Nagmadali akong binuksan ang kwarto ko at hinanap ang lumang libro. Kanina pa ako atat na atat na makauwi para malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin.
Laking gulat ko ng hindi ko makita ang libro sa study table ko. Nasan na iyon? Alam kong nandito lang iyon kasi nakita ko pa iyon kaninang umaga.
Nagmadali akong bumaba at hinanap si Yaya Guring. Siya lang kasi ang pinayagan ko na pumasok sa kwarto dahil ayokong may nakiki-alam sa mga gamit ko.
"Oh iho, bakit nagmamadali ka? Nagugutom ka na ba?" tanong niya ng makitang nagmamadali ako.
"Ya, san mo dinala ang libro ko?" diretso kong tanong
"Anong libro? Ahh. Yung lumang libro mo ba? Tinapon ko na. Halata namang hindi mo na iyon binabasa." nakangiti niyang sabi.
"Ano? Diba kabilin bilinan ko na wala kang itatapon sa gamit ko! San nyo po tinapon? Kailangan ko iyon!" halos hiyawan ko na ang matanda
"Sorry iho. Akala ko kasi.."
"Hanapin niyo! Kailangan ko iyon ngayon na!" inis kong sabi sabay akyat pabalik ng kwarto ko.
Inis akong napaupo sa bed ko. Kung kailan ko naman kailangan saka nawala. Teka nga, bakit ba ako naiinis eh ano bang pakialam ko sa lumang libro? Saka bakit ko ba pinapansin yung guard kanina, halata namang pinagtitripan niya lang ako.
Matapos ang ilang minuto ay muli akong bumaba para kumain ng hapunan. As always, ako na namang mag-isa ang kakain. Puro katulong lang naman ang kasama ko dahil yung magulang ko ay parehas na nasa abroad.
"Iho.." bungad na sabi ni Yaya Guring.
"Hayaan muna yun ya. Hindi ko na kailangan ang lumang libro na iyon!" walang emosyon kong sabi habang patuloy sa pag-kain.
"Pero kasi Iho.."
"Hindi niyo po ba nakikita na kumakain ako? Manuod nalang kayo ng TV. Gusto ko munang tapusin ang pagkain ko." inis kong sabi.
Sa lahat ng ayoko ay yung kinakausap ako habang kumakain. Ayokong may istorbo habang sumusubo ako. Yun ang pinaka-ayaw ko.
After kong kumain ay umakyat na ako at naglinis. Ilang oras din ang ginugol ko sa pag-lalaro ng playstation ng maramdaman ko ang antok hanggang sa makatulog na ako.
Maaga akong pumasok kagaya ng nakasanayan. Tumambay muna ako sa isang bench di kalayuan sa classroom namin. Dito ko madalas antayin ang dalawa kong ugok na kaibigan. Habang hinihintay ang dalawa ay may tumabi sa akin na hindi pamilyar na babae.
Sobrang ganda niya. Nakakabighani.
"Hanapin mo!" matigas niyang sabi. Bigla akong kinilabutan ng marinig ang boses niya. Ang inosente ng mukha niya pero ang boses niya ay may command. Yung bang dapat mo siyang sundin.
"Ano Miss? Hanapin ang?" Kahit may kaba ay pinilit ko pa din siyang tanungin.
"Hanapin mo kung ano ang nawawala sayo. Hindi mo gugustuhin na makuha yun ng iba." bigla siyang tumayo at tinalikuran ako.
"Sandali" pagpigil ko. Bigla akong nakuryente ng hawakan ko ang braso niya. Nabitawan ko itong bigla dahil sa enerhiyang naramdaman kong bumalot sa katawan ko.
Nilingon niya ako ng nakangiti. Imbis na matuwa ako sa ganda ng ngiti niya ay binalot ako ng takot. Lumapit siya sa akin na halos magdikit na ang mukha namin. Akala ko ay hahalikan niya ako ng bigla siyang nagsalita.
"Ikamamatay mo pag nahuli ka. Nandiyan na sila sa paligid. Kailangan mong mahanap ang pinaka-importanteng bagay na binigay sayo."
Nagtaasan ang balahibo ko ng marinig ang unang sinabi niya. "Ikamamatay mo pag nahuli ka" Napakurap ako at sa isang saglit ay nawala na ang babae sa harapan ko.
