"Amara? anong ginagawa mo dyan? tsaka bakit ka umiiyak?"
hindi ko napansing nandito pala si ariel. pinunasan ko ang mga luha ko pero hindi padin tumitigil sa pag agos ito.
iyak parin ako ng iyak kaya nataranta na si ariel kung anong gagawin para mapahinto lang ako sa pag iyak.
" Ano bang nangyari sayo Amara bakit kaba iyak ng iyak?"
sobrang nag aalala na sya sakin pero hindi ko alam kung pano sya sasagutin.
"hindi ko alam! hindi ko alam!"
niyakap nya ako at pilit na pinapatigil sa pag iyak.
mga ilang minuto din kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa napag desisyunan na naming bumalik na sa mga kasama namin.
nagtataka ang mga kasama namin ng makita nila ang namumugto kong mga mata pero sinenyasan lang sila ni ariel na wag ng magtanong.
pumasok na ako sa tent ko at nahiga.
hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
[NIGHTMARE]
"sinabi ko naman na sayo diba. HINDI'NG HINDI KA NYA MAMAHALIN DAHIL AKO LANG ANG MAHAL NYA NAIINTINDIHAN MO!"
"tama na please, umalis kana."
kalmado lang na nakatingin sa kanya si amara pero sa loob loob nya ay nag wawala na sya. hindi nya inakala na kaya syang traydurin ng mga taong pinagkatiwalaan nya ng sobra at ng mga taong PINAGLABAN nya.
"NO! kailangan mo ng magising sa katotohanan na walang nagmamahal sayo. lahat ng tao dito sa palasyo mabait lang sayo dahil ikaw ang crown princess. pero pag wala ka ng kahit ano. lahat sila iiwan ka at kasusuklaman!"
tinignan nya ang dating kaibigan ng puno ng awa sa mga mata.
"hindi ko kailan man naisip na aabot tayo sa ganito. akala ko lahat kayo totoo sakin, akala ko lahat kayo may malasakit sakin. AKALA KO LAHAT KAYO TUNAY SAKIN!"
nagsimula na syang humagulgol na sya namang nagpalambot sa puso ng mga taong nakakakita sa kanya. AWA yan lang ang tanging makikita sa mga mata ng mga taong kasama nya ngayon.
"hindi ko naisip na dadating ang araw na pagsisisihan kong nakilala ko kayo. at ang araw na sinugal ko ang lahat maipaglaban lang kayo. maski buhay ko tinaya ko para sa inyo! tapos tatraydurin nyo lang din pala ako?"
wala na maski isa ang kayang labanan ang nag aalab nyang tingin. wala na maki isa ang kaya syang kontrahin.
gustuhin man nilang lapitan si amara hindi nila magawa.
"simula ngayon hindi ko na kayo kilala. simula ngayon kayo ay patay na. ayoko na kayong makita. bukas na bukas din umalis na kayo. at wag kayong mag iiwan kahit isang pirasong pag aari nyo."