Signs
Hestia Alcevedo left the office. Hindi ko maiwasang matulala sa sinabi niya. Akala ko pa naman ay gusto niya ako, palabas lang ba iyon?
Kung hindi niya pala ako gusto ay sana sinabi niya na lang, ayos lang naman sa akin 'yon kaysa sa maniwala ako sa kasinungalingan.
Nalunod ako sa mga iniisip. Ni hindi ko na nga napansin ang pagpasok ni Rio sa loob ng opisina niya.
"Asan si Mama?" doon lang ako natauhan. Inangat ko ang tingin sa nakatayong Zacharius. He's infront of me right now, ganoon na pala kalalim ang iniisip ko para hindi ko mapansin ang presensya niya.
I smiled at him.
"She... left." I simply said. Tumango siya ng dahan-dahan habang nakatingin sa mata ko. Para bang alam niya na may hindi ako sinasabi.
Maya-maya pa ay nagtanong ulit siya.
"Nag-usap ba kayo?" napalunok ako roon. Yes, we talked. Pero kung sinabi ko ang totoo ay paniguradong aalamin niya ang pinagusapan.
Alam ko na hindi ko dapat iyon sabihin sakanya. Ayaw kong isipin niya na totoo nga ang binibintang ng Mama niya sa akin.
In the end, I chose to lie.
"No."
Tinitigan niya ako bago nagtaas ng kilay. Itinagilid rin niya ang ulo bago magsalita.
"Really?" I nodded.
"Okay, then." he sighed. Alam kong gusto niya akong pilitin para magsalita pero hindi dapat dahil hindi ko kaya.
Hindi ko alam kung bakit sineseryoso ko ang mga sinabi ni Mommy. Pwede ko 'yong suwayin at balewalain pero, hindi ko magawa dahil alam kong sa kahit na anong pipiliin ko ay may masasaktan ako.
It's either Zacharius, or my Mom.
Alam ng Mama niya ang plano ni Mommy at akala niya ay ginagawa ko na ngayon 'yon. Nakakalungkot lang isipin na nakuha niya akong husgahan dahil lang sa nagawa ni Mommy noon.
Wala akong kahit na anong ideya sa nangyari pero alam kong mapanlinlang si Mommy. I'm aware of that and I accept.
Suddenly, a thought came across my mind. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganoon ako pagsalitaan ni Hestia kanina. Hindi ba't nagkasundo sila noong isang araw? Oh baka naman tinanggihan sila nila Daddy kaya nagkaganyan siya.
I almost cringed on that thought.
Imposible naman iyon dahil mukhang pamilya ko pa ang dapat lumapit sa mga Alcevedos, besides, they're on top.
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa amin ni Zacharius bago siya pumunta sa Swivel Chair niya. May kinuha siya na papel sa ilalim ng drawer at hula ko'y isang sketch 'yon ng bahay.
"Ang galing mo palang gumuhit!"
Napabaling ang tingin niya sa akin ngunit agad naman niya iyong ibinalik sa sketch.
"It's a part of my profession." anito.
"Can I see?"
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at naki-osyoso sa drawing niya. Ang ganda ng bahay na'to. Pero mukhang hindi naman ito project dahil nasa Bond paper lang ito at... iginuhit lang niya iyon nang free hand.
Kahit na free hand sketch iyon ay hindi maitatangging maganda ang disenyo. Ang mga disenyo ni Papa ay walang wala sa disenyo niya!
"Para saan 'yan?"
Matagal bago siya sumagot. Titig na titig siya sa bahay na iyon.
"Wala. Sinubukan ko lang ang kakayahan ko sa pagguhit." tumango ako sa sinabi niya. Ilang sandali pa ay may tumunog sa pinto, senyales na may papasok doon.
Napalingon agad ako sa likod at naaninag ang Sekretarya niya. Pangalawang dating niya na dito at mukhang importante ang ipinunta.
"Engineer. Ms. Athena Gonzales is here." anito.
Natigilan ng sandali si Zacharius bago tumingin sa sekretarya.
"Why is she here?" kalmadong tanog niya.
Parang narinig ko na ang pangalan na Athena Gonzales!
"Bibisita raw mo siya sa iyo. Nagpakilala po siya bilang Girlfriend niyo, Engineer." nanlaki ang mata ko roon kasabay ang pagkaalala na si Athena Gonzales ang nasa loob ng Article.
