Chereads / The Adventure Of Rhem_13 / Chapter 6 - KABANATA 6

Chapter 6 - KABANATA 6

April 1, 20**

Gaya ng dati 8:00am uli aKo nagising nkalimutan ko kasing iset yong alarm clock ng 9am . Wala na kasi kong oras para don ikaw ba nmn maging abala sa mga gawaing bahay e' . At dahil napaguusapan ang relo buti nalang , buti nalang talaga . Mabuksan na nga tong regalo ni mama .. Tadaah!! Sakto ,sosyal si mama diko ineexpect to Smart Watch pa talaga ? Maisuot na nga at baka mkalimutan ko pa . Kelangan namin to don sinabihan ko narin yong dalawa ewan ko lang kung naalala p ng mga yon? Malamang sa malamang hindi ,e mas excited pa nga ata yong dalawang kumag na yon kesa sakin e' adventure daw adventure 😅 natatawa nalang tuloy ako sa dalawang yon. Ginagawang easy tong trip namin e d nga namin alam kung anong meron don.? Tss. Mga pasaway.. kinuha ko na yong bag at tiningnan kung sakto naba lahat ng mga kelangan ko . Naisip kung dalhin narin yong alarm clock wala e' parti narin ng buhay ko to . Kada umaga ba nmn ito tagagising ko, at ayon nga bago amo umalis kinausap muna ako ni Mama pinaalalahanan sa mga dapat kung gawin kapag nandon nadaw kami sa Rest House nila Troi sa Batangas . Gusto pa nga sana akong ihatid pero sabi ko na wag na . Baka pagtawanan pako nung dalawa sabihin baby parin ako . Parang nakokonsensya tuloy ako. Minsan lng kasi ko magsinungaling kay mama at ito talaga sa palagay ko ang pinakamalala . Buti nalang din hindi nya naisipang bulatlatin tong bag ko . Kung nagkataon keerrkk!patay na..

(Time Check 5:37pm) Asan naba yong dalawang yon? Tinatawagan ayaw sumagot . Haisst bumahag ata mga buntot kaya umayaw na . Text ko nga uli

-Goodaftie, hoy! Maya'Troi ano tutuloy ba kayo ? Kanina pako dito sa harap ng simbahan oh. Ano tataposin ko ba muna tong mesa o kayo yong sesermunan ko? 5min's. Pag wala pa kayo balanakayojan😒-

Sending…

Send✔

After 5mins aalis nasana ko nung

"Hoy Rhem!" me tumawag sakin . Si maya na pala naka pink na sweater jacket at white printed shirt nakalagay Kiss Me' tenernohan ng maroon pants na medjo punit²x yon kasi nauusong Fashion ngayon e, yong totoo ? San ba talga punta namin? . Tyaka bat sya lang . Tas dala nya pa Sling bag 😒ano ba akala nya sa lakad nato magwiwindow shoping lng sa mall?

"Makahoy toh hinaan mo nga boses mo nagmemesa pa oh gusto mo ba padasalan na kita don kay Father?" yamot ko ingay²x e. Buti nlng nasa labas kami.

"Grabeh sya " anas nya

"Anong Grabeh ako. Kayo ngae' kanina pako nag aantay dito usapan 5:30pm 5:37 na nga ko pumunta wala pa rin kayo?" yamot ko

"Oh late ka nga rin e'" loka²x talaga to

"Haiisst ewan, nga pala bat ikaw lang nasan si Troi ? Kanina ko pa kayo tinext ah tyaka bat Sling Bag lng dala mo? San ba punta mo?"

"Natural sasama sa inyo?tyaka si Troi andon pa bumibili lang ng Foods lam mo na. Nandon din gamit ko sira. Ala nga namang ganto lng ako ? Ano yon mamasyal lng?"paliwanag nya

"kala ko nga rin" asar ko umikot nmn mata nung babaeta.

