Chereads / Till Her Heartaches End / Chapter 1 - Chapter 1: Happy Birthday!

Till Her Heartaches End

🇵🇭Sofi_Kyria
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1: Happy Birthday!

"Good bye, highschool! Welcome, summer!" sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan ko na nagpamulat sa akin mula sa pagkakapikit nang mariin. They even threw their mortarboards up in the air.

"Meira, hindi mo hinagis iyong sayo," nakakunot noong puna ni Jovelyn, isa sa mga kaibigan ko. Nanliliit ang kanyang mga chinitang mata.

Lahat sila ay nakatingin sa toga'ng nakalagay sa ulo ko. Wala akong balak na ihagis ito pataas.

What for?

"Am I supposed to do that?" mataray kong sabi habang kinukusot ang nangangati kong mata.

Halos lahat sila ay napakunot ang noo sa sinabi ko. What's with your faces, people?

"Of course!" Cecille exclaimed. "Wait, hindi ka ba masaya na graduate na tayo? Oh, come on! You're the valedictorian of our batch for God's sake. You must be the happiest!"

I let out a sarcastic laugh. Happiest my foot! I don't even feel a pang of happiness building inside of me.

Wanna know why? Nevermind. I don't want to talk about it, anyway.

"Ang swerte ng parents mo sa'yo, Meira. I wish I was an achiever too," ani Lyra na sinamahan pa ng tawa.

You wish! Kung sana lang ay sapat na para sa mga magulang ko ang pagiging achiever ko, but no. They were still looking for more. My hardworks were still not enough.

I don't know what else to give and do, because I think I've done everything just to make them proud.

Peke ang ngiting ibinigay ko sa kanila. "Be like me, then. Be an achiever. Let's see kung maging proud sa iyo ang mga magulang mo." I said as it seems like we all have the same kind of family.

"Sinong magulang ang hindi magiging proud kung may anak silang ubod ng talino?" tanong naman ni Rage, ang salutatorian sa aming batch.

Lumingon ako sa likod ko na parang may tinitingnan kahit wala naman. "Probably my parents," bulong ko sa sarili ko.

"Ano yun, Mei?" nagtatakang tanong ni Rage.

Nilingon ko siya. "Ha?"

Slow motion siyang umiling. "Wala. Akala ko may sinabi kang hindi ko narinig."

"Wala." Tumingin ako sa mga nagkalat na camera man. "Magpa-picture kayo, oh!"

"Anong kami? Tayo. Halika nga rito," hinila ako ni Jovelyn palapit sa kanila.

Nakangiti na sila sa camera habang ako ay nakanguso. Hindi ko magawang ngumiti nang marami ang iniisip.

"One. Two. Three... Smile!" anang camera man. Napangiwi ako sa biglaang pagtama ng camera flash sa mata ko. Napansin iyon ni Cecille kaya pinaulit niya.

"Mei, ngiti ka naman diyan. Parang pasan mo ang buong mundo eh," natatawang wika ni Rage saka pumunta sa likod ko. Nilagay niya sa magkabilang gilid ng labi ko ang kanyang hintuturo kasabay ng pagkuha ng litrato.

Mabilis kong hinawi ang kamay ni Rage sa gilid ng aking labi. Natawa siya sa ginawa ko.

"Nood ka minsan ng tutorial sa YouTube, Mei. I-search mo kung paano ngumiti," tumawa silang lahat sa sinabi niya. "Para kang mangangain ng tao sa kahit anong oras, eh."

Binasa ko ang nanunuyo kong mga labi saka umiling. "Baliw," sinamaan ko siya ng tingin. "Alam ko kung paano ngumiti kaya hindi ko kailangan ng anumang tutorial galing sa YouTube."

"Pano yung ngiti?"

Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"Anong tingin mo sa akin, uto-uto?"

"Sungit!"

Hindi ko na siya pinansin dahil baka kung saan na naman mapunta ang usapan namin. We're great at academics but we always argue over nonsense and petty things.

"Guys, I gotta go now. Tawag na ako nila Mommy eh." Tinuro ni Lyra ang parents niyang nag-aabang sa kaniya. "Congratulations sa atin." Bumeso at yumakap siya sa amin isa-isa maliban kay Rage.

"Pabeso rin," pagmamaktol ni Rage.

"Hindi pwede. Yakap lang," yumakap sa kaniya si Lyra saka nagpaalam na sa amin.

I'll miss her talkativeness a lot. She may be look like a shy type kind of girl but she's really vocal.

