Chereads / DIRECTORS GAME / Chapter 1 - LUMANG LIBRO

DIRECTORS GAME

🇵🇭WhenAckyWrites
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 10.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - LUMANG LIBRO

"San ka pupunta Brad?" tanong ng classmate kong si Limwell.

"Sa labas. Naiihi na ako" walang emosyon kong tugon

"Pinagbabawal na ang paglabas sa tent ng ganitong oras. Alam mo naman ang rule sa Camping na ito."

"Anong gusto mo, pumutok ang pantog ko?"

"Bahala ka. Basta binalaan kita. Pag nakita ka ni Dean Sumaway siguradong suspended ka ng isang linggo."

Hindi ko na siya kinibo at lumabas na ako sa tent namin. Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin. Tiningnan ko ang mga nadadaan kong tent habang papunta ako sa hindi kalayuan na malaking puno.

"Pwede na dito" bulong ko.

Matapos kong umihi ay humarap na ako pabalik sa camping tent namin ng biglang may humawak sa braso ko.

Nangatog ang dalawa kong binti ng makita kung sino ang may hawak sa braso ko.

Isang matandang lalaki na kulubot na ang mukha. May balbas siyang mahaba at nakasuot ng lumang balanggot na pahaba. In short para siyang ermitanyo.

"Sino ka? Anong kaylangan mo sa akin?" nauutal kong tanong.

Hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa braso ko na lalong nagpakaba sa akin.

"Ikaw ang may kailangan sa akin Ezekiel" nakangiting sabi ng matanda.

"Kilala mo ako? Sino ka ba talaga?" matigas kong tanong pero halata pa din ang takot ko sa kaniya

"Kunin mo ito." sambit ng matanda sabay abot sa akin ng isang libro. Kung titingnan ay parang ordinaryong libro lang ito pero laking gulat ko ng umilaw ang loob nito.

Sa gulat ko ay nabitawan ko ang libro.

"Hindi mo dapat binibitawan basta basta ang librong iyan. Kailangan mo itong ingatan gaya ng pag-iingat mo sa sarili mo" tugon niya sabay abot sa akin muli ng libro. Paano niyang nakuha ang libro sa lupa at iabot ito sa akin ng hindi man lang siya yumuyuko?

"Lolo, mawalang galang na po, pero hindi ko kayo maintindihan. Iba nalang po ang pagbigyan niyo niyan. Marami na po akong libro."

"Pero iba ito. Ito ang librong magiging daan para...." hindi na naituloy ng matanda ang kaniyang sasabihin ng biglang may magsalita.

"Sinong malakas ang loob na nariyan?" matigas na sabi ng pamilyar na boses.

Bigla akong napatakbo sa likod ng puno. Kilala ko ang boses na iyon. Si Dean Sumaway. Lahat ng estudyante sa campus namin ay takot na takot sa kaniya kasama na ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang mga yabang ng paa niya na papalapit ng papalapit sa kinaroroonan ko.

Pinagpawisan ako ng matindi ng mga oras na iyon. Hindi pwedeng makita niya ako dahil hindi ko gugustuhin ang masuspend.

"Dean may nahuli akong 3rd year student na nagpaplanong lumabas ng gubat!"

Salitang narinig ko malapit sa punong tinataguan ko. Sa boses nito ay halatang isang student council ang nagsasalita.

Narinig ko ang malakas na tawa ni Dean Sumaway. "Isang pasaway na estudyante na naman ang mapapatawan ng isang linggong suspensyon!"

"Patawarin niyo po ako Dean. Hindi ko naman gustong...."

"Manahimik ka!" pagputol ni Dean Sumaway sa estudyanteng nahuli sa pagtakas.

"Alvin, Dalin mo na siya sa Dean's tent! Ngayon Na!" dugtong niya. Hindi pa din natatapos ang nakakatakot niyang mga tawa.

Nakahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang mga yabag nilang papalayo sa akin. Buti nalang at hindi nila ako nakita.

Muling nanumbalik sa akin ang kaninang kausap kong matanda. Nasaan na siya? Bakit nawala na lang siyang bigla?

Nagkibit balikat nalang ako at naglakad ng pabalik sa tent.

Nadatnan kong mahimbig na natutulog sina Limwell at Jerome. Nakayakap si Limwell kay Jerome habang ang kanang binti nito ay nakadantay sa kaibigan na kasalukuyang naghihilik.

Akmang mahihiga na ako ng namalayan ko ang hawak ko, ang lumang libro na bigay ng matanda kanina. Napaismid nalang ako at ibinato ang libro sa kung saan saka ako nahiga sa tabi ni Limwell. Sa antok ko ay mabilis naman akong nakatulog.

