Chereads / I Met The VIRGO GANG / Chapter 3 - Chapter 2: Bullies

Chapter 3 - Chapter 2: Bullies

— Fritzzel —

Pinabayaan na namin nila Cassidy at Cabbry ang kambal nilang si Bryle na makipagharutan sa babaeng nahagip niya kanina. Pinaalalahan na lang namin siyang may pasok pa.

Naglalakad kami sa hallway ng 4th year highschool nang marinig na namin ang bell. Nagpaalam na sa 'kin sila Cabbry at Cassidy. Magkatabi lang ang room nilang dalawa habang ang magiging room ko ay sa dulo pa.

Marami akong nakakasabay maglakad at lahat sila ay nakatingin sa 'kin. Okay, people? What's with the look? Am I too pretty to make you stare at me like that? Oh c'mon, I always know that.

Inirapan ko lang ang mga babaeng nagbubulungan habang nakatingin sa 'kin. I'm sure na kumalat na ang ginawa ko kanina. Mukhang sikat pa naman ang mga chonggo'ng nakaharap ko kanina.

But I don't have a damn care. Bahala sila sa buhay nila.

Nakasara na ang pinto ng classroom pero may kaunting siwang pa rin. May teacher na kaya sa loob? Sana wala pa. Kaka-bell lang naman.

Napansin ko namang walang sumabay sa 'kin sa pinto at mukhang hinihintay pang mauna na 'ko.

Ayan. Ganyan nga. Paunahin n'yo ang dyosa.

Binuksan ko ang pinto at — "FUCK!" malakas na sigaw ko nang may bumuhos sa katawan ko.

Nakangangang tiningnan ko ang sarili ko habang nagtatawanan ang lahat. Ang baho! Amoy itlog! Don't tell me na puro binasag na itlog ang bumuhos sa 'kin?

Napatingala ako sa taas ng pinto at nanlaki ang mata nang may isa pang maliit na timba roon. May tali ang timba at may humila ng tali kaya natumba ito at sa akin agad dumiretso. Hindi agad ako nakakilos kaya bumuhos ang harina sa katawan ko.

Fuck? Gusto ba nila 'kong i-bake?

"Hahahahah! Ang epic!"

"Shit. Nakakatawa!"

"Ayan, buti nga. Tapang tapang mo, a!"

"Kala mo hindi kami makakaganti. Ha! Buti nga sa 'yo"

"Tingnan natin kung hanggang saan 'yang tabas ng dila mo."

Narinig ko na naman ang mga tunog palakang boses ng mga pwet ng aso! Argh! Kailangan ba talagang maging classmate ko ang mga chonggo'ng 'yon?

Shit. Paano agad nila nalaman na sa section nila 'ko papasok!? Ang lakas naman pala ng connection ng mga pwet ng aso na 'to!

Walang reaksyon na nag-angat ako ng ulo at tiningnan ang mga chonggong nasa pinakadulong row ng mga upuan. Nagsimula akong maglakad.

Napapikit na naman ako nang pagkarating na pagkarating ko sa harap ay pinagbabato ako ng kamatis ng mga MAGIGING kaklase ko.

Tell me, guys.. dapat bang binubully ang isang dyosang kagaya ko?

No!

Hinintay kong maubos ang mga hawak nilang kamatis. Napangisi ako nang wala nang nagbabato ng kamatis habang tawa pa rin nang tawa ang mga aso ng section'g 'to. Lumakad ako papunta sa row nila. Nagtatakip pa ng ilong ang mga nadadaanan ko at saka tatawanan ako.

Mabaho nga naman talaga.. Itlog, kamatis at harina ba naman nasa 'yo.

Nang makarating ako sa dulo ay nakita ko agad ang isa pang tray ng itlog doon malapit sa mga chonggo'ng prenteng nakaupo lang at nakataas pa ang mga paa.

"Hi, miss maldita," bati sa 'kin ni Rico. Nginitian ko naman siya na nagpalaho sa ngiti niya.

"Hi, doggy!" bati ko rin. Napatayo naman siya sa sinabi ko. "How are you chonggo's? Happy seeing me like this?" tanong ko at nagcross-arm sa harap nila.

