Strings of Romance Series #1
WHIRLS OF THE SAND
Chapter 1: Heartache
"Mahal niya ako! 'Yon ang sinabi niya sa'kin! Pero bakit gano'n? Nagsawa siya tapos iniwan ako!!"
Patuloy ang paghagulgol ni Jena sa mini forest ng Student Center. Pinagtitinginan na nga kami ng ilang mga estudyante kase kanina pa siya umiiyak dito. Kung hindi lang ako t-in-ext ni Grayson na nagmumukmok siya, siguro kinaladkad na siya ng kung sinong miyembro ng mga gang o kaya'y kahit na sinong dumadaan dito.
I roamed my eyes around. Marami na silang nagbubulungan. Nakakahiya! Si Jena naman walang tigil pa rin sa pag-iyak. Wala din siyang pakialam kahit na maging headline man siya sa next isssue ng school newspaper. And I'm worried kung saan pa ito hahantong.
"Saan ba ako nagkulang? I did everything to make him happy...to make him stay! Pero nagawa niya pa ring iwan ako! Bakit gano'n?!"
Napatiim-bagang ako. "Jena, umalis na tayo dito. Andaming tao na nakatingin sa'tin! Kita mo? Nakakahiya!"
"Wala akong pake sakanila! Eh, ano ngayon? Edi panoorin niyo kong umiyak!" sigaw niya sa mga tao at ang ilan naman sakanila ay nag-iwas ng tingin.
Marahan akong napapikit dahil sa inis. Mukhang ako ang mas mapapahiya rito kung hindi ko siya mapapauwi agad. Ayoko namang madamay sa issue kapag pinatawag kami sa Guidance Office.
"Jena, umuwi na muna tayo—"
"Eycee, hindi mo kase alam 'yong feeling kapag iniwan ka ng taong mahal mo! 'Yong tipong nasanay ka na kasama siya tapos, isang araw, mawawala? Putek, ang sakit no'n!" aniya.
Yumuko ako sa hiya. Siguro nga hindi ko maiintindihan ang sakit na nararamdaman ni Jena. Wala ako no'n, eh! Pero nag-aalala lang ako na baka ikasira ng buhay niya ang break-up nila ni Reagan. Paano kung maisip niyang magbigti o ano? Huwag naman sana.
"Jena--"
"Hindi ko na kayang mabuhay. Gusto ko na lang mawala sa mundong 'to!"
At 'yan na nga ang sinasabi ko.
"Huwag mo ngang isipin 'yan. Lalaki lang, 'yan pa magiging dahilan ng pagkawala mo? Naku, ako ang makakapatay sa Reagan na 'yan if ever na may mangyaring masama sa'yo!" I said, gritting my teeth.
Humagulgol lalo si Jena nang mabanggit ko ang pangalan nito. Napatakip naman ako ng tenga dahil sa biglaang ginawa niya. Is this really the outcome kapag nakipag-break ang taong mahal mo sa'yo? Magmumukha ka talagang desperada, pagkatapos?
Kung gano'n, mas ayoko na talagang magkaroon ng boyfriend.
"Reagan..." banggit pa niya kahit nasasaktan na nga!
"Mahal na mahal kita! Please, come back! Hindi ko kayang mawala ka!"
Napa-face-palm ako. Gusto ko sanang maawa sa kaibigan ko pero mas naiinis na ako dahil sa sinabi niya. Bakit ba ganito ang ilang mga babae? Napakarupok! Mahal na mahal pa rin daw 'yong lalaki kahit na iniwan na nga sila! Hay naku!
"Jena. Jena!" tawag ko sakaniya pero wala sa'kin ang kaniyang atensyon. "Tingnan mo nga ako! At pakinggan na rin."
Hindi maalis ang mga mata niya sa kaniyang tinitingnan. I even waved my hand para lang makuha ang atensyon niya. She needs a good advice from a 'single' person like me. She really needs that.
"Awat na, okay? You and Reagan was over! Tapos na ang relasyon niyo. Mag-move-on ka na! Hindi naman siya worth-the-tears, 'no! Marami ka pang makikilalang lalaki na hindi ka lolokohin! Huwag mong sayangin ang iyong oras sa kaniya!" saad ko kahit na alam kong hindi naman siya tatablahan ng advice kong 'yon.