Kinabukasan ay maagang nagising ang lahat para sa aming pag-uwi. Aabutin kasi ng halos labing dalawang oras ang biyahe namin. Limang araw din kaming nakulong sa gubat para sa Campus Camping na ito. Ako lang ata ang hindi nag-enjoy dahil wala naman akong hilig sa mga ganito.

"Kabilis naman ng araw. Uuwi na tayo agad. Kasarap pa namang mag stay dito. Napaka payapa." sambit ni Jerome na nag-aayos ng tent na ginamit namin.

"Seryoso? Na Enjoy niyo ang gubat na ito?" tanong ko.

"Sinong hindi mag-eenjoy dito, limang araw tayong walang pasok, wala tayong hawak na libro. Hindi ba't ang saya nun. Plus ang daming chikas kahapon." natatawang sagot ni Limwell.

Oo nga pala, kahapon ay free time ng lahat ng estudyante. Ang dalawa kong kaibigan ay nambabae lang habang ako ay nag-paiwan lang sa loob ng tent.

"At sino naman sa inyong dalawa ang nag-dala pa ng libro dito sa gubat?" taas kilay na tanong ni Limwell.

"Libro?" mabilis kong tanong

"Sino ba ang matalino sa ating tatlo? Malamang kay Zeke yan. Hindi ba't puro libro lang ang hawak niyan." natatawang sagot ni Jerome.

"Hindi akin ya.." hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng maalala ko ang matandang nagbigay sa akin ng libro kagabi.

"Bro, ilagay ko nalang sa bag mo itong libro mo. Grabe ha, inaamag na ito sa kalumaan pero binabasa mo pa din." ngising sabi ni Limwell.

Pinagmasdan ko nalang siya habang inilalagay ang libro sa bag ko.

"Kayong tatlo, bilisan ninyo at nandyan na ang bus!" sigaw ng isang matangkad na lalaki. Kilala ko siya, ang nakalaban ni Limwell.

"Mayabang talaga yang si Alvin. Akala mo kung sino! Hindi naman yan mananalo kung hindi siya nandaya." inis na sabi ni Limwel.

"Pre, Isang taon na ang nakalipas. Mag move on kana." natatawang sabi ni Jerome sabay lakad papunta sa bus.

Inis namang lumakad pasunod si Limwell. Napangisi ako ng maalala ang ginawang eskandalo ni Limwell ng sumugod siya sa Dean's Office. Hindi niya kasi matanggap na si Alvin ang naluklok bilang Student Council Governor. Alam naman ng buong campus na si Limwell dapat ang nanalo pero si Alvin ang naupo.

Sumunod nalang ako sa kanila hanggang sa makarating kami ng Bus. Katabi ko Si Jerome habang si Limwell ay katabi ang nililigawan niyang si Rizza.

Makalipas ang halos labing dalawang oras ng byahe ay nakarating na ako sa bahay namin. Pasalamat nalang ako na nadaanan ang bahay namin kaya hindi na ako nahirapan pang makauwi.

Binagsak ko ang aking bag sabay lundag pahiga sa kama ko. Napabuntong hininga nalang ako matapos kong maramdaman ang malamig na komporter ng higaan ko.

Iba talaga pag nasa bahay ka. Ibang iba ang pakiramdam mo. Yung feeling na secured at ligtas ka.

Akmang ipipikit ko na ang mata ko ng mapansin kong umilaw ang loob ng bag ko. Napakunot akong bumangon para lapitan ito.

Ano naman ang dahilan bakit umiilaw ito? Binuksan ko ang bag at laking gulat ko ng makita ko ang lumang libro na binigay ng matanda kagabi.

Kinuha ko ang libro at muling bumalik sa kama ko. Himimas ko ang cover nito na magaspang. Halos malukot nadin ang gilid nito sa kalumaan. Halatang sinubok na ng panahon ang librong ito.

"Ano bang meron sa iyo?" tanong ko sa libro. As if naman na sasagutin ako nito. Out of curiousity ay binuksan ko ang libro at tumambad sa akin ang isang litrato na naka imprenta sa unang pahina nito.

Isang malaking gintong gate na napapalibutan ng mga dahon ang nasa litrato. Tinitigan kong mabuti ang litrato at napansin kong may nakasulat sa pinakataas ng gate.

"Loowa's Kingdom?" bulong ko sa hangin.

Ano ba namang libro ito. Unang pahina palang hindi mo na gugustuhing basahin. Loowa's Kingdom talaga? Sino naman ang nag-isip ng ganoong pangalan? Napaka-baduy.