Siguradong hindi na makilala ang kagandahan ko dahil sa pesteng nasa katawan at ulo ko!

"Very happy! Sayang. Maganda ka pa naman kaso namamangga ka, e," sagot ni.. sino nga ba 'to? Ah, si Gail.

"Ay sorry kung nabangga ko ang isang shokoy, ha," sagot ko at nginisihan siya. Napatayo na rin siya at ambang lalapitan ako nang pigilan siya ng leader nila. "Oh.. Tatawagin na ba kitang super chonggo man sa pagpigil sa kaniya para 'di ako saktan?" pang-aasar ko na ikinakunot ng noo niya at napatayo na rin. Masama ang tingin niya sa 'kin.

"Tang ina. Hindi ba tumatalab d'yan 'yung baho ng itlog at ganiyan pa rin makapagsalita 'yan," mura ni Orvil na ikinairap ko.

"Uy! May nagsalitang another chonggo!" pang-aasar ko rin sa kaniya kaya napatayo rin siya na lalo kong ikinangisi.

Sige. Mainis lang kayo.

"May tae sa pwet ang dakilang unggoy sa grupo ng mga chonggo at ayaw pang tumayo." Napatayo rin si Iver sa sinabi ko.

Pare-pareho silang masama ang tingin sa 'kin kaya napatawa ako nang malakas lalo na nang mapansin kong nanahimik ang paligid.

Sige. Panoorin n'yo kung paano ako makakaganti sa mga chonggo'ng 'to!

Umatras ako nang lumapit sila sa 'kin. Mga mukhang handang handa akong upakan. Psh.

"Oh! Ganiyan ba ang tamang pagtrato sa isang dalagang pilipinang gaya ko? Sayang ang kagandahan ko sa inyo," taas kilay na tanong ko at pinunasan ang mukha ko.

"Hindi lang pala mapang-asar, mahangin din," bulong ni Orvil na narinig ko naman.

"Excuse me, chonggo? Hindi 'yun kahanginan, katotohanan 'yun. Admit it or not, maganda talaga 'ko," pairap na sagot ko.

"Can you please stop calling us other names?!" iritang sabi ng leader ng mga chonggo na si Van. "Nakakarami ka na sa 'min, ha," dugtong niya pa kaya napairap ulit ako.

"Talaga ba? Salita pa lang ang ginagawa ko.. paano pa kaya kapag kumilos na ako?" nakangising sagot ko. Inis na pinisil naman niya ang ilong niya at tiningnan ako nang masama. "Ah.. alam ko na."

"Aray!"

"Putang!"

"Shit. Sakit!"

"Walang hiya ka talaga!"

"Kingina naman. Ang maganda kong sapatos!"

Sari-sarili nilang daing nang apakan ko isa-isa ang paa nila. Naka-high heels pa naman ang black shoes ko. Imagine how I feel pity for them. Note the sarcasm, please.

"Oh. I'm sorry," kunwaring nagi-guilty na sabi ko at lumapit kay Orvil.

Nagulat siya nang yakapin ko siya. Lumayo ako at napangisi nang makita kong dumikit sa kaniya ang duming nasa katawan ko.

Nagulat rin ang ibang chonggo at ang mga kaklase namin so I grab the opportunity. Inisa-isa ko silang niyakap.

Hinuli ko si Van at binulungan sya bago ako lumayo. "Take this as a fake apologize, super chonggo man," nakangising bulong ko sa tainga niya at lumayo na.

Gulat na gulat pa rin sila at halos ngumanga na habang nakatingin sa 'kin. Nginitian ko sila nang matamis at mabilis na kinuha ang nakita kong tray ng itlog kanina.

"Ohhh!"

"Whoa!"

Hiyawan nila nang isa-isa kong binasag sa noo at ulo nila ang mga itlog.

"Fuck you, woman!" sigaw ni Van at akmang lalapitan ako nang inilingan ko siya at pinakita ang itlog na hawak ko. "Fuck! Fuck! Fuckshit! How dare you!" sigaw na naman niya.

"Tangina, palaban talaga ang isang 'yan!" sigaw din ni Rico.

