Chereads / Sierra Dyosa / Chapter 2 - #Dy♥sa 1

Chapter 2 - #Dy♥sa 1

Chapter 1: Mist Academia

"Mom... Do I really need to leave?" tanong ko kay Mommy.

Kasi naman ihhh.Kailangan ko daw umalis dito sa Mansion at lumipat sa dating paaralan nila Mom and Dad. If I know....

Ang malaking question mark... For what?!

" Yes, anak. You need to. Palagi mong tatandaan...wag ka basta-basta magtitiwala learn—"

"—to choose the right persons to trust, wag padalos dalos kasi misan naglelead yon sa disappointment at sa huli mabibigo ka lang. I know, I know Mom. You've been telling that to me for almost seventeen years " saad ko sabay irap.

''I love you Sierra" if I just know..kung totoo nga yan, Mom.

"Of course, Mom." ngumiti nalang si Mom kahit alam nyang biglang lumalamig ang pakikitungo ko sa kanya. Tumango nalang ako at pumunta na sa kotse na maghahatid sakin sa Misty.

Hahang nasa byahe , hindi ko mapigilang mapa-isip. Why? Bakit ko kailangang lumayo. Am I really that disappointing na? I know na masyado akong naging bratty this past few years.

Pero that doesn't mean para palayasin nila ako. Anong magagawa ko? masyado silang workaholic edi nag party over parents ako. That would be very nice right? Pero di ko akalaing mas lalo pang mapapalayo ang loob ko sa kanila. Of course who would want a disappointment? Then...totohanin na natin.

I'll always cut my classes. I'll always act bratty. I'll always disobey my teachers. I'll always fail my grades. I'll always play dirty with my enemies. I'll always be a very big disappointment to them. I'll always----

Woaaahhh.... What kind of school is this? It's..... Amazing. What a wonderful Academia. The gate... It's—errrr so girly type of theme, really? it's a flower gate actually, flowers all over the gate and at the top there is a signage 'Welcome to Mist Academia'and it is topped with a large rose.

And the ground is bamboo grass! There are different kind of flowers all over the place! There are also benches.... flower benches to be exact. And the main school... It's looks like a mansion, well not really. It's so enormous. Again flowers are everywhere, it's theme is pink and white and on every floor there are five rooms and I can see from here it's every whiteboards

"Okey ka lang ba, anak?"bigla akong napalingin kay Tatay Florencio sa front seat.

"Opo, tay. I was just amazed" nakangiti kong sagot kay Tatay. Dito nag-aral sila Mom and Dad?—forget it, nevermind them, Sierra. Dali-dali akong bumaba sa kotse at lumapit kay Tatay.

"Kayo lang ata ni Nanay Carmen ang mamimiss ko sa bahay, Tay" medyo naiiyak kong tugon kay Tatay. Sila lang halos kasi ang nagpalaki sakin.

"Heavy drama ba ang gusto ng anak ko?" pabirong sabi ni Tatay. Ngumisi ako sa kanya.

"Tay naman..." reklamo ko.

"Joke lang anak ko. Sierra, anak, may mga bagay kang dapat pagtuunan ng pansin at may ilang di nararapat kahit sulyap mo lang. 'Wag kang padalos-dalos Sierra....dahil maari kang masaktan" seryosong sabi ni Tatay and it's kinda creepy.

"W-what do you mean?" naguguluhan kong tanong pero imbis na sumagot ngumiti sya, which I found weird

"Pagtuunan mo ng pansin ang pag-aaral, anak! Yun yon, Sierra alam mo bang napakaganda mo? Huwag kang papaligaw ahh" ngumisi ako. Naks naman!

Nagpaalam na sakin si Tatay na uuwi na sya dahil kailangan pa nyang ideliver yung mga laruang inilaunch ng Madrid Toy's Company sa partnered Malls namin. Yes my Tatay is working in our Company. He's not that really old though, he's only forty-nine. 

Actually pogi si Tatay ko. Matangkad at maputi, may mapipilantik na mga pilik-mata at mala-hazelnut color na mga mata. Sabi ni Mom, Mayaman daw talaga si Tatay, sya nga dapat ang CEO ng Floresca Group of Companies. Ganun sya kayaman, pero lahat yon iginive-up nya para sa Nanay Carmen ko.

