Archy's POV
Miss na miss ko na si Ish. Ni hindi manlang nag oopen ng social media.
But wait, *scroll down* Si...sino??? Ang kasama niya sa photos? He looks familiar, siya ba yung kababata ni Isha?
Tawagan ko nga.
*Ringggg*
"Yes hello?" Pag sagot ng lalaki sa kabilang linya.
"Who-who's this?" Nautal kong tanong.
"You might be Archy? Right?" nang marinig ko si Ish inaagaw ang phone niya.
"Akin na nga!!!--- he-hello!!! Bes!! How are you?" sobrang lakas naman nito ang sakit sa pandinig.
"Ba-bakit? Sino yung sumagot?"
"Ah, si Steve yung kababata ko. Dito na kasi siya samin lagi niya muna ako sasamahan since laging wala sila dad lagi" natulala naman ako sa sinabi nito.
"Oh I see! Mag behave ka dyan ah! I was just about to tell you na, di ka manlang nag oopen ng account mo. But then, i saw your pics with that guy so yeah" nagtaka naman ata siya sa sinabi ko kaya narinig ko ang sinabi niya kay Steve "pinost mo pala?" At sumagot naman na "wala naman malisya! Unless kung may malisya dyan sa kausap mo" napa kunot noo ako sa narinig ko.
"Behave naman ako! Ikaw dyan mag ingat ka lagi ah? You know what gusto ko na nga bumalik dyan eh ayoko na dito. Ang lungkot nakaka panibago di ako sanay sa paligid ko." Halata naman sa boses nito ang pagka-lonely. Now i know bakit sinasamahan siya ng Steve na yun, uunawain ko na lang.
"Oh sige na. Take care ha? Mind to call me naman if you're free. Ok?" Binaba ko na ang call at nag goodbye kiss naman ang napaka sweet na Isha.
Well, nakaka selos naman talaga dahil iba na ang kasama niya ngayon na dating ako lang for 11 years na nag stay sila dito mapili masyado sa kaibigan si Ish kaya nasanay siguro ako na ako ang madalas na kasama niya.
----
Moira's POV
I admit type ko si Steve, nakaka inggit kung pano ang closeness nila ni Isha. Before I met Ish, kilala ko na si Steve dahil dito din yan nag simula mag aral. Tinawag nito ang bff ko habang naglalakad kami paalis sa gym.
"Bye Isha!" i waved goodbye. Kinindatan naman ako nitong si Steve. Hay grabe nakakatunaw!! [hahaha]
Pag uwi ko sa bahay. Nakita ko ang post ni Steve.
Photos nila ni Isha, mukhang nag gala ang dalawa.
Napaka sweet ng photos di mo iisipin na parang aso't pusa ang dalawa kung magtalo dito sa school.
Minsan sumasagi sa isip ko baka type ni Steve si Isha kaya lagi nito pinipikon. Baka mas gustuhin ko na lang yun kaysa naman magkanda baliw baliw siya kay Rye na babaero at mayabang.
Hayy. Hindi naman ako magagalit dahil bestfriend ko tong si Isha. Support support na lang [haha]
----
To be continued