live. At nangako akong mamahalin ka habambuhay. And now that you're back, it's time to give it to you, once again.

Hinawakan niya ang kamay ng dalaga na matiim pa ring nakatitig sa kanya. He bet she's lost in his eyes, isa iyon sa mga gifts na nakuha niya back when he's turned, nararamdaman niyang wala ito sa tamang huwisyo. Inilagay niya ang kwentas sa kamay nito at bago pa ito makapagsalita ay dali dali niya itong iniwan.

I badly wanted to hold and kiss you.. But I just can't, not yet. Ayokong mahalin mo ko dahil sa ating nakaraan. Gusto Kong mahalin mo ako sa kasalukuyan.