"So.. Quits na tayo, budol-budol gang! Gangsters na mukhang chonggo," pairap na sabi ko. "Look at yourself. Nahawaan ko na kayo. Ha! Ha! Ha!" malademonyong tawa ko nang makita ang madudumi nilang damit dahil sa pagyakap ko.

"Virgo gang and miss transferee!!"

Kunot noong napatingin ako sa harap nang may biglang sumigaw. Shit! Teacher!

"Sinong nagsimula nito?" nanggagalaiting tanong niya sa amin.

Mabilis kong tiningnan ang VIRGO Gang. Nakaturo silang lima sa 'kin at nakangisi pero tinaasan ko lang sila ng kilay at ngumisi rin.

Sorry boys, I will win this game.

"Ikaw ba ang may gawa nito Ms. Transferee?" galit na tanong ng mukhang terror teacher at lumapit sa 'min.

"Oops. Look at me, ma'am. Sinong mukhang binuhusan sa amin? Hindi ba't ako?" sagot ko kaya tiningnan niya 'ko head to foot sabay sama ng tingin sa VIRGO Gang. "They bullied me, ma'am. A typical bullies who will do a common, clichè and typical shit like this," dugtong ko at nginisihan ang mga chonggo.

"Mga Salvador! Totoo ba 'to?" sigaw ng teacher sa kanila. Hindi agad nakasagot ang mga pwet ng aso. Nairapan ko tuloy sila. Haha!

"Uy Salvador! Parang SalvaDOG," natatawang singit ko kaya sinamaan ako ng tingin ng terror teacher. "Shut up na nga po, e," sagot ko at pasimpleng umirap.

"Sinong magsasabi sa 'kin ng nangyari rito?" tanong ni ma'am sa mga kaklase ko. Nagtaas ng kamay ang isang babae. "Yes, Ms. Hera."

Tiningnan ko ang babae. As in titig na titig ako sa kaniya. Makuha ka sa tingin! Sabihin mo ang totoo. Hinawakan ko ang itlog at pasimpleng pinakita sa kanya 'yun.

Umiwas siya ng tingin at tumingin din sa VIRGO Gang na ngayon ay nagpapa-cute sa kaniya at mukhang nagmamakaawang 'wag sabihin ang totoo. Tumingin ulit siya sa 'kin, nginitian ko agad siya at nilaro-laro ang itlog sa kamay ko.

I'm giving her a sign na kapag hindi niya sinabi ang totoo, dederetso sa mukha niya ang itlog na hawak ko.

"M-ma'am, ang VIRGO Gang po ang may pakana ng lahat. Tinali po nila ang dalawang baldeng 'yun sa taas ng pinto. Sabi nila'y hihilahin nila ang taling nandoon kapag papasok na ang transferee. Gumanti lang po siya." Napangisi ako lalo at tumingin ulit sa mga gangster na chonggo. Asar na asar ang mukha nila at ang sama rin ng tingin sa babae. Buti nga!

"You will have a community service for 1 week! 2 hours everyday! That's your punishment!" galit na sabi ng teacher sa mga chonggo. "And you.." Humarap siya sa 'kin na ikinataas ng kilay ko.

Shit. Akala ko ligtas na 'ko!

"2 days community service! 1 hour per day! That's also your punishment. No more question and get out of my class! Ang babaho n'yo!" sigaw niya na ikinairap ko. "Ayusin mo 'yang mata mo! Hindi ko gusto ang pag-ikot niyan." Inirapan ko ulit ang teacher. "Aba—"

Mabilis akong naglakad paalis bago niya pa 'ko sigawan ulit. Pake ko sa kaniya, tsk.

"Shit. Patay ka sa 'king babae ka. Gusto 'atang malaspag." Napangiwi ako nang marinig ko si Van. Lumingon ako at nakita ko siyang nasa harap na ng babae kanina.

Mga fuckboy rin pala.

Lumabas ako ng classroom at hinanap ang school gymnasium.

Buti na lang at may baon akong P.E uniform! Sa former school ko, lagi kong binabaon ang P.E uniform ko just in case na kailangan ng pamalit.