"Tara na puntahan na natin kawawa naman yon don bibili ng pagkain pati bag mo dala pa ." salitang namutawi sa bibig ko na nagbukas sa isang conclusion

"Sandali"pigil ko sa kamay nya

"Oh bakit?" pagtataka nya

"Kayo na ba?" panghihimasok ko

"Baliw. Hindi noh bigat na bigat kasi ko don sa dala ko tas siguro naawa nmn sya kaya ayon nagpresenta na sya nadaw magdadala" paliwanag nya

"ehmm ano ba kasing dinala mo ? baka nmn kasi buong bahay nyo dinala mo na?" pangaasar ko pa

"Alam mo , hay ewan ko sayo ! Tara na nga puntahan na natin yong isang yon baka napano na yon don"

"Afficted (✔) concerned (✔) "

"Ano nmn yan , ikaw Rhem para kang ewan . Wala akong gusto don period ulit ulitin ko paba?" inis nya

"E di wala ,tss" sagot ko sabay smerk

Palabas palang kami ng gate

"Oh e ayan na pala sya,hoy Troi!" si maya tawag nya don sa isa medjo malayo pa kasi tyaka nakayukong naglalakad parang me iniisip me problema ba to? Napansin ko yong suot nyang sweater jacket na black tenernohan ng white shirt tas fit na black pants lakas ng dating nya ngayon ang nkasira lng e yong dalawang bag sa magkabilang braso nya grabe nmn kasi tong si maya magdadala ng bag d nmn kayang buhatin and for the record ngayon ko lang napansin mga pormahan ni Troi, dati nmn kasi wala akong paki kung anong suot nya . Hinintay nalang namin sya mkalapit . Dami nyang pinamili dalawang eco bag dala nya ano nmn kayang pinamili nito .?

"Hi Guys ano tara na ba?"medjo matamlay nyang bungad dahil siguro don sa dala nya

"Ou tara na , kanina pa beast mood tong si Rhem e . Kolang nalang sakalin nako kanina" sumbong nung bruha

"Ahh Ganon ba? Pasensya na" Parang walang gana nyang sagot kaya nag usisa nako

"Anong problema Troi akin na nga yang isa baka dahil dito kaya kakaiba din mood mo" anas ko sabay abot nung isang eco bag na agad nya nmang binigay

"Ou nga d ka nmn ganyan kanina ah" si maya

"D me naalala lang ako , Wag kayong mag alala wala lang toh. Ano tara na mag aalas 6 na ano nga uling oras ng Full moon mamaya Rhem?"

"11something kaya dat bago yon makarating na tayo don . Natutumbok daw ng simbahan so it means don yon " sagot ko sabay turo sa bandang harap

"Ayy kaloka e dat pala don tayo banda nag antayan hindi dito sa simbahan" reklamo ni maya

"Tange isang sakay nalang yan don oh , tara na daming reklamo e"

So ayon na nga sumakay na agad kami sa tricycle pansin ko hindi parin umiimik tong si Troi ngingiti lang tas magseseryoso uli parang me problema nga talag . Ito namang si maya sobrang daldal d nauubosan ng kwento la namang wenta hihi choss. Nung malapit na kami biglang huminto yong sasakyan ni manong

"Manong bat po kayo huminto ?" usisa ko kasi nmn me daan p nmn papasok lupa na nga lang .

"Iho hanggang dito nalang wala ng daan yan jan ,baka naliligaw kayo? San ba dapat punta nyo?" usisa ni manong

"Ahh hindi po dito po tlaga punta nmin mag star gazing po kasi kami tyaka Full moon po mamaya e" palusot ko habang bumababa na sa tricycle nya baka mamaya sumama pato.?😄 bumaba narin yong dalawa

" Ahh ganon ba e mag iingat nalang kayo ah mukang mga fresh grad p nmn kayo " pag aalala ni manong mga pamihiin nga naman.

"Hihi opo" nasabi ko nalang

"Manong matanong lang po me alam ba kayong balon dito ?" tanong ni Troi si Maya nmn ayon nagwowonder parin sa Lugar ngayon lng ba to nkakita ng gubat ?