Si Athena Gonzales, siya ang rumored girlfriend ni Rio!
"Engineer, ang sabi ko ay hindi ka tumatanggap ng kahit na sinong bisita pero nagpupumilit po kasi." Rio Sighed.
Rumored girlfriend ni Rio si Athena. At ngayon ay dinadalaw niya siya.
Sa hindi malamang dahilan ay nag-init ang mukha ko. I can also feel the pumps on my chest. As if my heart wants to jump out of me.
Hindi tumigil sa pagkalabog ang dibdib, at mas lalo pa iyong nadagdagan nang may nagsalita sa pinto.
"Zach!" napabaling ang tingin ko sa babaeng ito. Holding her designer bag, she went in as if she has the single rights to do it.
Hindi ko maiwasang mamangha.
Siya ba si Athena Gonzales? kung siya nga, napakaganda pala talaga niya.
She's tall and slim. Hindi malaki ang kaniyang dibdib at natural ang ganda. The way she entered the office, it screams alot of ellegance.
Napatingin ako sa suot ko.
Black shirt, shorts, at sneakers.
Siya ay nakasuot ng kulay itim na off shoulder at jeans na ibinagay sa itim na stilletos. Kung pagtatapatin mo kami ay malaki ang lamang niya.
I'm a child while she's... a woman.
I admire her so much.
"Athena." iyon lang ang naisagot ni Zacharius. Si Athena ay napatingin sakin ngunit muling ibinaling ang tingin kay Rio.
"Hindi ka raw tumatanggap ng bisita pero... may kasama ka pala dito." dismayadong sabi niya. Zacharius looked at her seriously.
"It doesn't matter, Athena." natawa naman ang babae roon.
"It doesn't matter? Kailan pa nga ba ako nagka 'matter' sa 'yo, Zach?" nagtaas siya ng kilay which made me shocked.
Oo nga naman, Rio. Dapat ay may 'care' ka sa kanya!
Zacharius pursed his lips, trying to hold his patience.
Honestly, they go well with each other. Napansin ko iyon nang titigan ko silang dalawa. They are really giod for each other.
I suddenly felt this harsh feeling. Kung Girlfriend niya 'to ay bakit pa ako nandito? dapat umuwi na ako!
"Athena, we shouldn't be talking about this right now. I have a visitor." bumaling ngayon ang tingin sa akin ni Athena.
I stared at her, too. Nilabanan ko ang titig niya.
"Ayos lang, Zach. I want your visitor to know that you're not entertaining any visitors right now." diniinan niya ang pagsabi sa 'visitor'. He's not entertaining yet she still gate crashed on his office. Huh?
Fine, it's time to leave!
With that, I decided to speak.
"Don't worry, Ms. Gonzales and Mr. Alcevedo. I will leave right way. Excuse me." paalam ko, I was about to leave when Athena spoke behind me.
"You are a visitor, hindi ba? bakit ka aalis aga-"
Hindi ko na iyon pinatapos at lumabas na ng Pinto. Hindi ko na rin hinintay ang pagpayag ni Rio sa pagalis ko dahil una sa lahat, tama si Athena, hindi naman ako bisita at mas lalong wala akong espesyal na meeting sa arkitekto o enhinyero na iyon.
With full of confidence, I walked elegantly. Pilit kong pinapantayan ang pagiging elegante ni Athena. Ang suot ko man ay hindi pang elegante, kaya kong dalhin ito at pagmukhain itong kaaya-aya.
Hindi ko alam kung ano ang dinadaanan ko pero I kept on walking until I finally saw the exit. Masyado palang matagal lakarin 'to. Kung sabagay, nasa likod pa kasi ang site at temporary office lang naman 'yon ng kumpanya.
Dumiretso na ako sa Exit, pagkalabas ng exit ay tumambad ulit sa akin ang lobby. All eyes on me, eh?
What's the matter, dogs?
Hindi ko sila pinansin at lumakad na pa labas. I need to go home, this day is an epic fail.
Muntikan mabagsakan ng bakal, pagkompronta ni Hestia, at ang pagdating ni Athena.
Gusto ko nalang kalimutan ang araw na ito at hindi na isipin pa ang mga susunod na pagkikita namin ni Rio.