Buti na lang at may klase na at wala nang mga pagala-galang estudyante rito dahil paniguradong pagbubulungan nila 'ko!

Hindi na rin ako nahirapang hanapin pa ang school gymnasium dahil nadaanan namin 'to kanina nila Cabbry. Katabi ng school gymnasium ang locker room kaya dumiretso muna ako roon.

Hinanap ko ang susi ng locker ko at hinanap ko rin ang locker ko. Pinasok ko roon ang bag kong nadumihan na rin. Mamaya ko na lilinisin 'yun. Kinuha ko mula sa bag ang P.E ko.

Lumabas ako ng locker room at pumasok sa school gymnasium. Sa former school namin, nasa loob ng gymnasium ang shower room, baka ganoon din dito. Hindi naman ako nagkamali at dito nga 'yun. Pumasok agad ako sa shower room for girls.

Isang oras 'ata ang tinagal ko sa shower room dahil sa sobrang pagkuskos ko sa katawan ko. Napakalansa! Humanda talaga sa 'kin ang mga gangster na 'yon! Hindi pa 'ko tapos!

Nagbihis na 'ko at lumabas ng shower room habang nagpapatuyo ng puti kong buhok. Yeah. White. Kulay white ang buhok ko. Kinulayan ko talaga 'to since—

"Holy shit! What are you doing here?" gulat na tanong ko kay Bryle nang makita ko siya sa labas ng shower room habang prenteng nakasandal sa pader.

Nagkibit balikat lang siya. "Checking you?" parang hindi siguradong sagot niya at tumingin sa paligid. "I heard what happened to you. Bakit ba kasi napakaangas mo at pinapatulan mo pa ang mga gagong 'yun?" kunot noong tanong niya at lumapit sa 'kin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"You don't care, Bryle," sagot ko at lalagpasan na sana siya pero hinawakan niya ang braso ko. "What? May sasabihin ka pa ba?" mataray na tanong ko.

"I have a care! I cared about you, Fritzzel," madiing sagot niya na ikinabuntong hininga ko. "Kaibigan mo 'ko. Hindi ko gustong ginaganito ka ng kung sino lang. Umayos-ayos ka at iwasan ang mga lalaking 'yun. First day pa lang natin dito pero may kaaway ka na agad. Mas lalo ka lang nilang pagtitripan kung—"

"Enough, Bryle. I know. I know. Alam ko 'yan! You don't need to remind me. I'm just having fun here. I just want to play with them. No need to be worry. Kilala mo 'ko, alam mong hindi ako lalaban nang walang kalaban-laban. At alam mong hindi ako magpapatalo. Hindi ko hahayaang maliitin nila ang kakayahan ko." Nginitian ko siya nang tipid. "Thanks for your concern. Don't worry, I was born ready." Binawi ko ang braso ko.

Napahagod na lang siya sa buhok niya at tiningnan ako nang naiinis. "Aish! Bahala ka sa buhay mo. 'Wag mong sabihin na hindi kita pinagsabihan. Sige na, alis. Bumalik ka na sa klase mo!" Tinanguan ko siya at tinalikuran na.

"Sus. Mag-aabang ka lang ng babae rito, e. Nako, Bryle. I know you!" sabi ko habang hindi pa rin siya nililingon.

"Damn you! Gusto mo ikaw mismo magdala rito ng babae para sa 'kin." Napairap naman ako sa sagot niya dahil siguradong nakangisi ngayon 'yan.

"Lagot ka kay tito Bryan 'pag nalaman niya kung anong pinaggagagawa mo. Ikaw na nagsabing first day pa lang natin dito pero babae agad hanap mo!" I said then I heard him laugh.

What a playboy.

Kanino kaya nagmana 'yun? Kay tito Bryan? I guess.

Lumabas ako ng gymanasium at saktong nakita ko pa ang limang mukhang pwet ng aso na papaalis. Napa-cross arm ako at tiningnan ang mga likod nila habang naglalakad sila paalis.

Mukhang nag-shower din ang mga mokong.

Don't worry, Bryle. I'm gonna win this shit. I don't named Fritzzel Garcia without strenght and bitchy attitude.