Samantha Madrigal's Point of view
Kakatapos ko lang maligo, nagbihis agad ako baka kasi bigla-bigla na namang pumasok si Tyrone katulad na lamang ng nangyari kanina.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto namin, sumilip muna ako bago tuluyang lumabas. Mabuti na lamang at hindi siya talaga naghintay dito katulad ng sinabi niya kanina.
Nang makalabas na ako ng tuluyan, hinanap kaagad ng mga mata ko si Tyrone.
Where did he go? Nagalit kaya siya kasi pinatigil ko siya kanina o nainis siya nang marinig niya ang pag-iyak ko?
"Ty?" Tawag ko dito.
Pumunta ako sa likod ng bahay, dito kasi siya tumatambay kapag may problema siya o kaya ilulubog niya ang sarili niya sa pool, iyon ang napansin ko kapag galit siya saakin. Ngunit, hindi ko ito mahagilap, ni anino man lang niya.
"Tyrone?" tawag ko ulit dito.
Still, no signs of him.
Napahinga nalang ako ng malalim, ako na naman ang mag-isa dito sa bahay. Tumungo ako sa sala. Ibinagsak ko ang sarili ko sa couch, tiningnan ko ang sugat sa kamay ko.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay, nakakabingi ang katahimikan na siyang naghari dito sa loob. Wala naman akong ibang pwedeng gagawin. Kakatapos ko lang maglinis kahapon.
Ilang sandali ang lumipas, habang prenteng nakaupo lang ako sa silya. Naramdaman ko ang pagkalam ng tiyan ko. Muntik ko nang makalimutan, hindi pa pala ako kumain.
Bagsak balikat akong nagtungo sa kusina upang sana'y ibigay ang pangangailangan ng katawan ko.
Pagkarating ko doon, nakita ko ang isang plato na may lamang adobo na niluto ko kanina para sa kaniya. Salamat naman at nag-iwan pa siya ng pagkain. Kumuha na ako ng kutsara at tinidor, wala namang kanin kaya ulam na naman ang kakainin ko, isa kaya ito sa dahilan kung bakit ako namamayat?
Habang kumakain ako, di ko mapigilang isipin ang mga nangyari bago nagalit saakin si Tyrone.
Naalala ko ang mga nangyari noon.
"Ty, mahalin mo naman ako oh! Pagod na akong umiyak tuwing gabi dahil lang sa hindi ko maramdaman ang pagmamahal mo!" sigaw ko habang panay ang pag-inom dito sa bar.
Wala akong pake kung pagtawanan ako ng mga tao dito, basta gusto kong isigaw ang nararamdaman ko, ang hinanakit ko ngayon!
"Sam?" nilingon ko ang nagsalita.
"Oh? I-Ikaw pala, Alex!" wala sa sariling sigaw ko dito at pinunasan ang luha sa mga mata ko.
"Are you alright—"
"Hindi! Totally not!" sigaw ko, I can't control myself anymore, para na akong baliw dito.
"Why?" He asked
"S-Si Tyrone kasi! Di pa d-din ako mahal!" Sigaw ko pa at uminom ulit.
"H-Hey stop that." Alex tried to get my glass but I didn't let him, instead I pulled it away from him.
"Lasing ka na Sam" mahinahon nitong sabi.
"Pakialam mo ba, Alex?!" inis kong sigaw.
"Look, bakit ba kasi di mo nalang siya iwan? Sam andito ako, kaya kitang alagaan at iparamdam sa 'yo kung gaano kita kamahal." sabi nito, napatitig nalang ako kay Alex.
Paano kaya kung si Tyrone ang nagsabi ng mga katagang iyon sa akin? Ang sarap siguro sa pakiramdam na mahalin ng isang lalaking noon palang ay ninanais mo nang makasama habang buhay.
"Argh, ihahatid na kita—" di ka agad nakapagsalita si Alex nang bigla ko itong halikan.
Ang tanging naalala ko nalang ay dinala niya ako sa kung saan. Hindi ko na maalala kung paano kami nakarating sa silid na ito.
Di ko alam kung dahil ba ito sa alak o si Tyrone nga ba talaga ang nakikita ko.
"T-Ty." 'di mapigilang ungol ko.
Naramdaman kong napatigil si Tyrone, and so I'm the one who continue what were doing. Nadala ako sa mga halik niya, it's different from the usual him. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa mga halik nito.
I kissed him, with full of love.
"I want you to feel how much I love you, Ty. P-Please love me back." I whispered between our kisses. My hands suddenly travels and grabbed his neck.
"S-sam?"
My world stopped when I heard someone calls my name.
