Chereads / Sincerely Yours, Your Anonymous Fan / Chapter 4 - THE SASSY GIRL, THE PSYCHO AND THE BADASS

Chapter 4 - THE SASSY GIRL, THE PSYCHO AND THE BADASS

Rown point of view

Nagising nalang ako sa realidad ng mapansin ko na nakatingin din siya saakin, ngumiti at kumindat. Saakin ba talaga siya nakatingin? O baka naman nag-a-assume lang ako. Naramdaman ko na tumayo sa pagkakaupo si Ubin, may idea na ko na balak niyang lapitan ang babae. At hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang kamay ko at hinawakan ang braso niya dahilan para mapatigil siya at napalingon sa pwesto ko.

"Why???...." takang tanong niya.

Pati ang ibang kasama namin ay napatingin sa aming dalawa. Hindi ko alam ang dapat sabihin basta nakatingin lang ako kay Ubin.

"Ok ka lang Rown??...." biglang singit na tanong ni Chan. Halatang hinihintay nila ako sumagot.

"Ahhh....Yeah...." tipid na sagot ko at dahan-dahan na tinanggal ko ang kamay sa pagkakahawak sa braso ni Ubin.

"Parang may gusto ka sabihin, Rown....why don't speak out??...." seryosong tanong ni Ubin at bumalik sa pagkakaupo. Ramdam ko ang mga mata ng mga kaibigan ko na hindi parin umiiwas sa kakatingin sa pwesto ko.

Pero isang boses ng babae ang umagaw ng attention namin lahat, "Hi! Handsome boys!!....". Lahat kami ay sabay-sabay napalingon sa nagsalita. And then, there she is, standing near us, smiling and giggling.

Lahat kami ay nagulat sa presence niya. Natatami kaming lahat. Speechless.

"Come on handsome!!...Please stop drooling....Can I join your group??...." nakangiting dagdag pa niya, her sweet voice sound so seductive and inviting.

"Why not??!!...." biglang sagot ni Zho, mukhang siya ang unang nakabawi saamin sa pagkabigla.

"Really?!!...Thanks!...." tuwang-tuwa na sabi niya sabay umupo sa tabi ko, nasa dulo kasi ako at may malaki pang space, kaya napilitan ako umusog para makaupo siya ng maayos.

Ramdam ko ang mga mata ng mga kaibigan ko na may nakakalokong tingin. Mga nakangisi at tuwang-tuwa. May narinig pa ko na may pasimpleng umubo ng peke.

I sighed and looked at her, "excuse me miss....are you....SHAI EZOS??...you two...look...." tanong ko, pero hindi pa natatapos ang sasabihin ko when I heard her chuckled.

Bigla ako siniko sa tagiliran ni Chan kaya agad naman ako napalingon sakanya, "what??...." takang tanong ko.

"Are you serious??....That's the name of the Nerd, right??...." pabulong na tanong niya, pati ang ibang mga kasama ko ay halatang nagtaka rin sa tanong ko. They all looked at me with confused eyes and reaction.

"Is that really a question??....Or you just....want to know my name...." malambing na singit ng babae, ramdam ko ang paglapit niya saakin at narinig ko na tumawa ang ilan sa mga kaibigan ko. Then Chan pat my shoulder.

"Oh! dude....I didn't know...." nakangiting bulong ni Chan saakin.

"Para-paraan lang...." rinig ko pang bulong ni Ino kay Hwiyo.

"Hindi ko alam na expert na pala si Rown sa mga ganitong pagkakataon...." rinig ko naman na bulong ni Ubin kay Awon, and they both laugh.

What the??? Talaga bang nagbubulongan sila?? Halatang sinasadya nila na iparinig saakin. Bumalik ang tingin ko sa babae, sobrang lapit niya saakin dahilan para hindi maiwasan na magdikit ang mga braso namin. I felt her warm skin.

"No...." seryosong sagot ko sa babae at tinignan siya sa mga mata, ramdam ko rin na tinitigan niya rin ako sa mga mata. "Actually...you two really look alike....SHAI EZOS...." dagdag ko pa.

SHAI EZOS, the nerd, somehow parang gusto ko bawiin ang tinanong ko pero hindi ko na mababawi pa dahil nasimulan ko na. They are really look like, but that girl is a Nerd and this girl beside me is a beautiful, hot and sexy. A sassy girl.

Pansin ko na natahimik ang mga kaibigan ko, siguro dahil napansin nila na seryoso ako this time at hindi nagbibiro. They can easily sense this kind of my mood. Ano pa naging mga kaibigan ko sila for almost 10 years. Tulad ko mukhang hinihintay rin nila sumagot ang babae.