Anong sinasabi niyang ikamamatay ko pag nahuli ako. Saan ako mahuhuli? Ano ba at sino ang dapat kong unahan?
"Hoy!"
Mas kinilabutan ako ng marinig ang boses ni Limwell. Hanep na tropa kong to. Ang hilig manggulat.
Nainis ako ng makita siyang tatawa tawa. Siraulo talaga ito. Tiningnan ko siya at narinig ko ang sinasabi ng isip niya.
"Magugulatin talaga itong si Ezekiel. Mahina!"
"Sinong mahina? Baka gusto mong masapak ngayon?" seryoso kong sabi. Huli na ng malaman kong hawak ko na ang kwelyo niya.
"Ano ba pre, relax ka lang. Hindi ka naman mabiro. Saka paano mo nalaman ang naiisip ko? Ano bang nangyayari sa iyo?" inis niyang tanong habang inaayos ang uniform niya matapos ko itong bitawan.
"Hindi ko din alam pare." sagot ko. Napaupo ako sa bench na hawak hawak ang ulo ko.
"May kung anong gumugulo sa isip ko. Nababasa ko nga ata ang iniisip ng lahat" sabi ko na nagpatawa sa kaniya
"Hahahahahaha." mas lalo siyang natawa kumpara kanina. Nakakaloko ang tawa niya.
"Anong nakakatawa?" taas kilay kong tanong.
"Sino namang tao ang makakabasa ng iniisip ng lahat. Niloko lang kita kanina, sinakyan mo naman ako. Lasing ka ba o kulang sa tulog? Haha" pilit pa din siyang tumatawa.
"Seryoso nga ako." matigas kong sabi
"Kung ganon sige subukan natin. Ayan sakto paparating ang mga kumag, basahin mo nga ang iniisip nila." utos sa akin ni Limwell. Nakita ko si Alvin kasama ang iba pang student council.
Tinitigan ko sila isa isa at nabasa ko ang lahat ng iniisip nila maliban kay Alvin. Bakit hindi ko mabasa ang nasa isip niya? Bakit bukod tanging siya lang ang hindi ko mabasa.
"Oh anong iniisip nila Pre?" tanong ni Limwell
"May announcement daw mamaya sa gymnasium. 1pm." sabi ko na nag-iisip pa din kung bakit hindi tumalab kay Alvin ang power ko. Power? Ewan ko. Siguro naman power ito. Aba immortal ata ang nakakabasa ng isip ng tao.
"Mga pre, anong meron mamaya?" tanong ni Limwell sa mga student council.
"Mamaya? Delubyo. Delubyo ang paparating mamaya!" sagot ng isang lalaki tapos sabay silang nag-tawanang lahat.
Akmang tatayo na si Limwell ng pigilan ko siya. Kilala ko ang tropa kong ito, bigla nalang siyang mananapak pag binastos siya.
Naglakad na papalayo sa amin ang mga kumag ng napatingin sa akin si Limwell.
"See, anong nagawa ng power mo. Asa ka namang makabasa ka ng isip. Makakapatay pa ako sa kapraningan mo." Natatawang sabi ni Limwell
"Tara na nga. Malapit ng mag start ang klase." dugtong pa niya.
Tumayo na kami at naglakad papunts sa classroom. Triny kong basahin ang mga iniisip ng nakakasalubong ko at nagagawa ko namang pakinggan ang mga sinasabi ng isip nila.
May maling nangyayari sa akin. Hindi ako nananaginip. Hindi na tama ito. Kailangan ko muling makita ang tatlong taong nakaka-alam ng lahat.
Ang ermitanyo sa gubat.
Ang guard sa CR.
At ang babae sa bench kanina.
Natapos ang morning class na wala na naman akong naintindihan. Gustuhin ko mang mag concentrate pero hindi ako makapag focus dahil ginugulo ako ng isip ko.
"Pare kain muna tayo? Gutom na ako." sambit ni Jerome na hinihimas himas pa ang tiyan niya. Tumango lang ako bilang tugon sa kaniya.
Papatayo na kami ng makarinig ako ng matigas na boses.
"Nasan kang babae ka! Papatayin talaga kita!"
