Chereads / Be My Wife Ms.Dávila / Chapter 4 - Chapter 2

Chapter 4 - Chapter 2

Humarap ako sa salamin at sinuri ang sarili kung maayos ba ang suot ko at kung malinis ba akong tignan

Naka suot lang ako ng white long sleeve na naka tuck in sa itim na skirt at pinatungan ko ito ng itim na blazer

"Fighting!"bulong ko saaking sarili at ngumiti

Kinuha kuna ang aking bag at lumabas na ng apartment

"Reese!" bumungad sa harap ko ang nakakatakot na itsura ni Aling Nina "asan na" nagawi ang tingin ko sa palad niya at bahagyang ngumiti "bayad mo ng upa!" sigaw niya na ikina bigla ko

"a-ah aling Nina pwede bang mamaya nalang?" mabilis na tumaas ang kanyang isang kilay "promise po" nag mamakaawa kong sabi sa kanya

"Pang benteng promise na yan Reese" naka ngisi niyang sabi "bakit kasi pina hihirapan mo pa ang sarili mo Reese" bumaba ang kanyang tingin sa dibdib at katawan ko kaya dali dali kong inilagay ang aking bag sa aking harapan upang takpin iyon "pwede ka naman sa mga bar diyan sa tabi tabi" mabilis kong kinuha ang wallet ko at inalabas ang  isang libo at itinapon iyon sa mukha niya

"Oh ayan!" sigaw ko sa kanya at nag mamadaling umalis

"B-Bastos! walang galang!" narinig kong sigaw niya

Napa pikit ako sa inis dahil sa sinabi niya! bwisit na matandang yon "osya sige siya ang mag hostes!" nagawi ang tingin ng isang lalaki saakin at mukang narinig ang sinabi ko kaya inirapan ko siya at itinuloy ang pag lalakad

Binuksan ko ang wallet ko at halos manlambot ako noong makitang singkwenta nalang pala ang pera ko

"bwisit!" bulong ko at napa upo nalang sa gilid "diyos ko why?" bumagsak ang aking tingin sa lupa at kinuha ang isang maliit na bato

Kumunot ang noo ko noong biglang sumulpot sa harap ko ang dalawang pares ng black shoes

"huh?" tumingala ako at mabilis akong pumikit noong tumama saaking mukha ang araw

"Let me help you" naramdaman ko ang kamay ng lalaki sa aking braso at inalalayan ako nito patayo

"Salamat po" tinignan ko siya at halos malalag ang panga ko dahil sa magandang mukha ng lalaking naka tayo sa harap ko naka suot ito ng black suit

"May problema ba Miss" kaagad akong lumunok at nag iwas ng tingin dahil bigla akong naka ramdam ng hiya

"w-wala naman po" narinig ko siyang tumawa kaya bumalik ang tingin ko sakanya kanya

"Akala ko nahihilo ka kaya nilapitan kita dito" umiling ako at nginitian siya

"Okay lang po ako Sir" tumango tango siya at nagawi ang kanyang tingin sa folder na hawak hawak ko "a-ah may job interview po ako kaso....mukang hindi matutuloy" kumunot ang kanyang noo dahil sa aking sinabi

"Why? saang company ba yan?" inilabas ko ang calling card sa bag ko at ibinigay sa kanya

Pinag masdan ko siya habang naka kunot naman ang kanyang noo habang naka tingin sa calling card na hawak niya, nagawi ang aking tingin sa kulay rosas niyang labi at hindi ko maiwasang hindi mapa lunok landi mong gaga ka! inalis ko ang tingin ko doon at napansin ko ang isang maliit niyang nunal sa pisngi

Bumalik ang tingin niya saakin kaya mabilis akong ngumiti hehe

"Woah Greco company! saktong sakto doon ako papunta ngayon"nanlaki ang mata ko sa sinabi niya "sumabay kana saakin" bigla akong nabuhayan dahil sa sinabi niya

Papa God na paka bait mo talaga!