She's just smile, hindi parin umiiwas ang mga titig niya sa mga mata ko. "Sorry to disappoint you handsome....I'm not Shai Ezos, we're different to each other....you're right, we are look alike, but....we are both stranger to each other....and my name is IMARI...." sagot niya na hindi parin nawawala ang ngiti sa labi.

May isang bagay ako napansin sakanya habang nagsasalita siya kanina, she's wearing a gold necklace with a sunflower pendant. Is this coincidence or not?? Sunflower.

Matagal bago mag-sink in ng tuloyan sa utak ko ang mga sinabi niya, I'm a bit confused to what she just said, may naintindihan ako pero hindi ko maiwasan na malito, siguro dahil marami na ko nainom kaya hindi na masyado gumagana ng maayos ang utak ko.

Dahan-dahan ako tumayo sa pagkakaupo, "excuse me for awhile....." sambit ko at umalis sa pwesto namin. Balak ko pumunta ng comfort room, pero hindi pa ko masyado nakakalayo sa pwesto namin ng may mabunggo ako.

"What the f*ck!!!...." mura ng lalaking nabunggo ko. "Bulag ka ba!!???...." galit na sigaw niya saakin.

"Sorry bro....I didn't mean....hindi ko sinasadya...." pagpapaumanhin ko. Pero mukhang marami narin siya nainom dahil bigla niya ko tinulak ng malakas dahilan para mauntog ang likod ko doon sa lamesa na malapit sa pwesto ko. Nagulat iyong mga tao na nakaupo doon sa lamesa kaya agad sila nagsitayuan.

"The f*ck!!!....Alam ko sinasadya mo!!!...." sigaw niya pa. Nagkagulo na. Nagsitayuan ang mga kasama niyang lalaki pero agad naman ako nilapitan ng mga kaibigan ko.

"What happened, Rown??...." takang tanong ni Ubin saakin ng makalapit sila sa pwesto ko. Pati ang ibang customer ay napalingon sa pwesto namin. Nakakaagaw na kami ng attention ng ibang customer. This is not what I expected to be happened in our night bonding.

Tinulongan ako makatayo ni Chan, "hindi ko sinasadya na mabunggo siya...." sagot ko pero parang mas lalong nagalit iyong lalaking nabunggo ko sa sinabi ko, kasi dinuro niya ko.

"The f*ck!! Don't play innocent here!!....You!!....Sinadya mong bunggoin ako!!!....Bulag iyang kasama niyo!!....Baka gusto niyo na dalhin sa EO!!!...." sigaw ng lalaki ulit. At nagsitawanan ang mga kasama niyang lalaki dahil sa sinabi niya.

"Hoy!!!....Baka ikaw iyong bulag dito!!....Nasa loob tayo ng club at walang araw dito pero nakasuot ka ng black sunglasses!!!....T*nga lang!!!???....." balik naman na sigaw ni Zho. Mukhang nainis siya sa sinabi ng lalaki at ngayon ko nga rin napansin na naka-suot ng black sunglass iyong lalaking nabunggo ko.

"Mga g*go pala kayo ehh!!!...." asar na sigaw ng lalaki, at walang pagaalinlangan na sinugod ako at nag-amba ng suntok sa mukha ko, pero dahil aware ako na hahantong sa ganito ang lahat ay nakailag ako sa suntok niya.

Nagsisugod rin ang mga kasama niya, sampo sila samantalang kami siyam, lamang sila ng isa. Hindi siya nakontento kaya nag-amba ulit siya ng suntok, sa mukha ko ulit ang target niya. Halatang asar na asar siya sa ka-gwapohan ko kaya ang mukha ko ang gustong gusto niya suntokin. Muli ako nakailag sa suntok niya. Pero ang sunod niyang ginawa ang hindi ko inaasahan, kumuha siya ng isang bote ng alak, pinukpok sa gilid ng lamesa at nabasag ang kalahati ng bote. Hawak-hawak niya ngayon iyong kalahati ng bote na may matatalim na bahagi, itinutok niya saakin at nag-amba na isasaksak saakin. Nakailag ako sa unang attempt niya pero sa huling ilag ko ay nauntog ang likod ko sa lamesa sa likod, nasira and concentration ko, hindi ko alam na nasa harap ko na siya at nakahanda na itusok ang basag na bote saakin.

Pero isang katawan na nakasuot na pulang dress ang bigla nalang sumulpot sa harap ko at sinalo ng katawan niya iyong dapat na isasak-sak sana saakin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makilala ko ang humarang. Napahiyaw ang ibang nanonood. Napatigil rin iyong lalaking sumaksak.