"Balon?"nagiisip…

"Wala e pero me sabi²x na meron nga daw balon dito pero maski ako hindi ko p nkikita yon" dugtong nya

"Ganon po ba ? Rhem sigurado kaba dito?" si maya . Sawsawera kasi to . Nilapitan ko nga at lumayo kami ng kaonte

"Ano kaba? Syempre sigurado ako noh medjo pero sigurado ako" pabulong kung sabi

"Ok" matipid nyang sagot. Sasabunutan ko na talaga toh.

"Oh sya maiwan ko n kayo . Magiingat kayo ah" concern si manong . Tumango nalang kami .

(Time Check 7:01pm)

Nagsimula na kaming maglakad bali sa gitna si Maya sa magkabilang dulo nmn kami ni Troi medjo madilim na pero may buwan naman kaya hindi rin ganong kadilim sa gubat kinuha na namin yong dala naming Flash Lights at tuloy lang sa paglalakad . Tahimik lng kami,

"Guys ok lang ba kayo?" basag ni Troi sa katahimikang namumuo saming lahat

"Huh oo naman" sagot ko.

"Yah were fine ikaw nga dapat tanungin namin e kanina pa kasi namin nahahalata na medjo strange yong kinikilos mo" si maya

"Wala lang yon nagkaproblema lang kasi sa bahay" matamlay nyang sagot tas tumingin sakin ng makahulugan,anong meron ang weird nya ngayon ? Parang nanunuyo kasi tingin nya at para namang me sumundot sa puso ko nung mga oras nayon ,weird ?

"Ok?" matipid na sagot ni Maya at tumuloy tuloy na kami sa paglalakad . Kung san san namin tinuturo yong Flashlights para mabilis naming mahanap yong balon. Siguro mga ilang kilimetro narin kaming naglalakad sa masukal na gubat nato . Ang tataas ng mga puno at ang daming nkabalandrang kahoy sa paligid , lusot dito lusot don tanging ingay lang ng mga sangang natatapakan namin at ingay ng mga hayop ang naririnig namin . Nakakatakot pero buti nalang talaga isinama ko tong dalawa .

"Maya. Rhem.tingnan nyo" Parang naeexcite na tawag samin ni Troi . Sinundan namin yong direksyon nung Flashlight nya sa bandang kaliwa .

"Oh my! Yan na ba yon?" naeexcite na sabi ni Maya . Kahit pala maarte to matapang din di manlang natatakot bagkos naeexcite pa.

"Ou baka yan na nga yon , Ano Rhem?" paniniguro ni Troi.

"Pero parang nakakatakot nmn ata yang balon na yan baka nmn si sadako ang lalabas jan?" anas ni maya

"Sira! Saglit Troi d ako sure diko p nmn nakikita yon . Umikot p siguro tayo baka me iba pang balon dito?" suggestion ko

"Lah no way ikaw nalang ang sukal²x na dito oh mamaya ano na mkapagtagpo natin jan mapano pa tayo" reklamo ni Maya . Babarilin ko n talaga tong Ibon nato puro reklamo kala ko p nmn hindi takot to? Ako nalang daw?yoko nga!

"Tara Rhem baka nga hindi ito yon " aya sakin ni troi . Hinawakan nya yong kamay ko at habang ginagawa nya yon nkaramdam ako ng kakaiba parang me suddden shock akong naramdaman parang spark ? So weird😐 walA akong gusto sa kanya ni kahit minsan d ako tinablan sa kumag nato. Saglit hindi nga ba?

"Hoy iiwanan nyo bako dito?" pagmamaktol ni maya na pumutol sa pag mumuni muni ko

"D nyo manlang ba ichecheck yon ? db sabi tumbok daw nung church baka ito na nga yon tingnan mo na natin bago n nmn tayo maghanap ng iba pagod nako e . " reklamo n nmn nya . Sabagay me punto naman sya. Bumitaw ako kay Troi at nauna na sa kanila . Sumunod naman sila . Sa harap ng lumang balon na medjo nababalutan n ng makapal na lumot at damo nilabas ko yong libro sila nmn tinutok yong ilaw sa libro kaya mas malinaw na yong mga litra. Sinilip kong saglit ang balon pero parang wala n nmang tubig yon parang npakalalim pati.