Luminga linga ako para hanapin kung sino ang nagsalita. Pero lahat ay tahimik na kumakain. Hanggang sa makita ko ang isang babaeng papasok sa loob ng canteen na may hawak na malaking bato. Tiningnan ko kung saan siya nakatingin at napansin ko ang isang babaeng mag isang kumakain.
"Patay ka ngayon sa akin Lyka." sambit ng babaeng may hawak na bato.
"Lyka, Yuko!" hiyaw ko na gumulantang sa lahat ng nasa loob ng canteen.
Galit na binalibag ng babae ang hawak niyang bato kay Lyka. Mabuti nalang at nakayuko ito at hindi natamaan ng bato.
Napatingin sa akin ang babaeng bumato. Nanlilisik ang mga mata niya at unti unting lumapit sa akin.
"Sino ka? Anong karapatan mong maki-alam?" takang tanong nito.
"Sa tingin mo ba tama ang ginawa mo? Paano kung tinamaan yung babae? Maaring mamatay siya sa ginawa mo!" matigas kong tugon
"So what? She deserve it! Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya!"
"Ano ba ginawa niya at galit na galit ka?" taka kong tanong
"See. Wala kang alam. Kaya hindi ka na dapat pang maki-alam. Hindi pa tayo tapos. Nang dahil sa ginawa mo, isasama na kita sa listahan ko." madiin niyang sabi sabay talikod sa akin.
Habang naglalakad siya ay triny kong basahin ang isip niya ngunit hindi ko na ito mabasa. Nagulat ako ng biglang may humawak sa akin.
Ang babaeng muntikan ng mapatay. Ang babaeng binato ng di ko kilalang babae. Si Lyka.
"Salamat Ezekiel" nakangiti niyang sabi sa akin.
"Kilala mo ako?" taka kong tanong.
"Sabihin na nating, ako ang future bestfriend mo." nakangiting sabi niya
"Future BestFriend? Excuse me lang Miss. May Bestfriend na si Zeke. Ako yun at si Jerome. Kami ang Past, Present at Future Bestfriend niya!" singit na sabi ni Limwell na ikinatawa ni Jerome.
"Sa mundong ito, kayo ang bestfriend niya, pero sa ibang mundo, ako na!" sagot ni Lyka na ikinataas ng kilay ko.
Kabilang mundo? Sa Langit ba ang tinutukoy niya?
"See you again soon, future bestfriend. Thanks ulit." saad nito sabay talikod sa amin.
Sinubukan kong basahin ang isip niya ngunit kagaya ng babae kanina, nabigo ako. Hindi ko din nabasa ang iniisip niya.
"Baliw ata yung babaeng iyon. May pa future bestfriend pang nalalaman." natatawang sabi ni Jerome.
"Pero brad, ang sweet mo kanina ha. Nag selos ka dun sa babae. Natakot kang mawala si Pareng Zeke." dugtong pa niya na lumakas pa lalo ang tawa. Napangiti ako ng siniko ni Limwell si Jerome sa balikat. Iba talaga pag may kaibigan kang mga siraulo. Mapapatawa ka ng wala sa oras.
"Tara na nga. Puro kayo kalokohan" saad ko.
Panandalian nawala ang mga iniisip ko habang kasama ko ang dalawa. Kung ano anong kalokohan ang pinaggagawa namin. Hanggang ang mainit na panahon ay biglang nagdilim na may kasamang kulog at kidlat. Natigil ang kasiyahan naming tatlo.
"Uulan ata ng malakas." sambit ni Jerome
"Sumilong na tayo sa classroom." sabi ni Limwell na hindi na kami inintay sumagot dahil nagtatakbo na siya papunta sa classroom namin. Sumunod naman kami ni Jerome na kumaripas na din sa pag-takbo.
Napahinto ako sa pagtakbo ng makita ko ang isang estudyanteng lalaki na hindi katangkaran at may katabaang katawan na nakatayo at nakatingin sa madilim na langit.
"Brad, hindi ka ba sisilong? Mukhang babagyo ng malakas. Baka tamaan ka ng kidlat. Tara na!" pag-anyaya ko. Hindi niya ako pinansin at kasalukuyang nakatingin sa kalangitan. May ibinubulong siyang hindi ko maintindihan. Hindi ko din mabasa ang iniisip niya.
Akmang tatakbo na ako ng mag-salita siya.
