Chereads / Drowning in Love with You / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 1

Cass' P.O.V.

" Tss' Bakit hindi mo sinabing pupunta ka pala ng Palawan edi sana tumakas ako dito samin " Nagtatampong ani Camille sa kabilang linya.

" Sinong kausap mo?" Rinig ko pang pagtatanong sa kanya ng pinsan kong si Gabrielle.

" Pakealam mo ba," sagot niya rito. Mukhang nagaaway nanaman yung dalawa. Napailing nalang ako atsaka sinipa sipa ang mga batong madadaanan ko.

"Magkasama nanaman kayo? Iba na yan ah," pangaasar ko kay Camille.

" Heh! Wag mong baguhin ang usapan. Nagtatampo pa rin ako sayo."

Tingnan mo tong babaeng toh. As if naman sasama siya sakin kung inaya ko siya. Eh paniguradong hindi rin ito lalayo sa Hacienda nila. " Next time, alam ko namang madami kang ginagawa at hindi mo maiiwan yang Hacienda niyo. "

" Kung alam mo lang gustong gusto ko ng umalis dito at makatakas kay Gabe," kung makakatakas ka nga sa pinsan ko.

Napapikit ako habang pinapakinggan ang mga rants niya, dinadama ang paghaplos ng hangin at pagdampi ng sikat ng araw sa balat ko.

It's already 4 oclock kaya naman medyo malamig lamig na. Gustong gusto ko talaga ang amoy ng dagat. It's refreshing!

Lumapit pa ako ng bahagya sa dagat para damhin ang tubig kahit sa mga paa ko lang. How I missed the touch of the sea water.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng biglang mahagip ang isang lalaking kumakawag sa gitna ng dagat.

What the hell!

Pinagmasdan ko pa iyon at nanlaki ang mata ng makumpirmang mukhang nalulunod nga ito.

" Si Dom nalulunod! " Sigaw ng isang lalaki habang tinuturo yung lalaking nasa gitna. Mukhang kaibigan niya iyon. Eh bakit hindi niya tulungan? Nakita ko pa na mukhang natataranta na yung iba nilang kasama pero mukha lang silang mga tangang nakatayo doon.

" Diane! Si Dom nalulunod! " Sigaw pa nung isa. I can't take this anymore. Dali dali kong hinubad ang dress na suot suot ko atsaka mabilisang lumangoy sa gitna ng dagat.

Wala akong naisip sa mga oras na yun kundi sagipin ang lalaking iyon. Nawala sa isip kong hindi nga pala ako pwedeng lumangoy. Nawala sa isip ko yung competition at hindi ko na rin naisip na baka ito na ang huling beses na lalangoy ako.

Nakafocus lang ako sa pagsagip doon sa lalaki. Masyadong maalon ang dagat at ang layo layo niya sa shore kaya nahirapan din ako bago ako makalapit sa kanya. Idagdag mo pa ang hapdi sa mata ng tubig at unti unting pagkirot ng balikat ko dahil sa pagkapwersa nito.

Nang mahawakan ko ang kamay niya ay dahan dahan ko siyang hinatak pero nagulat nalang ako ng bigla niya akong hatakin pabalik at...

Halikan!

Nanatiling nakabukas ang mga mata ko habang magkadikit ang labi namin. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya at sa ilang sandaling iyon ay nagawa kong titigan ang napakagwapong nilalang na iyon.

Ang haba ng pilikmata niya at halos maduling ako sa paninitig doon. Nararamdaman ko ang matangos niyang ilong katabi ng akin at ang malalambot niyang labing nakalapat sa mga labi ko.

Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa batok ko at sa bewang ko. Mas lalo niya pang pinaglapit ang mga katawan namin at pinalalim ang halik. Para niyang hinihigop ang kaluluwa ko at hinihibang ang buong sistema ko. Kusa akong napapikit at ginantihan ang halik niyang iyon. Ramdam ko pa ang malakas na pagkabog ng puso niya ng mahawakan ko ang kanyang dibdib at kagaya niya ang ganun din kalakas ang pagpintig ng puso ko.

Fuck! What the fuck!

I was stunned. Para akong sinampal bigla ng katotohan. Hindi ako makakilos at nanatili lang akong nakalutang doon kasama ang lalaking iyon na hinahayaang halikan ako?

Teka! Eh diba kanina lang ay nalulunod siya? Anong ibig sabihin... Para akong natauhan sa lahat ng nangyari at buong lakas ko siyang itinulak para makalayo sa kanya.

Nakangiti siyang nagbukas ng mata at biglang natigilan. His dark coal eyes is staring my soul. Napalitan ng confusion ang titig niya sakin at napakunot ang noo nito.

" Sino ka? What are you doing here? Nasaan si Diane?" Litong tanong niya.

" What the hell ," hindi makapaniwalang sagot ko sa kanya. Tinitigan niya pa ako atsaka doon nalipat ang tingin sa pinanggalingan ko kanina.

" Shit! Si Diane," aniya. Hinanap ko kung saan siya nakatingin at doon ko natagpuan ang isang babaeng nakatingin lang sa amin. Unti unti itong umatras papalayo atsaka tumakbo.

" Shit! This is all your fault! " Aniya atsaka ako sinigawan.

" Kapag hiniwalayan ako ng girlfriend ko ay hinding hindi talaga kita mapapatawad. " Galit niyang sabi at dahil sa sobrang inis ko ay ginawaran ko siya ng isang malakas na sampal.

