NAGMAMADALING pumasok si Kyrl sa Phalm building, isang four storey building na nasa Lipata, Minglanilla Cebu. Malakas ang ulan kaya labis nalang ang kanyang pagmamadali nang makababa sya mula sa jeep. Mabuti nalang at malapit lang sa kalsada ang naturang gusali.
"Good morning ma'am." Bati ng guwardya habang pinapagpag niya ang kanyang maruming sapatos sa basahang nasa sahig.
"Good morning din po." bati nya pabalik.
"Saan po kayo?" Tanong ng guwardya sa kanya.
"Sa law office, Abad and Villaflor Law Office po." sabi nya.
"Ahh okay po. Nasa second floor po, ma'am ."
"Salamat." sabi niya at mabilis na tinungo ang hagdanan. Ayaw na niyang magelevator kasi nasa second floor lang naman ang opisina.
Nang makarating na siya sa loob ng opisina binati siya ng sekretarya ni attorney Abad na si MJ.
"Dito ka muna. Sasabihin ko lang kay attorney na nandito ka na." Nakangiting wika nito. Naiwan syang nakaupo sa maitim na malaking sofa na nasa loob nang opisina habang ang kaibigan ay nagpunta sa isang pribadong silid kung saan namalagi ang kanyang boss. Mabait si MJ at madalas nyang naririnig mula rito ang panay na pagpuri sa among abogado. Matulungin si attorney Abad at maging ang magiging misis nito. Balita nya na ang partner nitong abogado na si attorney Villaflor ay napakabuti ring tao ganoon narin ang asawa nito. Nakita na nya minsan si attorney Villaflor subalit itong sinasabing pinsan ni attorney Abad ay hindi pa niya nakasalamuha. Sana naman ay mabait din ito gaya ng iba.
"Kyrl, pumasok ka na raw sa office ni sir. Naghihintay na sila sayo." wika ni MJ nang makabalik ito sa kanyang mesa na nasa harapang bahagi ng opisina, front desk.
"Thank you." sabi nya at tinungo ang pintuan ng pribadong silid. Mahina syang kumatok saka pumasok sa loob.
"Good morning po attorney." bati nya sa abogadong nasa unahang mesa. Sinenyasan siya nitong pumasok na kanya namang tinugon agad. Napatingin sya sa lalaking nakaupo sa isa sa mga single sofas na nasa harap ng mesa ni attorney Abad. Nanlaki ang kanyang mata nang makilala ang lalaking nakaupo dito.
"Hello, good morning." bati ng lalaki sa kanya. Hindi sya nakasagot kaagad sapagkat hindi siya makapaniwalang makikita muli ang estranherong lalaking nakasalamuha nya kagabi.
"Kyrl, this is my cousin Nico. Attorney Nicholas Villarias." pakilala ni attorney Abad sa kasama. "Nico, she's Kyrl Castro, yung naikwento kong magiging secretary mo dito sa office during Mondays to Wednesdays." dagdag pa nito.
Tumayo naman ang lalaki at naglahad ng kamay sa kanya. "Nice to meet you again, miss Kyrl." sabi nito.
"Hello po sir." Tinanggap nya ang kamay nito at nakipagkamayan. Sinenyasan syang maupo sa harapan nitong upuan na kanya namang tinugon.
"Nagkakilala na ba kayo?" nagtakang tanong ni attorney Abad.
"We met last night, tito. That was a long story to explain." paliwanag ni Nico sa tiyuhin.
"I see." sabi ni attorney Abad. "O sya sige maiwan na namin kayo dito sa opisina. May pupuntahan muna akong appointment, isasama ko na si MJ. Kyrl, doon na ang table mo sa table ni MJ kasi last day na naman nya ngayon."
"Sige po attorney. Salamat." ngumiting sabi nya.
"Okay tito, I will take care of her." wika ni Nico. Napatingin naman sya sa binata tila ba kay sarap pakinggan ng mga salitang iyon. "I will orient her today nalang po tito." dagdag nito.
"Good, then I'll be leaving now." Tumayo na ang abogado dala ang sling bag nito. Tumayo naman si Nico at pinagbuksan ng pintuan ang tiyuhin.
