Chereads / Waves of Love (Igna Placida) / Chapter 5 - Kabanata 4

Chapter 5 - Kabanata 4

Fool

Kinabukasan, agad kong hinanda ang pagbato ko ng bote. Sana nga ay totoo ang sinabi ni Lola dati dahil wala na akong pag-asa.

I am deeply aware na matagal pa bago makarating sa akin ang sagot ng dagat. Kung hindi man makakarating agad sa akin 'yon ay ayos lang, basta't mailabas ko lang ang sama ng loob at fustration ko.

Ang kagabing ginawang papel ay agad kong inirolyo at inilagay sa nahanap na bote. Kumuha ako ng itim na pantali para naman may disenyo ito kung sakaling makikita.

"Perfect."

Itinaas ko ng bahagya ang bote. Sana talaga ay makarating ito sa kadulo-dulohan ng dagat.

It's funny to think that I'm letting the destiny decide for what I should do. I'm letting the waves decide which person this bottle will go to.

Agaran ang pagtayo ko sa Swivel Chair upang magpalit ng susuotin. Nagsuot ako ng Highwaist maong shorts at isang simpleng itim na oversived top. Itinuck in ko ito para hindi sagabal sa paglalakad.

As I finished changing my outfit, I went out of my room. I saw my mom on the table, eating her favorite cookies. Where's Dad?

I quickly got out without her noticing it. Mas mabuti na iyon para hindi na ako magpaliwanag pa.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang magisip ng maaaring mangyari.

Paano kung sinasayang ko lang ang oras ko? Paano kung hindi naman talaga 'to totoo?

At kung ang sagot ng dagat ay gawin ko ang inuutos ng Ina, kakayanin ko ba?

Nang makarating sa dulo ay maingat akong bumaba sa mga batuhan. Kalaunan ay nakababa na rin ako.

The bruise I got on my hand was already healed so It's not really that hard for me to go down.

Unti-unti akong lumapit sa tabing dagat. The soft wave hugged my feet and I felt the coldness of the water. I took a deep breath and wish myself luck bago ibato ang Bote na ito.

Ipinikit ko ang mga mata at idinilat din kalaunan. I watched the bottle move far away from me. Matagal din ito bago makalayo-layo dahil sa pabalik-balik na alon.

Mukhang ayos na 'yon. Dapat na akong bumalik sa bahay.

Sa gitna ng paglalakad ay biglang sumagi sa isipan ko ang tungkol sa kumpanya. Totoo bang maba-bankrupt na ang AGV? paano si Daddy? pinaghirapan niyang maipundar iyon!

Iniisip ko pa lang ang maaaring mangyari kung ako ang namahala noon ay hindi ko na kinakaya.

Kung pabagsak na dahil sa pamumuno ni Daddy, paano naman ako na walang karanasan sa mga ganung bagay?

As I reached the entrance of our house, I saw my dad leaving. He entered the Driver's seat of his black Mustang. Hula ko ay papunta siya sa meeting dahil naka-itim na formal attire siya at bagong gupit.

"Ija, andiyan ka lang pala!" I heard my Mom's voice so I glanced at her.

"Mom," hindi ko na hinintay pang tawagin niya ako kaya ako na ang lumapit basta.

"Natasia Samanthina. I have favor." It's for the damn Alcevedos again, I'm sure.

"Use your car and go to ACEST. Be close to that Zach Alcevedo." Knew it.

"But mom, I'm underage." Natigilan siya nang marealize ang sinabi.

"Oo nga pala. Sige. Call Manong Jerry and let him drive for you."

At iyon nga ang ginawa ko.

Hindi ko alam kung paanong hakbang ang gagawin ko kapag dumating na ako sa ACEST. Hindi ako nakakapunta roon dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay dati.

Gustong-gusto ko malaman para naman may ideya ako kapag nakapunta na ako.

"Manong Jerry, nakapunta na ba kayo sa... ACEST." sandali akong binalingan ng tingin ni Manong Jerry at saka binalik ang tingin sa daan.

"Oo naman. Malaki 'yon at mataas. Nakakamangha lang dahil kahit na mas maraming demand sa Maynila ay nanatili pa rin sa Igna Placida ang Sentro ng ACEST. May branch sila sa Maynila pero doon naman namamalagi ang kapatid ni Zacharius" my eyes widened because of what he said.

What? may kapatid si Zacharius?

"M-may kapatid si Zacharius?" Manong Jerry looked at me with his confused eyes.

"Oo, hindi mo ba alam? Mabait na bato iyong si Akilius kahit na may pagkalulong sa trabaho. Kumpara sa dalawa ay mas gusto ng tao si Aki kaysa kay Zach." anito.