"Hindi mo matatakasan ang paparating na digmaan. Kailangan mong maghanda kung ayaw mong bawian ng buhay." sambit nito saka tumingin sa akin. Nginitian niya ako ng nakakaloko.
Biglang kumulog ng malakas na nagpatakbo sa akin ng mabilis. Hinayaan ko nalang ang lalaki.
Isang baliw na lalaki.
Pagkatapos kong makarating sa loob ng classroom ay biglang lumiwanag. Nawala na ang madilim na kalangitaan na animoy mag babagsak ng napakaraming tubig at mag iiwan ng baha sa buong lugar.
"Matindi na talaga ang climate change. Ang gulo na ng panahon. Kanina ang init tapos biglang dumilim may kasamang kidlat at kulog tapos ngayon, uminit na naman. Hayy!" sambit ng president ng aming klase.
Napatingin ako sa hallway na tanaw sa bintana ng classroom ng makita ko ang estudyanteng nakasalubong ko kanina na nakatingin sa madilim na kalangitan. Tinitigan niya ako at binigyan ako ng nakakalokong tingin.
Sinubukan ko ulit basahin ang nasa isip niya ngunit wala akong ni isang salitang makita. Luminga linga ako sa loob ng classroom at sinubukang basahin ang kanilang iniisip. Lahat sila ay nabasa ko. Tumingin ako sa bintana at wala na ang lalaki.
Napaupo ako sa upuan ko na nagtataka. Bakit ganun? Nakakabasa ako ng isip ng tao pero hindi lahat. Una si Alvin, pangalawa ang babaeng may hawak ng bato, pangatlo ang babaeng nag-ngangalang Lyka at pang huli ay ang lalaking nasa ilalim ng madilim na kalangitan.
Anong ibig sabihin nito? Limitado ba ang kapangyarihan ko? At kung totoo nga na may power ako, saan ko naman ito nakuha? At bakit meron ako nito?
Pinagtagpi-tagpi ko ang mga nangyayari. At bigla nagtaasan ang mga balahibo ko. Hindi kaya...
"Tama!" hiyaw ko na nag-palingon sa mga classmate ko. Napalakas ata ang sambit ko
"Anong tama pre?" takang tanong ni Limwell
"Na may tama siya!" natatawang sabi ni Jerome
"Kita mo naman na dalawang araw ng malalim ang iniisip ng kaibigan natin. Nagsimula yan nung umuwi tayo sa camping natin" dugtong pa niya
"Hindi kaya naengkanto ka pre? Hindi ba umihi ka nung huling gabi natin? Pinigilan kita, pero hindi ka nagpapigil. Tama! Baka naihian mo yung mga nuno sa punso. Hahaha" natatawang sambit ni Limwell.
"Mga Siraulo. Nag-iisip ako dahil may exam bukas." pag-sisinungaling ko. Totoong may exam kami bukas pero hindi yun ang iniisip ko. Iniisip ko ang mga nangyayaring kakaiba sa akin at sa paligid.
Tama si Limwell. Nagsimula ito nung umihi ako at makausap ko ang matanda. Dati wala naman akong paki-alam sa paligid ko. Matigas ako. Great Bad Ass kung ituring ng dalawa kong tropa. Pero parang unti unti akong nagkaka-concern sa paligid ko.
Muli akong inatake ng matinding pag-iisip. Sinimulan kong balikan ang nangyari sa akin. Yung matanda na nagbigay sa akin ng libro.
Ang librong may medallion na sinuot ko tapos biglang nawala.
Ang guard na nagsabing hanapin ko ang labing dalawang nagmamay-ari ng iba pang medallion.
Ang babaeng nakatabi ko sa bench na pinapahanap ang importanteng bagay sa akin.
Si Alvin na unang taong hindi ko nabasa ang iniisip.
Ang pagsagip ko kay Lyka na nalaman ko lang ang pangalan ng marinig ko na binaggit ng isang isip. Ang sinabi niyang ako ang bestfriend niya sa kabilang mundo.
Ang babaeng may hawak ng bato na tinakot ako na kasama na ako sa listahan niya.
At ang lalaking bumubulong sa gitna ng madilim na kalangitan.
Hindi kaya, iisa lang ang matanda, ang guard at ang babae kanina? Iisa lang kasi ang tinutukoy nila. Ang lumang libro.
