Chereads / Destined with HER / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

"Kanino?..." hindi ako sumagot dahil alam ko na ang iniisip niya pero hahayaan ko siyang sabi yun

"Don't tell me..." Wala pa akong sinasabi pero parang kilala na niya kung sino yun.

Tumango ako bilang sagot dahil lahat naman sa barkada namin alam na sobrang landi ni Claire.

"What the fuck!.. Not that I don't expect pero sayo niya ginawa. Ang kapaaaal!" Natatawa niyang sinasabi.

Tumawa nalang din ako dahil sa mga iniisip. Wala na akong maramdamang sakit sa dibdib dahil sa nangyari. Para bang naka move on na ako agad, siguro nga mas madaling makamove on kapag niloko ka dahil alam mo na wala na talaga. Tsaka ako din naman nag end, hindi ko din hahayaan ang sarili ko na magpakatanga sa 4 months ko palang na boyfriend.

"Ang kapal talaga ni Claire noh hahaha" tawa lang kame ng tawa ni Sam habang kumakain ako.

Ilang sandali lang ay narinig kong bumukas ang pintuan, niluwa roon ang mga kaibigan ko na nagsisi tawanan rin.

"Oy ano yan, kayo ha binabackstab niyo si Claire ano?" Sabay tawa ni Carlo, ang isa sa bakla kong kaibigan.

"Kung alam niyo lang hahaha" agap ni Sam

"Ay oo nga, anong chika mo bes?" Tanong ni Jeighmi

"Niloko ako ni Rojan kay..." sabay taas ng kilay at tawa

Tumawa kame ni Sam ng malakas at alam na nila kung anong meaning non

"Seriously!?" Si Lyca ang nagsalita

"How true" Si Carlo naman

Nagulat sila pero hindi naman sobra dahil kilala namin si Claire at nakita na rin namin siyang lumandi at umagaw ng boyfriend ng iba.

Sinabayan na rin nila akong kumain ng brunch dahil alam kong mga patay gutom 'tong mga 'to.

Buong araw wala kameng ginawa kundi kumain at mag chikahan, dahil sa mga bestfriends ko eh parang wala lang ang break up namin ni Rojan. Parang di na big deal para saakin dahil na rin siguro na nag cheat siya kaya may reason ako para mag move on agad.

Chinallenge rin ako ni Lyca na mag boyfriend raw for 1 month, kaso ayoko. Hindi dahil broken ako pero hindi ako ganun, sinasama lang nila ako sa mga kalokohan nila sa relasyon. Sa mag babarkada ako lang 'tong seryoso sa relasyon, lahat sila pinag lalaruan lang ang mga lalake.

"Oy rine, may irereto ako sayo gusto mo? Type mo 'to. Dali na" sabi ni Carlo

"Nako, ayan nanaman kayo ha. Bahala ka oy" mga galawan kasi nila eh, galawang nantitrip. Ako lang talaga ang kj sa lahat. Paano namang hindi eh iba ang tingin ko pag sinabing relationship, seryoso ako dun.

"Hindi nga, seryoso kasi 'to. Naghahanap din 'to ng long term relationship"

Dahil sa huling sinabi ni Carlo, parang umokay ako dun pero kakatapos lang ng relasyon ko tapos sasabak agad ako ulit. Parang wala ng panahon na ayusin ko ang puso ko ah. Pero sige nga. Desperado eh hahaha

"Patingin" tanging sabi ko na agad naman nilang ikinatuwa. Kung hindi lang talaga ako niloko ng gagong yun eh di ako maghahanap agad.

Inabot na saakin ni Carlo ang phone at pinakita ang picture niya. Wala akong naramdaman nung pinakita nila saakin ang picture, wala akong gana.

"Pass" pag yan ang sinabi ko, alam na agad nila na hindi ko bet ang lalake. Kahit gwapo o macho pag hindi ko gusto, hindi talaga.

"Jusq naman Catherine Euneeqa ano ba gusto mo?!" Pagalit na medyo natatawang tanong ni Jeigmi.

"Baka gusto niya yung tipo ni Jansien" sabi naman ni Sam, sabay tawa nilang lahat. I just rolled my eyes at them as an answer.

"By the way, alam mo ba may gusto sayo si Jansien" patiling sabi ni Carlo. Pag Jansien talaga ang topic kilig na kilig talaga tong si Carlo. Matagal na kasi niyang crush si Jansien.

"I didn't know it until today" sabi ko nalang. What a shocking news! Pero siempre hindi ko pinahalata sa kanila na nagulat ako dahil kukutyain nila ako.

May naisip na ideya si Carlo na hindi na namin ikinagulat dahil ganito siya, lahat gagawin niya mapansin lang siya ng crush niya.

"Kung bigyan mo nalang kaya ng chance si Jansien, Cath" aniya

"Ano ka hibang? Paano ka rin nakakasiguro na may gusto yun saakin noh" pagkasabi ko nun ay lahat sila tumawa na para bang may nakakatawa sa mga sinabi ko. Aba aba!

"Manhid ka ba frend or nag bubulagbulagan lang?" Tanong niya

Ano bang pinagsasabi nitong baklang to at hindi ko na siya maintindihan.

"Couz, totoo ang lahat ng sinabi ng vaklang toh" sabi naman ni Sam

"Lol, so paano niyo nga nalaman?" Tanong ko naman

"Nung una palang may tama na yun sayo. Hindi mo ba napapansin everytime na mag kakaroon ka ng boyfriend biglang nawawala?" Si Lyca naman ang nagsalita

"Oh tapos?" Pagmaldita ko sakanila

"And everytime you broke up, anjan na siya sayo ulit" si Jeighmi

"Naalala mo nung birthday mo?" Tanong ni Sam

"What about that?"

"Siya lahat gumastos nun, pero ayaw niyang ipasabi dahil nahihiya raw siya" aniya

"Ngayon sabihin mo saamin kung di ka gusto nun" singit ni Carlo

"So ganito nalang, bigyan mo siya ng chance at sagutin mo para maging close na kame ng tuluyan" kilig na sabi ni Carlo, ang landi!

Okay naman siguro kung bibigyan ko siya ng chance para sa kaibigan ko diba? Pero bestfriend ko din si Jansien. Bahala na nga sila bakit ko pa ba 'to iniisip.

Hindi naman ako totally angel sa relasyon, nakailang trip na rin ako pero hindi kasing grabe ng mga ginagawa nila. Pag gusto kong maghiganti, gagawin ko. Tulad nung nakaraan, pinaiyak ni Anton si Lyca kaya pinagtripan ko siya. I do it because I have my reasons.

"Pagiisipan ko"

Pero dito hindi ako sigurado kung may rason ba ako. Kung pipiliin ko bang saktan si Jansien o hindi. Nababothered ako dahil sa mga nalaman ko ang hirap hindi isipin.