Chereads / Sierra Dyosa / Chapter 12 - #Dy♥sa 11

Chapter 12 - #Dy♥sa 11

Chapter 11: Fiona, meet the the girlfriend.

Ano ba namang panaginip yon?

Tinitigan ko ang kamay ko. Hala! Baka magkatotoo yon, dali-dali akong naligo at nagbihis. Ha! 'Eto na, deep breaths, inhale, exha—

What the hell?!

Huhuhu! Ito yung suot ni Zeren sa panaginip ko! T-tapos nagbabasa din sya, ano ba naman to. Ayaw ko na mahawakan yon. Kaya mo yan, Sierra. Dyosa ka diba? Act normal.

Umupo na ako pero dun sa pinaka-malayo sa kanya. Duh, wala akong balak umupo sa tabi nya baka hilahin nya pa ako. Kunot noo nya akong tinitigan tsaka ibinaba na ang iPod nya.

Uh-oh, dapat pala dun ako umupo sa tabi nya. Kase ang sama ng tingin nya sa akin. Ang ending dali-dali akong tumayo tsaka umupo don sa tabi nya. Sakto sa pwesto sa panaginip ko.

Kaya ko to! Fighting!

"Bakit ka andyaan? Dito ka sa tabi ko, ni-aayawan mo na ba ko?" Ano daw? Diba katabi ko na sya. Biglang nanlaki ang mata ko. Haluhhh! Ganyan na ganyan yung words nya sa panaginip ko!

Puta. Kumilos ka ng maayos, Sierra! Subo lang ng subo—erm ang pangit ng term. Erase. Erase. Kain lang ng kain.

"Bakit mo ako tinakbuhan kabagi?" Bigla akong nabulunan kasi sinasabi niya yon habang kumakain ng hotdog-kulubot-balat. Bigla namam syang nataranta, kaya ayon natapon ang tubig kasi nasagi nya.

"What the fuck!" Tumayo ang hari at pinagpagan ang pantalon nyang inabot ng natapon na tubig.

*Cough*  *Cough*

Puta. Mamamatay na ata ako dahil sa samid. I imagine— ayan nanaman tayo sa imagine ng lapida e! Pinaghahampas ko na yung dibdib ko, bakit ba kasi ako nasamid?! Ang lake pa naman ng saging na nalunok ko.

"Füçk" he grunted.

"T-tu...b-big" sabi ko hindi talaga ako makahinga.

"Sorry, sorry, baby. Nataranta lang ako." Humingi siya ng tawad halata naman diba? Inuna pa yung pantalon! Muntik na akong mamatay pantalon pa rin ang inuna.

"Fuck fuck-in mo mukha mo, tapos ngayon magsosorry ka? Muntik na akong mamatay kase nalunok ko ng buo yung saging pero pantalon parin yung inuna mo? Ab—" naputol lahat ng sasabihin ko may malamig na nahulog sa ulo ko, pag lingon ko sa kisame.

"Waaaaaaaaaaaaa!" Irit ko. Waaaaa, iniputan ako ng butiki tapo—biglang nanlaki ang mata ko ng nahulog ang salarin sa may bridge ng ilong ko, nakatingala parin kase ako. Yuccckkk! Iput plus butiki equals waaaaaaa!

Dali-dali akong tumakbo sa cr tsaka tinanggal ang sama ng loob ng butiking iyon. Bwiset. Sa sobrang takot ko natapon ko yung butiki kaya ayon. Dead in an instant.

"Ano mabaho pa ba?" Naiinis na sabi ko sa kanya para icheck yung buhok ko pero biglang siyang ngumisi tapos medyo lumapad yung ngisi then naging tawa.

Pu

"Pffftt..."

Tang

"—Pftt...."

Ina

"Pfftt... Bwahahahha!"

Si

"HAHAHAHAHA!!!"

Zeren.

"HAHAHAAHA!! BA...BY! HAHAHAHA!!!" Tawa pa. Tawa pa. Sige tawa lang. Nilagay pa ng dimunyu ang kamay sya tyan, halatang pinipigilan ang tawa, pinipigilan nga ba? Pero ayun patuloy sa pagtawa. Sige wait natin.

Isa....

Dalawa....

Tatlo.....

Apat.....

Lima....

Limang minuto na pero tumatawa parin ang hari. Puta talaga. Ano bang nakakatawa na iniputan ako ng butiki tapos nalalag pa sa ulo ko?

"HAHAHAHA—Hahaha—Ha-ha—ha..." Great. Five minutes and twenty-eight seconds po syang tumawa. Naubos ang tawa nya. Nakita nya kasi akong nakatitig sa kanya.

Pokerface.

Tignan natin ang pakiramdam ng ginagamitan ng cold treatment.

"Oh, bakit ka tumigil sayang yung record mo, longest laugh, five minutes palang. Wag ka mag-alala pi-nause ko naman yung timer. Dali tawa pa. Tss" sabi ko sabay irap tsaka tayo then walk out.

Ganyan ako. Walkout Queen, pake mo?

"Hey, baby....wait. Bigla lang kasing may nalaglag na butiki sa ulo mo, tapos epic pa yung reaction mo. HAHAHA!" nakakatawa daw. Irit na nga ako ng irit

Yung butiki parin ba ang tinatawanan nya o yung buhok ko na basang basa ang tuktok? Puta, baliw na po ang Hari naten.