At ang apat na taong hindi ko mabasa ang isip ay ilan lang sa nagmamay-ari ng ibang medallion?
Kung tama ang iniisip ko, maari kayang baliw na ako?
"Mr. Montemayor! Are you with us?" rinig kong hiyaw ni Prof. Maniquiz.
"Yes Sir!" nauutal kong sagot.
"Kanina ka pa tinatawag ni Sir. Wala ka ata sa sarili mo kasi bulong ka ng bulong. Natatakot na ako sayo pare." seryosong sabi ni Jerome. Kilala ko si Jerome, jowker siya at masiyahin, pero ngayon ko lang nakita siyang seryoso. Ganun na ba katindi ang pag-iisip ko at hindi ko na napansin ang nangyayari sa paligid?
"Then stand up and solve the problem on board!" hiyaw na sabi ni Prof. Maniquiz.
Tumayo ako at tiningnan ang board. Hindi naman ako natakot na sumagot at alam ko ang sagot. Napatingin ako sa mga classmate ko na nakatitig sa akin. Nabasa ko ang iniisip nila. Napangiti ako sa isang mensaheng iniisip ng isa kong classmate.
"Iba talaga ang isang Ezekiel Montemayor. Easyng easy lang sa kaniya ang math. Sana all."
Naupo na ako sa pwesto ko at sinalubong ang masayang si Limwell habang si Jerome naman ay bakas mo ang pag-tataka.
"Hindi ka na nga nakikinig pero kaya mo pa ding makasagot. How to be you po Mr. Montemayor?" pang-aalaska ni Limwell. Hinampas ko ang kamay niya at nag focus nalang sa pagtuturo ni Prof.
Matapos ang afternoon class ay naghiwalay na kaming tatlo. Nag-ayang maglaro ang dalawa pero mas gusto kong umuwi nalang. Sa aking paglalakad ay may napansin akong nakatingin sa akin. Si Lyka.
Nakasandal siya sa isang poste sa tapat ng main gate ng campus. Kinawayan niya ako na naging dahilan para puntahan ko siya.
"Sa Cafeteria tayo" bungad niya. Ano? Bakit? Huli na ng malaman kong sinusundan ko na pala siya.
Nakaupo na kami ngayon sa loob ng isang sikat na cafeteria. Ramdam ko din ang mabigat na awra ng lugar. Mailan ilan lang ang tao sa loob na kahit papaano ay ikinatuwa ko.
Napatingin ako sa kaharap ko na ngayon ay nakangiting nakatitig sa akin. Para siyang sira na ewan.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko
"Alam kong may something sayo, ganun din sa akin." sagot niya
"Huh?" maiksing tugon ko
"Kilala kita. Isa ka sa labing tatlong binigyan ng kakaibang kapangyarihan. Nalaman ko iyon dahil hindi gumagana sayo yung power ko. Siguro nga isa ka sa sinasabi ng Medallion Master ko na dapat kong hanapin." saad niya sabay labas ng lumang libro.
Bigla akong kinilabutan ng makita ang librong hawak niya. Nagmadaling magsilabasan ang mga pawis sa buong katawan ko.
"Bakit nasa iyo yan?"
"Ito? Binigay sa akin ito ng Master ko." nakangiti niyang sagot
"Master mo? Eh akin yang libro na iyan. Yan yung nawawala kong libro na binigay sa akin nung matanda" saad ko sabay hablot ng libro ko.
Bigla natawa si Lyka sa hindi ko malamang dahilan.
"Sige nga kung sa iyo talaga iyan, try mo ngang basahin ang nasa loob nito." paghahamon niya
Nagmadali akong binuksan ang libro. Napakunot ako ng hindi ko maintindihan ang nakasulat. Parang korean na chinese na parang baybayin na ewan.
"Paano ko ito maiintindihan kung ganyan ang pagkakasulat?" taka kong tanong.
Kinuha niya ang libro at humarap sa akin.
"Dahil hindi sayo ang librong ito. Kung sino ang may ari ng libro, siya lang ang makakaintindi ng nakasulat dito. Magkakamukha lang tayo ng cover ng libro, pero mag-kakaiba ang laman nito dahil magkakaiba tayo ng kapangyarihan." seryoso niyang sabi.
"Ha? Hindi kita maintindihan. Ano bang sinasabi mong kapangyarihan?"
