Rown point of view
"Oh!!....I'm sorry hindi ko sinasadya...." sabi ni Chan sa babae, nilapitan niya ang babae para tulongan makatayo.
Pero nagulat kami ng bigla siya lumayo kay Chan na parang nandidiri, she stand up with her own while her head is looking down.
"Wait....I think....your camera...." hindi na natapos ang sasabihin ko ng tumakbo siya palayo sa amin.
"Bakit ganun??....may mali ba ko nagawa??...." tanong ni Chan habang tinitignan kami isa't-isa.
"She's a nerd....expect her to be like that...." sabi ni Ubin sabay pat sa balikat ni Chan at humakbang na paalis.
"Pero teka....I know, she's a nerd....pero kailangan ba talaga na ganun iyong reaction niya kanina? Parang may virus ako o sakit...." hindi makapaniwalang tanong ni Chan.
"That was rude, dude!!...." sabi naman ni Awon at sinundan si Ubin.
"Tsk!!....better to look around...." sabi naman ni Zho at sinundan din sila Ubin at Awon. Sumunod naman din sakanya sila Hwiyo, Ino, Eyan at Jaey.
Samantalang naiwan kami ni Chan, he looked at me, mukha siyang natalo sa loto.
"Tumataya kaba sa Loto, Chan??...." I asked him.
"No!!...Why?!!..."
"You just look like a loser...." sabi ko sabay pat sa shoulder niya, nanlaki ang mga mata niya sa mga sinabi ko.
"Hindi ako makapaniwala...pati ikaw, Rown...." nagtatampong saad niya.
Ngumiti lang ako, hindi ko sinasadya na mapatingin sa sahig, "she left her books...." mahinang sabi ko. Napatingin din si Chan sa mga libro na nakakalat sa sahig.
"She's a nerd, expected to be clumsy...." mahinang sabi ni Chan.
Pinagpupulot ko ang mga libro, hindi ko maiwasan hindi maalala iyong camera ng babae na may gold or yellow strap. Somehow, bigla ko rin naalala iyong letter na may gold ink written.
After ko pulotin ang tatlong libro, binuklat ko ang isa, hoping na may nakasulat na pangalan, "what are you looking??...." tanong ni Chan.
"Baka may nakasulat na pangalan ng babae dito....we need to give her back these books....." sagot ko habang binubuklat isa-isa ang tatlong libro.
Then, four letters caught my attention, "SHAI???...." basa ni Chan doon sa apat na letra.
"Is that a name??...." nagtatakang tanong pa niya.
"Maybe...." tipid na sagot ko, kahit ako hindi sigurado kung pangalan ba iyon ng tao.
"Any clue???...."
Binuklat ko pa ang ibang pahina ng libro, nagbabasakali na baka may iba pang clue kami mahanap para maibalik ang mga libro doon sa nerd.
Then another three numbers got my attention, "529???...." basa ko sa tatlong numero.
"Wala tayo ganyan na number ng classroom dito..." saad ni Chan. "Let say 5 stand for.....5th year???....wait, it means ka-year natin iyong babae??...But I never seen like her in overall school year...."
"Kahit ako....ngayon ko lang siya nakita...." pagsasang-ayon ko sa sinabi ni Chan.
"Teka....are we not going home??....Talagang kailangan natin mag-play ng detective dito ngayon??...." change topic ni Chan, mukhang gusto na niya umuwi. Napatingin ako sakanya, "siguradong nakauwi na sila Ubin sa boarding house, how about us??...." dagdag pa niya.
I sigh when I noticed his urge to go home. Isinarado ko ang libro at pinasok sa loob ng black bag pack ko, "let's go..." aya ko sakanya at naglakad na paalis, sumunod naman din siya saakin.
AFTER ONE WEEK...
OUR GRADUATION DAY
Nakaline-up kami based on our surname, nasa labas kami lahat ng pinakasikat na Film Arts theater sa buong bansa, hinihintay namin mag-play iyong Graduation song, sign na kailangan na namin maglakad papasok sa loob ng theater. We been practicing this activity for almost one week before this day.
And something caught my attention, hindi bagay kundi tao. Someone in front of me, a girl wearing big eyeglass, color chestnut bangs and a wavy long hair. Tatlong tao ang pagitan namin sa isa't isa, hindi ko makita ang buong mukha niya dahil sa makapal niyang bangs and she was always looking down. Maybe she's a shy type nerd.
