Chapter 1
Meet and Oh Great!
Anne Louisa de Carpus
I am now sitting at my favorite spot. The veranda. Alas tres palang ng madaling araw kaya wala pang masyadong tao na lumalakad sa street ng subdivision. Tiningnan ko ang katapat ng bahay ko. Hindi pa bukas, wala pang ilaw. Madilim. Isa itong mini coffee shop na may second floor rin or to be specific sa second floor lang talaga ang coffee shop ang first floor ay front desk lang. Dun ka o-order tas aakyat kana sa taas. 'Yon! HAHAHA
Nanliit ang mga mata ko ng may mapansin akong gumagalaw sa loob. Tao? Ngayong oras? Weird.
Ahh. Tao nga.
Nagkibit balikat na lang ako at bumalik sa pagbabasa sa libro about accounting. And for the information of everybody, I'm Anne Louisa de Carpus. Sa kasamaang palad kasama akong naabutan ng k-12 at ngayon, graduating pa lang ako ng senior high. Psh. 2nd year college na sana ako!
A complete set of financial statements being prepared by a business is composed of the following:
1. Income statement
2. Statement of Changes in owner's Equity
3. Statement of financial position
4. Statement of cash flow
5. Notes, comprising of a summary of significant accounting policies and other explanatory information.
The objective of financial staements is to provide information abou---
*screeeechhhh*
*boogshh!!*
Naagaw ang atensiyon ko sa pagbabasa dahil sa ingay na iyon. Tumayo ako at sinilip ang nangyari sa baba since nasa second floor ako.
Isang MTT Turbine Superbike Y2K ang pumarada sa harapan ng coffee shop. Galing!! Ang astig naman!! Kung hindi niyo naitatanong gusto ko talagang magmaneho ng kahit anong sasakyan pero pinagbabawalan ako nina papa. Para narin daw ma focus ako sa pag aaral. Pero langya naman!! Graduating na ako!! Hanggang ngayon bisikleta lang ang nasasakyan ko!!! Except kung hinahatid ako ni papa o kaya ni kuya ko sa school. Pero kino-consider ko parin naman. Kasi nga babae. Pero kainis pa rin ha! Walang equality! Char!
Isang lalaking nakahoodie ang nagmaneho. Halata itong nagtatago dahil balot na balot ang kaniyang katawan. Kinatok niya ang pintuan ng coffee shop at pasimpleng luminga-linga ito. Base sa pangangatawan at pagsusuot niya halatang lalaki siya. Agad namang binuksan ng may ari ata ng coffee shop ang lalaki. Nakipagkamayan ito. Alam niyo yung fist bomb na may halong ka ek-ekan? 'Yon!! Ngumisi ang may ari ng coffee shop at iginayak ang lalaking naka hoodie.
Bago naisarado ang pintuan lumingon sa kinatatayuan ko ang lalaking naka hoodie. Ngumisi ito at nagsalita. Hindi ko marinig pero nabasa ko ang gustong sabihin nito.
"Damè"
Napasinghap ako nang maintindihan ko ang sinabi niya. Nabanas ako sa inasal niya. Hindi ako senyora at ayokong tinatawag ako nang gano'n.
"Connard!"
Pabulong akong napasagot dito. Sinira niya ang mood ko kaya matutulog na lang ulit ako. Psh. Pagulong-gulong ako sa kama dahil hindi ako makatulog. Naku naman! Makapagbasa na nga lang!
Jushan's POV
"Hahahahahaha how's your trip mon amie?" Tanong ng kaibigan nitong si Jushan.
"It was a disaster, Piquer!. Let me embrace my bed La Voctorio."
"Eh? Naghanda pa naman ako ng maria clara sa garden. Sayang din 'yon." Pangungunsumi ko. Napailing ito at humalumbaba sa railing at matalas akong tinitigan.
"Okay! Okay! The third room upstairs. Pumunta ka na! Magka nosebleed pa ako sa mga sinasabi mo!" Sagot niya.
"Heard it clear."
Narinig ko pang saad nito bago sinarado ang pinto. Hay! Sayang! Maria Clara you're only mine this time. Tsk! Napa antukin talaga ng mokong na 'yon!
Dumiritso ako sa kwartong sinabi nito at isinalampak ang katawan ko sa kama. So much for this day!
A/N: Hope y'all got a catch about this story uWu