nagising ako mula sa isang masamang panaginip. bigla akong napahawak sa dibdib ko ng sumakit ito.
ano ba itong nangyayari sakin? bakit ako nakakaramdam ng ganitong sakit? ang hirap hirap.
tila binibiyak sa sobrang sakit.
napaiyak ako ng malakas dahil doon.
naalarma naman ang mga kaibigan ko at agad na nagsipasok sa tent ko.
" amara ayos kalang? bakit ka umiiyak?" inihilig ako ni james sa balikat nya para patahanin. nakatingin lang sakin ang mga kaibigan ko at hindi magawang magtanong.
"amara magsalita ka naman natatakot na kami." tumingin ako kay james habang puno ng luha ang mukha ko.
"umuwi na tau" tanging nasagot ko lang.
"huh? pero amara kararating lang natin dito" napatingin naman ako kay ariel na nag aalala nadin sakin.
ayaw ko din umalis pero kailangan. hindi ko na kayang magtagal pa sa lugar na ito.
"umalis na tayo dito! ayoko na dito! UMALIS NA TAYO!" nagsimula na akong magwala.
alam kong ito lang ang tanging paraan para sundin nila ang gusto ko.
mas lumakas pa ang pag hagulgol ko at nagpumiglas sa yakap ni james.
"shhh shhh oo sige tahan na uuwi na tayo ok? tumahan kana please."
patuloy lang sa pag aalo sakin si james hanggang sa tumigil na ako sa pag pupumiglas.
marahil sobrang pagod narin ako kaya nag paubaya nalang ako sa kanila.
"amara hindi ka namin pipiliting mag salita ngayon. pero sana naman wag mo kaming pag alalahanin ng ganito. at kung kelan mo na gustong sabihin samin ang pinag dadaanan mo makikinig kami sayo. pangako".
'pangako'
tila may tinig akong narinig nung sinabi ni james ang salitang pangako pero masisiguro kong hindi boses ni james yun. para bang galing yun sa ibang tao.
"amara? amara hey ayos kalang? bat bigla kang natigilan dyan?."
ng dahil narin sa pagka balisa ay iling nalang ang nasagot ko.
ewan ko kung anong nangyayari sakin. pero may pakiramdam ako na hindi maganda kung ano man itong nangyayari sakin.