Chapter 14: Steve Valentine
"So.... she's you're twin?" Umiling agad ako sa tanong sa akin ni God. Pero marami talaga ang nag-aassume na kami ni Ate Sammy.
"Nope, older sister ko sya" I said popping the letter 'p'
"Ahhh, para kasi kayong identical twins"
"Alam ko, kaya nga ginamit ko siya diba?" Tumawa siya kaya kumunot ang noo ko.
Hala! Siraulo na ba siya?
"Pati ba yung biglaang auction?" Tanong niya sa akin kaya ako naman ang ngumisi. Sinabi ko na rin ang dahilan.
"To be honest, para talaga sa orphanage ang magiging pera sa auction. I don't know, bigla ko lang naisip. But yes, partly gusto ko rin malaman kung kilala niya talaga ako. Not by looks, I mean...." Tumango-tango siya sabay kagat sa burger nya. Nandito kasi kami sa fast food restaurant. Diba nga may date kami?
Actually, masaya ako kasi nagkaroon kami ulit ng time sa isa't-isa. Simula kasi ng maging kami ni Zeren, feels ko iniiwasan niya ako.
"ARAY! Ano ba?!" Bigla siyang sumigaw kasi binatukan ko siya.
"Who told you to bid 1 Million, fucker?!" Naiinis kong tanong sa kanya. I wasn't expecting him to bid a million! At talagang nakipag-talo pa sa hari.
Ngumuso naman siya habang hinihimas ang batok. Pa-cute, hindi naman cute! Gwapo kase, gwapo!
"Hindi na kaya kita nakakasama!" Sigaw nya pabalik habang masama ang tingin sa'kin. Ginantihan ko din siya. Bakit ba ang bilis ko mainis ngayon?
Bumuntong hininga ako. Ang gulo talaga ng utak ko.
"Sobrang dami ng kinita ng auction, partida sayo at kay Israel palang. Paano naman kapag ako na? Tiba-tiba ang mga orphanage ngayon ahh" Inirapan ko sya kase ang kapal talaga ng mukha niya. Oo nga pala, kasali siya.
"Hoy! Paano yung slot mo sa auction?" Umiling siya saka sumimangot.
"Ikaw kaya nag-organize non no?" Sarkatiko niyang saad kaya tumango ako. "Bwiset. Malamang babalik ako doon, ang arte kasi ng may pakana. Bawal kapag kasali" dagdag niya pa
"Oo nga! Bakit tayo magkasama?" Bigla kong na-realize na tama siya. Sinong papalit sa kanya don?
Magsasalita na sana ako nang biglang may tumabi sa kanya sabay akbay. Mas lalo namang sumama ang timpla niya. Napasinghap ako kase kilala ko ang lalaki sa tabi niya.
"Hi Queen Sierra." Masigla niyang bati sabay ngisi. Si Steve,
"Steve..." Namamangha kong saad. Ngayon ko lang kase narealize na ang gwapo pala niya. Pero nauwi ang mangha ko sa ngiwi. Binatukan kase ni God si Steve.
"Hoy... 'Wag kang maloko kung ayaw mong mawalan ng ulo" pagbabanta nito saka nilingon ako at umalis na.
Napasinghap ako. Now I get it. Siya ang makakadate ko! So pera niya ang—
"Yes, ako ang magbabayad ng bid" bigla ko siyang nilingon. Wala naman akong sinasabi ah. Pinanliitan ko siya ng mata.
"I'm no mind reader" mas lalo ko nahigit ang hininga ako. This guy....wala pa nga akong tinatanong may sagot na. Masyado bang—
"Too obvious" ngumuso nalang ako kase feeling ko talaga mind reader sya. Hmm, paano kaya yon.
"Hindi nga, ang kulit mo alam mo yon?" Sabi niya sa akin. Aba, mind reader talaga siya! Pero mas nagulat ako ng umirap siya saka tinitigan ako ng masama. Bakit?
