Chereads / Tears of The Battered Wife / Chapter 5 - CHAPTER 4: WON'T GIVE UP

Chapter 5 - CHAPTER 4: WON'T GIVE UP

"Can we act as a real husband and wife who loves each other for the mean time, Tyrone?" I just asked while looking at him.

Nakita ko naman ang marahang pagngiti nito, at tumango "Sure." he said.

Lumundag naman ang puso ko sa sayang naramdaman ko, mas nagulat naman ako nang hawakan niya ang kaliwang kamay ko.

Napatingin naman ako sa kamay naming magkahawak, at lumipat ang tingin ko sakanya.

He just smiled "You said let's act right?" he said. Ngumiti ako dito. Yes, just an act.

"Samantha"

Napadilat naman ako ng mga mata ko, napatingin ako sa paligid ko. Saan ang dagat? Bakit di na nakahawak sa kamay ko si Tyrone? Bakit nandito ako?

Napatingin naman ako sakanya na ngayo'y nakatungo sa akin na kasalukuyang nakahiga sa kama namin.

"Tumaas ang lagnat mo kanina lang. I kept on waking you up but looks like, you're dreaming." sabi nito.

Di agad ako nakapagsalita. I felt disappointed. Akala ko totoo na ang lahat. Akala ko magkakatotoo na ang mga hiling ko.

"I'll call your mom—" he was about to get his cellphone beside the bed but I stopped him.

"N-No! It's okay. I'm okay, Tyrone" natatarantang pagpipigil ko dito.

Confusion was evident on his face. Ibinaba nito ang paningin sa aking kamay na ngayo'y nakahawak na sa kaniyang braso, kaya dali-dali ko itong inalis at yumuko na lang.

"Okay." sagot na lamang nito. Pagkatapos ay naglakad na ito papalabas ng kwarto.

Gusto kong matulog ulit! Gusto kong mapaniginipan ulit iyon! Gusto kong maramdaman ang pagmamahal niya kahit sa panaginip ko man lang. Kahit alam kong umaakto lamang siya katulad ng usapan namin.

Hinawakan ko ang leeg at noo ko, mainit nga, pero di naman gaano e. Siguro nga ay nadala ako masyado sa panaginip ko.

Tumayo ako galing sa kama at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina kung saan nandoon ang aking asawa.

Napansin ko ang pagtingin ni Tyrone sa akin, hinintay ko ang pagsigaw nito saakin. Kakausapin ko sana siya, nguniy tila ba may nagpigil sa akin kaya binilisan ko na lamang ang paglalakad ko at hindi ko namalayang nasa likod-bahay na pala ako. Wala naman akong narinig na kahit anong pagsigaw o pagsasalita niya. I sighed.

Napahinga ako ng maluwag, mabait ang asawa ko ngayon, kasi nga may sakit ako. Sana nga palagi nalang akong may sakit. Siguro sa ideya'ng iyon, maramdaman ko ang pag-alaga niya sa akin bilang asawa ko.

Umupo ako sa gilid ng pool, magandang tambayan dito lalo na kapag may problema ka.

Parang baliw na nakatingin ako sa mga paa kong nakatampisaw sa tubig. Wala sa sariling humulma ang mapait na ngiti sa aking mga labi.

"It's cold here, Sam" narinig kong nagsalita si Tyrone sa likod ko. Nilingon ko ito at nginitian.

"Okay lang, sanay naman ako sa malalamig e." batid ko dito. I really meant something.

"Kahit na, may lagnat ka diba?" he said. Please Tyrone, stop acting like you care for me. Baka aasa na naman ako na kahit sa panaginip ko, hinahawakan mo na ang mga kamay ko at inayaang tumabi sayo hanggang sa lumubog ang araw.

"Wala ka nang kailangang ipag-alala pa, magaling na ako." I just replied, naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito, "Wear this." nagulat ako sa biglaan nitong pagbigay ng jacket saakin, napatitig ako sa bagay na iyon.

"S-Sa'yo to?"

"Oo."

"H-Huwag na, baka mahawa pa kita e." nahihiyang sambit ko at akmang ibalik ito sakanya ngunit tinitigan ako nito ng masama.

"May sakit ka diba? So wear this. " mariin nitong sabi, napalunok nalang ako at agad-agad na sinout ito.

These jacket smells really good just like him, nakakaadik ang bango nito.

