Chereads / Sierra Dyosa / Chapter 5 - #Dy♥sa 4

Chapter 5 - #Dy♥sa 4

Chapter 4: Patulog

"Sierra, ano ba bangon na! Kanina ka pa tignan mo alas otso na!"

Nabitin ang napakaganda kong dream ng marinig ko ang boses ni Krishaleen.

Aish! Kaazar natutulog yung tao ehh. Inis akong bumangon at lumingon sa istorbo. Bakit kasi pinagsama-sama kami eh kainis pa naman tong si Krisha ang aga-aga bumangon.

Binigyan ko sya ng chupi-tatayo-ako-look pero nang tignan ko sya tinulak lang niya ako sa banyo. Psh...teka yung phone ko,

"Krishaleen Ver Santos, my phone please." sigaw ko sa may pinto at nilagyan yon ng konting siwang l. Thankfully narinig nya ako at inabot sakin yung phone.

"Ahhhhhhhh! Fuck you, Krisha, Fuck you! Hinayupak ka alas-quatro palang!" pero tawa lang ang narinig ko sa kwarto. Grrrr! Nakakainis talaga ang babaeng yon! Sinilip ko yung dalawa pang babae at oo tulog pa sila. Bakit ba kasi hindi ko nakitang tulog pa sila?

Pero dahil nandito na ako naligo na rin ako at nagbihis. Paglabas ko lahat sila bihis na at nakauniform, halata ring bagong ligo. What the fuck? San sila naligo gabi pa tsaka isa lang ang shower room dito.

"One hour and a half kang naligo" walang kalatoy-latoy na sabi ni Hinata.

"And so? Alas-sinco palang." sagot ko.

"Bahala ka dyan bilisan mong kumain one hour na kaming late." tsaka sila nag-alisan at iniwan ao sa hapagkainan. Anong meron ang aga-aga pa one hour ng late?

After kong kumain ay tinignan ko ang oras. Magaling! Saktong seven palang! Pero habang naglalakad ako ang daming nakatingin sakin. Iba talaga ang ganda ko, pinagtitinginan. Tsaka ang init na talaga kahit seven palang.

Pagpasok ko sa room, lahat sila nakatingin sakin.

"Goddess bakit ngayon ka lang?!' sigaw sakin ni Kier sabay hawak sa magkabilang balikat ko.

"Bakit seven palang naman ahhh?"

Pagkasabi ko non ay kinuha nya ang cellphone ko.

"Fuck..." He grunted. Why?

"Bakit ba amin—" naputol ang anumang sasabihin ko ng iaangat nya ang phone nya.

"Lunch break na Goddess...Lunch!" pero bakit seven palang sa phone ko? Bigla kong naalala na pinaabot ko ang phone ko kay Krisha. Tapos late na daw sila ng one hour. Ohh my G! Bwiset na Krisha yon!

"That bratty girl! Tsk! Hindi ako uuwi ngayon!" Sigaw ko na parang mayroong kausap.

"Goddess, relax. Tara na hintayin na natin si ST" Pagkatapos ay iginaya nya ako sa upuan ko na napapagitnaan ni Jessie at sa kasamaang palad ay ni Zeren. At sa bandang likuran ko ay si Kier pati narin si Hinata.

Nang makita ko ang tatlo kong kaibigan ay isa-isa ko silang inirapan. Bwiset sila.

"Hi Sierra." Bati sakin ni Jessie at sinagot ko nalang ng ngiti.

"Tss. Sunget!"

"Ano Jessie?" tanong ko sa kanya.

"Ahhh sabi ko si ST andyan na" sabay turo sa may pintuan at saktong andon na nga si Senpai Travis o ST for short teacher namin na baliw na baliw kay Master Zharina.

Nagsimula ng magturo si Senpai at nagsisimula na naman akong antukin. Haaaayy, nakakatamad. Sumandig muna ako kay Jessie saka pumikit. Buti nalang at nasa dulo kami kaya hindi halatang natutulog ako.