I stated at Ty—nanlaki ang mga mata ko. Agad akong napalayo nang malaman kong si Alex amg nasa tabi ko.
"Why are you doing this?" napalingon naman ako sa nagsalita.
Oh God!
"T-Ty!" agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Tila naglaho ang kalasingan ko nang makita ko ang sakit na lumatay sa mga mata niya.
"Bakit, Sam?" mahina nitong sabi. Sinubukan ko itong lapitan ngunit umatras lang ito palayo sa akin.
"I can explain, T-Ty. Look a-akala ko kasi—"
"Ano? Anong inakala mo? Na sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa iba mahihimasmasan yang nararamdaman mo sakin?" he said, napayuko nalang ako.
"Sam, hinanap kita because I realize something and I want you to know it! Kailangan kita sa oras na ito pero anong ginawa mo?!" he shouted, and for the first time, he slapped me.
"I'll never forget what you did, Sam!" mariin nitong sabi, habang ako napahagulgol na sa pag-iyak.
Huli na ako nang makita ko siyang papaalis, gusto ko siyang habulin pero natatakot ako, natatakot ako sa posible niyang sabihin saakin. Bumagsak ang katawan ko sa sahig nang mawalan ang mga ito ng lakas.
I wiped my tears, I want to forget what I did three years ago, I'm such a bitch for hurting Tyrone's feelings!
Naka-limang subo palang ako at tumigil na sa pagkain, nawawalan na ako ng gana. Pakiramdam ko kasi ay lalagnatin ako ngayon, masakit ang ulo ko at medyo mabigat ang pakiramdam ko.
Uninom ako ng tubig, at pumunta na sa kuwarto namin, bakit ngayon pa?! Baka mamaya babalik si Tyrone at galit na naman 'yon, baka hindi na naman ako makakapaghanda ng maayos nito.
Napapikit naman ako habang nakatayo, mahigpit akong napahawak sa ulo ko nang biglang umikot ang paningin ko. Nakaramdam ako ng matinding panlalamig, kaya humiga ako sa kama namin at nagtalukbong ng kumot.
I hate this feeling! I badly need someone to be with me, I badly need my mom. I can't get my phone, sobrang nilalamig ako at nahihilo pa.
"T-Ty." Ty I need you. I can't call mom, nasa trabaho pa 'yon sa ganitong oras.
Wala man lang akong magawa, dahil hindi kaya ng aking katawan. Gusto kong kumuha ng gamot na maiinom ngunit hindi ko kinaya.
Mayamaya'y nakaramdam ako ng pagbigat ng aking mga talukap, imbes na labanan. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong sakupin ng kadiliman.
"Ah!"
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang isang malakas na suntok sa pinto ng kwarto namin ni Tyrone.
"Samantha!"
Mabilis akong napatayo at agad na binuksan ang pinto, bumungad sa akin ang nag-aapoy sa galit na si Tyrone.
"I-I'm sorry, Ty—"
"Gawan mo ako ng kape." mabilis nitong saad at bumaba na patungong sala.
Napahinga ako ng malalim, I really thought he will hurt me again.
I forced myself to go to kitchen, ipinagtimpla ko ito ng kape, nakaramdam pa rin ako ng panlalamig, but I have to conceal this, lalo na kapag kaharap ko si Tyrone.
Halos takbuhin ko na makarating lang sa sala at maibigay ito sa aking asawa.
"Here." I said, kinuha niya naman ito.
Humigop naman ito. Kinabahan ako nang biglang kumunot ang noo niya.
"Naglagay ka ba ng asukal?"
Palihim akong napamura nang marinig ko ang sinabi nito. Dahil sa iniisip ko, nakalimutan kong maglagay ng asukal sa kape niya. Ayaw pa naman niyang matabang na lasa.
"S-Sorry lalagyan ko, teka—" napalitan ng impit sigaw ang sana'y paghingi ko ng tawad nang bigla niyang hinagis saakin ang tasa na puno ng mainit na kape. Dumiretso iyon sa bandang dibdib ko at nabuhos ang lamang kape doon.
Tahimik akong napaluha nang makita kong parang wala lang ito sakanya at nagpatuloy lamang sa pagbabasa ng dyaryo.
"Magtimpla ka ng bago, linisin mo yan." utos pa nito habang nakatuon ang atensyon sa binabasa.
Agad kong pinunasan ang luha sa mga mata ko, nanginginig ang mga kamay ko. Mabilis akong naglakad, kukuha sana ako ng panlinis ng aking katawan, nang makaramdam ako ng pagkahilo.
Wala na akong ibang naalala, kundi ang malakas na pagbagsak ko sa sahig.