"Huwag mo ng itago sa akin kung ano ang power mo. Malalaman ko din naman iyan pag nasa Loowa's Kingdom na tayo." saad nito.
"Loowa's Kingdom?" taas kilay kong tanong
"Ano ka ba. Kailangan ko bang ipaliwanag sa iyo ang lahat? Hindi mo ba binasa ang libro mo?" inis nitong tanong.
"Hindi. Nawawala eh." sagot ko
"Ano?" napatayo siya ng marinig ang sinabi ko. Nagsitinginan naman ang mga tao sa loob ng cafeteria. Muling umupo si Lyka at nag sorry sa mga taong nabigla sa pagkakahiyaw niya.
"Hindi pwedeng mawala ang libro mo. Hindi mo gugustuhin na mapunta ito sa Direktor. Kailangan mo itong mahanap agad." madiin na bulong niya.
"Sino ang Direktor?" tanong ko
"Siya ang isa sa pinaka-makapangyarihang nilalang sa Loowa's Kingdom ngayon. Base sa librong ito, Isa siyang Black Spirit na naghahanap ng medallions. Kapag nakuha niya ang labing tatlong medallion, maisasakatuparan na niya ang masama niyang plano. Ang pamunuan ang mundo ng mga Loowa." saad niya na nagbigay ng sakit ng ulo ko. Another information na magpapasabog ng isip ko.
"Kaya ang ginawa ng Dakila ay pinagkatiwala niya ang labing tatlong medallion sa mga alagad niya. At sila yung mga medallion master na ngayon ay naghahanap ng pagpapasahan ng powers nila. Sila yung nagbigay sa atin ng libro at ng medallion" dugtong niya. Nanatili lang akong nakikinig sa mga kwento ni Lyka.
"Kung may kakaibang mundo nga na ang tawag ay Loowa's Kingdom, bakit sa ordinaryong tao nila binigay ang kapangyarihan? Sa atin. Ano ang magagawa natin para sa mundo nila?" tanong ko
"Dahil hindi kaya ng mga Loowa na magkaroon ng kapangyarihan. Ikamamatay nila pag sinuot nila ang medallion." saad niya
"Okay. Kung ikamamatay nila, bakit yung Direktor inaasam pa ang medallion? Hindi ba't ikamamatay niya din kung makuha niya ito?"
"Dyan ka nagkakamali. Gagana sa kaniya ang mga medallion dahil dating tao ang Direktor." sagot niya na kinagulat ko.
"Tao? Akala ko Black Spirit siya? Ang gulo mo naman." inis kong sabi. Naguguluhan na ako sa mga kwento niya.
"Akala ko pa naman magaling kang mag-isip!" sambit niya sabay napabuntong hininga.
"Patay na ang Direktor. Pero ang ispirito niya ang nanatili sa loob ng Loowa's Kingdom. Maaring ikamatay ng mga Loowa kung mananatili ang ispirito niya sa loob ng mundo nila."
"So you mean, tayo ang makakatulong sa mga Loowa para mawala ang ispirito ng Direktor?" tanong ko
"Exactly! Nakuha mo din. Kailangan nating pasukin ang mundo nila at ilabas ang ispirito ng Direktor. Ang tao ay para lang sa mundo ng mga tao pati na rin ang ispirito nito. Kailangan nating maibalik ang ispirito ng Direktor sa mundo natin."
"Hindi bat hinahanap niya ang mga medallion? So pag pumasok tayo sa mundo nila malalaman ng Direktor na nasa atin ito dahil tao tayo. Hindi tayo isang Loowa" saad ko.
"Kaya nga dapat mahanap na natin ang ibang nag mamay-ari ng medallion para makapag-plano tayo. Hindi natin kaya ang Direktor kung dalawa lang tayo."
"Nauunawaan ko na ang lahat. Teka nga ano ba ang power mo? Kasi ako..."
Hinawakan niya ang kamay ko na naging dahilan para mapahinto ako. Nagmadali siyang itinago ang libro sa bag niya.
"Ang galing nakuha ko na! Sigurado akong makakapasa na ako sa exam bukas." masayang sabi ni Lyka na kinataas ng kilay ko.
Anong sinasabi niya? Bakit bigla nalang siyang nag change topic
"Ano bang sina.."
