"Leo, ano ba 'yan? Huwag nga kayong magkalat." Saway ko sa pinsan kong makalat na kumakain ng chichirya na parang walang pakialam.
Para siyang si Buddha na kulay brown. Prenteng nakaupo at walang damit.
"Incess! Ayusin mo 'yang mga papel at itapon mo sa basurahan!" Imbes na pakinggan ako ng pinsan kong babae ay mas lalo lang siyang nagkalat.
Napipika na ako sa dalawang magkapatid na ito. Nakikitira na nga lang silang dalawa, kung makaasta ay parang mga don at donya!
"Ano ba? Wala ba kayong mga tainga? Leo, kapag hindi mo pa inayos 'yang pinagkainan mo malalagot ka sa'kin. Ikaw naman, Incess, kapag hindi ka pa nagligpit diyan ay ipapakain ko sa'yo ang bawat piraso ng papel na kinalat mo!" sigaw ko pero hindi man lang sila umigtad.
Suminghap ako, nagpipigil. Kapag hindi talaga sumunod ang dalawang ito, I swear, gagawin ko ang sinabi ko.
"Isa!" sigaw ko.
"Dalawa!"
Hindi pa rin nila ako pinapansin.
"Letche!" Oo nga't honor student ako pero nagmumura ako. Lalo na kapag sobrang frustrated na ako.
"Tatlo!"
Nag-iinit ang ulong lumapit ako kay Leo at pinisil ang tatlong layer niyang bilbil. Ito ang kahinaan ng malaman niyang katawan kaya ito ang pinuntirya ko.
"Aray!" namilipit siya sa sakit. Alam kong masakit iyon lalo na't bumaon din nang bahagya ang aking kuko.
Napahiyaw ako nang ginamit niyang pambawi ang gunting na nasa center table. Dumausdos iyon sa braso ko hanggang sa siko.
Nagsimula siyang umiyak habang ako ay iniinda ang sakit na gawa ng gunting. Mamaya ka sa'kin!
Binalingan ko ang kanyang kapatid. Nagsalubong ang kilay ko nang makitang umiiyak na siya kahit wala pa naman akong ginagawa.
"Anong ginawa ko sa'yo?!" sigaw ko.
Imbes na sumagot ay mas lalo lang siyang umiyak nang malakas.
"Incess, ano ba? Tumigil ka nga! Wala pa akong ginagawa sa iyo. Tumahimik ka at baka isungalngal ko sa bunganga mo iyang mga papel mo!"
"Mama! Papa!" basag ang boses niya. Kung may ibang makakarinig ay iisipin mong inapi talaga siya nang matindi. Gano'n din ang ginawa ni Leo.
Napipika na ako! Napupuno na ako!
Tinakpan ko ang mga bibig nilang ngumangawa gamit ang mga palad ko.
"Sabing tumigil-"
"Meira! Anong ginagawa mo sa mga bata?" umalingawngaw ang malakas na boses ni Mama sa buong kabahayan.
Umayos ako sa pagkakatayo at binawi ang mga kamay ko. Humarap ako sa kaniya. Para siyang bombang sumabog. Pulang pula ang mukha at nanlilisik ang kanyang mga mata.
I still remember how disappointed I was at her yesterday.
"Pinagsabihan ko lang-"
"Inuulit ko, anong ginagawa mo sa mga bata?" napapikit ako sa intensidad ng kanyang boses.
"S-sinabunutan niya po ako," humuhikbing lumapit ang pinsan kong babae kay Mama.
Laglag ang panga ko sa sinabi niya.
"Totoo ba?" galit na tanong ni Mama. Sobra-sobra ang pag-aalab ng kaniyang mga mata sa galit.
Kaagad akong umiling. "Sinungaling! Ni hindi ko nga dinantayan ng daliri 'yan."
"Kinurot niya po ako sa tiyan." Bumaling ako sa pinsan kong sapo ang bilbil. Lumapit sa kaniya si mama at hinawi ang kamay niyang nakahawak doon.
May bakas ng aking kuko ang kaniyang bilbil.
Masama ang tingin ni Mama sa akin. "Walang hiya ka talagang babae ka!" Sinugod niya ako. Sinampal at sinabunutan. "Napakasadista mo! Akala ko ba matalino ka, ha? Nasaan ang pinagmamalaki mo? Ito ba? Gamitin mo iyang letcheng katalinuhan mo sa tama!"
Nag-iinit ang mga mata ko pero hindi ko hinayaang dumaloy pababa ang mga nagbabadyang luha ko. This is not worth crying for. And besides, I'm already used to it.
Hindi ito ang unang pagkakataon na sinaktan niya ako. Mas malala pa minsan ang ginagawa niya sa akin. She would beat me using her stilettos and stuffs 'till I nearly bleed. It's a cycle. Pupunain ko ang ginagawa ng mga pinsan ko, hindi sila makikinig, magagalit ako, and it always ends up me, being the bad cop. Palaging ako ang may kasalanan kahit wala naman silang basehan.
I hate it. I hate it because I always notice everything, and that's a problem.
Alam ko sa sarili kong wala akong kasalanan. Kung meron man, siguro ay 'yung napasobra ako sa pagpisil sa bilbil ng pinsan ko. Sinabihan ko sila pero hindi sila nakinig. Binaliwala nila ang mga salita ko.