Akilius, what a nice name.

"Sige po Manong Jerry, kwento pa po kayo." natawa ng bahagya ang Manong at agad na dinugutngan ang sasabihin.

"Ija, iyan ba ang utos ni Nathalia sa 'yo?" iiling na sana ako ngunit pinangunahan niya na.

"Alam mo, alam kong mabait kang bata. Pero sana ay pag-isipan mong mabuti kung gagawin mo ba talaga iyon o hindi. Delikado ang isang Alcevedo, Ija." hindi ko alam kung anong nais niyang sabihin roon pero isa lang ang nasisiguro ko.

If the plan succeeds. I would be really doomed.

Ilang sandali pa bago makarating sa malaking buulding ay may ibinilin si Manong Jerry sa akin.

"Wag kang magkakamali, ija." and with that, hindi na maialis sa isipan ko ang sinabi niya hanggang sa pagpasok ko sa ACEST.

All of them are looking at me. Maybe they're wondering, what am I doing here? Are they aware na I'm a Velez?

Yes they are, Asha.

I'm still wearing my highwaist shorts and my oversized blackshirt. Ang pinagkaibahan ay nakasneakers na puti na ako ngayon.

The way I dress right now is not as Elegant as I want me to be but, I was caught off guard at hindi na ako nakapagbihis muli.

Bahala na.

Nakarating na ako sa may counter. Isang babae na himod ang buhok habang naka-low pony tail. Agad naman akong nagtanong.

"Excuse me, what floor is the office of Zacharius Alcevedo?" hindi ako binalingan ng babae, bagkus ay nakatingin lang siya sa desktop computer niya nang sumagot sa tanong ko.

"Engnr. Alcevedo is currently on the site, Ma'am." Site? Saan iyon!

"Where is it, then?" I tried my best to sound like a full grown up woman but... I think I sounded like a brat, more like a bitch. Oh my.

"Hello, ma'am. I'm Dulce, Engnr Alcevedo's secretary." napatingin ako sa nagsalitang babae. Hindi katangkaran pero masasabi kong may itsura siya.

Halos manliit na lang ang mata ko nang mapabaling sa dibdib niya. Malaki iyon at halos lumuwa na. I was disgusted by the thought of Zacharius looking at this Woman's boobies!

I can't take that.

"Where's your boss?" I asked.

"Ma'am, he's on the site. Ang bilin niya po ay huwag muna daw tatanggap ng bisita habang hindi niya nalalaman kung sino iyon." an Idea came into my mind.

I'll surprise the Old man.

"Oh well, he knows i'm coming. Maybe I'll go on the site now-"

"Ma'am!"

Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa kung saan nanggaling ang sekretarya.

Mukhang andoon ang site na sinasabi niya.

"Ma'am!" habol ng sekretarya. Ano ba 'yan, Zacharius. ang lamya ng Secretary mo!

Nang makalabas ako ng Building ay dumungaw sa akin ang puro bakal at semento na Site na sinasabi nila.

Hindi ko maiwasan ang pagkamangha.

We have the same type of Business pero ang kay Zacharius ay di hamak na mas malaki.

Malalaki ang site na napupunta sakanya. Siguro ay dahil sa pagkakakilanlan sakanya bilang magaling na Engineer.

"Ar. Alcevedo. Ang disenyo po na ginawa niyo ay sumasalungat sa Disenyo ni Ar. Sanchez." nang narinig ko ang pangalan ni Zacharius ay napalingon agad ako.

Architect? Akala ko ba ay Engineer?

"I already talked to Ar. Sanchez about that. May binago lang ako nang kaunti kaya iba na ang disenyo." I overheard the conversation between Zacharius and his men. Agad ko namang napansin ang pagkaibahan ng kulay ng hardhat ni Zacharius at ng kasama niya.

Hindi ko maiwasang mamangha sa kanya. Nakabukas ang tatlong butones ng kaniyang polo shirt. Faded jeans naman ang ibinagay niya para sa puting polo shirt at isang brown boots ang para sa kanyang paa.

"Yung babae!" bago pa ako makalingon ay may humila na sa akin palayo.

"Shit."

Napapikit ako sa lakas ng barog ng bakal. Halos mabingi ako sa tunog na 'yon.

Unexpectedly, my tears wanted to fall. My hands begun shaking.

"Damn, Asha! Ano bang ginagawa mo!" hinarap ako ni Zacharius para pagsabihan sa kamaliang ginawa.