"Sakyan mo nalang ako. May kalaban." bulong niya. Biglang may dumaan na isang matangkad na lalaki sa gawi namin at dumiretso siya sa cashier para umorder. Nakasuot siya ng salamin at ang buhok niya ay parang hindi naman sinuklay. In short mukha siyang matalinong nerd.
"Mukha namang ordinaryong tao" saad ko kay Lyka.
"Sa likod ng inosenteng mukha ay ang nakatagong halimaw. Kailangan mong maging mapagmasid. Hindi lahat dapat mong pagkatiwalaaan." mahina niyang sabi pero sapat para maintindihan ko ito.
Tiningnan ko ang lalaki na kausap ang cashier. Triny kong basahin ang isip niya pero hindi ko ito mabasa.
"Hindi gagana ang kapangyarihan mo sa mga taong may medallion." natatawa niyang sabi
"Paano mong nalaman?" taka kong tanong. Alam kaya niyang nakakabasa ako ng isip?
"Pinag-aralan kong mabuti ang libro. Pinasok ko sa kukote ko lahat ng information. Ayokong mag mukhang tanga pagdating ng araw na nasa Loowa's Kingdom na tayo.
"So you mean tanga ako?" kunot noo kong sabi.
"Sa bibig mo lumabas" sambit niya habang tumatawa. Bigla akong nakaramdam ng ihip ng hangin. Papaanong nangyari iyon kung nasa loob kami ng cafeteria? Malayo naman kami sa aircon.
Nasagi ng kaliwa kong mata ang lalaki kanina na ngayon ay papalabas na ng cafeteria. Bago siya lumabas ay tumingin siya sa pwesto namin ni Lyka saka ngumiti sa akin.
"Boom!" nagulat ako ng gulatin ako ni Lyka.
"Ano ba?" inis kong sabi.
"Tama ang iniisip mo. Kapareho natin siya."
"Paano mo ba nalalaman ang lahat? Parang alam mo lahat ng nangyayari sa paligid. Kilala mo ang mga tao. Sino ang kalaban at hindi. Sino ang kagaya natin. Ano bang meron sa iyo?" tanong ko
"Vision. Nakikita ko ang mangyayari sa hinaharap. Pero limitado palang ang kaya kong gawin kasi hanggang ngayon hindi ko padin alam gamitin ito ng buo." sambit niya na nagpamangha sa akin.
"Wow. Ang tindi pala ng kapangyarihan mo. Lupet nun ah. So alam mo na pala kung paano matatapos ang gulong pinasok natin." sabi ko
"Hindi natin ito pinasok. Pinili tayo. Pero hindi ko din alam kung paano matatapos ito. Hindi ko kayang makita lahat. Kagaya ng sinabi ko limitado ito. Kaya kong malaman ang sa mga ordinaryong tao. Ano mangyayari sa kanila ngayon, mamaya at bukas. Even kamatayan nila at paano sila mamamatay ay alam ko. Pero sa kagaya mong may hawak na medallion limitado lang ang nalalaman ko." sabi niya na kinabigla ko. Kaya niya ba ako kilala dahil sa Vision niya?
"Ang alam ko lang, may kapangyarihan kayo. Yun lang. Kaya kong makita kung sino ang may power sa wala. Sino ang kakampi at kalaban. Pero ang malaman kung ano ang kaya nilang gawin ay hindi ko kaya. Hindi tatalab ang power ng isang medallion keeper sa isa pang medallion keeper sa mundo ng mga tao. Pero loob ng Loowas Kingdom, magagamit na natin ito kahit kanino." mahaba niyang litanya.
"Medallion Keeper?"
"Oo. Ang tawag sa atin ay medallion keeper. At ang nagbigay sa atin ay ang medallion master." nakangiti niyang sabi.
"Ikaw anong power mo?" dugtong niya
"I can read minds" walang emosyon kong sabi.
"What? Ikaw ang Dark Master Mind?" tanong niya na halatang gulat na gulat? Bakit ganoon nalang ang reaksyon niya?
"Bakit parang gulat na gulat ka?" tanong ko.
"Dahil ikaw ang pinaka-makapangyarihan sa labing tatlong medallion. Ikaw ang susi para mabuksan ang Loowa's Kingdom. Ikaw ang magiging sagot para matapos ang paparating na digmaan." sambit niya na nagpalaglag ng panga ko.