Chapter One.
"Eh di makipagbreak ka. Di ka naman kawalan noh?" sabi ko, habang nagbubuga ng usok sa harap ng lalaking kausap ko.
"Talaga bang hindi ka na magbabago? Ha Ash?"
"Hindi na, bakit ba? dyan ka na nga! May jam pa kame! wag ka na lalapit sa akin huh? bwisit ka! Famewhore!!!!"
Binato ko sa lapag yung naubos kong sigarilyo sabay dirediretsong naglakd. Sinuot ko yung headphones ko para di ko marinig yung mga pinagsasasabi ng mga tao sa paligid ko. I left him there, crying. Eh gusto niya kasi yung mga babaeng akala mo anghel pero demonyo pala. Demonyo pala pagdating sa kama ganun! Eh hindi naman ako ganon. Nakakadiri yung mga ganung uri ng babae. Nagpapaganda para sa lang sa .... ganon! tong mga lalakeng to naman gustong gusto. Nyemas!
Yup, kabaligtaran ako nung mga type niya. Ewan ko ba bakit naging kami nung varsity player na yun. Nakakainis lang. Ang hirap neto... sikat ang banda mo sa school kaya kung sino mang malapit sa amin feeling famous na. Gagamitin ka lang para magpasikat. Ang hirap na magtiwala. Sheez.
He can never change me. Hindi sa ganong uri ng babae. Kaya ayun tinakot niya ako ng break-up I gave him a break up.
BTW, ako si Ashley. Bad girl, yeah umiinom ako at nag yoyosi. PERO HINDI AKO NAGDADRUGS! Tamang inom lang. Mahal ko pa buhay ko. Tho konti lang nagmamahal sa akin ng totoo... isa lang pala... si Dad. My friends naman ako... yung mga kabanda ko since highschool ayon...
Masyado nang malalim ang iniisip ko malapit na pala ako sa classroom.
*BUMP*
"owww!!"
I bumped a nerd.
***************************************************************************
I bumped a girl, but instead, I tripped and kissed the floor.
"Tingnan mo nga dinadaan mo! Bwiset!" she said. Ang sama. Sobrang harsh.
I fixed my glasses, stood up and faced her.
Whoa!
Ang liit niya pero ang lakas ng force ng pagkakabangga niya. Ako pa natumba. geez. Oh wait she's glaring at me. What do I do? Baka may magic wand to sa bulsa niya... Nakooo!
"Errmm... S-sorry..." sabi ko sa kanya...
"Hmmp!" binangga niya ako ulit tapos lumakad na palayo.
Bad girl. Sayang, ang ganda niya pa naman, kaso, masungit siya. And wala naman akong pag - asa dun at kahit kanino dahil nerd ako. Capital N-E-R-D. Nerd!!
Teka, ako si Kennedy Isidro. Potterhead. Errm ayun.
I went inside our classroom. Bullies everywhere, may mga nagbabatuhan ng paper airplanes and kung ano-ano. May mga nakakumpol.. pinagpipyestahan yung adult magazine na napuslit nila sa loob ng school. Mga vain girls na walang ginawa kundi mag - make up. Mga nerds na kagaya ko... Panigurado kinukwnto nananaman ni Rodney yung fandom na nabasa niya somewhere. Syempre dun ako pupunta sa company ng mga nerds.
wait! Nandito siya?
Yung babaeng maliit na may pulang buhok na kung maka-glare eh any minute mag a-avada kedavra siya geez. Nandito pala siya bakit ngayon ko lang napansin? Hindi ko din alam pangalan niya. Masyado akong focused sa lesson kaya hindi ko alam mga pangalan ng mga kaklase ko. anyway! Hayaan mo nga siya.
Pero siya lang mag - isa. Hindi siya nakikipagkwentuhan sa mga katabi niya. Though I'm sure kagaya niya yung mga katabi niya. Pare- parehas sila ng aura. Medyo dark and mysterious.
"Hoy K.J.! Nandito ka na pala. Assignment ko?"
"Ah... eh... eto oh..."
Iniabot ko sa lalaking varsity player yung assignment na pinagawa niya. Oo scc Officer ako dito pero wala eh.. pag dinaan na sa lakas. Talo na ako.
"Ayan. Salamat ah. Haha"
At nanahimik ako sa upuan ko.. dumating na kasi yung mga kabarkada niya. Mahirap na baka ako pa ang ma-bully.