(Time Check 10:47pm) ilang minuto nlng pala full moon na wala na kming oras sa paghahanap . Kaya susubukan nMin dito wala nmn sigurong mawawala . Pag pumalpak set nlng uli sa ibang buwan . Pero ngayon hindi nmin dapat sayaNgin tong pagkakataon nato .

Isang minuto nalang at nagsimula ng ngang sumentro ang sinag ng buwan sa balon . Tama nga siguro sila ito n nga ata yon. Maya pa buo nang sinakop ng sinag ng buwan ang kabuuan ng balon . Napabuntong hininga akot napalunok bago ko sinimulang bigkasin ang engkantsyon,

"Sa ibabaw na lupa ikay nasa ilalim sa linawag ng buwan ikay tila bituin

Sa luntiang talahib ikay tila tanawin sa simoy ng hangin ikay tinatangay din

Engkantasyong nabanggit ay bigkasin sa bughaw na tubig ikay masasalamin"

Pagkatapos kong bigkasin yon . Parang wala namang nangyayare .?

"Rhem yon na ba yon ? Para namang walang nangyare" si maya .tama sya parang wala nga tlgang nangyayare Tatalikod n sana ako nung pigilan ako sa balikat ni Troi

"Saglit, tingnan nyo"

Sobra akong namamangha sa nkikita ko . Unti unting nagiging parang polbos na maliliit nailaw ang sinag ng buwan pumapaikot ikot ito samin na syang naging sanhi ng pag guhit ng ngiti sa mga labi namin. Sobrang ganda naisaloob ko nalang . Napakaliwanag para silang mga alitaptap na kulay asul na lumilipad sa paligid namin. May minsang dumapo sa mga daliri ni Troi at pinakita nya yon sakin kapwa kaming nangingiti habang pinagmamasdan yon . Napukaw ang atensyon ko ng titigan niya akong waring nanunuyo ilang sigundo din kaming ganon hindi ko alam kung anong ibig sabihin non pero parang nangungusap ang mga mata nya at may gusto syang sabihin sakin. Umiwas ako ng tingin at tinuon iyon sa mga umiilaw na bagay na pumapalibot samin. Nawewerdohan nako kay Troi pero hindi ito ang tamang panahon para mag usisa . Sa ngayon oobserbahan ko muna sya ayokong bigyang kahulugan yong mga kakaibang kinikilos nya ngayon .ayokong umasa at bigyan ng malisya yon. Mayapa unti unti ng nagsasanib at nagiging korting tao ang mga maliliit na liwanag. Napansin kong dahang dahan nitong inaangat ang mistulang mga kamay kasabay ng pag angat din nmn ng tubig sa balon na inakala ko kaninang walang laman. Umapaw iyon hanggang umabot sa mga paa namit tumaas ng tumaas nagkatinginan kaming tatlo nagkapitkapit kamay huminga ng malalim at sabay na pumikit. Ramdam ko pa ang mga kamay nila na wariy pumapalag at waring nalalagutan na sila ng hinanga ganon din ang nararamdam ko kayat nagpasya kaming umangat at lumanghap ng hangin . Nagulat ako sa pagmulat ko ng aking mga mata maging sila namangha din. umaga na! Sambulat ko pero sa isip lang . Pano nangyare yon ? Pero bago ko problemahin yon ito muna. Ahhhhh!!!! Sigawan nmin tinatangay parin kasi kami ng tubig at natatanaw ko na babagsak kami . Nagpalinge linge ako para humanap ng matibay na kakapitan napansin kung maraming nkalambiting baging na dumidila sa tubig ng ilog mula sa isang napakatayog na punong hindi ko mawari kung anong uri. Nabigla ako ng igapos ni Troi ang isang kamay ko sa bandang bewang nya