Inis kong initsa ang libro sa study table. Nagulat ako ng may marinig akong isang kakaibang tunog ng bumagsak ito. Muling napataas ang kilay ko ng tingnan ko ang libro.

"Ano ba Zeke! Magpahinga ka na nga muna, bat mo ba binibigyan pansin ang librong iyan!" inis kong sabi sa aking sarili.

Hindi ko pa man naalis ang tingin ko sa libro ng biglang umilaw muli ang nasa loob nito. Ilang beses kong pinikit at ibinukas ang aking mata kung namamalikmata ba ako o hindi pero patuloy lang siya sa pag-ilaw.

Lumapit ako sa study table ko at binuksan ang kalagitnaan ng libro. Laking gulat ko ng may makita akong isang bagay.

Isang Medallion.

Kinuha ko ang medallion at sinuri ito. May isang malaking bato sa gitna nito na umiilaw na kulay itim at may labing dalawang maliliit na bato na nakapalibot sa gilid nito. Ibat iba ang kulay ng mga ito.

Ibinaliktad ko ang medallion at muling napataas ang kilay ko ng may nakasulat dito.

Dark Mind.

Nang mga oras na iyon ay nakatitig lang ako sa medallion na hawak ko. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay isinuot ko ito sa leeg ko.

"Ano ba ginagawa mo Zeke! Para kang tanga!"

Akmang tatanggalin ko na ang medallion sa leeg ko ng maramdaman ko ang pananakit ng ulo ko.

Sobrang sakit. Sakit na hindi ko pa nararanasan sa buhay ko. Inalis ko ang pagkakahawak sa medallion at sinapo ang ulo kong halos sumabog na sa sakit. Hindi ko na mainda ang sakit kaya napa yuko ako sa kama ko.

Humihiyaw na ako sa sakit ng ulo pero wala ni isa man lang makarinig para tulungan ako. Umiiyak na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko pero hindi ko pa din alam kung ano ang dapat kong gawin. Nanatili lamang akong sinasabunutan ang mga buhok ko habang nakasubsob sa kama ko.

Ilang minuto ko ding ininda ang sakit ng biglang mawala ito. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Para lang akong nagdahilan.

Bigla akong nakaramdam ng antok, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, biglang nanlabo ang paningin ko dahilan para makatulog ako.

Kanina ko pa iniisip kung ano nangyayari sa akin. Kanina pag gising ko ay hindi ko na makita ang medallion sa leeg ko, tanging ang lumang libro lang ang nasa kama ko. Hinanap ko ang medallion sa buong kwarto pero hindi ko ito nakita. Siguro panaginip lang ang pag-ilaw ng libro, ang medallion at ang pagsakit ng ulo ko. Wala naman kasi akong naramdaman na kakaiba pag gising ko.

Kasalukuyan akong naglalakad mag-isa sa hallway ng makarinig ako ng mga boses na nag-uusap. Luminga linga ako pero wala naman akong makitang tao.

"Zeke, napapraning ka lang!" bulong ko sa hangin.

"Hey!"

"Anak ng tokwa!" gulat kong hiyaw. Nakita ko naman si Limwell na halos mamatay sa kakatawa.

"Ano ba brad. Bakit mo ba ako ginulat. Siraulo ka ba?" galit kong sabi

"Oh pre, relax. Kasi naman nagsasalita ka mag-isa." sabi niya na natatawa pa rin.

Hindi ko na siya pinansin at nagptuloy lang sa paglalakad. Sinundan naman niya ako at umakbay sa balikat ko.

"Ano naman kayang problema nito?" rinig kong sabi ni Limwell.

"Wala akong problema." walang emosyon kong sabi.

"Huh? Nabasa mo nasa isip ko? Hindi naman ako nagsalita. Naman brad, kilalang kilala mo na talaga ako. Besfren talaga kita! Apir." huminto siya at itinaas ang kamay niya na nag aantay na dumampi ang kamay ko para apiran siya pero hindi ko ginawa.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Totoo ba ang sinabi niya? Na hindi siya nagsalita. Hindi ko nga nakitang bumuka bibig niya pero narinig ko ang boses niya.

Nakasalubong ako ng isang lalaking mukhang galit. Sa suot niyang uniform ay halatang graduating student siya.

"Humanda talaga sa akin yang mayabang na governor na yan!" galit na galit niyang sabi.

Huh? Hindi ko din siya nakitang nagsalita pero bakit parang narinig ko ang isip niya. Nababsa ko ba ang isip ng mga tao?

