Chereads / FORECAST SERIES #1: On The Way / Chapter 3 - Chapter 3: Missed Counter Attack

Chapter 3 - Chapter 3: Missed Counter Attack

Kinabukasan, pagkagising ko agad kong nilingon ang orasan. Hayp! 8am na!!!! Kasi naman! Sumali pa ako sa chikahan nina tito at papa kaya ayon! Late naka tulog. Tas binulabog ko pa iyong pinsan kong natulog agad padating. Hayp! Super enjoy ako kagabi HAHAHAHA

Flashback

"Hello, Joshtick!!! I missed you!!" Tili ko pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay.

"Ayy!! An-an!!! kamusta ka na!!! Namiss din kita!" Sagot nito sa akin at agad naman akong niyakap. Ganyan talaga kami magkamustahan bahala na kayo.

"Kamusta naman 'yang payat mong katawan? Suprisingly, nagkalaman na rin!" Mapanudyong saad ko sabay tawa. Nalukot naman ang mukha niya ngunit kalauna'y ngumisi.

"Heto! Kita mo naman! Hindi na payat. Eh 'yong masakitin kong pinsan na nagka an-an malinis na ba?" Kontra nito. Siya naman ngayon ang tawa ng tawa.

"Oy! Sabi nang hindi 'yon an-an eh! Allergy 'yon! ALLERGY!!"

"Ah basta 'yon na 'yon HAHAHAHA"

"Nakakainis ka! ALLERGY pinsan baka hindi mo alam." Saad ko tiaka napanguso.

"Pero seriously, ajxxnrjrfxjsbejshfjejedjdjgfkdkekslwlw"

And the rest is history...

Flashback end

Oh 'di ba? Shi-nare ko lang ang kamustahan namin ng pinsan ko HAHA. Anyways, magre-retual na ako sapagkat tanghali na't baka tumawag na si-----

"ANNEEEEE BUMABA KA NAAAAA!!!"

Sinasabi ko na nga ba!

"OO, MALILIGO PA!!!" Sagot ko. Hindi naman kasi ako 'yong tipo na matagal maligo. Hindi po ako nakikipaglaro sa tubig. Kinakarate ko lang po para madali akong mabasa. Echoss lang!

Habang sa baba...

"Romel naasikaso na ba ang lupa sa Santa Lucia? Kung hindi pa eh sa akin mo na lamang ibigay ang plano lalo ngayo't bakante ako."

"Wala ka talagang respeto Ramel, matanda pa rin ako sa'yo. Inayos ko na iyong sa Santa Lucia. Alam ko naman kasing may plano ang barumbado kong kakambal."

"Mahal din kita kambal. Hahahaahah"

"Oy! Oy! Oy! Mga de Carpus! Ang lalaswa niyo! Lumayas ka na nga dad, nasisira araw ko eh!"

"Oy! Oy! Oy! de Carpus ka rin Mel Jusua! Baka kinalimutan mo na! Nako! kakalimutan ko rin 'yong credits cards, kotse tiaka 'yong condo sana na ib---"

"I love you, dad. Kumain muna kayo ng agahan. Hehehe pinaghanda ko na po kayo."

Mahinhin na saad ni Josh saka ibinigay ang platong pinaglagyan niya ng ulam niya. Bumuhakhak na lamang si Romel dahil sa ugali ng mag ama. Umiling ito at napalabi,

"Mag ama nga talaga."

Maya-maya bumaba na rin si Anne.

"Hoop! Hop! Anong komosyon ito? May gyera? May nagkasakit? May aalis? May namatay? Sino?"

"Anak, stop please. Anak kita hindi ba? Dapat magkapareho tayo ng ugali, bakit gano'n?"

Kunyari naghimutok ang butihin kong ama. Napahagikgik naman ang mag ama saka tumayo si tito Ramel.

"Oh siya! Ako'y hahayo na kapatid, Anak, Pamangkin. Wish me... happy birthday!" Saad nito sabay tawang pang santa claus. Anwee? Napangisi na lamang ako.

"Anne, sumabay ka na kay Jusua ha! Aalis ako papuntang Laguna for urgent signing. Jusua!"

"Yes tito?"

"Take good care of my princess."

"Daddy??!!"