"Iyong nerd....." mahinang sambit ko sa sarili. Hindi ako nagkamali na iyong nerd na nabunggo ni Chan last time and this girl in front of me ay iisa, dahil may isang camera na may yellow or gold strap na nakasabit sa kanyang leeg, "siya nga...."
Nagtaka ako ng mapaisip ako na for almost one week in our practice days ay hindi ko man lang siya napapansin kahit isang beses man lang. Ang mas nakakapagtaka ay iyong katotohanan na we are in same year and room, to be exact we are classmate.
Napalingon ako sa likod, "Hwiyo....may classmate ba tayo na....Nerd??...." tanong ko kay Hwiyo na kasunod ko lang sa pila at nasa likod ko.
Napaisip siya sa tanong ko, "sorry dude....mali ka ata ng pinagtanongan...remember, parati ako tulog every class hours...." wala niyang ganang sagot sabay hikab.
"Yeah!!...." yamot na saad ko sakanya. At muling tumingin sa harap ko, mali talaga ako ng pinagtanongan, bakit kasi siya pa ang naging kasunod ko sa pila?? Parati nga pala siya tulog pag class hours, hindi ko nga alam kung paano niya nagagawang makalusot sa mga teacher ng hindi nahuhuli na natutulog everytime na may class, and take note sa buong school year hindi talaga siya nahuhuling natutulog. He's totally a smart sleeping dude.
Hindi rin nagtagal pa ay nag-play na ang Graduation song namin, sunod-sunod kami pumasok sa loob ng theater. After a lot of speeches and songs, sumunod naman ang awarding ceremony, tinawag ang pangalan nila Jaey, Ino, Ubin at Zho for having With Honors. Pagkatapos maibigay sakanila ang mga medal nila With Honors ay nagsibabaan na sila sa stage.
Next na tatawagin ang may honor simula 10th hanggang Valedictorian, those students are planned to stay in the stage after ma-receive ang medal. Kasi magkakaroon ng picture taking for the bunch of students who will be call. Unang tinawag ng host speaker si Eyan for 10th Honor, si Awon for 5th Honor, si Chan for 3rd Honor, ako naman for 1st Honor, at si Hwiyo for Salutatorian. Lahat kami nakastay lang sa stage at naghihintay sa huling tao na aakyat ng stage at para matapos narin ang awarding ceremony.
And lastly, the host speaker call the name of the Nerd girl, "and for our Valedictorian, let's give her a round of applause...MS. SHAI EZOS...."
SHAI EZOS her full name, so Shai is her first name, that was really a name.
Umakyat siya ng stage without looking up to the audience, she still looking down. Dumaan siya sa harap ko but still hindi ko parin makita ang buong mukha niya because of her full and thick color chestnut bangs. Kapansin pansin ang nakasabit sa leeg niya na camera, somewhat I'm thinking kung hindi ba nasira ang camera niya sa pagkakauntog sa sahig, that time it was really hard and I think the lense maybe broken.
After one hour natapos narin ang graduation ceremony, we are all toss our graduation caps in the air. The feeling of being graduated is really awesome. Ng masalo ko ang sariling graduation cap ay biglang may kung anong bagay ang nahulog sa harap ko. When I looked down, it was a graduation cap of someone else. Yumuko ako para pulotin ng bigla nalang may lumapit saakin, yumuko din siya para pulotin din ang graduation cap dahilan para magkauntogan ang mga ulo namin.
Malakas ang pagkakauntog ng mga ulo namin sa isa't isa but I didn't hear her hurt at all. Basta niya lang ako inunahan sa pagpulot sa graduation cap and when I look at her, nagulat ako ng makilala ko siya. Iyong shy type Nerd.
Paalis na siya sa harap ko ng mabilis ko hinawakan ang kamay niya kaya napatigil siya sa pagalis. Nabigla ako sa ginawa ko but I have something to tell her, "sorry....gusto ko lang sana ipaalam saiyo na nasa akin iyong tatlong libro mo...if you still willing to get those books back to you....you can wait for me later at the entrance of the theater...." saad ko.
"Just....keep....those....books...." mahina at parang nahihiya at tarantang sabi niya, she still looking down, hindi ko talaga makita ang buong mukha niya kaya wala sa sarili ko hinawakan ang baba niya para iangat at makita ang buong mukha niya.
Natulala ako, when I accidentally meet her gazed, she has a long eye lashes and a color blue eyes. Is she a foreigner??