Chereads / Drowning in Love with You / Chapter 1 - Drowning in Love with You

Drowning in Love with You

🇵🇭CAthieKiddo
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 10.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Drowning in Love with You

Drowning In Love with Cassiopeia Pelarez

" I'm so sorry Miss Pelarez, but I think you should not participate this season's Water Sports Competition," ani Doctor Chavez sa akin. Napapikit nalang ako ng mariin. Inaasahan ko ng ganito ang mangyayari. Alam ko nang ganito ang sasabihin niya pero nagpunta pa din ako sa pagasang mababago pa ang test results.

" Makakasama sa balikat mo kung ipipilit mo pang lumangoy and worst case scenario? Baka hindi ka na ulit makasali sa competition. "

Baka hindi ka na ulit makasali sa competition.

Baka hindi ka na ulit makasali sa competition.

Baka hindi ka na ulit makasali sa competition.

Yan ang paulit ulit na sumasagi sa isip ko ilang araw matapos kong ipacheck ang bali sa balikat ko. Kaya nga kahit na nasa Palawan ako at inaakit na ng magandang dagat ay hindi ko magawang lumangoy.

Pero sadya nga namang mapagbiro ang tadhana para bigyan ako ng dahilang iapak ang mga paa ko sa dagat. Na hindi ko inaakalang makakapagpabagong tuluyan ng mundo ko.