Kita ko ang dahan-dahan na pagdikit ng katawan niya sa katawan ko, hawak-hawak niya iyong gilid ng tyan niya kung saan siya nasaksak, kita ko rin ang dahan dahan na pagdurugo ng bahagi na iyon, at kahit kulay pula ang damit niya mas nanaig ang kulay ng kanyang dugo ng bumukat ang kulay nito sa suot niya.

Ramdam ko na matutumba siya kaya mabilis na sinalo ko siya at inalalayan, "Hey!!....ok ka lang?!!!...." nagaalalang tanong ko sakanya.

Pero nagulat kaming lahat ng marinig namin siya tumawa ng malakas, ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko ng marinig ko siya tumawa ng malakas. Nakayuko siya kaya sinilip ko ang mukha niya, mas lalo ako nagulat when I saw her grinning and that gives me chill and creepy feeling.

Hawak-hawak niya ang sugat niya na dumudugo habang walang tigil sa kakatawa, her laugh sound like creepy and scary, not for good. Her eyes become lifeless. Tumigil siya sa kakatawa, umangat ang kamay niya na kanina pa nakahawak sa sugat niya, tinitigan niya iyon at may mga bahid ng dugo. She grin again, for just instance, she become like a Psycho.

Mas lalo ako nagalala dahil sa kakaibang reaction niya. Somehow, I notice, SHE BECOME SOMEONE ELSE.

Akala ko titigil na iyong lalaki pero naramdaman ko na nilapitan niya kaming dalawa at hawak-hawak niya parin iyon basag na bote.

"What a waste...she's hot and beauty....sayang naman...." mapang-asar niyang sabi dahilan para uminit ang ulo ko, nawala na ang pagiging cool ko sa ganitong pagkakataon na may nadamay ng ibang tao, kaya mabilis ako tumayo, sinuntok siya sa mukha, tinamaan siya at napaatras.

Muli ko siya nilapitan at hinablot ng marahas ang kwelyo ng damit niya paakyat para magtama ang mga mata namin, mas mataas ako sakanya kaya napatingala siya.

"Nagagawa mo pa mangasar??!....May nasaktan na dahil saiyo!!..." uncool na sigaw ko dahil sa sobrang inis.

Nakita sa peripheral version ko na gumalaw iyong kamay niya na may hawak ng basag na bote at mukhang balak na naman niya ipangsaksak saakin kaya agad na tinulak ko siya palayo saakin, "hindi pa ba sapat na may nasaktan ka na at babae pa!!!...." inis na dagdag ko.

"Bakit ako titigil?...." nakangisi niyang tanong saakin, "hindi matatapos ang gulo na toh!! Hanggang hindi ko nawawasak niyang pagmumukha mo!!...This place was my territory, and no one dare to mess with me!!!...." maangas niyang sigaw at mabilis na sinugod ulit ako, hindi ko napaghandaan ang mabilis na pagsugod niya ulit kaya tatlong dapa nalang ang layo saakin ng matutulis na bahagi ng basag na bote at tatama na sa katawan ko ng may isang kamay ng kung sino ang mabilis na humawak sa kamay niya na may hawak ng basag na bote, dahilan para mapahinto siya sa balak gawin.

Lahat kami ay nagulat at napatingin doon sa taong nagpatigil sakanya, siya na naman, si IMARI.

Nakatayo siya na tuwid na para bang walang sugat sa gilid ng tyan. Pero this time, her eyes look like dangerous and sharp. Again this time, I have the feeling na SHE'S SOMEONE ELSE AGAIN. Another, someone else.

Napansin ko na humigpit ang pagkakahawak niya doon sa kamay ng lalaki kaya napahiyaw ang lalaki sa sobrang sakit.

"AAARRRGGGHHHH!!!....SH*T!!!....WOMAN!!!.....STOP!!!...." namimilipit sa sakit na pakiusap at pasigaw ng lalaki.

"What??!!....It hurts??...." nakangising tanong ng babae. I notice, her voice change, it become strong and full of authority.

Biglang sumugod sakanya iyong isang kasama ng lalaki pero walang kahirap-hirap lang niya ito sinuntok sa mukha gamit ang isa niyang kamay, sapol sa mukha ang lalaki, tumba at knockout. Lahat kami nagulat at namangha.

Akala ko wala na susunod pa, pero sumugod rin iyong isa pa sakanya, tumagilid siya at nag-side kick, sapol na naman sa mukha, tumba and knockout. Sumugod rin iyong isa pa, mabilis naman niya hinablot iyong basag na bote doon sa lalaking hawak-hawak niya ang kamay, akala ko isasak-sak niya mismo doon sa lalaking sumugod pero mabilis na inihagis niya iyon sa lalaki, parang dumaan lang sa gilid ng leeg ng lalaki iyong basag na bote pero kita namin ang pagbukas ng malaking hiwa at paglabas ng dugo mula doon.