"Hahahaha ofcourse tito, I will." Saad nito sabay salute. Ala eh?

"Oh I have to go! See you in three days, princess." Saad nito at hinalikan ang buhok ko. Napasimangot na lamang ako.

"Bye, tito. Ingattt!!" Sweet na tugon ng pinsan kong walanya! May plano na naman itong maduga!

"Alam mo nakakainis 'yang ngising iyan!"

"Can't help it PRINCESS, i'm the king now. Hahahaha"

"Lakas makademonyo eh no! Kutusin kita dyan eh!"

"Make your moves faster darling. We have an adventure to cope up!" Sabay palakpak nito.

"Ya len, tapos na po kami at punta na rin kaming school."

"Oh sige, mag iingat kayo."

Habang bumibyahe, napatanong ako kay josh.

"Bakit ka nga pala nagtransfer josh? Kung tutuusin you can be on yourself naman? Bakit ka andito sa bahay namin? At sa buhay ko?"

Umakto itong sinaksak at hinawakan ang puso nito. Napalawak ang mata ko ng aktong bibitawan nito ang manibela.

"I miss my cousin." Seryosong saad nito.

"Eh kung ihambalos ko sa'yo 'tong tubo dito?"

"Huy! 'Wag naman! Patay tayong dalawa! Sige ka!" Pananakot nito sa akin at naalala ko namang nasa kotse pa pala kami.

"Ano nga!!"

"Celeen"

Ahh kaya pala. Tumahimik na lamang ako at bumaba. Dahil alam kong pagkakaguluhan na naman ang pinsan kong ungas. Hayp! Kakaiba ang timpla ngayong ng mga tao eh!

"Huy! Luisa! Bakit 'di mo sinabing magta-transfer pala dito 'yong pinsan mo? 'Di tuloy ako nakapagprepare huhuhuhu! Is mah look okay? 'Di malandi? My lashes? My lipstick? My hair? My outfi---"

"Oo. Okay na. Okay lahat, Karla! O.A. neto!"

"Eeeeeehh you know naman 'di ba? He's my ultimate crush since grade 7 'di ba? I want to be presentable to my crush lang naman."

"Asuuuus! Kalandi mo lang eh! Oo na! Ganda mo na!"

"Kyaaaaah I super love you talaga mahfwend! Ayy! Ganda ko!!"

Tiling-tili nitong saad at paulit-ulit na tinitignan ang mukha niya sa salamin. Pshhh, Girls and their girly things.

"HOY! ANNE LUISA?!! WHY DID YOU LEFT ME?" Kunyari emosyonal nitong tanong sa'kin.

"Alam mo Jusua, pumunta ka na nga lang principal's office at nang maging payapa naman itong buhay ko!"

"Eh pa'no 'di ko alam saan 'yon? Samahan mo 'ko please."

Umandar na naman ang pagka-boploks netong monggol na 'to. Bumusangot na lamang ako sa sagot nito.

"Samahan mo sarili mo! Ang laki-laki mong tao eh"

"Grabi ka naman lulu, but anyways ako na lang sasama sa'yo, Josh. Hihihi" saad nito sabay pulupot ng kamay nito sa braso ni Josh. Ngumiti ako at nag mosyong umalis na sila. Nakita ko pa ngang nagsalita si Karla ng 'thank you' ng walang boses sabay flying kiss sa akin.

At sa wakas! Peaceful life it is! At para sa inyong kaalaman nandito po ako sa cafeteria. At peaceful po siya ngayon kasi may klase po ang mga estudyante but for me mamaya na 'kong 2nd period papasok. Hihihi. Kinuha ko na lamang ang panyo ko at akmang itatabon ko sa mukha ko at iidlip lang saglit nang makita ko ang pamilyar ng korte ng buhok na 'yon.

'Lintek na sorry 'yan!'

Napamulat ako ng maalala ko ang pamilyar na korte ng buhok na 'yon. Mr. Sorry! Nagsimulang mag-ingay ang cafeteria at isa-isa na ring pumapasok ang mga estudyante. Lintek! Nasaan na 'yon? Natampal ko na lamang ang lamesa nang hindi ko na mahagilap ang mokong. Aishh! May araw ka rin sa'kin, mr. Sorry. Hmp! Napatingin ako sa relo ko. Hutek magse-second period na.