"Ty?" Tawag ko dito. Hindi ito sumagot, bagkus ay tiningnan lamang ako nito at parehong itinaas ang kaniyang dalawang kilay.

"I want to ask something."

"Go ahead."

Napalunok naman ako, di ko alam kung saan magsisimula. Should I start? Kailangan ko bang sabihin sa kaniya ang mga ito? Paano kung magalit siya?

Huminga ako ng malalim bago magsalita, "A-About what happened three years ago—"

"Stop." he coldly said, kinabahan naman ako dito.

Ang tanga mo kasi Sam, ayan tuloy nagalit siya!

"S-Sorry" napayuko nalang ako.

I heard him sigh in frustration. Ilang ulit naman akong napalunok sa tabi nito. Gusto kong kurutin ang sarili ko, sampalin at sabunutan ang sarili ko dahil sa sinabi ko sa kaniya.

"You want us to talk about what happened to us three years ago?" he smirked.

"Fine, let's start on the day when I finally saw your true color. Or should I say, the real Samantha." he paused.

Kusang tumulo ang mga luha ko sa narinig ko, ang sakit marinig ang mga iyon lalo na't galing ito sa taong mahal na mahal mo.

"You forced me to marry you, but look what you did. You also betrayed me. I respected you! Not because you're my wife, but because you're a woman! Hindi kita sinaktan, hindi kita binastos, hindi ako naghanap ng iba. That's because I respected you, Samantha. I respected you!" he shouted in anger that made me flinched. Nanatili lamang akong nakatungo.

"But what you did to me was below the belt. Ako sana iyon e! Ako sana ang sisira ng buhay mo kasi in the first place you ruined my life! You made my life a living hell!" galit nitong sita sa akin.

Tila piniga ang puso ko sa sinabi nito. Yes, I betrayed him. I forced him to marry me, pero ako pa rin itong naghanap ng iba. Pero hindi! Hindi ibig sabihin hindi ko siya mahal. I was just got controlled by the alcohol, nawala na ako sa sarili ko.

"Okay na sana. I started to like you. Unti-unti ko nang nakalimutan ang mga kagagaha'ng pinanggagawa mo, dahil unti-unti na rin akong nahuhulog sa patibong mo. To the point na kaya kong kalabanin pamilya ko para lang sa 'yo." I heard him chuckle bitterly.

"And there. You betrayed me. You are the reason why my father died. And I fell out of love. My heart was covered with so much anger, that you made." kung kanina ay natawa pa ito. Ngayon ay tila ba nag-aalab na ito sa galit.

"Now, you have no right to accuse me anything. Ikaw ang nagtulak sa akin para gawin ang mga ito sa'yo. "

Yes. I hurt him. I made him hate me, dispise and loathe me. I should be the one to be blame. I made him that. Wala siyang kasalanan.

"I'm so sorry, Ty. Alam kong wala akong karapatang hingin ang kapatawaran mo—" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang nakamamatay nitong titig.

"Buti alam mo." pabarang nitong wika. Hindi naman ako ka agad nakapagsalita. Mayamaya ay nataranta ang buong sistema ko nang makita ko siyang tumayo sa tabi ko at nagsimula nang maglakad papalayo sa akin.

"B-But, I promise to you. Babawi ako. Gagawin ko ang lahat, makabawi lang sa lahat ng mga kamaliang nagawa ko." pahabol kong sabi, napansin ko namang ang pagtigil nito.

"It's up to you, pero ito lang ang masasabi ko. Hinding-hindi na babalik ang nararamdaman ko sayo dati, at sisiguraduhin ko rin 'yon." sabi nito, at nagpatuloy na sa paglakad hanggang sa makapasok na ng tuluyan sa bahay. Napapitlag ako nang pabagsak nitong isinara ang pinto doon.

Napaiyak ako sa kadahilanang, gusto ko nang mapagod, kasi ako lang ang naghahanap ng paraan para sa aming dalawa. Pero hindi! Ako ang may gawa ng lahat ng ito! Kaya dapat lang siguro'ng iparamdam niya ang mga ito sa akin bilang pabalik.

Pinunasan ko agad ang mga luha sa mga mata ko.

No, I won't give up. Not unless, my both heart and mind will say so. Katawan lang ang napapagod sa akin, and that is not an acceptable reason for me to give up on him. My love.

"I won't give up, Tyrone. " bulong ko nalang.