"Pareng Troy, umiyak ka yata? Saan ka galing?"
"Namo! Wag kang maingay!"
"Break na kayo ni Ash?"
"Ano pa nga ba? Tingnan nyo, ang sama nanaman ng aura niya. Parang papatay ng tao." Tinuro niya yung babaeng Ash ang pangalan na nakipagbreak sa kanya.
Gustuhin ko man hindi making sa usapan, pero hindi eh... Nasa harap kaya nila ako!
"Oo nga no?"
Tumingin din ako kung sino yung tinuro niya. Dark aura, baka siya yung babae kanina. At ayon... pagkakita ko... siya nga. Yun pala ang name niya. wow!
Teka! Naalala ko na siya! Vocalist siya nung sikat na banda sito sa school. Grabe naman ako... siguro ako lang hindi nakakakilala sa kanya. Famous pala siya dito sa school hindi halata ha.
"Haaay, saying talaga siya. Ang hot niya oh" Sabi ni Jericho, isa sa mga varsity players.
"Wag mong taluhin ang ex ko, bestfriend!" Binatukan siya ni Troy.
They called her hot. bakit temperature ba siya? Tong mga to, palibhasa masyadong nahuhook sa adult magazine and videos kaya kung ano - ano na ang naiisip nila.
Tinignan ko siya ulit, in fairness nakakatulala naman talaga. Ang simple lang niya eh. Pero kakaiba siya. May chance pa kaya na bumait siya or something? Ganun ba talaga siya kasama? Hay...
"Hoy! Isa ka pa! Lalong wala kang pag - asa sa kanya! Nerd ka eh!" Sabi sa akin ni Troy with a smirk.
"Eh wala naman akong-"
*BLAG*
"Good Morning." dumating na si Prof.
"Good Morning sir." sabi ng mga kaklase ko.
***************************************************************************
Ash
"Good morning sir." Sabi ng mga kaklase ko, kakaalis ko lang ng skullcandy ko. Tapos na akong mag soundtrip. Nakaka - high blood talaga si Troy. He can't change me, hindi ako magbabago para lang doon. Bwisit siya!
"Miss Villacruz"
"Sir?" Tumayo ako tinawag ako ng prof namin eh.
"Lumapit ka dito."
"Ayaw." I smirked
"Very well, okay, so Miss Villcruz, mababa ang class standing mo sa subjects ko. Yes subjects dahil Math and History yon. So kung gusto mong pang ma-qualify ang band mo sa upcoming Battle of the Bands next month, I suggest na mag - aral kang mabuti."
WHAT??!! WAG NIYANG IDADAMAY ANG B.O.T.B.!!!!
"Eh sir,"
"I suggest na magpatutor ka para mas maganda ang results."
Errr!!! Those are the things that I hate most! Studying, tutors, studying and studying!!!! Buti nga nakapag college ako eh. Okay. Napapahiya na ako masyado dito nakakainis na. geez.
I glared at our professor.
"I'm sorry It's the last thing I could do. Anyway, talking about the Philippines...."
TEXT MESSAGE FROM: Bertong Pulubi
"Ash! Pano yan? Di ka magjam maya?"
I replied
"jam pa rin dre. Parang yun lang eh."
FROM BERTO:
"Pag dika nag-aral diskwa tayo!"
TO BERTO:
"di yan. chill"
FRATREM GROUP CHAT:
BERTO: cancel muna mga dre. hanap tayo ng tutor ni ash.
LUKE: Okay copy!
KOZU: ok
MAN: sino ba pwede?
ASH: WHAAAAT??? Anong cancel???!!!
SON: Bruh, pati pagbasa nakalimutan mo na?
ASH: Ano ba seryoso!
BERTO: cancel ang jam ngayon.
ASH: bakit???!!!
LUKE: KASE NGA DIBA MABABA GRADE MO.
KOZU: Hahaha!
ASH: kaya ko sarili ko.
LUKE: Talaga? MAMATAY KA MAN?
MAN: AKO?!?!
LUKE: HINDI IKAW DRE.
ASH: EH BAKIT GALIT KA?!
LUKE: Concerned lang ako sa band.
BERTO: Ash, aral muna tayo. kaya natin mag catch up.
ASH: *seen*
Wala na. Hindi nanaman ako nakapakinig sa lesson. Pati ba naman tong mga to. geez. Nakakastress na Araw
~Isayanna~