Itinakwil siya sa Floresca Empire dahil hindi nanggaling sa mayamang pamilya si Nanay. Pero kahit ganon napagtapos nila ang apat kong kuya dahil sa paglilingkod samin at lahat sila ay successful na.

Iba talaga ang magagawa ng pag-ibig.Hayysstt. Lahat nalang tayo ay sabay sabay na mag SANAOL.

Kuya Jhay-Ar, finished engineering and happily married for almost three years. Kuya Jay-Jay chose tourism management and soon to be married this year. Kuya Jhay-Mar accomplished dentistry and now having a clinic. And last Kuya Jhalil mastered cookery and known as the famous chef. Also Nanay and Tatay is staying with him.

Pinapatigil na silang magtrabaho pero they refused gusto nilang manatili sa kumpanya at sa bahay naman namin si Nanay as my Yaya.Luminga-linga na ako sa paligid, napakaganda talaga dito. I was about to enter the school when suddenly a man bumped me.

Inis, ko 'tong nilingon.Ohh ghawd so handso—er

"Who are you?" Tanong nya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Goddess Sierra Madrid, Sir. You, who are you?"bigla syang tumawa ng sobrang manly. Ghawd. First day of school katalandian nako.

"I didn't know that Goddess can be used as a name,by the way Handsome God Tyrone Kier Saavedra, at your service" sa sinabi niya ay natawa ako. Well it's not really bad to a friend right now. Right?

"You looked new, from where did you come from?"biglang tanong nya na sinagot ko naman agad ng 'Manila' at napa 'ohhh' nalang sya. Nagpasama ako sa kanya sa School's Dean and he gladly do so. Napag-alaman ko ring sikat sya dito as a heartthrob together with Israel Zeren Madrigal.

Was he also handsome as Kier? Well, we don't know.

After 1 week...

"Let's go, my Goddess..." sabay akbay sakin ni Kier. Ngumiti ako pero sinuntok ko lang sya sa abs para mapahiwalay sya sakin.

"Awwtss. Mahal na mahal mo talaga ako nohh? Goddess ko?" tinaasan ko sya ng kilay. Aba, sobrang lakas ng bagyo ngayun ah?

"Oo naman, Handsome God ko'' tinapik ko sya sa pisngi matapos ko syang halikan sa gilid ng labi tsaka nauna na akong maglakad.

Si Kier? Ayun tulala sa tapat ng room, nakahawak sa gilid ng labi. I grinned, araw-araw kong ginagawa sa kanya yon pero natutulala parin sya.Hahahah!

"Sana ako nalang si Kier hahaha, Solid araw-araw may halik kay Sierra natin!" narinig ko pang sigaw ni Jessie. Isa ko pang gwapong kaklase, pero lahat naman ng kaklase ko gwapo.

Ilang segundo po ang binilang ko nang may umakbay na sakin. I smelled his scent, nakakainis naaadik ako.Ramdam kong pinagtitinginan nanaman kami. Nasasanay na rin ako sa spotlight na hatid ni Kier.

"Sanay na sanay sa pagnakaw ng halik hah, Goddess ko" kinurot ko sya sa tagiliran sabay takbo pero natigil ako dahil sa bultong nasa harapan ko. Paglingon ko ay may nakita akong isa pang gwapong mukha. Nakasimangot ito pero kitang-kita parin ang taglay na kagwapuhan.

What the hell, Sierra? Tumakbo kana, andyan na si Kier. Pero ang gwapo kasi talaga nitong lalaki ihh. Stop, Ano ba! Run na!

"Uhhh, excuse me, hinahabol kasi ako ng—Ayyy! Shit! Kier ibaba mo ako!" sigaw ko ng buhatin ako ni Keir. Nagwawala na nga ako pero sadyang malakas si Kier. Nagulat nalang ako ng inilapit nung lalaki yung mukha nya sakin.

Dugdug.Dugdug.Dugdug.

~Minsan oo, minsan hindi

Minsan tama, minsan mali

Umaabante, umaatras

Kilos mong namimintas

Kung tunay nga

Ang pag-ibig mo

Kaya mo bang isigaw

Iparating sa mundo

Tumingin sa'king mata 

Magtapat ng nadarama

'Di gusto, ika'y mawala

Dahil handa akong ibigin ka....

Kung maging tayo

Sa'yo lang ang puso ko

"So, ikaw si Sierra Madrid na sinasabing nagpatino ng kaibigan ko?"