"So, do you have an experience in secretarial?" Tanong ni Nico sa kanya nang makaupo ito ulit. Sila na lamang dalawa sa loob ng opisina at tila ba kinakabahan sya baka ano pa ang lumabas sa kanyang labi na di magugustuhan ng bagong boss. Napakadaldal pa naman nya.
" Honestly, wala po sir. But I am willing to learn, madali naman po akong natutoto." sagot nya at pinapalagay ang sariling loob.
"Okay. Anyway, hindi naman mahirap ang gagawin mo dito sa opisina. Ako naman ang gumagawa ng mga documents at minsan lang may ipapaincode rin ako sayo." sabi nito sa kanya. Tango lamang ang kanyang sinagot habang ito ay nagsasalita. "All you have to do is to stamp some documents, entertain the clients and the rest of the work ay sasabihin ko nalang kung kailangan."
"I will do my best po. Salamat nang marami, sir."
Ngumiti ang kanyang boss. "Tara doon tayo sa table mo." sabi nito at pinagbuksan sya ng pintuan. Aba, talagang napakabait ng taong ito, gentleman. Sumunod naman sya sa binata. "Ito ang mga stamp." pagpapakita nito ng iba't ibang stamp. "Hwag kang mag-alala sasabihin ko naman sa iyo kung anong stamp ang gagamitin mo until you will get use with the work."
"Sige po sir." tanging sagot nya.
"I will be at the office. Just inform me if there will be clients. Enjoy your day, Kyrl." mabait na sabi nito saka muling pumasok sa pribadong opisina.
Umupo na si Kyrl sa kanyang upuang nakaharap sa glass door ng opisina. Napahawak sya sa kanyang magkabilang pisngi. Boss na nya si Nico. Napakabait ng boss nya. Abogado pa at parang napakabata pa nito. May crush pa ata sya sa boss nya. Malakas na napailing sya. Hindi pwede. Ayaw na ayaw nyang maging awkward sa kanyang boss kaya hanggat pwede papatayin na niya ang paghahangang naramdaman nya para dito. Trabaho to, magkaiba ang trabaho sa personal na buhay at ayaw nyang haluin ang dalawa. "Umayos ka nga Kyrl." sabi nya sa sarili. "Hindi kayo bagay." bulong nya pa.
Maya maya pa ay may dumating na mag asawa sa opisina. "Good morning ma'am, sir." nakangiti nyang bati rito. Matandang Amerkano ang lalaki habang ang babae ay Filipina na nasa 30s or 40s na.
"Is the lawyer here?" Tanong ng Amerkano.
"Yes, sir. I will just inform him that we have clients." Sabi nya sa mga ito. "Please, be seated." sabi nya pa at pinaupo ang dalawa sa malaking maitim na sofa na nasa unahan ng kanyang mesa.
Marahan syang kumatok sa opisina ni Nikko at binuksan ang pinto. Nakita nyang may kausap ito sa video call at talagang nakangiti ito ng sobrang lawak. Mas lalo itong gumwapo kapag nakangiti. "Sir, excuse me." tawag nya sa atensyon ng lalaki. Napatingin naman ito sa kanya habang hindi parin napapawi ang ngiti sa mga labi. Sino kaya ang kausap nito at bakit sobrang saya ng kanyang mukha?
"Yes, Kyrl?" tanong ni Nico at tinanggal mula sa tenga ang isa sa puting airphones.
"May clients po tayo. Papasukin ko na po ba?" tanong nya rito.
"Oh, yeah please." sabi nito at inayos nito ang kanyang pag-upo sa swivel chair.
"Okay sir."
"Love, I have clients. I'll call you again later." narinig nyang sabi ni Nico sa kausap nito sa cellphone bago sya tumalikod at lumabas ng pinto. May nobya pala ang lalaki. Hindi nya maiwasang madismaya kahit na ayaw nya ang nararamdamang iyon kaya minabuti na lamang nyang ituon ang buong pansin sa trabaho. Pinapasok nya sa loob ang dalawang mag-asawang kleyente.
Nagtagal rin ng ilang sandali ang pag-uusap ng mga ito sa loob ng opisina ng mambabatas. Makalipas ang ilang minuto ay narinig nyang tinawag siya ni Nico. Mabuti nalang ay di malayo sa pintoan ng opisina nito ang kanyang mesa kaya narinig nya agad ang pagtawag nito. Nagmadali naman syang pumasok sa opisina ng binata.
