Paalala: Lahat ng mga tao, lugar at pangyayari sa kwentong ito ay pawang emahinasyon lamang ng manunulat.
-------------------------------
Napatayo si Kyrl sa kanyang kinauupuan nang makita ang paglapit ng kanyang hinihintay sa loob ng McDonald's.
"Hi, ma'am Retchel, " bati niya sa dati niyang guro na halos tatlong taon na niyang di nakita dahil pumunta ito sa ibang bansa. "Lalong gumaganda ah." nakangiti nyang wika na ikatawa nang bahagya ni Retchel saka siya nito niyakap ng mahigpit. "Hello, attorney." bati rin ni Kyrl sa kasama ni Retchel na nobyo nito. Tumango si Attorney Abad at nakipagkamayan sa kanya. Talagang napakatahimik ng taong ito kaya sanay na si Kyrl na tango lang ang nakukuha mula rito kapag ito ay kinakausap. Minsan lang ito nagsasalita sa harap ng ibang tao tila ba napakamahiyain nito. Naisip nga minsan ni Kyrl kung paano ba ito naging abogado. Minsan na rin niyang naisip na napaka reserve lang siguro ni attorney Abad at inaanalize na ang mga taong kaharap nito. Magaling na attorney si Attorney Abad at marami na itong napanalong kaso.
Naupo na silang dalawa ni ma'am Retchel nya habang ang nobyo nito ang nagoorder ng kanilang pagkain. Nagkwentuhan lamang sila ng dating guro tungkol sa mga kaganapan sa buhay nito sa New Jersey at kinakamusta rin sya nito. Noong isang linggo pa pala ito nakabalik sa Pilipinas at talagang namiss nitong kumain ng fries at chicken fillet sa Mcdonald na siyang paborito nilang kinakain noong nagtuturo pa ito sa paaralang pinapasukan ni Kyrl. Madalas nagpapadeliver pa sila at minsan nagdadala rin si attorney Abad ng fries at chicken fillet sa teacher's faculty at talagang nililibre pa nito ang mga kapwa guro ni ma'am Retchel. Minsan sa Jollibee rin sila o di kaya sa Mang Inasal.
Habang kumakain patuloy lamang ang kwentuhan nila ni ma'am Retchel hanggang sa natanong nya dito kung kailan ito balak magpakasal. Ngumiti ang kanyang guro at namula ang mga pisngi nito. Maging si attorney Abad ay namumula rin. "Next month, magpapakasal na kami." masayang wika ni Retchel.
"Wow, congratulations to the both of you ma'am, attorney." Halos pumalakpak pa sya dahil sa narinig. Isa rin kasi sya sa mga witness nang pagmamahalan ng dalawa. Nagpasalamat ang dalawa. "Naku, attorney magiging misis mo na talaga si ma'am after 3 long years!"
Napangiti ang abogado at tumingin kay Retchel. "Oo nga eh." maikling wika nito sabay hawak sa kamay ng nobya. Naisip ni Kyrl habang nakatingin sa dalawa, may chance kaya na makakahanap din sya ng ganitong pag-ibig? Talaga palang may mga taong lubos magmahalan subalit hindi nya maisip kung mangyayari ito sa kanya. Para bang hindi sya nakatadhanang mahalin o baka di rin sya nakatadhanang makahanap ng life time partner. Siguro nakatadhana siyang maging single forever. Syempre ayaw nyang maging single forever pero after ng three-week first relationship nya hindi na sya nakipagrelasyon at tila manhid na sa pagibig. First boyfriend nya cheater kaya para bang ayaw na nyang magnobyo pa. Bitter nga siguro sya? Pero hindi naman, sadyang ayaw na nyang magmahal dahil nakakatakot masaktan.
"So, Kyrl gusto mo bang magwork?" tanong ni Retchel sa kanya habang kumakain sila ng McDo sundae.
"Oo naman po. Simula nang nagpunta ka po ng New Jersey nawalan na ako ng part-time job." sagot nya rito.
"Anong year ka na nga, Kyrl?" tanong ni Attorney Abad sa kanya.
"3rd year pa po, attorney."
Tumingin si attorney kay ma'am Retchel na tila nag-uusap ba ang dalawang ito gamit lamang ang kanilang mga mata. "I have a job offer." sa wakas ay wika ni attorney Abad.
"Talaga po? Wow, maraming salamat po." napakasaya ni Kyrl kasi sa wakas ay may trabaho na ulit sya.
"Ano class schedule mo?" tanong ni Retchel sa kanya.
"Thursday to Friday po ma'am. At may night class ako tuwing Tuesday."
"Loaded ka ha. Kaya mo kaya?"