"Sir, Pasensya na po! Ma'am, hindi po s-sinasadya." Lumapit ang isang lalaki na nakakulay dilaw na polo shirt. May tatak itong ACEST at ang logo ng kumpanya.

"Sino ba ang nakasakay sa Crane?" kalmadong tanong ni Zacharius ngunit mukhang tensyonado ang lalaking nasa harap.

"Y-yung bago po, Engineer."

Napapikit nang mariin si Zacharius ngunit agad naman siyang dumilat para paalisin na ang lalaking nasa harap.

"I hope that won't happen again, papuntahin mo 'yon sa opisina mamaya." tumango ang lalaki at saka umalis na.

Agad bumaling sa akin ang galit na galit na si Zacharius. His bloodshot eyes made me want to tremble on my knees.

"Let's go." hinila niya ako papasok sa kanyang opisina sa site. Mukhang ako naman ang papagalitan niya.

I pouted.

Nang makapasok ay agad niya akong pinaupo sa swivel chair. Hindi ko maipagkakaila na Maganda ang disenyo. Agad namang pumasok sa utak ko abg narinig kanina.

Archiect? Hindi ba at Engineer siya? Fake news na naman ba?

"Why are you here." nakapamaywang na tanong ni Zacharius.

"E-eh kasi-"

"Are you even aware that this place is dangerous for you?!" napayuko ako doon.

Alam kong mali ako.

"Sorry,"

"Goddamn, Ashi. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung mabagsakan ka ng bakal doon!" napahilamos siya sa mukha. Mukhang fustrated siya dahil sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasang malungkot.

Dapat pala ay hindi ko na sinunod si mommy kanina. Dapat pala ay hindi na lang ako pumunta dito. Dapat pala ay hindi muna ako bumalik sa bahay at nanatili na lang sa gilid ng dagat. Edi sana ay hindi siya nagagalit sa akin ngayon.

My tears wanted to fall pero pinigilan ko iyon. I'm afraid of loud noises pero wala nang mas nakakatakot pa kung may magagalit sa akin dahil lang sa kamalian na nagawa ko.

"I-i'm sorry. Uuwi na lang ako, andiyan n-naman si M-manong J-jerry." akmang aalis na dapat ako nang pinatong niya ang ganyang paa sa swivel chair.

"And where do you think you're going?" taas kilay niyang tanong.

Galit ka sa akin dahil muntikan na akong madisgrasua kaya aalis na ako. Dagdag lang ako sa problema mo.

"I'm leaving. Ayaw kong maging pabigat." pumikit siya ng mariin. Medyo matagal iyon pero agad namang dumilat at huminga ng malalim

"Ashi." he licked his lips. "Maaari ka namang pumunta dito pero sana'y magpaalam ka nang mabigyan ka ng proteksyon sa ulo."

"Alam ko, mali ko iyon. Pasensya na." halos hindi na marinig ang huling sinabi dahil sa pagkapahiya ko.

I am supposed to be here to make him close to me according to mommy but it looks like I just made it worst. Mas lalo lang siyang napalayo sa akin.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil magagalit siya sa akin at hindi magtatagumpay ang plano ni Mommy pero sa ngayon ay, hindi ako natutuwa. At hindi ko alam ang dahilan.

"Do you really think I will let you leave the place right now? knowing that the Crane Man screwed awhile ago?" napatingin ako sakanya.

"Bakit kasi iyon ang inilagay mong Crane Man?"

"Huwag mong baguhin ang usapan, Ashi. Pinapagalitan pa kita." a moment for me to realize na she's calling me by a different name.

"And who the hell is Ashi?"

"Don't make our conve-" pinutol ko agad siya.

"Umaamin ako sa kasalanan ko at hindi ko itinatanggi 'yon. Ang akin lang naman ay bakit mo akong tinatawag na Ashi? hindi iyon ang pangalan ko!"

He looked at me with his serious eyes. Hindi nakapuyod ang buhok niya, bagkus ay nakapalikod ito. Dahil siguro ito sa hard hat kanina.

"Your nickname is a bit off." kinunutan ko siya ng noo.

"Asha? isn't it supposed to be Ashi? you don't have H on your name." ang kunot na noo ay nagbago.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"At paano mo 'yon nalaman?"

"I... searched?" his answer made me furious. Akala ko ba ay matalino ito!

Okay fine, old man. If you like calling me names, then i'll do it also!

"Okay fine, Rio!" natigilan siya nang saglit. His eyes stared into mine at halatang nagulat sa tinawag ko.

Why? don't you like it? Rio?

"Y-you called me.. what?" i swear, this man needs to clean up his ears sometimes.

