Chereads / The Adventure Of Rhem_13 / Chapter 9 - KABANATA 9

Chapter 9 - KABANATA 9

Kinabukasan hindi pa man ganong sumisilip si haring araw nagsimula na agad kami sa pagsasanay . Tatlong araw nalang at magsisimula na ang digmaang dahilan ng pagiging abala ng lahat.

Halos hindi ako makapag concentrate kaya nawawalan na ng gana yong trainer ko. Iniisip ko parin kasi yong nangyare kagabi. Naiinis tuloy ako ngayon sa sarili ko. Sinabi na kasing wag umasa pero asa parin ako ng asa ito tuloy napala ko. Pinagpahinga muna ako nung trainer ko baka daw napagod lng ako sa training kahapon. Umupo muna ko sa isang tabi at pinagmasdan sila habang nagsasanay . Napansin ko si Troi na panay ang sulyap sakin ayan tuloy natamaan sya nung tubig, naharang nya nmn pero hindi nya siguro kinaya yong impact kaya tumalsik sya pero nakabangon naman agad sya . Mayapa nakita kung nagpaalam sya sa kasparing nya . Papunta sya ngayon sa direksyon kung nasan ako kaya nagpasya nakong tumayo at umalis .. tuloy²x lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko yong sapa .sumandal ako sa isang puno doon pumulot ng ilang maninipis na bato at hinagis yon sa tubig namangha naman ako nagkakaroon kasi ng iba ibang kulay yong parting binabagsakan ng bato. Ihahagis ko plng sana yong hawak ko nung me bumato rin sa tubig . Napalingon ako sa pinanggalingan ng bato . At nakita kung Si Troi yon hindi ko lng sya pinansin at muling binaling sa tubig ang atensyon ko . Bumato sya ng malakas at maraming beses yong tumalon talon sa tubig, sobrang ganda non . Tas nkita kung pumulot uli sya

"Ang weird noh, Kahit Masakit na sige parin tayo ng sige" inosente nyang sabi . Hugot ba yon . Tyaka Ano bang pinagsasasabi nito ?

Nagpasya syang umupo sa batohan hinarap ang sapa at lumingon papunta sa direksyon ko

"Rhem im really sorry , kahit paulit ulit ko pang sabihin sayo yon ok lang . Deserve ko nmn. Hindi ko dapat pinaglaruan yong feelings mo , ni halikan ka dahil lang sa alam kung type moko I should have respect you"

hindi lang ako sumagot , tyaka sinabi ko ba sa kanya na type ko sya . Napaka ambisyoso tlaga?

"Rhem kausapin mo naman ako Less talk ako alam mo yon diba . Kaya please naman kausapin mo na ko . Para na kasi kung tanga dito Hindi ako sanay ng ganto tayo e"

manigas ka. Papahard to get naman ako noh. Mayapa nagpasya na syang tumayo at naglakad papunta sa direksyon ko . Pero ako nakaupo parin at tuloy lng sa pagbato bato masyado kasi kong naiinganyo sa ganda ng sapa.

"Rhem Sorry na nmn oh . Hoy' ang hirap mo namang suyuin ." angal nya

"E sino ba kasing nagsabi Sayo na manuyo ka ? Tas ngayon magrereklamo ka Tyaka ano bang paki mo kung d kita pansinin?" sagot ko hindi nako nkapagpigil e

"Hindi nga kasi ako sanay . And to be honest hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyare"

"ahh so ngayon sinisisi moko ganon ?" inirapan ko sya

"H-hindi sa ganon, what I mean is that after what happen last night you made me realize of something . Im not really sure of it up until now but I guess what happen last night ? Ginusto ko yon , Rhem That kissed ? Totoo lahat yon" pangungumbinsi nya, ano bang patutunguhan ng paguusap nato?

"Wag ako Troi . Kung yan gumagana sa mga babaeng dead na dead sayo pwes ibahin moko . Isa pa hindi ako babae atsaka hindi kaba kinikilabutan sa mga sinasabi mo ? Straight ka diba .?"

"Oo, pero Rhem ngayon ko lang naramdaman toh. Oo naguguluhan pako . Hindi ko inexpect na magkakaroon ako ng gantong feelings towards you pero importante paba yon dba ang mahalaga gusto moko at ganon din ako sayo" panunuyo nya . Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o maiinis . Ano ba kasing trip nito?