"Uhhmm, Jessie, pahilig muna hah? Inaantok pa kasi ako ihh" sabi ko dito bago ako nilamon ng dilim.

-

Nalimpungatan ako sa isang tikhim. Ano ba yan ang kulit talaga ni Krisha! Natutulog ako ihhh! Hinapit ko ang lifesize kong Teddy Bear at niyakap. Pero teka, bakit ang tigas ata ng teddy ko? Kinapa-kapa ko ito saka ko lang na-realize na nakahiga ako sa dibdib ng isang lalaki!

"Ohhh fuck! I'm sorry, Jessie! Ilang oras akong nakatulog?"

Nilingon ko ito ng hindi siya sumagot.

"Ano, sarap ba tulog mo?" sarcastic na tanong nya.

Nakatulog ako, sa dibdib ni Israel!

"Hmmm, oo naman salamat pala sa dibdib" sagot ko na monotoned.

"Tsk! It's not for free!" Sagot nito na iiling-iling pa. Hanu daw?

"A-anong it's not for free? Tsaka bakit ba kasi ikaw ang nandito imbes na si Jessie? A-at saka nasaan si Kier? Ohhh God, asan si God?"

"Tsk! Umalis na nainis kasi ayaw mong gumising! Ganon ka ba talaga matulog? Sobrang lalim!"

"Pasensya na ha? Pagod kasi, pagod"note the sarcasm please. Pero imbes na tumigil ay mas lalo siyang ngumisi ng parang timang. Luh, nyare dito.

"Bakit ka naman napagod ha?"saad nito na tila nanghahamon. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano ako tulad mo? Gabi-gabi ata paiba-iba babae mo?" Natahimik sya dahilan para ako naman ang ngumisi. Tinamaan ibigsabihin totoo. Pero nawala ang pagbubunyi ko ng ngumiti siya.Bakit parang....pamilyar? Umirap ako ng palihim natural ngumiti na sya dati diba? Tss. Sierra Maddison.

"Bakit naman yan laman ng isip mo eh nagtatanong lang ako kung ba't ka napagod tapos yan isasagot mo? Tawag dyan....G.U.I.L.T.Y" ano daw? Ako guilty? Aba! T-teka bakit ko nga ba naisaisip yon? Binuka ko ang bibig ko para sumagot pero pinili ko nalang ulit itikom dahil wala akong mahagilap na

salita.

"Syempre o-open minded ako! Tsaka anong sabi ni ST? Nahuli ba akong natutulog sa...u-ummmm dibdib mo?" A small curve appeared on his sexy lip. Those lips...natikman ko na yon pero umiyak ako sa pag-aakalang papatayin niya ko.

Totoo naman kasi na ang depinisyon ng GWAPO ay ang nilalang sa harapan ko. Mas gwapo pa sya kay Kier kung tutuusin. Sorry God, pero totoo kasi eh. From his perfectly shaped jaw, his sharp pointed nose,deep and hypnotizing sexy amber eyes, his fair skin like snow white and his pinkish thin sweet lips. Impokrita lang ang magsasabing wala syang dating.

Tignan mo lang ang tindig halatang batak sa gym at napakamacho ng biceps. Kasingtangkad nya ang mga basketballista kaya siguro yun ang sport nya. Hmmmm, now I wonder.... How many pandesal he has? And— natigil ako sa pagpuri ng physical features nya nang ginulo nya ang buhok ko.

Dapat ay nainis ako. Dapat nga na galit pa ako kasi haler? Buhok to ng Dyosa noh? Pero hindi ko naramdaman yon, hindi ako nainis na parang natural lang ang ginawa nya. Sa halip hindi ko namalayang nakangiti ako sa kanya.

"Sige na aalis na ako....I can understand you Mad don't worry." pagkatapos ay tumalikod na sya nang may mga ngiti sa labi

Mahina na ang huli nyang sinabi kaya't di ko to narinig pero naghatid ng kilabot sa buong pagkatao ko.

Sino ka ba talaga Zeren Israel Madrigal?!