"Una palang, Ma, sinabihan ko na sila. Hindi sila nakinig," mahinahong ani ko.
"Punyeta ka! Ano na lang ang sasabihin ng Tito at Tita mo?"
"Kung sana ay pinakinggan nila ako, hindi na aabot sa ganito." Tinitigan ko ang mga pinsan kong nagpapakabasang sisiw, "kaso mga batugan kayo! Ang titigas ng ulo niyo!"
"Tumigil ka na! Peste ka! Inutil! Walang modo! Ganiyan ka ba pinalaki, ha? Ganiyan ba ang tinuro sayo-"
"Huwag na huwag niyong idadamay sa gulong ito ang mga taong nagpalaki sa akin, Ma." I cut her off. Rage is building inside of me. This is the first time na sumagot ako. Ubos na ang pasensya ko. Tama na ang pagtitimpi ko. "Sabihin niyo na ho lahat ng masasamang salita sa akin pero 'wag niyong isisisi sa mga taong nagpalaki sa akin, sa lolo at lola ko, kung bakit ganito ako. I can take all of your untrue insluts. I can bear it all. Just don't... Just don't-"
But before I could finish my sentence, another couple of slaps landed my cheeks.
"Don't talk to me like that! I am your mother. You are just my child," mariing wika ni Mama. Nasa tabi na niya ngayon si Papa na nakatitig lang sa aming dalawa.
Hindi ako nagpatalo. Yes, she's right. She's my mother but, "You never became a mother to me. I never felt that I have my parents with me."
Tinitigan ko silang pareho, "aakyat na ako sa kwarto ko."
Umamba akong aalis nang magsalita si mama, "huwag kang tatalikod sa akin kapag nag-uusap pa tayo."
I gritted my teeth. Paano ako makikipag-usap kung para sa kanila ako ang may kasalanan?
"You are never going back to Cagayan Valley."
Nanlalaki ang matang nilingon ko siya, "No!"
I will go back!
"Yes. You are never going back to that place," mariin niyang sabi.
"Tama ang papa mo. Walang mabuting idudulot sa iyo ang pag-uwi sa probinsya. Kukunsintihin ka lang ng iyong lolo at lola. Mas lalo lang lalaki ang ulo mo. This place is better. You don't belong there." Ani mama.
Marahas akong umiling, "And you think this place is where I belong? You think that that place is hell? No, Ma. This place is hellish. People in the house were the demons themselves." I looked straight in their eyes, "I will go back to Cagayan Valley whether you approve or not."
Tuluyan ko na silang iniwan doon sa sala. Tinatawag nila ako pero hindi ko sila nilingon. Nakasalubong ko pa si Tita na bakas ang pagtataka sa mukha habang paakyat ako sa aking kwarto.
Tita, I'm leaving.
Padabog kong sinarado ang pintuan ng silid ko. Walang pag-aalinlangan kong kinuhan ang mga damit ko. Bawat galaw ko ay sigurado at walang halong pagsisisi.
Kinuha ko lahat ng mahahalagang bagay. Kinuha ko rin ang perang naipon ko simula grade 7 hanggang grade 10.
Alam kong sa oras na umalis ako sa bahay na ito ay wala na akong uuwian. Nasisiguro kong wala na akong babalikan pero buo na ang pasya ko.
Isang itim na backpack lang ang dala ko.
Nagbihis ako ng pantalon at itim na T-shirt na pinatungan ko ng sweatshirt. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid ko pero wala akong maramdang panghihinayang. Para bang wala lang sa akin na iwan ko ang lugar na ito. Lumabas ako na dala ang mga gamit ko. Nadatnan ko silang nasa sala parin.
Humakbang ako pababa. Matapang ko silang hinarap. Nanlilisik pa rin ang mga mata ni mama. Si papa naman ay laglag ang pangang nakatitig sa dala ko. Tumingin ako sa mga pinsan ko at nakitang ngingiti-ngiti sila. Si tita naman ay walang kaalam-alam sa nangyayari.
"Oh, ano? Lalayas ka?" si mama. "Sige, lumayas ka."
"I'll leave kahit hindi niyo sabihing umalis ako."
She laughed wickedly, "Go on. I won't stop you. Pero ito ang tatandaan mo, wala ka nang babalikan kapag umalis ka. Sa oras na humakbang ka palayo sa pamamahay na ito, para mo na ring itinakwil ang pamilya mo! Naiintindihan mo? Wala ka nang pamilyang babalikan!"
I bit the inside of my lower lip to stop myself from talking back. Hell, you call this a family? You call yourselves my family? I never felt that. You treated me the way I didn't deserve.
Hindi ko kayo itatakwil dahil sa simula pa lang, ako ang inyong itinakwil. Noong mga panahong kailangan ko ng kalinga galing sa mga magulang ay wala kayo. Noong mga panahong kailangan ko kayo ay nandito kayo sa Maynila. Nagpapakasasa.
Huminga ako ng malalim saka binalingan sila isa isa. I didn't utter any word.
Now, I'm leaving. I've done enough. I did everything for you to be proud of me, but you didn't.
I stepped out of the house without saying anything. Ang luhang kanina pa namamalagi sa gilid ng mga mata ko ay bumuhos na.
Now, I'm free!