"Alam mo Troi gutom lang yan kaya umalis kanat kumain ka don. O baka pagod kalang ,you should take a rest " tumayo nako at akmang aalis na nung magsalita syat pigilin nyako sa kamay .

"Hindi Rhem ngayon sigurado na talaga ako gusto kita kaya sana naman bigyan moko ng chance para ipakita sayong seryoso ako" hindi ako makatingin ng diretso sa kanya hindi ko kayang mkipagtitigan sa nanunuyo nyang mga mata.

"i-ikaw seryoso ?nagpapatawa kaba?" pero seryoso yong mukha nya

"Rhem siguro nagtatataka ka kung bakit ko to sinasabi sayo habang pinagtawanan lng kita kagabi. Pero Rhem hindi dapat yon ang magiging reaksyon ko. Nahahalata mo n nmn siguro yong kakaibang kinikilos ko bago p tayo mapunta rito diba? Dahil yon sayo . I really felt something special for you , nagdalawang isip lang akong sabihin sayo yong totoo baka kasi idump moko" pagamin nya

" Troi hindi pwede . Mahihirapan kalang . Sa tingin mo kakayanin mo lahat ng panglalait na ibabato ng tao sayo? Sa tingin mo matatanggap to ng mga magulang moh .? Mag isip ka nga Troi . Wag kang gumawa ng desisyon na pagsisisihan mo sa huli. Hindi to gamit na pag nagsawa ka na itatapon mo na . Me masasaktan ka Troi" pagpapaintindi ko sa kanya . Gusto ko sya .mahal ko na nga ata . Oo siguro nga ang sarap isipin na yong gusto mo e gusto karin pero hindi ko kayang piliin yong pansariling kaligayahan ko habang sya e nahihirapan naman

"Pero Rhem"Aangal pato parang bata! Ano bang akala nya sa relasyong papasukin nya?

"Alam mo Troi ok na ko . Medjo . Kaya kung ginagawa mo to dahil sa nakokonsensya ka?. Payo ko sayo please itigil mo na . Pagisipan mong mabuti yang mga pinagsasasabi mo. Pag nagawa mo yon at narealize mong gusto mo nga talaga ako? Maybe just maybe . Magkaroon tayo ng chance . Malay mo di ba? Wag mo lang madaliin yong mga dapat mangyare . Hayaan mong panahon ang magsabi kung deserve ba talaga natin ang isat isa" para naman akong nabunutan ng tinik pagkatapos kung sabihin yon . Pakiramdam ko ako pa ata tong napangaralan nung mga binitawan kung salita? Pagkatapos non umalis nako at iniwanan sya . Pero sya hindi sya umalis . Ewan kung bakit?

Bumalik ako sa training ground pero bago magsanay kumain muna kami . Humiwalay kami ni Maya sa kanila. pansin ko na hindi parin bumabalik si Troi mula pa knina.

"Rhem me problema ba kayo ni Troi?" nagtatakang tanong ni Maya

"Huh? Bat mo nmn nasabi?"

"Kagabi ko pa kasi kayo napapansin ikaw ayaw mo syang lapitan sya naman ayaw kang pagusapan ."

"Oh tapos ?"

"Haller? Kaibigan nyoko noh. Alam kong amoy ng utot nyo"

" Ikaw am bastos mo! Kumakain tayo oh"

"sira! what I mean Is kilala ko kayo tyaka pagkain bato? E Gulay at mash room lang to e"

"gaga pagkain parin yon. Kinakain mo ngae tas nagrereklamo ka"

"E no choice eh ala nga namang diko kainin e di nagutom ako?"

"Pwede rin naman kesa naman reklamo ka ng reklamo jan"

"Alam mo ikaw, hindi ko alam kung kaibigan ba kita oh kaaway . Ang harsh mo lagi sakin e"

"Masanay ka nah." Nasabi ko nalang . Tas para namang me anghel na dumaan sa harap namin . Bigla kasi kaming nanahimik.

"Pero Rhem d nga? Wala talaga?" Basag nya sa ktahimikan.

"Anong wala talaga?" pagtataka ko . Double meaning kasi yong tanong nya

"I mean kayo ni Troi , wala ba talagang nangyare? Kasi nakakapanibago naman kung bigla²x nlng kayong d magpapansinan ng wala namang dahilan"

"dahil Umamin ako" nagulat ako sa kung sino yong nagsalita si Troi yon nasa likod sya namin ngayon. Kanina paba sya? Pansin kong mugto yong mata nya.

