Chereads / The Rocker Meets The Nerd / Chapter 2 - Chapter Two - A Weird Encounter

Chapter 2 - Chapter Two - A Weird Encounter

Ashley

"BRIIING MEEE TOOO LIIFEEE!!!!"

In the end nag jam pa rin kami. Hindi ko kasi sila pinapansin kanina eh. Akala nila ah! Pag nawalan sila ng vocalist... Errmm di naman pwede yon. Buhay ko na yung band eh. Fratrem ang pangalan ng band namin. Kapatiran ang ibig sabihin, para kaming magkakapatid dito. Sabihin nyo nang weird pero may sanduguan kaming ginawa noong highschool. Yeah ang baduy no? And gross pa. Kasi naglaslas kami sa wrist namin tapos syempre dumugo, at pinagdikit – dikit namin yung mga braso naming duguan. Buti nga hindi namin ininom eh. So pact yon for the rest of our lives.

"Okay, pahinga na muna tayo mga dre, lalo ka na Bruh. Maaga ka pang gigising bukas." Sabi sa amin ni Berto habang inaayos niya yung gitara niya sa guitar stand.

Oo "bruh" as in "bruha" di kasi ako mahilig magsuklay eh. Kaya nga nagpaparebond ako para hindi na ako magsusuklay palagi... sa umaga lang pagkaligo. Bakit ba?

"Wew! Gusto ko ng ice cream!!!" sabi ko habang nag – iinat.

"HOY! Gusto mong hindi umabot sa BOTB yang boses mo?" binatukan ako ni Luke.

"Oo" I smirked at him.

"Bahala ka, ikaw din." Nag – give up na siya. Ayaw na niya makipag – argue kasi alam naman niyang hindi siya mananalo sa akin. HWAHAHAHA!!!

Lumabas ako ng band rehearsal studio at pumunta sa katapat na tindahan. Bumili ng cornetto red velvet and yosi. Hoho contrast, mainit and malamig. Lumabas na din si Luke at bumili ng yosi.

"Ash uwian na daw." sabay ihip ng usok.

"Okay" yeah matipid ako magsalita talaga.

"Hatid na kita?" sabi niya pag buga niya ng usok.

"Sige" sagot ko sabay kibit balikat.

So naglakad kami, di naman kalayuan yung bahay namin dito sa studio eh. So... awkward silence kasi kanina pa galit sa akin si Luke di lang niya ako matiis na di kausapin. And usually si Troy ang naghahatid sa akin. Eh break na nga kami diba? So ayun, si Luke na lang muna.

"Bruh." nagsalita siya bigla. Gabi na masyado, kami na lang ang tao sa daan.

"hmm?"

"May nakuha ka nang tutor?"

"Wala pa eh. pwede ka ba?"

"Nako..." napakamot ulo siya "Hindi eh. Di ako magaling dyan."

"Nakakainis kasi, mapapatay ko siya eh!"

"HOY! Wag! Ano ba?"

"Eh kase, tama ba naming ibroadcast na alanganin ako sa subjects niya?"

"Eh hindi ka naman kasi lumapit, pinapalapit ka kaya niya."

Geez. Talo ako wala akong masabi.

*PUNCH*

"Aray! Ash! Baket mo ako sinapak?" OO matangkad siya pero nakakasapak ako sa kanya.

"Talo ako."

"tss... talo ka na nga, nananapak ka pa."

"Isa pa, gusto mo?" inamabahan ko siya.

"Sige, halikan kita." He smirked

"At baket mo naman ako hahalikan? Ha??" Angil ko sa kanya.

"De, joke lang yon. Hindi ka naman mabiro. Suntukin na lang kita."

Eh bakla pala to eh.

"tss." Yun na lang ang nasabi ko.

"Dapat yung magiging tutor mo, malaki ang katawan."

"Bakit?"

"Eh paano, susuntukin mo na lang siya nang basta basta pag hindi mo nagets yung lesson."

"Hahaha. Oo nga, siguro nga."

"Parang si Troy." Errr. That effin forbidden name.

*PUNCH*

"Aray! Ano nanaman???" Sinuntok ko siya ulit eh.

"That name is forbidden, stupid!"

"Ang harsh mo talaga Ash! Tssk. Oh eto na bahay mo. Magpahinga ka na."

"Oo salamat!" Nakipag – apir ako sa kanya.