"Stop being tanga kaya? You're too obvious, I could conclude everything about you." Sarkastiko niyang litanya. Natuptop ko ang bibig ko at nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya. Nasabi ko ng malakas ang mga iniisip ko? Pero hindi naman ako ganon.
Mind reader siya! Sure na ako! Pero kasi... Hay nako! Ang kulit mo talag, Sierra! Sinabi na niyang hindi diba?
"Baliw ka ba?" Nagulat ako kasi bigla bigla siyang nagsasalita.
"Paano mo nasabi?" Naguguluhan kong tanong. Ha! Ako baliw? Si Sierra, ang Dyosang reyna baliw? Baka siya.
"First," tinaas niya ang hintuturo niya "...buti naisipan mo nang magsalita ano? Kanina kapa bubulong bulong jan. Second," tapos nagpeace sign na siya. Tinitigan ko naman siya. "...bakit mo inaaway ang sarili mo? Lasing ka ba?"
Napakasungit ng lalaking ito. Akala ko nung una hindi kasi friendly siya pero marami talaga ang namamatay sa maling akala. Tinitigan ko ulit siya na nakangisi na ngayon
"Gwapo ko no?" Tanong niya. Ayan na! Kumpleto na ang package, pwede na syang Zeren 2.0!
Una, physical features. Gwapo, matangkad, sexy, hot at manly ang dating.
Pangalawa, matalino. He can even read my mind. Well, I'm sure, he's excellent in acads.
Pangatlo, masungit. Sobra! Kanina pa niya ako sinasabihan ng tanga at baliw! Excuse me, I'm too gorgeous to be crazy!
Pang-apat, bipolar. Tss, parehong pareho, minsan mabait madalas may galit sa mundo.
At ang panglima, sobrang full. Full sa sarili! Hmp! Alam ko namang may ipagmamalaki pero ang ipangalandakan! Too Zeren like.
Wow! Coming from Sierra the Goddess Queen.
"Ok, ok, I'm Android 158. Halos lahat ng katangian niya ay inilagay sa akin. Huwag ka nang magtaka." Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Bigla namang nag-flashback sa akin yung unang encounter namin sa bakery.
Kaya pala, Android ang tawag sa kanya. And magka-ugali nga sila. Ibig sabihin...
"Yes. I'm a robot." Okay, I'm too shocked to speak. Bahala siyang magconclude ng iniisip ko. OMG! May robot sa harap ko! Grabe may ganito na pala sa Pilipinas!
"Self Invention." Dagdag niya. Ni Zeren?? Alam kong matalino siya pero I didn't expect him to invent a freaking human robot!
"Nah. His mom gave me to him" tumango ako. I guess, it's get to know each other?
"Are you reading a manga?" Nanliliit ulit ang mga mata ko habang tinitignan sya. Bigla syang humalakhak kaya napapitlag ako. Buti nalang hindi umabot ng 5 minutes no? Tss.
Bubuka na ang bibig niya nang takpan ko yon ng tissue.
"Don't even answer na pala. I guess alam ko na" inirapan ko siya pero tumawa lang siya saka tinanggal yung tissue sa bibig niya. Manang mana sa amo.
"Actually... I was the one who recommended the s—"
"What the fuck?! Ikaw? Alam mo bang..." Umiling ako habang natakayo at nakaturo sa kanya. Hindi niya ba alam na nasira ang innocence ko dahil don?!
At si Zeren! Sabi niya nakita niya lang yon! Napailing ako at umupo, madami kase ang nakuha kong atensyon. Boys will be boys, I guess.
"Yeah.. Ako nga," aniya habang patuloy sa pagtawa.
"Napaka-BI mo alam mo yon?" Sikmat ko sa kanya.
"What? Siya kaya ang nagturo sa akin!" Depensa niya. He even covered his mouth, looking shocked. Maang-maangan.
"Che! Letche kayo! Tara na nga, date na tayo!" Sabi ko sabay tayo at sumunod naman siya na iiling-iling.
I guess I need to elongate my patience.