"Wait" may kinuha ito sa bulsa niya at ibinigay saakin, kumunot ang noo ko habang naka tingin sa isang matulis na bagay na naka patong sa kamay ko "incase na hindi ka tiwala saakin" kumindat ito saakin at napa nganga ako "I'm Duke Celstia" inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko at kaagad ko namang kinuha iyon

"Reese Dávila" naka ngiti kong sabi

(Flashback)

Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon mula saaking bulsa at sinagot ang tawag

"Sis? ano na? nag research ako about sa Greco company at alam mo bang malaking kumpanya pala iyon at wala silang pake kung hanggang high school lang ang natapos mo, basta importante lang sa kanila madiskarte ka" huminga ako ng malalim at nagawi ang tingin sa wallet ko na naka patong sa lamesa

"isang libo nalang ang pera ko dito plus 50 pesos"

"Okay na yan sis! hindi mo naman mauubos ang isang libo sa pamasahe doon" tumango ako at pumikit "ano? nakapag desisyon kana ba? isesend kuna sa kanila ang application form mo"

"Oo na" narinig ko siyang sumigaw sa kabilang linya kaya mabilis kong inalayo ang aking cellphone sa aking tenga

"Yes! so bukas dalhin mo padin ang folder mo para sa proof"

"Sige sige,thank you Poet" naka ngiti kong sabi "you're the best!" narinig ko siyang tumawa "basta si Timo hatiran mo ng pag kain, babayaran ko nalang pag dating ko" seryosong sabi ko

"Oo na! anak mo teh?" umikot ang dalawa kong mata sa sinabi niya "pumunta ka sa bahay mamaya marami akong ipapabaon sayo" paalala nito

(End of flashback)

"Thank you Sir" naka ngiti kong sabi pag kalabas namin ng sasakyan

"sabi ko ako si Duke hindi si Sir" napa kamot ako sa sarili kong ulo dahil sa sinabi niya "We're here" sinulyapan ko siya at nakita ko itong naka ngiting naka tingin sa building na nasa harapan namin

"Greco Company" mahinang basa ko habang naka tingala sa building

"Let's go" sumunod ako kay Duke papasok ng building at hindi ko maiwasang hindi ilibot ang aking tingin sa loob ng kumpanya, ang linis at nakaka agaw ng atensyon ang isang fountain sa loob ng building "saang floor ka" tanong saakin ni Duke kaya nagawi ang tingin ko sa kanya

"24th floor"tumango tango siya at hinila ako papuntang elevator pinundot niya ang number 2 and 4 at lumabas ulit ng elevator "nice to meet you Reese, I hope we will meet again" tumango ako at bahagyang yumuko

"Salamat ulit" naka ngiti akong kumaway sa kanya hanggang sa sumara ang pintuan ng elevator "Duke" bulong ko at ngumiti

Huminga ako ng malalim at kinuha ang aking cellphone sa loob ng shoulder bag ko biglang nag pop sa screen ang pangalan ni Poet

Kaya mo yan sis! pag hanap mo ko ng gwapo ah?

Bahagya akong natawa sa nabasa "kahit kailan talaga kailan gaga ka" mabilis kong ibinalik sa shoulder bag ang cellphone ko noong bumukas ang pinto ng elevator, tumambad sa harap ko ang apat na lalaking naka suot ng black suit

"Good morning Miss"naka ngising sabi ng isa at nagulat nalang ako noong bigla niya akong hilain palabas ng elevator

"a-anong kailangan niyo" halos pabulong kong sabi at dali daling tinignan ang hallway at dahil anak nga ako ni kamalasan walang empleyadong naka kalat

Lumapit saakin ang dalawa at ipinalibot nila ang kanilang braso sa braso ko

"h-hoy anong trip niyo!"sigaw ko sa kanila at nag pumiglas "woy!" sigaw ko ulit

Natigilan ako noong lumapit saakin ang isa pang lalaki at mabilis na tinakpan ang bibig ko gamit ang isang panyo dahilan para mawalan ako ng malay