Bumabagsak ang aking mag kabilaang braso noong tuluyan na akong maka labas ng building
Mukang ako ata ang tunay na anak ni kamalasan at hindi IKAW at KAYO? Oo ako nga ang tunay niyang anak kasi naman lagi nalang...
Malas sa trabaho!
Malas sa pera!
At syempre sa lovelife!
Nagawi ang aking tingin sa isang grupo ng mga kababaihan na naka suot ng uniporme habang masayang nag lalakad at nag uusap
Sana all bulong ko habang malungkot na naka tingin sa kanila, malungkot akong ngumiti at tumingala sa langit
"Ma sabihin mo nga nasaan ba ako noong umuulan ng kaswertihan?"inis kong tinignan ang hawak hawak kong folder "pang ilang job interview na ba napa sukan ko at ni isa walang tumanggap saakin" muli akong tumingala sa langit at ngumiti "basta Ma hindi ako susuko! kahit pang bente, trenta at isang daang job interview pa yan hindi talaga ako susuko!" huminga ako ng malalim at taas noong tinignan ulit ang building na nasa harapan ko "malulugi din yang kumpanya niyo motherf*ckers!" sigaw ko at napansin ko ang mga taong nagawi ang tingin saakin kaya dali dali akong nag lakad paalis
Hinihingal akong pumasok sa loob ng isang maliit na cantine at kaagad na humanap ng mauupuan
"Reese!" naka ngiting lumapit saakin ang isang babae habang naka suot ito ng apron "ano kamusta ang job interview?" masaya nitong tanong at umupo sa harap ko
"ayos lang lang naman Poet" mahina kong sabi at ngumiti "hahanap na naman ng bagong kumpanya" kinuha nito ang kamay ko at pinisil
"may nag offer saaking trabaho sa central pero wala akong balak na iwanan mag isa si Mama dito, kaya ibibigay ko nalang sayo ang offer na yun" kinuha niya mula sa kanyang bulsa ang isang piraso ng papel "balita ko malaking kumpanya yan" dahan dahan kong kinuha at tinignan
"Greco Company" basa ko at tinignan si Poet at ibinalik ulit ang tingin sa calling card na hawak hawak ko "paano ibinigay sayo ang calling card na ito?" napa pikit ito at napa hilamos sa kanyang mukha
"hindi na importante iyon Reese! basta bukas na bukas bumyahe kana papuntang central!" kumunot ang aking noo sa sinabi niya
"malayo ang central dito sa lugar natin Poet" malungkot kong sabi dahilan para mapa kamot ito sa kanyang sariling ulo at umiling "tsaka wala akong pera para sa pamasahe papunta dun, imagine tatlong oras ang byahe" inis niyang kinuha ang calling card sa kamay ko at ibinalik ulit iyon sa kanyang bulsa
"mas madami kasing opportunity sa central kesa dito sa lugar natin" napa isip ako sa sinabi niya "tsaka malay mo doon muna makikita si Mr right! Yieee!" napa ismid ako sa sinabi niya kaya dali dali kong kinuha ang water bottle na hawak niya at nilagok iyon
"p-pwede ba Poet! trabaho hinahanap ko hindi kalandian!" ngumiti naman siya ng nakakaloko "oorder na ako please!" natatawa itong tumayo "dalawang order ng chicken carry with rice" nanlaki naman ang kanyang mata
"matakaw ka talaga" mabilis ko siyang sinamaan ng tingin
"paki take out yung isang order,bilis!" maarteng sabi ko sa kanya
"tsk" natatawa ko itong sinundan ng tingin habang nag lalakad papasok sa kanilang kusina
Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kalinderya wala ng masyadong tao dito dahil alas dose na ng hapon, si Poet Ruz pala ang nag iisa kong kaibigan simula bata palang kami siya lamang ang kaibigan kong nag pakatotoo saakin at hindi ako pinlastik
"Reese!" nagawi ang aking tingin sa babaeng tumawag saakin mabilis ko siyang nginitian at kinawayan
"magandang hapon po" lumapit siya saakin at inilapag sa mesa ang pagkain na inorder ko "salamat po" magalang kong sabi