Inis kong hinawi ang kamay nya na nakahawak sa precious arm ko.

Stomach in.

Chest out.

Chin up.

Bitch slap.

Hair flip.

Walk.

Out.

Tapos ang show. Tss.

"..."

Ngayon lang nag-register sakin yung ginawa ko. Waaaaaaaa! Sinampal ko sya! Patay! Okay lang yan, Sierra. Hindi naman masakit yon.....di-ba?

Kase bakit kasi tumawa siya? Nakakaasar. Pero dati naman inaasar nya ako ngayon lang talaga ako nainis. Anong nangyari?

Bahala na wala akong pake sa kanya. Naiinis pa rin ako. Tsaka yung sampal, mahina lang yon.

Basta Code CT ngayon.

Cold Treatment

-

MIST ACADEMIA

"Bakit si Fafa Kier ang kasama nya?"

"Asan si King?"

"May LQ ba?"

"Hanung nangyari?"

"Nagtataksil ba siya?"

"Wow pare, may handprint si King"

"Ang pula, bitch-slap yan for sure."

"My, my, Sunny, bakit siya ang kasama ni King Israel!?"

Sa lahat ng mga pinagsasabi nila, siguro alam nyo na ang nagyayari. Hindi ko kasabay ang Hari, yung prinsepe ang kasabay ko. Pero dahil sa narinig kong pinaka-huling bulong bigla akong napalingon don. Sa mga nagbubulungan ah.

Pero hinanap din naman ng paningin ko ang hari. Ayun, kasabay maglakad si Fiona—presidente ng fansclub King Israel este Presidente ng student council—na naka abrisete pa kay Zeren. Wow. Just wow. Putang-ina mo Zeren.

I smiled bitterly. Nag-sisisi akl dahil sa pagsampal ko sa kanya pero tama lang pala yon. Nauna lang ang sampal bago ang eksenang ito. Excited yung bitch slape e. Napagawi ang tingin ko kay Zeren, sa mukha nya particularly sa pisngi. I smirked.

"I like your tattoo. Handprint tattoo. Wow, who made that?" As I said those words, he's looking at me darkly. Takot ko sayo. Nagtawanan ang crowd dahil sa sinabi ko.

"Homemade tattoo by Queen Sierra." Sagot nya na umiigting ang panga.

"What is that? Your pet?" I asked full of disgust looking at Fiona the president.

Bigla namang umarko ang kilay ni Fiona Bitch, the 'FB', 'FuBu' ng lahat ng kalalakihan 'Füçk Body' yan kung inosente ka talaga. Umarko din ang akin. Mas mataas at mas maganda ang akin dahil defined at real ang kilay ko.

Hindi pa-tattoo.

"Excuse me, I'm not a pet. For your information, I'm the former queen of MA!" Aba ang bruha, nagde-day dream. Ako ang unang Reyna ng MA no! Una. First. Ako yon!

"Former queen? Akala ko matalino ka? Bitch please, Ako ang unang reyna dahil ako ay Dyosa, you're not even a one fourth of my beauty." Pagpapa-alala ko sa kanya baka magising sa katotohanan.

"I'm more beautiful-er to you no! Bitch!" Mas lalong tumaas ang kilay ko at kumunot ang noo.

Wrong grammar ang President. More na nga, beautiful-er pa.

It's more fun in the Philippines!

"Grammar please, Mi Amore." Nang-iinis ang tonong saad ko. Mamatay ka sa inis!

"Ugghh! Bitch!" Nakaka-frustrate ba, Fiona?

"Bitch, is a female dog right?" Tanong ko sabay tingin sa mga 'ususera ususero' Nag-ingay naman sila kase tama.

"And dog barks, tama ba?" Dagdag ko pa, nag-ingay ulit sila.

"Isn't bark a part of a tree, God?" Baling ko sa katabi ko, ngumisi naman ang isang 'to dahil alam na nya ang sasabihin ko. 'The power of wattpad'

"And tree is nature, diba King Zeren?" I spit my words to him with venom. Malason ka sana.

"Of course, mi reina" Mi reina mo mukha mo, che! Binalingan ko naman ang babaeng tulala sa pinag-sasabi ko. So dumb.

"And nature is beautiful, therefore, this bitch is beautiful, mi amore."sabi ko sa kanya sabay ngisi. Nag-ingay ang crowd.

Thank you, thank you, bow.

Charot. Nilingon ko si Fiona na nag-ngingitngit na sa galit, ngayon mo lang narealize? Ano ba yan, slow.

"Go to hell, bitch!" Hell. I smiled sweetly at her.

"Hell, mi amore? Believe me, I've been there... But the kicked me out. Because... I'm hotter than hell." Lumapit ako sa kanya habang siya nanigas. Scared eh? I kissed her cheek in front of the crowd, sabay tapik don ng marahan.

Napapikit. Hindi kita sasampalin, siraulo.

"Let's go, God" sambit ko at hinila si Kier patalikod. And for the final touch of the show.....

"And for your information, mi amore. This is Sapphira Sierra Maddison Madrid, the girlfriend...." And wink at her habang naka-side way.

The end. What a great show for today.