"Rhem !kumapit kang mabuti ano mang mangyare wag kang bibitaw ! hawakan mo ng maigi si Maya" parang me ibang kahulugan sakin yong sinabing yon ni Troi pero ayokong bigyan ng ibang kahulugan yon ayokong umasa normal lng yon sa ganitong sitwasyon bat ko b binibigyan ng malisya . Haisst . Sumang ayon nalamang ako sa kung ano mang pinaplano nya mas malaki ang katawan nya kesa sakin e' kaya tiwala ako,

"Anong gagawin mo?" tila nhihirapang wika ni maya halata sa mukha nyang nahihirapan na sya

"Kumapit kalang kay Rhem . Pagbilang kung tatlo"

"Ano tatago ba kami?"pabiro kung sabi

"haisst nakukuha mo pa talagang magbiro sasitwasyon nating toh?" Inis nya . Seryoso sya . Halata sa mukha nya . Bkit ba ? Si maya naman natatawa ayan nakalunok tuloy ng tubig

"humanda kayo" warning nya . Bigla nmn kaming nagseryoso ni Maya . Ayan na yong isang baging

"Shit!" inis ni Troi hindi nya kasi nahawakan. Ayan pa yong isa . Lagot kami pG d nya pa naabot yan mahuhulog kami! Ahhhh!!! Sigaw ng utak ko .walastik Namamanhid na kamay ko pupulikatin pa yata ako..

At Tumigil ang mundo ko ng mahawakan ni Troi yong baging akala ko talaga kataposan n nmin Salamat sa Diyos! . Kumapit na sa bewang ko si Maya habang tinatangay kami ng tubig pakaliwa papalapit sa pampang ng ilog . Sabay²x kaming napahiga na tila kinakapos sa paghinga

"Ok lang ba kau?" Tanong ni Troi habang nkatingin samin .pagod na pagod din sya . Parang gusto ko syang halikan ng mga oras nayon sobrang gwapo nyat namumula ang magkabilang pisnge nya. Pero pinipigilan ko . Hindi kami talo , hindi kami talo paulit ulit na sinasabi ng utak ko

"Rhem ok kalang bah" usisa nya at dinama ang kanang pisnge ko. Shit, wag Troi . Baka tuluyan nakong mafall sayo. Ayokong masaktan .

"Aah e ou. Ako paba?"nauutal kung sagot lumingon ako kay Maya para hindi nya mahalatang naiilang na talga ko . At ayon kusa nyang inangat kamay nya

"Maya ikaw ok kalang?" tanong ko. Pero imbis na sumagot bumangon na sya

"Tumayo na kayo ok lang ako" seryosong sabi nya . Binulatlat nya yong laman ng bag nya at isa isang binilad sa araw . Bumangon narin ako ganon din si Troi at pareho din naming binilad yong mga gamit namin . Tiningnan ko kung ano yong mapapakinabangan pa halos lahat kasi nabasa pati laptop ko kainis.! Mabuti nalang din nabasa lng ng kaonte yong libro pinagitnaan kasi ng mga damit ko . Haiisst ayaw na gumana nung laptop pati nung smart watch lagot tlaga ako nito kay mama .

"Rhem alam mo b kung pano tayo makakabalik?" si Troi habang binibilad din yong mga basa nyang damit. Pano nga ba ?

"Hindi ko alam, " medjo nag aalangan kung sabi

"What? Hindi mo alam ? So pano toh? Pano na tayo makakauwi?" sunod²x na tanong ni maya . Nakatingin lng sakin si Troi

"Hindi ko alam . Siguro pag nahanap na natin si papa baka sya makasagot ng mga tanong mo" naiilang parin ako . Nahihiya kasi ko sa kanila ewan ba bat nararamdaman ko to . Siguro dahil sa dinamay ko pa sila sa plano kung toh.

"Ayon naman pala tara hanapin na natin ang papa mo " si Troi

"San naman? Hindi tayo pamilyar sa lugar nato so san natin sya sisimulang hanapin?" Malditang sagot ni Maya. Me naalala ako

"Me kelangan tayong hanapin bago si papa . Sabi ni papa Catalena daw ang pangalan nya baka sa kanya makahanap tayo ng sagot" pagbabakasakali ko.

"I remember that name , tara na bka nandito lng sya somewhere in this place, lets go " nagsimula na nga syang mag ikot .