Lumakad na siya palayo nakapamulsa lang siya... Sa kabilang block pa siya nakatira eh. Anyway, eto na ang bahay ko. Ako lang at si Ate Nena na caretaker ang nakatira dito. Laging out of country si Dad, so bihira din siya umuwi dito.

Humiga ako sa sofa... nakakatamad ... hayyy...

"Ash..." Nilapitan ako ni Ate Nena.

"Po?"

"Anong gusto mong kainin?"

"Apples lang."

"Yun lang?"

"Yup"

"Okay" at nagpunta siya sa kusina para iprepare ang dinner ko.

Hay tutor saan ba kita kukunin?

***************************************************************************

K.J.

"K.J.!!!!" tinatawag ako ni mama.

"Ma? Bakit? Busy ako oh. tssk." Hello? Nag – aaral kaya ako. errr!

"Ikaw naman, ano? Kamusta ang school?"

Okay lang. Nabangga lang naman ako ng babaeng kasing liit mo at nahalikan ko ang sahig. Tapos kaklase ko pala siya na famous sa school. Ang sama nga ng tingin niya sa akin. Okay lang sa school. Masaya.

"Ganun pa rin." yun lang ang nasabi ko. Grabe kasi si mama, minsan tatawanan pa ako neto pag nagkwento ako. Bubbly masyado.

"Talaga??" Ang laki ng ngiti oh. Alam ko na to eh.

"Opo. Teka mama uutusan nyo ba ako??"

"Ahh hehehe" napakamot ulo siya

"Sabi ko na nga ba eh. Ano ba yon?"

""Ahm. Pakipadala naman tong letter dun sa black na gate three house away. Maganda ang bahay non. Baka pwedeng maging kasosyo sa negosyo ko yung may ari nun." Excited nyang sabi.

Naghahanap to ng business partner na kashare sa finances. Di sapat ang naipon nya para sa bookstore eh. Geez.

"Okay" Sabi ko na lang sabay kuha ng envelope mula sa kamay nya.

Ang korni. Letter pa. pwede naman i-e-mail. Arrgh! Ang tanda na nga netong nanay ko!

"Ano ba to Mom?" Usisa ko ulit.

"Basta..."

Lumabas na lang ako ng bahay dala yung sobre. Para kanino ba kasi to? Sheez.

Walang nakalagay na pangalan ng padadalhan ng sulat.

Hmm? Hayaan ko na nga to. Basta iiwan ko na lang to sa gate. Or mag dodoor bell muna ako sabay iwan to sabay alis. Sheeez naiwan ko pa glasses ko. Tho okay lang wala naman kasing grado yon eh. Trip ko lang hahaha

Alas nwebe na ng gabi gising pa kaya mga tao dito?

Black gate.

"VILLACRUZ"

Eh? Villacruz? Hayy di bale na nga.

*DOORBELL*

May bumukas na pinto. Gising pa nako. Nakakahiya naman...

"Ako na po Ate Nena!" Boses ng babae. Tapos biglang sabing "Aish! Nyeta naman. gabing – gabi na nangangatok pa!"

She opened the gate.

Ah! Lady Voldemort! Eto pala ang bahay niya.

"Baket? Ano yon?" She said with her left eyebrow raised.

"Ah... m-may nagpapabigay." inabot ko yung letter

"Sino naman??"

"Ah... Si... Hermione Granger." I'm stammering, wala akong masabi! Aish!

"Sheez. baduy mo dre. Sige bigay ko na to kay Ate Nena. Sige alis na, alis!" Halos itulak na nya ako palayo sa gate nila.

Tapos sinara na niya yung gate. Di yata ako narecognize ni Lady Voldemort. Wala nga akong eyeglasses diba? Grabe ang harsh niya kulang na lang sabihin niya "shoo!" Pero napangiti siya sa sinabi kong Hermione Granger.

Natawa or Natuwa?

First time kong makita yung smile niya. Kasi sa classroom, lagi siyang tulog or serious. Ganun.

Ganda pala ng ngiti niya?

Ohhh sheez ang korni ko.

Nakauwi na ako ngayon, pero mag – aaral pa rin ako. Pero naaalala ko pa rin yung sinabi niyang:

"Sheez. baduy mo dre. Sige bigay ko na to kay Ate Nena. Sige alis na, alis!"

Ano ba yon?

Nagfaflashback sa utak ko mga 10 times!!!

~Isayanna~