Chereads / Semira Boys Series: Uno Emir (Completed, Book 2) / Chapter 18 - Kapitulo 17: Paalam, Mahal Ko

Chapter 18 - Kapitulo 17: Paalam, Mahal Ko

"Aray ko!" pagrereklamo ni Uno nang mapahigpit ang nilagay na benda ni Wiz sa nadaplisan niyang braso. "Galit ka?"

Naroon sila sa resthouse ng pamilya ni Mike. Hindi na sila nakatuloy sa tunay na paroroonan kaya nagpasya na muna silang manatili roon. Umiiwas na rin kasi sila na matunton pa ng mga humahabol sa kanila.

"Gasgas lang, aray kaagad?" tugon niya sa akusasyon nito. "Gayahin mo si Francis! A tapang a tao! A tusok a puwet, hindi a takbo! Hahaha!"

"Kailangan niyo ba talagang ipaalala?" inis na sinambit ni Francis. "Traumatized pa rin ako. Alam niyo ba na naglalagay pa rin ako ng unan sa mga inuupuan ko?"

"Kaya pala amoy puwet ang mga unan ko sa bahay!" pandidiri ni Wiz. "Mapa-Zonrox at Downy nga!"

"Mabango ang puwet ko! Hugas-Ariel, iwas-kulob 'yan!" pagmamalaki pa nito.

Pinagmasdan ni Uno ang nobya habang nakaupo ito sa sala. Mabilis niyang napansin ang pagkabalisa nito at tila ba malalim ang iniisip.

Nagtungo siya sa kusina at nagtimpla ng juice. Bumalik siya sa kinaroroonan ng dalaga. Tumabi siya rito upang malaman kung ano man ang bumabagabag sa kanyang isipan.

"Mango juice for your thoughts?" pagtatanong niya. Iniabot niya ang baso ng paboritong inumin ni Alfa. Napangiti siya dahil sa panunuyo ng kasintahan sa kanya. "Malalim yata ang iniisip mo. Sorry at naiba ang plano natin na bakasyon. Hindi bale, palipasin lang natin ito at ipapasyal kita sa magagandang lugar dito sa Pilipinas o kahit pa sa buong mundo."

"Ikaw nga ang iniisip ko e. Kumusta na ang sugat mo?" pinilit niyang maging maliksi ang kanyang tono upang hindi mag-alala ang kausap.

"Wala ito. Mababaw lang naman." paniniguro ni Uno. Naalala niya na may magandang hardin pala sa resthouse nina Mike at marahil ay matutuwa si Alfa na manatili at magpahangin muna roon. Malawak kasi ang garden at maganda ang pagkakadisenyo. Napapalibutan ito ng samu't-saring mga halaman at bulaklak, may pond at palaruan pa. "May magandang view sa labas, gusto mo, doon muna tayo mag-relax? Presko sa lugar na iyon at makikita mo pa ang iba't-ibang specie ng mga paru-paro at makukulay na koi."

"Koi? Pusa rin ba iyon?" nagliwanag ang mga mata ni Alfa dahil sa nabanggit nito. Sa planeta kasi nila, walang mga pusa at aso. "Dali, puntahan natin!"

"Hindi. Isda ang koi." pigil sa pagtawa na pagtatama ni Uno. Hanggang ngayon kasi ay medyo nalilito pa rin ang nobya sa mga hayop sa Earth. "Ang pusa...'yan!" pagturo niya kay Wiz.

"Ha? Bakit ako?" Napaubo pa ito ng mapaso ng mainit na kape.

"Takot sa tubig 'yan."

"Excuse me...ehem...swimmer ako..." pagmamalaki niya.

"Pero noong bata ka, ayaw mong maligo, nangangagat ka nga..."

"Laglagan na ito...sige ako na si "Muning"." Ngumiti si Wiz kay Alfa at pilyong kumindat. "Hindi ko alam kung alam mo na ito. May secret si Uno na malupit! Hulaan mo kung saan may balat 'yan!"

"Talaga?" na-excite bigla ang dalaga dahil sa inaasam na revelation. "Balat sa puwet?"

"Sa harap..." Binigay pa na clue sa kanya.

"Ay!" napatili siya dahil naughty ang word na hula niya kung sakali.

"May maliit na balat sa singit si Uno na hugis-puso!" sinagot na ni Wiz para sa kanya.