"Yes, sir?" tanong nya dito. Sinenyasan sya nitong lumapit na kanya namang tinugon. Nasa loob rin ang mag-asawang FilAm na parehong nakaupo sa dalawang single sofas na nakapwesto sa kaliwang bahagi ng mesa ni Nikko. Nakaharap ang dalawa sa abogado.
"Here, please notarize these documents." sabi ng kanyang boss nang siya ay makalapit. "Affidavit", iyon lamang ang nabasa nya sa naunang pahina ng documento dahil pinakita na ni Nico sa kanya ang huling pahina kung saan may nakalagay na Document number 143, Page number 23, Book number 1, and Series of 2019. "Pakilagyan ito ng pangalan ko. Yung itim na pinakita ko sa iyo kanina. Pati date ngayon. Then seal it with my seal there." utos nito sa kanya.
"Okay sir." sagot nya. Nagpatuloy sa paguusap ang mga clients at si attorney Villarias habang si Kyrl ay nagmadaling pumunta sa kanyang mesa at ginawa ang inutos ng kanyang boss. Hindi na nya tinignan ang pangalan ng dokumento dahil kinakabahan siyang baka sya ay magkamali, baka mabaliktad nya ang stamp kaya bago nya ito nilagay sa mga papel na dapat tatakan ay sinubukan nya muna itong istamp sa isang bondpaper. Pagkatapos matatakan at masilyohan ay ibinalik nya ang mga ito kay Nico sa loob.
"Thank you." sabi nito at tinanggap ang ibinigay nyang dokumento. Lumabas na sya ng opisina at bumalik sa kanyang mesa at nang makalabas na ang mga kleyente mula sa opisina ng abogado ay mga nakangiti na ito. Nagpasalamat pa ang dalawa sa kanya.
Tanghali na nang lumabas si Nico sa opisina dala ang brown na sling bag nito. "I'll be out for lunch." sabi nito sa kanya. "Maybe I can't be back before 5pm 'cause I have a meeting so heto ang keys ng office. Pakilock nalang ang glass doors. Hwag mo ng ilock ang office ko, just turn off the lights and the aircon." dagdag pa nito.
"Sige po sir." nakatingala nyang sagot sa binata. Aba, talagang mataas ang lalaking ito.
"So, here's your salary for the week." sabi nito sabay abot ng kanyang unang sweldo sa isang linggo. "How about your lunch? Do you want to go with me?"
"Ha? Eh, no need sir. May baon naman po ako." madali nyang sagot. Di nya alam pero bigla nalamang syang kinabahan nang tanungin sya nitong sasama ba siyang maglunch dito. Aba, wala siyang pera. Baka kung saan pa kumakain ang lalaking ito, sigurado mamahalin kasi naman mayaman naman talaga ang isang to.
"Okay so, I'll see you tomorrow."
"Thank you po. Sige po sir. God bless sa meeting." sabi nya.
"Thanks. By the way, if you need anything here in the office sabihin mo lang."
"Sige po."
Nagpaalam na ang kanyang boss. Napaupo na lamang sya ulit sa kanyang upuan. Dalangin na lamang nya na maging maayos ang kanyang bagong trabaho. Tinignan nya ang kanyang sahod. Minimum ang payment sa kanya for three days kaya napangiti na lamang sya. Talagang makakatulong ito sa kanyang pag-aaral. Mabuti nalang talaga at sinabi ni ma'am Retchel na weekly dapat ang payment nya para naman makatulong sa kanya sa linggo-linggong gastusin.
Naging maayos naman ang dalawang unang linggo ni Kyrl sa law office at nageenjoy naman sya sa kanyang trabaho. Sa kasulukuyan ay naliwanagan na siya sa kanyang naramdaman para kay Nico. Paghanga lamang iyon siguro dahil sa kabutihan nito at siguro dahil na rin sa kagwapuhan nito. Alam nya sa sarili na simpleng paghangga lamang iyon. Sa kanyang anim na araw na pamamalagi sa opisina madalang lamang nyang nakikita ang binata dahil marami itong appointments o di kaya ay hearings sa malalayong lugar na hindi siya kasama. Naiiwan kasi sya sa opisina parati.