" I can't believe you!" Napailing iling kong sabi atsaka lumangoy papalayo sa kanya.

Nang makaahon ay gulat pang nakatingin sa akin ang mga nandodoon. Lalampasan ko na sana sila ng bigla akong hatakin ng isang babaeng hindi ko kilala.

Napangiwi pa ko dahil sa sakit ng pagkakahawak niya. Kung kanina ay hindi ko napansin ang pagkirot ng balikat ko, ngayon ay hindi ko na mapigilang indahin ang sakit nun.

" What do you want? " Malamig kong tanong sa kanya pero isang malakas na sampal lang ang natanggap ko.

Napatawa nalang ako ng mapakla sa ginawa niya.

" Masarap bang humalik ang boyfriend ko? " Nanggagalaiting tanong niya. So, tungkol pala doon ang pinagsisintimyento ng babaeng toh? Teka ang akala ko ba ay nagwalk out siya bakit naisipan niya pang bumalik.

" Bakit hindi ang 'boyfriend' mo ang tanungin mo?" Pinagdiinan ko pa ang salitang boyfriend sa kanya. Kung ayaw niyang may nakakahalik na iba sa boyfriend niya eh bakit hindi niya itali ito katabi niya.

Sasampalin pa niya sana ako ulit nang mahawakan ko na iyon at sampalin siya ng malakas pabalik. Galit na galit naman siyang sumugod sa akin pero nanatili lang akong nakatayo sa harapan niya.

Agad namang may lumapit sa aming grupo ng mga lalaki at babae para pumagitna. Hinawakan pa ko ng isa sa braso para ilayo doon sa babae pero hindi ako nagpatinag.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago magsalita ulit. " Kilalanin mo muna ang kaharap mo bago mo pagsasampalin," mahihimigan ang galit at bigat sa pananalita ko pero blanko lang akong nakatingin sa kanya.

Dali-dali namang lumapit yun lalaki kanina atsaka ito itinago sa likod niya na akala mo'y pinoproteksyunan niya ito mula sa panganib.

Nagaalab sa galit itong nakatitig sa akin at kahit na ganun ay hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. At siya pa ang may ganang magalit ngayon?

Nakita ko nang biglang mawala ang galit sa mga mata niya at napalitan ng pagtataka. Kita kong dumapo ang mata niya sa balikat ko kaya agad agad ko yung itinago gamit ang buhok ko.

" Malandi ka! Umalis ka ditong malandi ka! " Sigaw ng babaeng galit na galit habang nakahawak sa braso ng boyfriend niya.

" Paano kung ayaw kong umalis? May magagawa ka ba? " Nangaasar kong tanong. This time napalingon na rin ang iba sa akin.

" A-anong sinabi mo? " Di makapaniwalang tanong niya sakin.

" Please miss umalis ka nalang," pilit pa nung lalaking nakahawak sa akin.

" Don't touch me," asik ko atsaka siya sinamaan ng tingin. " Kung ako ang magpapalayas sayo dito paniguradong ilang minuto lang ay naglaho ka na sa paningin ko. After all, ako lang naman ang nagmamayari ng lupang tinatapakan mo. " Rinig ko pa ang bulungan ng mga nasa paligid pero hindi ako nagpatinag.

"But since you're a guest here and misunderstanding lang ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan ay hinayaan kong masampal mo ko ng isa. " Nakangisi kong sabi at napalitan yun isang malamig na titig.

Now, I'm in range! Galit na galit ako. I'm here to relax, nandito ako para makapagpahinga para sa nalalapit na Olympics pero imposible ng makasali ako roon.

" At ikaw naman," baling ko ng tingin sa lalaki. " Kung maggalit galitan ka ay mukhang ikaw pa ang dehado sa ating dalawa. Sino ba ang naglunud lunuran sa gitna ng dagat at bigla nalang nakipaghalikan sa babaeng di niya kilala? " Nakita ko namang napaiwas ng tingin ang ilan sa mga kasama nila. " Let me tell you this, hindi mo dapat ginagawang biro ang paglunud lunuran sa kung saan hindi mo alam kung sinong tao ang mapipirwisyo mo. "

" Dominique? " Hindi makapaniwalang sigaw ng isang babaeng kasama nila. Nagtiim bagang pa siya at nagiwas ng tingin.

" Ohh and nga pala miss, you don't have to worry about me. Hindi ko type yang boyfriend mo and never akong magkakagusto sa lalaking... hindi marunong humalik," ngingisi ngisi kong sabi sa kanya. Halata ang pagpipigil ng tawa ng ilan sa mga kasama niya, habang siya ay seryosong seryosong nakatingin sa akin.

Mukhang may sasabihin pa siya ng bigla akong marinig ang malakas ng pagtawag sa aking pangalan. " CAAAASSSSS! " Ano ba yan hindi pa ko tapos drumama dito eh.

Bigla bigla nalang may yumakap sa akin mula sa likuran." Ouch! " Inda ko ng tamaan niya ang balikat ko.

" What the hell! Anong nangyari sa balikat mo? Nagswimming ka? Diba kabilin bilinan ng Doctor mo na wag kang lalangoy? Namamaga na yang balikat mo. " Napapikit nalang ako ng mariin sa sinabi niya.

Tinalikuran ko na ang mga nandodoon atsaka naglakad papalayo.