"Errr... I need to go too. Family thing," tinuro naman ni Jovelyn ang mga magulang niyang malalaki ang ngisi.

"Okay! See you when I see you." I plastered a smile that didn't even reached my eyes.

Gano'n rin ang sinabi nina Rage at Cecille.

"Ikaw, Mei, nasaan na parents mo?" pahabol na tanong ni Cecille.

Imbes na sagutin ay nagkibit balikat na lamang ako. Nag-iwas ako ng tingin sa nanunuri niyang mga mata. I know that look. Madalas niyang gawin iyan kapag curious siya at may kailangan siyang malaman.

Umalis silang lahat at naiwan akong nakatingin sa kawalan. I felt so disappointed about my parents. This day is one of the most important days in my life, and yet, they didn't came.

"Tara na?" napalingon ako sa nagsalitang babae sa likod ko.

Sa lahat ng tao sa bahay, siya lang ang may ganang pumunta rito. We're the closest one in our house. I know every secrets she has and she didn't know about that.

"Sige, Tita." I started walking towards the school's entrance.

Habang nasa biyahe kami ay wala akong ginawa kun'di ang tumunganga sa labas ng bintana. Tita Shine was sitting in the front seat beside Kellen, one of her boyfriends.

Pagkarating namin sa bahay ay hindi ko maiwasang mag-expect nang kaunti. Maybe my parents didn't came because they were busy doing a surprise for me?

Maybe. Just maybe.

A woman can hope.

Binuksan ko ang malaking pintuan ng bahay saka tumingin sa paligid. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong paligid. Humakbang ako ng tatlong beses habang lumilinga sa paligid.

"Surprise!"

Halos mapatalon ako nang may malakas na sumigaw kasabay ng pagsabog ng confetti. Nakita kong sabay-sabay na nagsilabasan ang mga tao sa bahay namin sa kanilang mga pinagtaguan.

My cousins were holding a confetti together with their parents. My parents were holding a cake with a smile on their faces.

Sabi ko na nga ba! They did not attend the ceremony because of this. This made me smile for a bit.

"Happy birthday!" kumunot ang noo ko nang marinig iyon. I heard them wrong, right?

"Blow your cake, Lennox," nakatingin ang Tito ko sa likod ko habang sinasabi iyon.

Parang robot na nilingon ko ang taong nasa likod ko at nakita ang walang emosyong mukha ng kapatid ko. So this surprise is not for me? Para ito sa kapatid ko? Nagbadya ang mga luha sa gilid ng aking mata kaya mabilis akong umakyat sa silid ko. They did not even greeted me.

I've never been this disappointed in my entire life. Ngayon lang. Dapat pala hindi ako na lang nag-expect. It made me realize that expecting too much can hurt you so much.

Tumunganga lang ako sa loob ng kwarto ko nang makapasok ako. I felt too much that I started to feel nothing. Bakit ba ganoon na lamang ang trato nila sa akin?

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagtunong ng cellphone ko. Sinagot ko ito nang makitang si Mommy La iyon.

"Congratulations, apo!" ani Mommy La.

Suminghap ako saka lumunok. Unang salita pa lang ay para na akong nanghihina. "Thank you, Mommy La," pinilit kong pasiglahin ang boses ko. "I wish you were here."

"I'm sorry, apo. Hindi kami nakaluwas dahil sabay ang graduation niyo ng pinsan mo," bakas ang lungkot sa boses niya.

"It's okay po."

"I'm sure your parents are very proud of you."

Hindi kaagad ako nakasagot. If only I could tell her the way how they treat me here. She would probably think of hell.

"I think so." I whispered.

"Anong sinabi mo, apo?"

"Ah, wala po. Bye-bye na po muna, Mommy La. Magbibihis pa po ako eh," sabi ko.

"Ganun ba? Sige, apo. Take care of yourself. Okay?" she said. "Magbakasyon ka rito ngayong summer, ha? I love you."

"Opo. I love you too." Mabilis ko pinatay ang tawag.

Wala akong ginawa maghapon kun'di ang magkulong sa kwarto ko. I didn't bother them. They seemed to be happy without me. I don't want to gate-crash at their celebrationshit!

"Anong balak mo ngayong summer?"

Natigilan ako sa pag-aayos ng bedsheet nang marinig ko ang tanong ni Tita Shine kinabukasan nang maghapon na.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko, inaayos ang hihigaan naming dalawa. Madalas siyang nakikitulog dito kaya nasanay na rin ako sa presensya niya.