"Oo naman po attorney kay sa naman sa bahay lang ako nakatambay from Monday to Wednesday."
"Okay, so pumunta ka sa opisina ko bukas kasi ipakikilala ko sa iyo ang magiging boss mo." Wika ni attorney. Minsan lang nagsasalita si attorney Abad kaya natutuwa si Kyrl kung nagsasalita ito nang mahabahaba. "You will be a secretary of my cousin. He is joining me in my office for the past years and since mabubusy na kami ni ma'am mo sa coming wedding yung pinsan ko na lang ang nasa opisina." Dagdag pa nito.
"He is clever but still he needs a secretary since ang secretary nila ay magprapracticum na rin this coming second semester, next three weeks na ata ang start ng practicum niya after ng semestral break. " Sabi ni Retchel.
"Ah oo nga po, naikwento nga po ni MJ sa akin." sabi ni Kyrl. Ang secretary ni attorney Philip Abad ay nakilala na rin ni Kyrl noong student assistant pa siya ni Retchel. Second year pa lamang si MJ noong nagsimula itong magtrabaho bilang part-time secretary sa Abad and Villaflor Law office. "Salamat po sa offer nyo. Pero ano po ba ginagawa ng secretary?"
"You'll know those things tomorrow. Anyway, it's not that hard. MJ will guide you. " Nakangiting wika ni attorney Abad.
Matapos silang kumain ay nagpasya pang mamasyal sa Bay walk malapit sa lugar ang magnobyo habang si Kyrl ay nagpaalam nang maunang umuwi. Alas otso y media na rin kasi at kailangan na nyang umuwi kasi sigurado syang magiging traffic na naman pauwi dahil sa inaayos na tulay sa may Tabunok, Talisay City Cebu.
Kakababa lang ni Kyrl sa jeep nang ilang metrong layo lamang ay makita nya ang papalapit na motorsiklo na muntik nang bumangga sa matandang babaeng tila nagdadalawang isip na tumawid sa kalsada. Mabuti nalang ay nakaliko ang motorsiklo at doon ito nabangga sa isang kotseng nakaparada malapit sa isang pharmacy. Nabitawan ng matanda ang dala-dala nitong mga plastic bags dahil siguro sa pagkabigla at ang driver naman ng motorsiklo na may edad na rin ay natumba kasabay ng kanyang motor. Napakabilis nang pangyayari na tila ba isang sigundo lamang at isang pulgada lamang ang layo ni lola sa motor. Dali-daling tumakbo palapit si Kyrl sa matatandang babae.
"Naku, lola okay lang ba kayo?" Mabilis nyang dinampot ang mga plastic bags ng matanda at inabot ito sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ng matanda at tinanong ulit kung maayos lang ba ang lagay nito.
"O-okay lang ako. Dios ko, akala ko masasagasaan na ako." Sabi ng matandang babae at napahawak pa ito sa dibdib.
Sunod na nilingon ni Kyrl ang matandang lalaki na tila ba nahihirapan sa pagpapabangon muli ng kanyang motor. "Lo, may masakit ho ba sa inyo?" Tanong ni Kyrl sa matandang driver habang tinutulungan itong itayo ang motorsiklo. Napansin naman ni Kyrl ang paglabas ng isang nakalongsleeve na lalaki mula sa pharmacy na malapit sa lugar at mabilis itong lumapit sa kanila.
Lumapit ang lalaking nakalongsleeves na puti sa kanila at tinulungan silang itayo ang malaki at mabigat na motorsiklo. Nasa tabi nya ang lalaki nang itayo nila ang motor at naamoy nya ang napakabangong pabango nito. Halos mapaatras naman sya nang mahawakan ng lalaki ang kanyang kamay sabay hila paitaas ang motorsiklo. Para syang kinikilig na kung ano. Napatingin sya sa mukha nito. Aba-aba kay pogi naman ng kanyang natitigan.
"Are you okay, miss?" tila ba nagising ang kanyang diwa nang magsalita na ito.
"Ha, eh ano ako?" Nauutal nyang wika. Bakit nga ba sya nauutal? Dahil ba sa gwapo ang kaharap nya? Marami na syang nakikitang gwapo at siguro mas gwapo pa sa lalaking ito. Nababaliw ata siya. "I'm okay. Okay lang ako, si lola kasi muntik nang mabangga ni lolo buti nalang nailiko ni lolo ang kanyang motor." sa wakas ay bumalik na siya sa kanyang katinuan.
Lumapit naman ang matandang babae sa matandang lalaki at humingi ng pasensya.
"I see." sagot ng lalaki saka binaling ang atensyon sa dalawang matandang naguusap. "Lola, lolo okay lang ba kayo? Do I need to bring you to the nearest hospital?" tanong ng lalaki sa mga matatanda.
