Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

I Met The VIRGO GANG

🇵🇭JenyxViolet
--
chs / week
--
NOT RATINGS
17.5k
Views
Synopsis
What will be your reaction if you meet and greet a gangsters---a hot, cool, and handsome gangsters? Maybe, you will feel lucky because they noticed you. Maybe you are smiling ear to ear while talking to them. But Fritzzel Garcia is different from the other girls. Instead of being happy and lucky, she treat the gangsters as harmful as she can. Is this a war or they'll going to be friends? VIRGO Gang VS. One girl? ***** DISCLAIMER: This story is written in tagalog ang english language. This story contains violence, strong words, brutality, illegality, cruelty and bloody scenes as well. Read this to make you laugh, smile, inlove, sad and happy. All rights reserved. © JenyxViolet IMTVG April 2019
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Nakakita na ba kayo ng aso—ay mali, pwet ng aso pala?

Kasi ako, oo. Nasa harap ko pa mismo ang limang pwet ng aso. Tsk. Tsk.

"Fritzzel, pinagpapantasyahan mo na naman ba kami at nakatitig ka na naman sa 'min?" Umikot naman ang mata ko sa sinabi ng pinakapangit sa kanila.

"Oo nga, Fritzzel. Pero okay lang, feel free to stare at us—I mean, sa 'kin lang." Kumindat pa ang mokong na pinakamabaho sa kanila.

"Tsk. 'Wag niyo ngang ginaganyan si Fritzzel. Mamaya umabot na sa ulo niyan 'yung kilay niyan." Lalong tumaas ang kilay ko sa sinabi ng pinaka-walang hiya sa kanila. "'Di ba, babe?" Tingnan mo 'tong babaerong 'to!

"Asa kayo, ako lang naman lagi niyang iniisip. Tingnan niyo nga, titig na titig sa 'kin—Oh! What's with the look, Fritzzel? Akala 'ko mamamatay na 'ko sa sama ng tingin mo," tumatawang sabi ng pangahas na pinakamatangkad sa kanila.

"Tsk. May iniisip na namang masama sa 'tin 'yan. Para namang 'di niyo kilala ang malditang 'yan." Napangisi naman ako sa sagot ng walang hiya rin nilang leader.

"Are you done, dogs?" tanong ko na nagpaasim sa mukha nila. Grrr. These monkeys—dogs are really pissing me off!

"Aba't? Tinawag ba namang aso ang guwapong ako?"

"Shut up!" Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Sino nga ulit kayo?" Napanganga naman sila sa tanong ko. May masama ba sa tanong ko?

"The hell you're talking about? Don't tell me na all this time ay hindi mo alam ang pangalan namin?!" inis na tanong ng kaninang tinawag kong mabaho.

"Oh-as far as I know, nagpakilala kayo sa 'kin noong una at biglang ginulo ang buhay ko. And now, I can't remember your fucking names, gangsters," pairap na sagot ko.

"Fuck?!"

"Wag mo 'kong mafuck-fuck diyan at baka lumipad at tumalsik kang may fuck-fuck." Napaismid naman siya sa sinabi ko. "I have a short term memory para alalahanin pa ang mga walang kwenta niyong pangalan. At isa pa, sino ba kayo? Mukha lang naman kayong pwet ng aso at isang budol-budol gang na pakalat kalat sa university na 'to," mataray na dugtong ko pa at nagtaas ng kilay.

"This woman! Pigilan niyo 'ko, I might kill her!"

"Oh c'mon, chill."

"E, tama ba kasing tawagin niya tayong pwet ng aso at isang budol-budol gang?!"

"Hindi ko na gusto ang tabas ng dila ng babaeng 'yan! Sa ganda kong lalaki, tatawagin niya lang akong aso? The fuck."

"Alam naming maganda ka, miss pero---"

"Wag mo nang kwestyunin ang kagandahan ko," putol ko sa sinasabi niya.

"Kita niyo na! Walang hiya nga. I can't believe this, ngayon lang ako naka-encounter ng ganiyang klaseng babae!"

At ngayon lang din ako naka-encounter ng mga mukhang pwet ng aso.

Kahit pogi at hot naman talaga sila. But duh! I will never admit it.

"We are the VIRGO Gang, Fritzzel. Don't you ever try to forget again our gang name, okay?" Tinaasan ko naman ng kilay ang hari ng mga chonggo at pwet ng aso. Sino nga ulit sila? The fuck, paki ko?

"Ha? Sino ulit kayo?" inosenteng tanong ko na ikinapikit niya nang mariin. Narinig ko pang minura niya 'ko. Do I care? No. "Oh! I remember your name na!" Napatigil naman sila sa sinabi ko na ikinangisi ko naman. "Magtabi-tabi kayo at humilera, iisa-isahin ko ang pangalan niyo." Napatango naman sila at ginawa ang sinabi ko.

Tsk. Mga uto-uto! Naturingan pang gangster.

"But before that, I would like to do this first. Oops, close your eyes first, boys." Kinunotan naman nila 'ko ng noo na para bang nagtatanong kung anong gagawin ko, tsk. "I won't do anything that will make you mad, guys."

Tumango sila at pumikit. Napangisi na lang ako at sinimulan sa lintik nilang leader. Sinampal ko siya nang malakas. Ganito ang mga bagay sa mga uto-uto.

"Fuck!"

Sunod na tumama ang kamay ko sa katabi niya hanggang sa umabot sa dulo.

Ang magandang kamay ko pa 'ata ang mas nasaktan. Ang kakapal ba naman ng mga pagmumukha nila.

"What the fucking hell?!" galit na sigaw ng leader nila. Kitang kita ko pa ang bakas ng palad ko sa kaliwang pisngi nila.

"Oops. Bye-bye!" Nginitian ko sila nang matamis at mabilis na tumakbo paalis.

"Get yourself ready, amazona lady!"

Nagkanda-letse letse ang buhay ko when I met those guys!

They even called them as gangsters but the fuck? Sa 'kin pa lang, tiklop na sila, ew.