Nagkibit-balikat ako. "Alam mo na ang sagot diyan sa tanong mo, Tita." Tumayo ako nang maayos, "halfbath lang ako." Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa.

Nagtungo ako sa banyo saka mabilis na naghubad ng damit. Habang pinapaulanan ko ng malamig na tubig ang aking katawan ay hindi ko maiwasang isipin ang gusto kong mangyari. Kakatapos ko lang sa highschool at balak ko sana na pilitin sila Mama at Papa na roon na ako sa Cagayan Valley mag Senior High. Iniisip ko rin ang nangyari kahapon. Hindi ko maiwasang maawa sa sarili.

Hindi ko maintindihan kung bakit palagi nilang tinatanggihan ang mga sinasabi ko. Anila'y pagbabarkada at pagbubulakbol lang daw ang aatupagin ko kapag doon ako nag-aral ulit. Oo, ulit. Noong elementary ako ay doon ako sa probinsya. Palagi akong nangunguna sa top kaya hindi ko lubos maisip na pagbubulakbol ang unang pumasok sa kokote nila.

Mabilis kong binihisan ang sarili ko pagkatapos kong mag half bath at magmuni-muni. Naabutan kong payapa nang nakahiga sa mattress si tita Shine. Nakangisi ito sa harap ng kanyang laptop at cellphone. Napailing ako. She's at it again.

Umupo ako sa harap ng vanity mirror. I brushed my brown and slightly wavy long hair. Bawat pasada ng suklay ay umuunat ito kapagkuwan ay bumabalik sa pagiging maalon. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin ngunit kalauna'y iniwas ko rin. Naiilang talaga ako kapag tinititigan ko ang mukha ko sa salamin. My eyes were cold and menacing. Ang aking noo ay palaging nakakunot at ang kilay ko ay palaging salubong.

Inirapan ko ang sarili ko sa salamin. Lintek! Pakiramdam ko'y ang pangit kong tingnan.

"Ang pangit mo, Meira. Tss!" bulalas ko sa sarili ko.

Kinapa ko ang cellphone ko sa study table at binuksan iyon na kaagad ko ring pinagsisihan. Salubong ang kilay ko habang pinagmamasdan ang patong-patong na chat heads. Iba't ibang mensahe ang nakalagay roon at wala akong balak na isa-isahin ang mga iyon para basahin.

Those messages are not for me. It's for Tita Shine.

Isa-isa ulit na naglitawan ang mga mukha ng mga kupal sa chat heads at may nakakapanindig balahibong mga mensahe.

Coco Palomar:

Hi! Pakisabi naman kay Shine na replyan ako oh. Please? Pretty please?

Binura ko iyon. Ano ako, mailman? Asa ka!

Lauro Kim:

Shine, love ko. May problema ba tayo?

Problema niyo mukha niyo! May pa love-love pang nalalaman maghihiwalay rin naman. Isa pa, hindi niya ba binasa na Meira Castro ang pinag send-an niya?!

Ramil Reyes:

Gusto mo icecream? Lilibre kita. Sabihin mo lang kay Shine na tawagan ako.

What the? Ice freaking cream?! Ano ako, bata? Magbreak sana kayo.

Buwiset!

Walang pag-aalinlangan kong binlock ang lahat ng mga taong feeling close sa inbox ko. Ginawa kong private ang account ko para makaiwas sa mga inutil na iyon. Sorry for the word pero inutil talaga sila para sa akin.

Buti na lang at walang ibang taong nakakaalam sa personal number ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung pati iyon ay malaman nila.

Nakakabanas!

"Biyernes santo 'yang mukha mo, ah. Hindi ka ba marunong ngumiti?" natatawang puna ng magaling kong Tita.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang magagaling mong mga nobyo, nagpapa-epal. Gawin ba naman akong mailman! Nakakairita. Hindi man lang ba nila naisip na nakakaperwisyo sila ng ibang tao? Mga walang konsiderasyon! Pwede ba, Tita? Isa-isahin mo naman. Mag stick to one ka kaya. Hindi ka ba natatakot na baka bumalik sa iyo 'yang ginagawa mo balang araw?" Hindi ko maiwasan ang medyo pagtaas ng boses ko.

Ngumisi lang siya at nagkibit balikat. Mas lalo akong nairita. Padabog akong lumabas ng kwarto.

Si Tita Shine ang masasabi kong pinaka close ko rito sa bahay. Noong natapos ako sa elementary ay siya ring pagka-graduate niya sa highschool. Hindi ko lang alam kung anong nangyari at hanggang ngayon college parin siya.