"what ?!umamin na ano?" sobrang pagtataka ni Maya .

"Gusto ko sya" nakapoker face lng mukha nya . For real ? Talagang sinabi nya sa harap ni Maya na alam kung Crush na Crush nya ? Hindi parin ako makapagreact nagulat talaga ako

"Rhem? A-ano bang sinasabi ni Troi? A-anong gusto ka niya?" matalino tong si Maya e ewan bat parang ang bobots nya ngayon. Sobrang nashock din tlaga siguro sya

"Hindi ko alam" pagmamaang maangan ko . Wala akong masabi . Hindi ko alam kung anong irereact ko matutuwa bako magagalit ? Bwesit kasi tong kumag nato e.!

"Anong di mo alam? Kayo naba huh? Kaya ba nagkakailangan kayo pag kasama nyoko kasi kayo?" sunod²x nyang tanong. Pero ang OA nya d ba nya nagets umamin palang hindi nya sinabing kami na' tss.

"Walang kami ok. Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi nyang si Troi"

"I kissed him . Kaya nyako iniiwasan " pagsisiwalat nya

"Troi tumigil ka na nga!, Naiinis nako sayo ah"

"Pero Rhem yon yong totoo . Anong gusto mong sabihin ko? Na ayoko sayo at hindi kita gusto ? Cause I wont do it . You know why?" parang gusto nyakong pasagotin pero hindi ako sumagot .

"Rhem answer me ."

"B-bakit ?" naiilang kung sagot hindi ko sya matiis naawa nako e

"Because ilove you" ramdam ko yong bigat nong sinabi nya yon. Bigat dahil sa imosyong nkikita ko sa kanya ngayon ni kahit anong bahid ng pagdududa hindi ko makita sa kanya .

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko pati si Maya bakas sa mukha nya na hindi sya makapaniwala sa mga narinig nya

"P-pero pano? Troi, I thought your straight? So How come?"

"Not because I like Rhem im also one of them . Im still a guy . Guy who just full inlove with him"

"Troi dba nag usap na tayo? Ano tong ginagawa mo,"

"Sabi ko na, Pero ok lng, ito na nga siguro yong karma ko dahil sa mga babaeng niloko ko." Wika nyat pilit na ngumiti .

"Siguro ito nayon . I know your answer now . It's a No. A big fucking No!" pagkatapos nyang sabihin yon tumalikod sya .

"San ka pupunta ?" pag aalala ko

"non of your business pero wag kang mag alala . Hindi ako mawawala" tuloy lng sya sa paglalakad

"Hindi kaba kakain muna?" Sigaw ni Maya halatang worried sya

"Busog ako" matipid nyang sagot

"Sigurado ka?" nag thumbs up lng sya bilang tugon.

Bumalik sakin yong atensyon ni Maya

"Rhem magsabi ka nga ng totoo , me nangyayare na pala sa inyo ng hindi ko man lang alam . Kaibigan nyoko diba dat ako yong unang nakakaalam ng problema nyo diba?"

"Ssorry . Nagaalangan kasi ako e napaka unusual kasi"

"Anong unusual ? Hindi mo ba nkita yon ? Reaksyon yon ng lalaking seryoso. Nasasaktan sya Rhem everytime na tumatanggi ka ? Gusto ka nya ramdam ko yon basi sa kinikilos nya at alam ko na gusto morin sya . Theres nothing wrong with that if you just give it a chance." ikaw na ikaw ng me alam .ikaw ng magaling .

"Natatakot kasi ko . Natatakot ako na baka all of a sudden maisip nya na nagkamali sya sa naging desisyon nya. Na infatuation lang yon at hindi nya talaga ko gusto"

"Hayysst! Mga dahilang yan. u know what? You should grab the opportunity Rhem . sya na nga lumalapit nagpapabebe kapa?"

"hindi ako nagpapabebe . Nagiging praktikal lang ako. Bisexual lang ako . Straight sya yong mga gaya nya ang kelangan pamilya . Hindi yong tulad ko . Hindi ako nabubuntis noh"

"hala sya ? e sobrang advance mo nmn pala kasing mag isip e. Nako girl kung lagi kang ganyan tatanda ka talagang single" anas ni Maya halatang naloloka na sa mga dinadahilan ko .