"Huwat?" napatili ang dalaga dahil sa unbelievable revelation na nalaman mula sa pinsan ng nobyo. Nanlalaki ang mga mata niya na napatitig sa binata na tanggap na ang pagkatalo dahil sa ginawang paglaglag sa kanya ni Wiz. "Patingin...hihi..." binulong pa niya na may kasamang paghagikgik.

"Isa ka pa e..." pabirong pinisil ni Uno ang ilong nito bilang paglalambing. "Halika na nga. Ipapakita ko sa iyo kung ano talaga ang itsura ng koi at pusa."

Pagdating nila sa hardin ay namangha kaagad si Alfa dahil sa kagandahan nito. Nagpunta siya sa may pond at naaliw kaagad ng makukulay na koi fishes. Umupo siya sa may damuhan at pinanood ang kakatwang mga hayop. Nagsilapitan ito sa kanya upang humingi ng pagkain. Naramdaman niya na hinawakan ni Uno ang kanyang kamay.

"Pakainin mo raw silang mga "koi"." malambing niyang binanggit habang nilalagyan ng fish pellets ang palad ni Alfa. "Ihagis mo na sa kanila."

Pagbaba ng pagkain sa tubig ay nagkumpol-kumpol ang magagandang isda. Nakaka-relax para kay Alfa na panoorin ang mahinhin na paglangoy ng mga ito. Sa tuwa niya ay napayakap siya kay Uno at panakaw na humalik sa pisngi nito.

"Napakaganda ng mga koi. Salamat sa pagdala mo sa akin dito..."

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo! Ngayon lang ako nakakita ng mga koi! Pwede kaya silang maging kaibigan ni Fifi?"

"Pwede naman pero baka malunod si Fifi. Ilayo mo siya ng kaunti kung ipapakilala mo siya sa kanila."

Sumandal siya sa balikat nito at pumikit. Natutuwa talaga siya kapag ginagawa niya iyon. Pakiramdam kasi niya ay ligtas siya kapag kapiling niya ang lalaking minamahal. Maya't maya ay hiniga niya ang ulo sa kandungan ng binata.

"Sana, ganito tayo palagi." hiniling niya. "Kapag kaya ugud-ugod na ako at kulubot na, loves mo pa rin ako?"

"Oo naman." pangako ni Uno habang hinahaplos ang buhok ng kasintahan. "Kahit lolo at lola na tayo, we will stay this way. Pagpasensyahan mo na lang ako kapag mas makulit na ako noon, ha. Kapag daw kasi mas tumatanda, mas makulit. Basta tandaan mo, ang pag-ibig ko sa iyo, constant 'yan."

Nag-uumapaw sa tuwa ang kanyang damdamin dahil sa narinig mula sa iniibig. Nais man niyang lunurin ang sarili sa pagmamahal at aruga na buong-pusong binibigay ng nobyo, hindi niya maiwasang

maging balisa na naman.

Kanina pa gumugulo sa isipan ni Alfa ang pag-ambush sa kanila. Hindi pa rin siya makapaniwala na kayang ipagawa ni Sean ang pag-atake sa kanila.

Matagal na niya itong kakilala at alam niya na hindi nito nanaisin na mapahamak siya.

Gayunpaman ay hindi mawaglit sa isipan niya na hangga't nasa puder siya ni Uno, hindi titigil si Sean na guluhin ang tahimik na pamumuhay ng magpipinsan.

Labag man sa kalooban, nagdesisyon na siyang magsakripisyo.

Mahal na mahal niya si Uno at baka ikabaliw niya pa kapag nasawi ito ng dahil sa kanya.

"Alfa..." pagtawag sa atensyon niya ng kasintahan. "OK ka lang ba?"

"Oo." tulala pa rin na sinagot niya. "Uhmm, inantok ako bigla. Pwede bang matulog muna?" pagdadahilan na niya upang maisagawa ang planong paglisan.

"Oo naman. Halika." pag-aya niya. "Ituturo ko ang kwarto mo. Maganda ang view roon at pwede kang mag-ballroom dancing sa sobrang luwag.

"Wow naman, sosyal!" namangha siya. "Kaso, parang ancestral house pala ito. Wala bang mumu dun?"

"Wala. Subukan ng mga mumu na gambalahin ka, lagot sila sa akin!"

Pagkahiga niya sa kama ay umupo muna sa tabi niya si Uno. Inayos nito ang kumot at hinagkan siya sa noo.

"Pahinga ka muna. Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang."

