"How can y-you do this to....me?!" I said hysterically while my eyes are filled with tears.
I can't believe this is actually happening to me, I gave him loyalty yet he hurt me. He cheated on me with my best friend. Sa ilang buwan na minahal ko siya ng buo, ginagago niya lang pala ako, ginagago lang nila ako.
"I'm sorry... Cath. I didn't mean to hurt you" sabi ni Claire
"Nagawa mo na!" Sabay tingin ko kay Claire
"Tapos na tayo Rojan, sana maging masaya kayong dalawa" pagtapos kong sabihin sakanya ang mga salitang yan ay tumalikod na ako para umalis ng party.
Kahit na apat na buwan palang kame pero minahal ko siya ng totoo. He was my first boyfriend.
Akala ko pa naman sasaya ako ngayong prom pero may malalaman pala ako. Kung hindi dahil sa ate ni Rojan ay di ko pa malalaman na ginagago na nila ako. Her sister texted me that she saw Rojan and Claire at their house, kissing! Wtf?! Akala raw ni ate Shez na baka may group study kame kaya naroon si Claire pero nagtaka siya na wala ako at dun na niya nakita silang dalawa.
Nakaupo ako ngayon sa mesa namin, may biglang nag salita sa tabi ko kaya nagulat ako.
"Hey are you alright? Malalim ata ang iniisip mo't nakatulala ka riyan" aniya
Siya si Jansien Vaughn Castillo, crush ko simula pa nung grade 7 pero never magkakagusto saakin dahil bestfriend lang turing niya saakin.
"Ahh nalaman ko kasi na niloloko ako ng boyfriend at bestfriend ko eh"
"Oh.. sorry. That sucks, sinabi ko na kasi sayo na iba ang aura nung Rojan na yun eh"
Oo na, alam ko na. Kasalanan ko na ang lahat, sinabihan na kasi ako ni Vaughn na hindi niya gusto para saakin si Rojan pero pinilit ko pa. Kaya ngayon nasasaktan ako.
"Please not now, wag mo muna akong pagalitan" sabi ko ng malungkot, ano ba naman kasi 'tong si Vaughn imbes na icomfort ako eh pinagagalitan pa.
"Hindi kita pinagagalitan, i'm just stating the fact noh and besides madami pa namang ibang lalake jan kaya let's enjoy the party"
Hinila niya ako papunta sa dance floor, lahat na kasi ng mga studyante ay sumasayaw. Bukas na nga ako mag mumukmok, sa ngayon ieenjoy ko muna 'to.
Natapos ang gabi ko sa prom na kasama lang si Vaughn, nagulat nga rin ako bakit hindi niya ako iniiwan. Dahil na din siguro sa naaawa siya saakin, nawalan na nga ako ng boyfriend, nawalan pa ng bestfriend.
Sumabay na ako kay Vaughn sa pag uwi dahil malapit lang din naman ang bahay namin sakanila. Galing sa bahay nila, mga ilang lakaran lang ay bahay na namin kaya mas maayos na 'to kaysa mag bayad pa ako sa pamasahe.
Bumaba na ako ng kotse nila, nag offer pa siya na ihahatid niya ako sa bahay namin pero umayaw na ako. Gusto ko rin kasing mapag isa ngayon.
Habang nag lalakad ay hindi ko mapigilan ang sarili sa pag iyak dahil sa nangyari. May iilang tumitingin saakin kapag nadadaanan ako. Galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon siguro dapat ko lang talaga itong iiyak para bukas ay wala na.
Nakapasok na ako sa bahay, buti nalang nasa business trip sila mommy at daddy ngayon kaya hindi nila ako makikitang nagkakaganito.
Natapos na akong maligo at mag ayos, hawak ko ang cellphone ko. Tinitingnan ko ang mga pictures naming dalawa ni Rojan at nung tatlo kame nina Claire at Rojan. Itong mga panahong ito siguro ginagago na nila ako, nagulat nalang kasi ako isang araw na close na sila ni Rojan. Wala lang yun saakin, mas okay nga yun kasi close din sila ng bestfriend ko. Nag tiwala ako kay Claire pero mas pinili niyang sirain yun.
Siguro pinagtatawanan lang nila akong dalawa, habang ako walang ka alam-alam na may namamagitan na pala sakanilang dalawa. Ang tanga ko, bakit hindi ko yon napansin.
Nagising ako at tiningnan ang oras, mag eeleven thirty na at walang pasok ngayon dahil nag bigay ang school ng rest day sa mga estudyante. Naisip kong papuntahin ko nalang dito ang mga kaibigan ko, syempre hindi na kasali si Claire dun. Inabot ko ang phone ko at nag tipa ng message para sakanila.
Me
Hey girls, tara dito sa bahay. May ichichika ako.
Ilang minuto palang ang lumipas ay nag reply na sila.
Lyca
Going...
Carlo
Goo!
Jeighmi
Anong chika gurl?
Samantha
Dito na
Maliban kay Vaughn sila ang mga bestfriend ko, apat kameng babae at dalawa naman ang pusong babae. Since hindi ko na bestfriend si Claire, tatlo nalang kame.
Sinabihan ko muna si Sam na antayin ako dahil maliligo't magaayos muna ako.
Pagtapos kong maligo at mag ayos ay dumiretso na ako sa kusina. Alam ko kasi na ito lagi ang spot ni Sam. She is my first cousin slash bestfriend, 1 year lang ang age gap namin kaya sabay na kameng lumaki at lagi kameng magkasama. Ang iba naman ay kapitbahay slash childhood friends kaya sobrang close namin. Family friend naman namin ang family nila Claire dahil magkasama ang tatay niya at papa ko sa academy.
"Huy nag luto ako para sayo, I bet wala ka pang breakfast" maligayang sabi ni Sam.
Alam niya talaga ang oras ng gising ko kapag walang pasok kaya hindi na ako nagulat nung sinabi niya na nandito na siya sa bahay kanina.
"Thanks couz" tipid kong sagot
"So ano nga yung chika mo? Break na kayo ni Rojan?... Nag cheat siya 'noh?" Sunod sunod na tanong ni Sam.
Sa pang-huling tanong niya ay napatingin ako sakanya. Biglang lumaki ang mata niya at tinakpan ang bibig.
"Holy crap! Totoo? Nag cheat siya sayo?!" Kita na sa itsura niya na galit siya.
"Yup"
"Anak ng p*ta! Sinasabi ko na nga talaga, iba talaga feeling ko sakanya nung una palang eh. Bwisit siya, kapal niya ahh!!" Hindi mapigil ang mura niya dahil sa gulat at galit.
"Di mo tatanungin kung kanino?" Tanong ko sakanya.
—————————