Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Love Me, Jeffrey

🇵🇭carmielopezmckay
4
Completed
--
NOT RATINGS
32.1k
Views
Synopsis
“God knows that I didn’t mean to hurt you. I don’t want to hurt you. All I ever wanted is to love you for the rest of my life.” From lovers to best friends. Hindi alam ni Samantha kung bakit siya pumayag sa ganoong sitwasyon. Siya na siguro ang dakilang tanga pagdating sa pag-ibig. Umaasa kasi siya na darating ang araw na mapagtatanto ng binata na sila ang para sa isa’t isa lalo na nang bigyan siya nito ng singsing. Ngunit ang pag-asang iyon ay biglang naglaho dahil ibang babae ang nakatakda nitong pakasalan. Ang masakit siya ang maid of honor sa nakatakdang kasal nito. Hindi iyon ang pinangarap niyang gampanan na role sa araw ng kasal nito. Gusto niyang maging bride ng binata. Credits to the owner of the photo ❤️ https://www.pexels.com/photo/art-blur-close-up-colors-580631/ Copyright 2018 by Bookware Publishing Corp. NOTE: UNEDITED
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologo

He's a jerk. Kanina pa siya hinihintay ng dalaga sa coffee shop pero hindi siya nagpapakita samantalang nauna pa siyang dumating doon. He's looking at her from afar. Tatlong order na ng kape ang naubos ng dalaga sa kahihintay sa kanya kaya minabuti niyang lapitan na ito.

"Samantha."

"Hi!" matamis na ngiti ang sinalubong nito sa kanya. "I thought that you already left. Kararating ko lang kasi dahil may dinaanan ako bago pumunta dito. Hindi namam kita mai-text kasi naiwan ko ang phone sa pagmamadali."

She's lying. Nakita niyang may dala itong cell phone. Hindi niya inaasahan na magsisinuwaling ito sa kanya. Ang ini-expect niya ay magagalit ito at susumbatan siya dahil pinaghintay niya ito nang matagal ngunit hindi nito ginawa. Hindi tulad ng mga naging kasintahan niya noon na kapag na-late siya kahit five minutes lang ay kung anu-anong reklamo ang naririnig niya.

It's not easy to break Samantha's heart. Hindi pa niya nagagawa ay nagi-guilty na siya. He doesn't deserve a girl like her. Kailangan niyang tapusin ang lahat bago pa siya tuluyang mahulog dito.

"Ang akala ko rin umalis ka na." Hinila niya ang silya sa tapat nito saka umupo. "Natagalan ako kasi sobrang traffic sa amin." Now, it's his turn to lie. "Hindi rin kita mai-text dahil namatay ang cell phone ko. Nakalimutan ko kasing i-charge kagabi."

"It's okay." She's still smiling. "Pareho naman tayong late. I'm sure you're hungry dahil sa tindi ng traffic. Mag-order muna tayo."

"Okay!" Tinawag niya ang waiter. "What do you want to eat?"

"Anything, basta nakakabusog."

This is one of the many things he loves about her. Hindi ito namimili ng pagkain kaya kahit anong i-order niya ay kakainin nito.

"I have something to tell you."

"May sasabihin ako sa'yo."

Sabay nilang wika pagkatapos niyang mag-order.

"Ladies first." Sabi niya.

"No," umiling ito. "Tutal ako ang unang dumating kahit pareho tayong late kaya ako ang magde-decide. Ikaw ang unang magsalita."

"Okay, but let's eat first."

"Sure!"

Dumating ang order nila at nagsimula na silang kumain. Naninibago siya dahil halos hindi nito binabawasan ang pagkain samantalang malakas itong kumain.

"Is there something wrong?"

"Nothing. Iniisip ko lang kung anong result ng midterm exams." Pagkakaila ng dalaga. "Ano nga iyong sasabihin mo sa akin?"

"Ah… Ano kasi," hindi niya alam kung paano sasabihin dito na gusto niyang makipaghiwalay. "Gusto ko sanang sabihin sa'yo na…" Damn! Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nahirapang sabihin na gusto niyang makipag-break.

"Ano?" malumanay na tanong nito.

"Gusto kong mag-focus ka muna sa pag-aaral mo. Feeling ko kasi simula nang maging tayo nahahati ang oras mo sa pag-aaral at sa akin. Alam ko namang importante sa'yo ang makatapos at ma-maintain ang mataas na grades para sa scholarship. Ayoko namang ako ang maging dahilan nang pagbaba ng grades mo."

Another lie. Totoong madalas silang magkasam pero nag-aaral sila. Natuto siyang mag-aral ng advance at mag-review dahil dito. Good influence ito sa kanya samantalang wala siyang naidulot na maganda dito.

Natawa ang dalaga na ikinagulat niya. Kapag nakikipag-break siya noon sa mga naging nobya niya ay nagmamakaawa ang mga ito na balikan niya. Ang iba naman ay nagagalit at kung minsan may sampal siyang natatanggap. He deserved it because he's a jerk.

"Wala na pala akong problema. Ang akala ko mahihirapan akong sabihin na mag-break tayo. Gusto kasi ng parents ko na mag-focus ako sa pag-aaral. Although, di alam ng parents ko na may relasyon tayo."

Nakangiti ito ngunit halata sa mga mata nito na hindi ito nagsasabi ng totoo.

"My parents told me na huwag daw muna akong makikipag-relasyon dahil makakasagabal sa pag-aaral ko. Naiintindihan ko sila and I'm thankful na iyon din ang iniisip mo."

Tumango-tango siya. "I think me and your parents just want the best for you." Iyon ang tanging nasabi niya. Ayaw niya nang dagdagan ang mga kasinuwalingan na sinabi niya. Para naman sa ikabubuti ni Samantha ang desisyon na ginawa niya.

Soon to be published under Bookware Publishing Corp.

Love Me, Jeffrey is also available on other writing platforms.

Love Me, Jeffrey by Carmie Lopez

https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311

https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez

Booklat UN: Carmie Lopez

Webnovel UN: carmielopezmckay