Inaakala kong mag-rereact siya kaagad tapos paiiralin na naman ang karupokan niya. But, I noticed na parang nanlaki ang mata niya sa nakita. Dahil sa curious ako kung ano 'yon, sinundan ko ang kaniyang line of vision.
Suddenly, I saw a tall, lean and dangerously confident guy who happened to park his car near us. Itim ang kaniyang kotse. Pang-mayaman. He's got a cool and suave look, attractive. Sharp-edged nose. Foreign ang mata. His lips also gave me a hint about his expression right now. Mukhang problemado. His symmetrical jaw even tightened a bit. When he smirked, halos hindi ko na maalis ang tingin ko sa kaniya.
Kung i-de-define siya sa tatlong salita, hot, handsome and head-turning. Lahat pa nga ng mga estudyante ay napapatingin sa direksyon niya. He's capable of drawing their attention in just a span of seconds. Mabenta siya sa mga tao. He could turn a city as his property dahil lahat ay kagigiliwan siya.
I wonder who he is. Paano kayang napadpad ang katulad niya sa lugar na 'to?
Ilang sandali pa ay nahagilap ng mga mata ko ang dalawang pigurang naglalandian malapit sa'min. Nagulat ako. Napagtanto kong iba pala ang tinitingnan ni Jena sa tinitingnan ko kanina. There I saw Reagan...with a girl beside him. Gumawi ang mga mata nila sa'min, the girl grinned sheepishly, at hinalikan si Reagan!
She kissed him in front of us! In front of my brokenhearted friend!
"Walang hiya kayo! Manloloko ka, Reagan! Nagawa niyo pa talagang gawin 'yan sa harap ko! How dare you!" Jena shouted in between her sobs.
Mayamaya'y tumakbo siya para sugurin sila. Walang awang hinila niya ang buhok ng babaeng 'yon. My eyes almost wanted to be pulled out of its socket. Nanginig ako bigla. Oh my gosh! Not this time! Ito na nga ba ang sinasabi ko!
"Jennaaaaa!!!"
Jena, pinapahamak mo lang ang sarili mo!
"Walang hiya kang babae ka! Ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. Ikaw ang third party sa relasyon namin! Nang-aahas ka ng boyfriend! Mang-aagaw!"
Pilit inaawat ni Reagan ang dalawa pero tuloy pa rin sila sa rambulan. "Jena! Stop it! Jena! Bitawan mo siya! Ano ba, Jena!"
Ako naman ay to the rescue para awatin ang agresibo kong kaibigan. Maraming tao na ang nakakita sa nangyari, ang ilan ay gustong umawat pero karamihan ay excited pa nga sa intrigang 'yon. At nakakatawang, meron pang nagpustahan sa kanila.
"Hindi mo ba alam sundin yung 3-month rule? Grabe! Ilang araw pa lang mula no'ng nag-break tayo tapos ngayon, may ipapakilala ka na ulit sa parents mo? Ayos ah! Anggaling namang pumulupot ng ahas sa'yo! Napasagot mo agad!"
Nagpupuyos sa galit si Jena kaya nahirapan ako sa paghawak sa mga braso niya. She's trying to make a way para magantihan pa ang babaeng 'yon na ngayo'y kapareho nitong gulong-gulo na ang buhok. Kaso ang lamang nga lang no'ng Mari na 'yon, nasa kaniya ang alas. Nasa kaniya si Reagan.
"How dare you, bitch! 3-month rule? Hindi na uso 'yon. Matagal na nga niyang balak hiwalayan ka! Kaya hindi ko inahas si Reagan! Sadyang nakakasawa lang kase ang ugali mo kaya ka niya iniwan! Didn't you think na darating din sa point na magsasawa ang mga taong nakapaligid sa'yo? Because you're too immature! Napaka-selosa mo pa! Kaya ka iniwan ni Reagan dahil nasasakal na siya sa ugali mong 'yan!" sigaw ni Mari, dinuduro pa si Jena, habang si Reagan ay nakapulupot ang braso sa bewang niya.
Ouch!
Tagos na tagos ang sinabi ng babaeng 'yon. Pati ako ay parang gusto na ring maiyak dahil sa mga negatibong sinabi niya. I felt the pain in the eyes of Jena, sobrang sakit ang kaniyang nararamdaman na halos hindi niya na kayang ma-tingnan ang sarili.