"Maya! saglit hintayin mo kami . Tara Rhem" aya sakin ni Troi . Ayon sinundan namin si Maya . Sinuot namin ang gubat ng mga basa ang damit namin .iniwan lng nmin yong mga gamit pero Dinala ko yong libro . Binuklat buklat ko yon para matuyo si Troi nmn nkatingin lang sa ginagawa ko

"Guyz sandali " pukaw ni Troi sa atensyon namin . Tumigil naman si maya sa paglalakad ganon din ako .

"Bakit Troi?" Usisa ko

"Buksan mo nga uli yang libro sa last page . Don sa dalawang blangko" utos nya . Binuklat ko nmn agad yon. Napansin ko yong basang parti me parang nkaguhit don. Kinuha nmn agad nya sakin yon at bumalik sa ilog sabay niloblob yong libro .Sumunod nmn kami ni Maya

"Hoy anong ginagawa mo? "usisa ko sabay hablot ko sa kanya napalingon lang sya at tinuloy lng yong ginagawa nya.

napansin namin ang pagbabago nong dalawang page. Unti unting nabuo yong maliit na guhit na nkita ko knina . Nagmistulang mapa yon. Mayapa inangat na ni Troi yong libro

"Look, Mapa toh"nkangiti nyang sabi

"Ou nga!" sambulat ni Maya

"P-pero pano?" nagtataka kung tanong

"Well naisip ko kasi na maraming weird na bagay sa mundong toh. At gaya mo nagtaka din ako bat me kulang sa page , tas napansin ko yong mga guhit sa basang parti nung libro habang binubuklat buklat mo, look at what happen d ako nagkamali" pagmamayabang nya.

"D ikaw nah" yamot ko .

"Wait.e Marunong ba kayong bumasa ng mapa?" si Maya

"Marunong ako North south west east lang nmn dapat tandaan diba ? Pinagaralan natin to sa social studies nakalimutan nyo na agad?" infairness naman dito kay Troi me silbi din nmn pala pagiging masipag nito sa pag tatakenote.

"then what are you waiting for? Dali tingnan mo na kung nasan na tayo" Kamalditahan tlaga nito d magtatagal matatampal ko nato

"Grabeh mkautos ah.?" Ako . Nakakainis e.

"Ou saglit" sinimulan na niyang tingnan yong mapa .

"Ito yong ilog coming from north " bulong nya

"were here ! Sa west part ." turo nya don sa mapa sabay pakita samin. Tiningnan ko yong iba pang bahagi ng mapa .napansin kung kakaiba yon para kasing color coding. Sa north part kasi kulay blue. Sa east Kulay brown . Sa west kung nasan kami kulay green . Sa south kulay red.

"Were on the green part" sabi nya pa .

"Ehm e san ba dapat tayo?" tanong ko

"As I remember . We should always go and follow the north side" si maya tiningnan ko ng makabuluhan si Troi

"Sa North side daw" parang nangaasar kong sabi . Patago nmn syang ngumiti .nkuha nya siguro yong gusto kung iparating . Nkakainis kasing kaartehan ng Maya nato.

"Tara na!" tapik sakin ni maya .kinampay naman din ako ni Troi kaya sumunod nako sa kanila . Napangiti ako ewan kung bakit pero pkiramdam ko masaya ako na kasama ko sila . Opposite na opposite mga ugali nmin pero pagdating tlga sa maraming bagay gaya nito nagkakasundo sundo kmi kahit minsan nagkakapikonan pero wala e mas matimbang yong samahan namin bilang magkakaibigan . Pero ngayon parang me nagbabago na . Unti²x na kasing nabububo yong feelings ko para kay Troi . Ewan ba pero dahil sa trip nato, napansin ko sya na dati halos binabaliwala kolang . Hindi ko alam kung ganon din yong nararamdaman nya para sakin , straight sya e . Yon ang alam ko kaya hanggat maari pipigilan ko tong mararamdaman ko parasa kanya. Kasi alam ko sa dulo , masasaktan lang din ako.