Naghanap ako ng iba pang estudyante at triny na basahin ang mga naiisip nila. Nakita ko ang isang lalaki na may hawak na boquet of flowers.

"Sana naman this time, sagutin ako ni Norilyn" masayang sabi ng lalaki sa kaniyang isip.

Napanganga ako sa mga nangyayari sa akin. Anong meron sa akin ngayon? Na engkanto ba ako. Kinatok katok ko ang ulo ko at baka nababaliw na ako.

"Brad ano ba nangyayari sa iyo?" rinig kong sabi ni Limwell saka kinuha ang mga kamay ko at ibinaba ito. Nasa harapan ko na siya ngayon katabi si Jerome na nakataas ang kilay.

"Nag-inom ka ba kagabi? Mukhang may tama kapa!" natatawang sabi niya

Hindi ko sila pinansin at nilapitan ko ang lalaking may hawak ng bulaklak.

"Brad may tanong lang ako. Si Norilyn ba ang nililigawan mo?" tanong ko na kinagulat niya.

"Oo. Bakit? Sino ka ba?" inis niyang sagot.

"Wala naman. Hehe. Sige Brad." iniwan ko ang lalaki na masama ang tingin sa akin. Nilingon ko naman ang dalawa kong tropa na ngayon ay nagtataka.

Triny kong basahin ang isip nila at hindi nga ako nagkamali, nabasa ko ang mga iniisip ng dalawa. Nag-tataka at the same time nag-aalala sila sa ikinikilos ko.

Nagkibit balikat lang ako at inayos ang sarili ko. Triny kong maging civil sa kanila kahit gulong gulo na ako.

"Pasok na tayo!" Nakangiti kong sabi na nagpakamot sa ulo nila. Natawa nalang ako ng parehas kong nabasa ang iniisip ng dalawa.

"Siraulong Ezekiel!"

Hindi ako nakapag focus sa klase dahil sa mga boses na naririnig ko. Nababasa ko lahat ng iniisip ng mga kaklase ko pati na rin ang isip ni Professor Sta Ana. Nag-excuse ako kay Prof dahil hindi ko na kaya ang mga naririnig ko. Feeling ko ay sasabog na ang isip ko.

Hinampas hampas ko ang dalawang pisngi ko habang nakaharap sa salamin ng CR. Ano bang nangyayari sa akin?

Biglang may pumasok na guard na ngayon ko lang nakita. Siguro bago ito dahil halos kilala ko na ang mga guard dito sa campus. Tumabi siya sa akin at nginitian ako sa salamin.

"Nagtataka ka ba sa mga nangyayari sayo?" tanong niya na nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

"Ngayon palang kailangan mo ng pag-aralan kung paano kontrolin ang power mo!" madiing sabi niya na nakangiti pa din sa akin.

"Power?" ang nagiisang salitang lumabas sa bibig ko

Humarap siya sa akin at itinaas ang kamay niya at dinuro ang kanang sintido ko na nag-pataas ng balahibo ko.

"Itong isip mo ang magiging sagot sa paparating na digmaang darating." Matigas niyang sabi saka binaba ang kamay niya.

Isip ko ang sagot? Digmaan? Ano ba sinasabi ng guard na ito.

"Ano bang sinasabi niyo? Baliw ba kayo? Pwede bang iba nalang pag-tripan niyo." inis kong sabi

Tinalikuran ko na siya at akmang hahawakan ko na ang door knob ng CR ng muli siyang magsalita.

"Nasa paligid lang sila. Hanapin mo ang labing dalawang nag-mamay ari ng medallion. Unahan mo ang Direktor bago ka pa niya maunahan. Basahin mo ang lumang libro. Ito ang makakasagot sa marami mong tanong." mga salitang mas nagpagulo ng isip ko.

Nilingon ko ang guard ngunit wala na siya sa loob ng CR. Paanong nawala siyang bigla eh nakaharang ako sa pintuan. Saan siya dumaan palabas?

Paismid akong lumabas ng CR na nagtataka pa din. Sino ang labing dalawang tao na dapat kong hanapin? Anong mga medallion ang sinasabi niya. Kagaya ba iyon ng medallion na isinuot ko kagabi? Sino ang Direktor na dapat kong unahan? Ano ang kinalaman ng lumang libro sa nangyayari sa akin ngayon? Sino ang Guard na kausap ko kanina at bakit alam niya ang nangyayari sa akin?

Ang daming tanong na hindi masagot ng sarili kong pang-unawa. Alam kong hindi tama ang nangyayari sa akin. Kinakailangan matapos na ang kalokohang ito. Kinakailangan mabasa ko na kung ano ang nakasulat sa lumang libro.