Sa labas ay agad kong hinanap ang driver, wala si Manong Jerry doon. Siguro'y nagpark sa ibang lugar.
I was about to text him nang biglang may tumigil na kotse sa harap ko.
Katulad ito ng kotse ko, at matagal din itong nakatigil so I assumed na eto na si Manong Jerry.
I smiled and went to the car's back seat. Agad kong binuksan ang pinto at nang makapasok ay inayos ang sarili.
"Manong Jerry, let's go na po." utos ko habang hinahalungkat sa bag ang cellphone. Hindi nagsalita si Manong Jerry.
"Manong Jerry, wala na po akong inaantay. Tara na po." I didn't looked at Manong Jerry and continued to look for my phone.
Nang makita ang cellphone ay agad kong inangat ang tingin. May mahabang buhok si Manong Jerry at, nakapolo na damit.
"Manong Jer-"
"Manong Jerry, huh?"
Tumingin sa akin ang nakaupo sa Driver Seat at ganoon na lang ang inilaki ng mata ko nang makitang si Zacharius iyon.
What the...
"What are you doing here!"
"Ihahatid kita." seryosong sabi niya.
Kumulo ang dugo ko. Nasaan si Manong Jerry? Bakit andito siya sa sasakyan ko?
At isa pa, hindi ba at naroon ang girlfriend niya?
Ha!
"Anong ihahatid? Hindi mo ako pwedeng ihatid dahil si Manong Jerry ang driver ko. At isa pa, dapat hindi mo iniwang mag-isa ang girlfriend mo roon!"
Katahimikan ang bumalot sa amin pagkatapos kong sabihin iyon. A smirk formed into his lips at doon ko lang din na-realize na, mali yata ang sinabi ko.
I sounded like a jealous girlfriend!
Nanlaki ang mata ko sa nasabi. Oh my...
"I-i m-mean, uhmm-" pinutol niya ako.
"So, you have a crush on me, huh?" the old man speaks. "How cute." umiling siya ng bahagya that made me pissed.
Alam ko ang ibig sabihin niya sa cute at naiinis ako roon!
"Hoy, hindi ako 'cute', huh! I turned 17 days ago and will be 18 next year." he chuckled.
"Okay, sabi mo, eh." inirapan ko siya nang ibaling niya ang tingin sa harap.
"Nasaan si Manong Jerry?" balik ko sa tanong ko. Tinignan niya ako sa salamin.
"Please tell me first where are we going so that we won't be distracting anyone here." hindi ko napansin na medyo matagal na kaming nakatigil sa harap ng building.
Ayaw ko namang maging sagabal kaya sa huli ay sinabi ko sakanya na uuwi na ako.
"Home." tumango siya at pinaandar ang kotse. My car is automatic. Hindi ko maitatanggi na namamangha ako sa kanya sa pagmamaneho nito.
Nang makaalis na sa ACEST Building ay ibinalik ko na ang tanong kanina.
"Nasaan si Manong Jerry?" he remained his eyes on the road.
"I told him to go home."
"What?!" nanlaki ang mata ko roon. Paano niya nagawa iyon!
"He went home using your car. This is mine." huh?
"This is... yours?" tumango siya roon.
Hindi ko na siya kinulit pa at humalukipkip lang sa tabi. Maya-maya pa ay nakarating kami sa Bahay. I bid my goodbye and went out to his car. Madali akong nakapasok, madali ko ring napansin na mukhang walang tao sa bahay.
And I was right.
Wala roon si Mommy, mukhang sumunod siya sa kumpanya nila daddy.
Nagkibitbalikat ako at nagpasyang kumain na ng hapunan. Mabuti na lang at magga-gabi na.
Wala akong balak lumabas ng kwarto mamaya. Ayaw ko ring sagutin ang mga tanong ni Mommy tungkol sa plano niya para kay Zacharius dahil una sa lahat, hindi ako lumalapit para sa kumpanya at pangalawa, walang imporranteng dapat sabihin.
At iyong nga ang nangyari noong gabi na 'yon.
Ilang araw ang nakalipas simula noong pumunta ako sa ACEST. Ilang araw na rin akong kinukulit ng Ina na pumunta ulit doon.
Madami akong naging dahilan, isa na roon ang masama ang pakiramdam at ang karamihan ng gagawin.