"Kayong dalawa kung ano mang pinaguusapan nyo isantabi nyo muna . Bumalik na kayo sa pwesto at ituloy ang pagsasanay" Pasok nung Lalaking Paru. Umalis nmn agad si Maya at suminyas na magkita kami mamaya . Hindi ako sumagot kasi panigurado plastado n nmn ako .bugbog na nmn ako nito malamang!

Nagsimula na kami uli sa pagsasanay paulit ulit lang yong ginagawa namin pero ang hirap talaga nakakapagod . Kinagabihan pagkatapos ng salo²x at papupolong na pinangunahan muli ni Catalena, hindi nako lumabas at agad na nagpahinga . Hindi narin ako pinuntahan ni Troi pero hindi nmn ako nag eexpect . Kinabukasan ganon parin ang sitwasyon at hindi parin ako kinakausap ni Troi . Halos wala din kaming oras magusap ni Maya dahil sa puspusang pagsasanay .kaya Ngayon medjo nkukuha ko na kung pano gagamitin ang sandata ko . Lima hanggang sampong palaso ay kaya ko ng pakawalan sa isang tira lang . Maging yong bracelet madalas akong gumawa ng shield kaya hindi ganon kalakas ang impact ng tira ng kasparing ko . Sinubukan ko ring gumawa ng maraming palasong gawa sa tubig gamit yon at gumana naman . Ngayon mas naiintindihan ko na kung pano gagamitin ang mga sandatang pinahiram ni Catalena.

Training Tulog training Tulog training tulog ang naging routine namin araw²x at masasabi kong bihasa na kami ngayon sa paggamit ng mga sandata namin . Pero maging sa araw nato hindi parin kami nakakapagusap ni Troi. Pansin ko ngang close na sya sa ibang mga lalaking paru maging sa iba pang diwata na kasama namin sa pagsasanay. Ganon din si Maya hanggang kamustahan n ngalang kami e bantay sarado kasi kami ni Catalena nakarating siguro sa kanya yong paguusap namin kaya masyado nya kaming pinaghigpitan . Kung gusto ko daw mabawi ang papa ko kelangan kong magfocus sa pagsasanay. Hindi nako umangal kasi tama naman sya . Kinagabihan nakakuha kami ng tiempo ni Maya na makapagusap nagkita kami sa may sapa pero hindi ko inexpect na isasama nya si Troi . Well ok lang naman hindi dapat ako maging afficted .

"Girl sorry ah . Alam ko namang medjo awkward p kayo sa isat isa ,pero kasi bukas na yong alam mo na , hindi natin alam yong mangyayare kaya bago mangyare ang d inaasahan kahit papano nagkausap usap naman tayo"

"Baliw nagpapaalam ka na ba? Walang mawawala satin ok ? Kung meron man yong mga kalaban yon."

"Tapos na ba kayo?" si Troi na parang naiinip na

"Hala sya . Nagmamadali? Me hinahabol? "yamot ni maya

"Bilisan nyo na . Bka mamaya mahalata nilang wala tayo sa mga tent natin" sabi nya pa

"Ou na po saglit nalang . Para namang others kung umasta toh? Hindi kaba kinakabahan para bukas huh?" hindi sya sumagot bagkos yong itsura nya parang kanina pa naiinip

"Tama si Troi Maya bumalik na tayo . Baka hinahanap na nila tayo isipin nun nakidnap na Tayo ni Zafira mapaaga pa yong digmaan" pabiro kung sabi

"haha loka²x ! Syempre d yan noh" angal nya

"Naku halika na " hinila ko sya para tumayo na si Troi naman nauna ng maglakad. Nkakapanibago . Hindi ako sanay ng ganto kami. Bigla ko tuloy namis yong mga kulitan naming magbabarkada. Ito na ba yon yong sinasabi nilang consequences kapag nainlove ka sa bestfriend mo? Ayokong isipin yon pero sa mga kinikilos ni Troi marahil ito na nga yon. Nakakalungkot pero ginusto ko to e . Desisyon ko to . Hindi ko lng tlga inexpect na aabot sa ganto. Pagdating ko sa tent nagpahinga na agad ako . Kinakabahan ako sa digmaan bukas pero para kay papa Kailangan kung tatagan ang koob ko