Tatayo na sana siya nang hinila siya pabalik ni Alfa. Dahil sa hindi niya nakontrol ang lakas ay muntikan ng napasubsob si Uno sa sahig.

"Ay!" napatili siya dahil sa nagawa. Inakala pa naman niya na magiging "romantic" ang pagpigil niya rito na iwanan siya katulad ng mga napapanood niya sa TV. Inalalayan pa niya na makaupo muli ang kaawa-awang boyfriend. "Sorry! Gusto ko lang kasi na mag-stay ka muna saglit."

"Sana sinabi mo kaagad. Huwag ka naman violent." bahagyang natakot pa si Uno sa nobya dahil sa mala-Darna nitong lakas.

"Naku, sorry talaga...."

"OK na." pumirmi siya muli sa tabi ni Alfa upang makinig. "Ano bang gusto mo?"

"A..." pabebe na nag-alinlangan siyang humiling. "Bake namen*...hehehe..."

(Baka naman)

"Sabihin mo na."

"I-kiss mo nga ako ulit." Tinuro ni Alfa ang kanyang mga labi.

"Sa ilong na lang. Hindi ko feel diyan." pagsusuplado nito. "Nose to nose na lang tayo."

"Mas gusto ko 'yun lips to lips!" Ngumuso siya at nag-smack sound pa. "Sige na babe, honeybunch, sweetheart, darling cupcake, porkchop, oppa, Fafa Uno!"

"'Namimihasa ka na sa kiss, ha." natatawang sinambit ni Uno. "Dahil malakas ka sa akin, hahayaan kitang mamihasa. I will shower you with kisses."

Yumuko ito at pinagbigyan na ang kahilingan ng dalaga.

He gave her one passionate kiss that she will never forget.

Alam niya na hahanap-hanapin niya iyon kahit ilang taon pa man ang lumipas na magkahiwalay sila.

"I love you." magkahalong tuwa at lungkot na sinambit ni Alfa habang hinahaplos ang pinsgi ni Uno.

"Mahal din kita." tugon naman ng binata. "Sige na, magpahinga ka na. Gigisingin na lang kita kapag tanghalian na."

Bumaling sa kanyang tagiliran ang dalaga at nagpanggap na natutulog. Nang marinig na isinara na ni Uno ang pinto ay naghintay muna siya ng ilang saglit upang maisakatuparan ang plano.

Kinuha niya mula sa bag ang baon na notebook at ballpen. Sa mga unang letra pa lang ay hindi niya napigil ang sarili na maiyak.

Huminga siya ng malalim at pinunasan ang mga luha.

"Magpakatatag ka." kinumbinsi niya ang sarili. "Gagawin mo ito para kay Uno. Huwag kang selfish!"

Sinimulan na niyang isulat ang mga salitang dudurog sa puso ng binata.

"Pinakamamahal kong Uno,

Pasensya na at hindi na ako makakatupad sa usapan natin na walang iwanan.

Babalik na ako sa planetang pinagmulan ko.

Mas importante para sa akin ang kaligtasan mo at ng iyong mga pinsan.

Nagpapasalamat ako dahil naramdaman ko sa inyo ang ligaya ng isang pamilya.

At sa iyo ko lamang nadama ang tunay na pagmamahal ng isang lalaki na pinapangarap ko noong bata pa ako.

Palagi mong alalahanin na kahit nasa malayo na ako, patuloy pa rin kitang iibigin.

Hinihiling ko na makahanap ka ng babae na mamahalin mo at iibigin ka rin.

Hangad ko ang kaligayahan mo.

Paalam, mahal ko.

-Alfa"

Pinatong niya ang sulat sa may unan, kung saan madali itong makikita.

Binuksan niya ang bintana sa kwarto at tuluyan ng lumisan.

Lumipas ang isang oras at bumalik na sa silid si Uno upang gisingin ang nobya. Pagbukas niya sa pintuan ay bumungad ang bakanteng higaan.

Wala na roon si Alfa.

Lumibot pa siya sa buong silid upang hanapin ito. Sumilip din siya sa nakabukas na bintana at umasa na nagpapahangin lamang ito sa may balkonahe.

Pagtingin niya muli sa kama ay napansin niya ang isang liham.

Ang matapang at palaban na si Uno...

Nagmistulang duwag nang dahan-dahan niyang binuklat at binasa ang sulat.

"Pinakamamahal kong Uno..."