"kamusta naman ang pag hahanap ng trabaho" pumunta ito sa likod ko at hinubad ang blazer na suot suot ko "ikaw talagang bata ka! ang init init bakit natitiis mong suotin ito" kinuha ko ang blazer sa kanya at nginitian siya
"sanay na ako sa init Tita, kaya wala na saakin yan"umiling iling naman siya sa sinabi ko
"sige, kumain ka ng mabuti diyan! mag paka busog ka ah?" mabilis akong tumango
"Opo Tita" nag simula na akong kumain noong umalis na si Tita Chel sa harapan ko
Pag katapos kumain nag paalam kaagad ako kila Tita Chel at Poet at dali daling pumunta sa park na malapit sa kalinderya, tinignan ko ang wrist watch ko at alastres na pala ng hapon shit
"Timo!"tawag ko sa batang naka upo sa isang bench, mabilis naman siyang lumingon nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya "sorry ah nalate ako" kinuha ko sa paper bag ang tinake out ko "kain kana" ibinigay ko sa kanya ang kutsara at tinidor at masaya naman niyang kinuha iyon saakin
"salamat Ate!" masayang sabi nito at nag umpisa ng kumain
Pinanood ko lamang siya habang kumakain payat,maliit at madungis ang batang ito gawa ng kahirapan, nagawi ang tingin ko sa braso niyang may pasa na naman
"Timo umuwi ba sa bahay niyo ang step father mo?"natigilan ito sa pag kain at mabilis na tinakpan ang pasa sa kanyang braso "hindi ba sinabi ko sayo na huwag mong papabayaan na binubugbog ka" mahinahong sabi ko sa kanya, tinignan niya lang ako sa mata at ngumiti
"ayos lang ito ate" napa iling ako sa sinabi niya "totoo po! hindi naman masakit" tumayo ako at kinuha ang wallet sa bag ko
"babalik ako bibili lang ako ng yelo" nag lakad na ako paalis at hindi kuna siya hinintay mag salita
Kaagad akong bumalik sa kalinderya at bumili ng yelo at isang water bottle
"huwag mong sabihing nasa park ka nanaman!" mabilis akong tumango at inis na tinignan si Poet
"kapag talaga ako napuno ako mismo ang mag papakulong sa lalaking yun!" sigaw ko at kinuha sa kamay niya ang isang naka plastic na yelo at isang water bottle "sige na,bye!"
Noong makarating sa park nadatnan kong kumakain pa din si Timo kaya hinintay ko muna siyang matapos kumain bago tinapalan ng yelo ang pasa niya
"kapag nakita kong may bugbog ka ulit hindi na ako mag dadalawang isip na isumbong sa pulis yang magaling mong step father!" mabilis namang nanlaki ang dalawa niyang mata sa sinabi ko "oh bakit ganyan ka maka react?"
"Ate kapag ginawa mo yun siguradong mapapa hamak ako kay Mama" mahina niyang sabi nag kibit balikat naman ako
"Edi isusumbong ko rin ang magaling mong Ina" napa kamot ito sa kanyang ulo
"paano si Tim kapag parehas silang nakulong? isang taong gulang palang ang kapatid ko" tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niya
"aampunin ko kayo!" mayabang kong sabi at nginitian siya
"aampunin!? eh ate wala kapa ngang trabaho eh" mahina ko siyang piningot sa tenga at nginisian
"malapit na...nararamdaman kuna Timo" umiling iling ito sa sinabi ko at tumingala sa langit
"hindi ka siguro nag dadasal kaya minamalas ka sa mga job interview mo" sinamaan ko siya ng tingin
"nag dadasal ako" tumaas ang kanyang dalawang kilay at tumango tango "alam mo ituloy mo nalang yang pag pahid mo ng yelo sa pasa mo"
Napa ngiti ako noong sumunod naman ito sa sinabi ko, siya si Timothy Mercado isa siya sa mga pulubi dito sa lugar namin nakilala ko siya sa harap ng simbahan noon at limang taong gulang palamang siya noon
"Alam mo ate kung isusumbong mo si Tatay Lito sa mga pulis hindi ako magagalit sayo,matutuwa pa ako" ginulo ko ang buhok niya at natawa nalang sa kanyang sinabi
Kapag ako yumaman hindi ko gagastusin sa mga walang kwentang bagay ang mga pera ko sigurado akong deretso lahat iyon sa bahay ampunan at sa mga taong nahihirapan.