Nahiwa sa gilid ng leeg iyong lalaki, dahilan para mapatumba siya sa sahig dahil sa takot at pagkabigla.

"Tsk!!...Sorry, dumulas sa kamay ko...." mapang-asar na sabi niya. Tinitigan niya ng masama iyong lalaki at agad na napatayo sa takot at tumakbo palayo, pati iyong ibang kasama nila ay sumunod rin na tumakbo palayo.

Bumalik ang tingin niya doon sa lalaki na sumaksak sakanya, kita ang takot sa mukha ng lalaki, na parang maiihi na siya sa sobrang takot.

"Ikaw ba ang may gawa nito??...." clueless na tanong ng babae doon sa lalaki sabay turo sa sugat niya sa gilid ng tyan.

Nagtaka ako, nakalimutan na ba niya ang nangyari kanina lang?? Napakunot ang noo ko dahil sa clueless niyang tanong.

Bigla nataranta ang lalaki sa tanong niya at umiling ng paulit-ulit, "hindi ako!!!...." pagsisinungaling niya.

"You know what I hate the most??...Those who are LIAR and WEAK like you...." nakangisi niyang pagbabara doon sa lalaki.

"NO!!!...." muling tanggi ng lalaki, "HINDI AKO!!! MANIWALA KA!!!....HINDI AKO!!!...."

Napansin ko na mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng lalaki kaya sumisigaw na at napapamura na ang isa sa sobrang sakit, "THE F*CK!!!....THE HELL!!!....STOP IT!!!....."

"Ano ba mas gusto mo??....Mamili ka??....Ang mabalian ng kamay ko maputolan???....." nakakatakot niyang tanong sa lalaki. Agad na namutla ang mukha ng lalaki dahil sa nakakatakot niyang tanong. Kahit ako napalunok ng sariling laway.

"NO!!!....PLEASE, I'M REALLY SORRY!!!...." nagmamakaawang sambit ng lalaki, ngayon umiiyak na siya habang nagmamakaawa.

Ngumiti ang babae at binitawan ang pagkakahawak sa lalaki, akala ko naawa siya at tinanggap ang sorry nito pero nagkamali ako, mabilis niya dinakmal ang ulo ng lalaki gamit ang dalawa niyang kamay, marahas at malakas na tinuhod niya ang ulo ng lalaki, lahat kami ay nagulat at natulala sa ginawa niya. Dumugo ang ilong ng lalaki sabay tumba sa sahig, knockout.

"Tsk!!....What a mess, Imari!!??...." inis na saad niya at napatingin sa sariling suot na damit. "Gross..." dagdag pa niya.

Lumingon siya saakin, nagulat ako, lumapit siya at parang na-estatwa ako sa pagkakatayo sa mga titig niya saakin.

"Hey!...Can I barrow your phone??...." tanong niya, hindi na ko umangal pa, agad na kinuha ko ang phone ko sa likod na bulsa ng suot kung maong na blue pants at inabot sakanya.

"Thanks!!...." sabi niya pagkatapos ay nag-dial ng number sa phone ko.

After 2 rings, may sumagot sa kabilang linya, "Hey!!...Track this phone....bring me some spare clothes as usual and my Bumblebee....I want you to be here at exactly for 15 minutes...you know how I hate waiting...." sabi niya sa kausap at agad ibinaba ang call, muling bumalik ang tingin niya saakin at sabay na mahina at hindi kalakasan na inihagis niya ang phone pabalik. Nasalo ko naman ang phone ko, that was rude but somehow I know I can't protest this time. She's a fearless, a totally Badass.

"Thanks!!..." huli niyang sabi sabay alis palabas ng club.

Nilapitan ako ng mga kaibigan ko at tinanong nila ako lahat kung ok lang ako. Tumango ako at nagsabi na ok lang ako. May isang bagay na kumikinang sa sahig ang bigla umagaw ng pansin ko, lumapit ako at pinulot iyon. Lumapit rin saamin ang manager ng club, he want to talk with me, para pagusapan ang mga nangyari.

"Ikaw na muna ang bahala makipagusap, Ubin...." agaw sa attention ko kay Ubin, napatingin siya saakin at kahit nagtataka ay tumango siya at tinahak ko ang daan palabas ng club. Sinundan ko iyong babae. I JUST WANT TO CLEAR SOMETHING TO HER.