"Naku, sir maayos lang ho ako. Kasalanan ko naman talaga kasi nagdalawang isip akong tumawid. Ngayon lang kasi ako ulit nakapamalengke mag-isa. Madalas kasi kasama ko yung apo ko kaso ngayon may lagnat ho kasi sya kaya ako nalang ang lumabas. Di kasi ako nakakakita ng malinaw, alam nyo na matanda na ako." mataas na paliwanag nito sa kanila. "Pasensya na talaga." baling ng lola sa matandang lalaki.
"Naku, okay lang." sabi naman ng lolo. "Ang problema ko nalang ngayon ay ang may ari ng kotseng ito." dagdag nito sabay hawak sa parte ng kotse na nagasgasan dahil sa nabangga ito ng kanyang motorsiklo.
"Bakit po? Ano ho bang problema?" Tanong ni Kyrl.
"Kailangan kong bayaran ang damage nito kasi malaki laki rin ang gasgas oh at saka natanggal pa ang plate number." sagot ng matandang lalaki sabay naman ang pagpulot nito sa plakang nahulog sa semento. "Siguradong mahal ang bayad nito." namomroblemang wika ng matanda.
"Naku, lolo kakausapin na lamang natin ang may ari ng kotse at humingi tayo ng tawad." sabi ni Kyrl.
"Pasensya ka na talaga." sabi naman ulit ng matandang babae.
"Teka, hwag na ho kayong mag alala tutulungan ko po kayong kausapin ang may ari ng kotseng to." Sabi niya. "Sino kaya ang may ari nito? Siguro naman mabuting tao yun. Sa tingin nyo po ba oobra ang ganda ko sa kanya?" nagawa pa nyang magbiro na ikinatawa na lamang ng dalawang matanda.
Napalingon silang tatlo sa may bandang likuran nya nang may narinig silang lalaking tumikhim. Nakita nya ang lalaking tumulong sa kanila kanina. Akala pa naman nya ay nakaalis na agad ito. Hindi na nya napansin na nasa likuran lang pala nya ito nakatayo.
Lumapit ang lalaki sa matanda. "Hwag na po kayong mag alala, ako na po ang bahala dito. Ipapaayos ko nalang po itong plaka bukas saka kunting spray paint lang ang katapat ng gasgas na yan." wika nito.
"Naku po sir, kayo ho ba ang may ari ng kotseng ito? Naku, pasensya na po talaga kayo hindi ko po sinasadya."
"Oo sa akin po itong kotse." sagot ng lalaki. "Ako na po ang bahala huwag ho kayong mag alala." dagdag nito. Labis ang pasasalamat ng matandang lalaki sa binata. Halos maiyak na ito sa tuwa. Siguro ang pagmomotor lang din ang hanap buhay nito kaya naman talagang mahirap lang ito sa buhay. Mabuti nalang ay mabait ang may ari ng kotse. Bago umalis ang matandang lalaki dala ang kanyang motor ay nagpasalamat ulit ito sa binatang lalaki.
Nakatingin lamang si Kyrl sa pangyayari at nakinig sa pag uusap nila. Hindi nya napapansin na nakangiti na sya habang nakatingin sa mga ito. Mas lalo pa syang namangha sa lalaki ng tinulungan nitong makatawid ang matandang babae. Bitbit ang maliit na plastic na galing sa pharmacy, huminto ang lalaki sa kanyang harapan. "Salamat po sa pag-intindi mo kay lolo at lola." simula ni Kyrl. "Napakabuti nyo po."
"Hindi naman nya kasalanan yun. Mas nakakalungkot kung nabangga si lola buti nalang yung sasakyan ko lang ang nabangga niya." Nakangiting sagot nito.
"Oo nga. Sige sir, mauna na ako." paalam ni Kyrl. Tumango lang ang lalaki at pumasok na sa kanyang kotse. Nagsimula na namang lumakad si Kyrl papunta sa sakayan ng trisekel upang makauwi na sa kanyang boarding house subalit di mawala sa kanyang labi ang ngiting kanina pa nakaukit dito. Tila ba manghang mangha sya sa ipinakitang kabaitan ng binatang estrangherong nakasalamuha nya kanina na hanggang ngayon ay di pa rin nya malimutan ang itsura.
May nobya na kaya ito? May asawa kaya? Siguro nasa late 20s or early 30s sya? 25? 27? Ano kaya ang pangalan nya?
Napokpok ni Kyrl ang sariling ulo dahil sa kanyang naiisip. "Nababaliw ka na Kyrl. Umuwi ka na. Itulog mo lang yan." sabi nya sa sarili saka umakyat sa harapang bahagi ng trisekel.