"Rio. I called you Rio. Hindi ako papayag na ako lang ang gagawan mo ng pangalan, huh!" His ambiance quickly changed from serious to humorous.

Wow.

"Rio, huh? that's better, though?" umangat ang gilid ng labi niya. Why can he be this too handsome atel the same time, sexy.

Holy moly, Asha. You're fantasizing someone who's five years older than you! Wake up!

Akmang kukurutin ko sana ang sarili nang biglang may kumatok sa likod ng opisina.

May daanan pala roon! Dapat ay doon nalang pala ako dumaan kanina para hindi na siya nagalit sa akin.

"Engineer, Hestia Alcevedo is looking for you." the sexy secretary looked at me. Her eyes were very sorry for letting me enter the site.

"Alright, will be there in a minute. Tell mama to wait."

Tumango ang secretary at umalis na.

"Why would I wait, son?" napatayo ako nang biglang pumasok si Hestia Alcevedo. napabaling naman ang tingin niya sa akin na siyang inilaki ng mata niya.

"Oh, Nathasia Velez." she looked at me from head to toe and smiled at me. I was about to smile back pero inalis niya agad ang tingin sa akin.

She is wearing her fitted black dress with a white channel bag. Her eyeglasses screams a ton of ellegance. Lalo na't kapag siya ang nakaharap mo.

"I heard what happened. I think you should fire that Crane Man right away." nakaekis ang kanyang dalawang braso habang sinasabi iyon pero hindi ito pangit tignan sakanya. Mas lalo lang siyang nagmukhang elegante.

Agad ko namang ginaya iyon, siguro'y kapag ginawa ko 'yon ay magmumukha din akong Elegante.

"Ma, The department of safety is handling the incident. Hindi pwedeng alisin ko ang empleyado dahil may pamilyang binubuhay iyon."

Hestia Alcevedo slowly went to her son and gave him a kiss on his forehead.

I can't believe I'm seeing Zacharius Alcevedo letting his mom kiss his forehead!

"I know son." kasabay noon ay ang pagkatok ng isang empleyado sa ACEST site sa opisina ni Zacharius.

"Engnr Alcevedo, Ar. Sanchez is here." tinignan siya ni Rio at agad namang bumaling sa 'kin at sa Ina.

I smiled at him at tinanguhan naman siya ni Hestia Alcevedo.

"Ma, please don't let Natasho go out on my office."

"I won't son. You can go now." Hestia showed a sweet smile on him bago umalis siya umalis.

Pagkasarado ng pinto ay hindi ko maiwan ang akwardness na bumalot sa ere. Ang eleganteng Hestia Alcevedo ay umupo sa swivel chair ni Zacharius.

Tanging tunog lang ng orasan ang naririnig.

Maya-maya pa ay binasag na ni Hestia ang katahimikan.

"Do you like Zacharius?" mabilis kong binaling ang tingin kay Madam Hestia.

Sa gulat ay mabilis din akong umiling para itanggi.

"N-no, ma'am." she looked at me with his not convinced eyes. Hindi iyon naalis hanggang sa magtanong ulit siya.

"Then why are you here?" kakaiba ang paraan ng pagtanong niya sa akin noon. Ibang iba siya sa huli naming pagkikita. Kung dati ay maamo at naaaliw na mata ang binibigay niya sa akin, ngayon ay iba na.

Seryoso na ito at nakakatakot.

"Look, Natasia. Ang anak ko ay maaaring malilinlang mo pero ako, hindi." iniwas niya ang tingin sa akin.

Napalunok ako dahil doon, ano ang ibig niyang sabihin?

"Ma'am,"

"Asha, alam ko ang plano mo." ibinalik niya na ang tingin niya sa akin.

Itinuon niya ang dalawang braso niya sa Lamesa at lumapit ng bahagya.

"You want to seduce my son in order to bring him down, right?" nanlaki ang mata ko roon.

Iyon ang plano ni Mommy pero hindi ko gagawin kahit kailan iyon!

"Ma'am, hindi po-"

"You can fool my son pero ako, hindi. Ganyan ang gawain ni Nathalia noon tuwing may hindi siya nakukuha."

Ganoon nga ang gawain ng Ina ko dati pero hindi ako katulad niya.

And with that, I felt insulted. Hindi sapat na dahilan ang 'anak ako ni Mommy' para ihalintulad sakanya!

I'm confident with that because I know, I also hated my mom for that.

"Hindi naman po ibig sabihin na ganoon ang magulang ko ay, ganoon na rin ako." tinaasan ako ng kilay ni Hestia Alcevedo.

"Oh really?" agad naman akong tumango doon.

"Yes," she shrugged.

"Then prove it."