Magga-gabi na at napagdesisyonan kong pumunta ng dagat, nang makababa ay nakita ko ang ina sa lamesa. Hindi na sana ako magpapakita ngunit napabaling na agad ang tingin niya sa akin.
"Asha," napapikit ako roon.
"Why don't you go to Zach's office? It will help you to-" agad ko siyang pinutol sa sasabihin.
"Pupunta ako sa dagat, may gagawin ako roon."
Agad akong umalis at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya. It's better that way para hindi na niya ako utusan.
Mom will be super angry at me for what I did, pero bahala na. She's always like that, hindi pa ba ako masasanay?
Nakarating na ako sa may Bato, I was about to go down when someone spoke behind my back.
"Natasia, hindi pwede 'yang ginagawa mo ha. Kung ano ang sinabi ko ay dapat sundin mo!" I rolled my eyes with that.
It's my Mom.
Hinarap ko siya at tinignan mata sa mata.
"Mom, ano nga po ba ang pewede sainyo?" nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. I saw how anger creeped in her eyes, as if she doesn't care kung anong posisyon ko sa buhay niya.
For God's sake, i'm 17! Wala pa ako sa legal na edad kung kaya't hindi ko maintindihan ang nais niyang mangyari.
Wala na ba talaga siyang pakialam?
"Anong pwede sa akin? Natasia? Simple ang hinihiling ko pero hindi mo magawa! Gaano ka na kabastos sa akin, Asha, at kayang-kaya mo na akong bastusin? Hindi mo ba alam na umiiyak ako sa gabi dahil hindi mo ako sinusunod?" tears formed in her eyes.
Napalunok ako roon. Umiiyak siya kada-gabi? Hindi ba siya inaalo ni Daddy?
Guilt wandered into my heart, parang kasalanan ko ito!
"Mom," her tears started to fall from her eyes which made me feel more guilty. Hinding-hindi ko na alam ang gagawin ko! Do I deserve being on this position where I should choose who to hurt? Kasi kahit na anong angulo ay walang hindi masasaktan!
"Mom, stop crying. Please." umiling siya ng marahas at pinunasan ang mga luha.
"Is it because you don't want to obey me! Ang gusto ko lang naman ay ang durugin mo ang puso ng Alcevedo na iyon, yet, you chose to disobey me. Anong klase kang anak!" and with that, she left.
Anong klase akong anak.
Ano nga bang klase akong anak? Wala na ba akong kwenta dahil mas pinili kong hindi saktan ang ibang tao para sa ikakaangat ng pamilya ko?
Wala na ba akong kwentang anak dahil mas pinili kong suwayin ang gusto ng Ina ko?
Kung ganoon, ano nga ba ang imahe ng mabuting anak? Ang pagdamay sa iba para lamang sa ikakalamang ko?
Hindi ko hinabol ang Ina at dumiretso sa Dagat.
Dito ako Iiyak, dito ko na lang ilalabas ang lahat.
Pagkababa na pagkababa ay naglakad ako sa kawalan. Tumigil ako nang makalapit sa tubig at tumingin sa buwan.
Wala pa bang sagot ang dagat sa tanong ko?
Kailangan ko na ng sagot dahil nalulunod na ako sa mga desisyon.
Kailangan ko na ng sagot dahil unti-unti na akong bumibigay.
At kailangan ko na ng sagot dahil bukas na bukas din ay, sisimulan ko na ang nais gawin ng Ina.
Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa mata.
If I will hurt Rio, mom would be happy. If I don't follow her plans, I will hurt my mother.
How far can I go just to prove myself to others?
Can this sea really help me from all of my hardships?
I closed my eyes to feel the hymn of the sea, the calming sound of the waves, the soft but cold wind hugging me, and the peaceful ambiance of the waters.
Habang nilulubos ang mga nararamdaman ay naisip kong gumawa ng senyales.
If the calming sounds of the waves became loud, the soft wind became harsh, and the peaceful ambiance of waters became aggressive... then that means that I should do whatever my Mother wants me to do.
I took a deep breath to ready myself from what will happen, Ilang minuto ang nakalipas ngunit wala pa ring nangyayari.
Siguro ay iyon ang sagot ng dagat.
Maya-maya pa ay, naramdaman ko na ang pagiging agresibo ng lahat.