"Isha, dear! We gotta go! Male-late na tayo sa flight" sigaw ni mommy habang nag mamadali ito pababa dala-dala ang mga luggage.
"For a while mom!" habang nakatingin ako sa kwarto ko, nalulungkot ako ng isara ko 'to. I guess, it's another goodbye. Almost 11 years din kami nag stay dito sa Sydney, Australia and we're going back again to Philippines.
"Haynako anak! Stop crying! Masanay ka na palipat lipat tayo" habang nilalagay nito ang mga gamit sa sasakyan.
"Ishyyyy! See you soon! Wag ka na sumimangot dyan. Mukha kang naluging siopao" Niyakap ako nito at pinisil ang pisngi ko. That's my best friend, Archy. Dito din siya lumaki sa Australia.
"What the heck! Stop doing that! Well, sige na nga mamimiss kita" niyakap ko siya ng mahigpit at inabot ang friendship bracelet namin.
----
Touch down Manila
June ng umalis kami at pasukan na dito. Ipinasok ako ng parents ko sa school kung saan isa sila sa nagmamay ari nito.
"This will be your school, nak!" Pag akbay sakin ng dad ko. "Masasanay ka din. Tska nandito ang kababata mong si Steve" haynako yang Steve na yan eh ang sungit sungit at bully non.
Grade school pa lang ako, pasukan na at nag hahanap ako ng upuan kung saan comfortable ako.
"Here!!!!" Pagturo ng isang babae kung saan may vacant seat pa. Umupo naman ako don.
"Hi! I am Moira and you?" Inabot nito ang kamay niya na nakikipag shake hands.
"Isha.... isha Sa----" nag dadalawang isip ako if babanggitin ko pa ba apelido ko. "well, call me Ish"
Nag titinginan ang mga kaklase namin na para bang tutunawin ako. Naririnig kong may nag bubulungan.
"Ang ganda niya. Bago ba siya?"
"Parang hindi Pinay!"
"Now ko lang siya nakita, buti pa si Moira magkatabi sila"
Habang may di ako nagustuhan na sinabi ng isang grupo.
"No girls! She don't belong to our group." Bigla naman nilapitan ito ni Moira at sinabing "Excuse lang ha? Eh kayo ba? Belong ba kayo sa life niya? Kala niyo gaganda niyo. Di talaga siya belong kasi di niyo siya ka-level. Jusko day!" Natawa naman akong marinig to. But nevermind, nandito ko para mag aral at wala akong paki sa mga negative people.
"Good morning class! Please greet your new classmate, Isha Saavedra! Glad you're here!" Natutuwang sabi ni Mr. Lee
Biglang nagtinginan ang mga ito saakin at nasabing "SAAVEDRA???", "Siya ba yung nag iisang anak ng SAAVEDRA!" and Mr. Lee said "yes she is!"
Naiilang ako dahil gusto ko magkaroon ng kaibigan hindi dahil sa pangalan namin kundi dahil sa gusto nila ako.
"Hey! The beautiful Saavedra!" ang pag sigaw nito habang tumatakbo sa field. Well, nandito lang naman ako sa soccer field nanunuod ng game. Hindi ko naman akalain na nag lalaro ang mokong na si Steve. Dinedma ko lang ang tawag niya at paalis na sana ako nang marinig ko sila.....
"Ganda non ah! How do you know her?" pagtanong ng mga kalaro ni Steve.
"Maganda ba yun? Sus! Kababata ko yun. Lagi ako nasa house nila noon, uhugin nga yang si Ish" pagtawa nitong malakas.
Dali dali akong bumaba sa field at sinipa ang legs nito. Natumba ito at tinawanan ng mga kasama niya.
"Wala ka pala bro eh! Well I find her so cute. Ang tapang niya ah wala pa nakakagawa sayo niyan" sabi ni Kenji na best friend niya.
After ko siyang sipain, sinabi kong "Uhugin pala ha? Kamusta naman ang naiihi lagi sa salawal pag nate-tense? Sabay iwan sakanya at nagtatawanan ang mga kasama nito. Ang mean ko ba? Oh well siya nag umpisa. Gwapo sana to kaso BULLY nga talaga.
"Isha?????? Crush ko kaya yan si Steve! Grabe ka naman sakanya!pakilala mo naman ako" sabi ni Moira na patay na patay at pilit ako hinahatak pabalik sakanila.
"Haynako Moi! Next time na. Tara na!" nadismaya naman ito ng tanggihan ko.
Pag tapos ko mag palit ng damit dahil mag start na ang swimming class. Naglakad lakad ako nang biglang may nakita akong isang lalaki naglalaro ng basketball. Hindi ko alam bakit parang nanigas ako. Tumigil mundo ko (yes ang OA), nakatingin lang ako sakanya. Gwapo siya, matangkad, ang galing mag laro, yun nga lang mukhang suplado. Ang bilis ng tibok ng dibdib ko never pa ata ako nakaramdam ng ganito.
Nagulat ako ng bigla akong sigawan ni Moira, "hoy!!!! Ano nangyari sayo! Ano di pa nga tayo nalulublob sa pool, napasakan na ng tubig yang tenga mo? Kanina pa kita tawag girl!"
"I-i-am-sorry. I was just...." habang nakatingin sa isang lalaki.
"Ayun naman pala! Natulala!!! Sus! Pagnasahan mo na ang lahat wag lang yan! So let's go" paghatak nito sakin.
"Ha-how?" ang pagtatanong ko na nag tataka.
"Anong ha how? Ka dyan. Sikat din yan dito. Mayabang lang at suplado" tama nga ako suplado. pero ang gwapo niya. Eye-catcher. Ang hot. Basta.
Habang naglalakad kami di maalis sa isip ko yung taong yun. No!!!! This...can't....be....happening!!! Erase erase erase.
------
To be continued....