"Sino ka para sabihin 'yan sa'kin? I'm immature? Selosa? Ganito ang ugali kaya iniwan?" mapait siyang tumawa. "How well do you know me para sabihin 'yan? Hah?"
Nagpipigil siyang umiyak dahil mas nasasaktan siyang makita ang boyfriend niyang umaalalay sa babaeng kinasusuklaman niya. Kahit ako ay nanggagalaiti rin dahil sa babaeng 'yon. Hindi niya naman kilala si Jena, bakit niya sasabihin 'yon?
"Jena, tumigil ka na. Last week pa tayo naghiwalay. Huwag ka ngang gumawa ng eksena rito. You're just making yourself pathetic!" Reagan hissed.
"Isa ka rin. Manloloko! Sige, pagtulungan niyo 'kong dalawa. Ipamukha siya sa'king nakakaawa nga ako."
"Well, 'yon naman ang totoo! Look at yourself! Hindi ka na nahiya sa sarili mo! Sinabi mo pang inahas at inagaw ko si Reagan while in fact, iniwan ka pala niya." sigaw ni Mari. "Oh my gosh, a loser!"
Mabigat ang mga paghingang ibinuga ni Jena. Galit na galit na siya. Nauupos na. Nasasaktan. Lahat na. That's why I chose to defend her. Hindi ko na kayang marinig ang mga sinasabi ng babaeng 'to. Tulad ng kaibigan ko, wala na rin akong pakialam kung ano pa ang isipin ng mga tao ngayon. They don't matter, anyway!
"Hey, excuse me! Don't call Jena a loser!" panimula ko at matapang na hinarap sila.
"Nagmahal lang siya. Sobrang nagmahal. And don't say that she's immature and jealous, dahil hindi mo alam ang mga pinagdaanan niya. You can't just judge someone base on what you've heard. Hindi 'yon sapat. Itong kaibigan ko, kapag nagmahal, sobra pa kesa sa sarili. Pero sinaktan siya. Iniwan. Kaya hindi niya na halos alam kung tama pa ba ang mga ginagawa niya. Because, Reagan, the pain you gave her was too much! Minahal ka niya ng sobra! Pinalagpas niya ang nga kagaguhan mo para lang ma-isalba ang meron kayong relasyon. But look what you've done to her? Sinayang mo siya. Alam mo kung bakit siya nagseselos sa'yo? Kase takot siyang mawala ka. Pero para sa'yo pala, nakakasakal ang gano'ng pagseselos niya.Â
"And now you have the guts na sabihing huwag siyang gumawa ng eksena? Weren't you the one who started this show? Naghalikan kayo ng bago mo sa harapan ni Jena! To what? Ipamukha sa kaniya na kapalit-palit siya? That she deserve the tears and pain from you? What the hell! Walang babae ang masisiyahan na makita ang lalaking mahal nila na may ibang kahalikan! Kahit ako ang nasa sitwasyon ng kaibigan ko, gagawin ko 'yong ginawa ni Jena. Kase hindi lang relasyon ang nasira dito, pati siya mismo winasak niyo. Sabihin niyo ng pakialamera ako o ano pero hinding-hindi ko papalampasin ang mga sinabi niyo sakaniya!"
•••
"Pustahan tayo, mag-v-viral itong video nina Jena at Eycee! Thousand views na, six hours ago pa lang! Ibang klase! Anggaling pa ng mga banat mo, Eycee! Idol!" sabi ni Diego habang pinapakita sa'min ang video na 'yon.
Matapos ang nangyari, pinatawag kaming apat sa Guidance Office. Pinagalitan, syempre. At binigyan ng punishment. Iyon ay ang maging assistant ng school janitor for two weeks. 'Yong Reagan at Mari naman ay assistant ni Mrs. Cuanco sa library. Dahil nga si Jena daw ang naunang sumugod kay Mari, napunta sa'min ang mas mabigat na parusa.
Napahiya kase ang school namin dahil may kumuha at nag-upload pa ng video sa social media. Kumalat kaagad iyon kaya ngayon ay pinag-uusapan na sa buong campus.
"Tumigil ka nga, Diego! It's a serious matter! Baka ma-expel pa sina Jena at Eycee kapag nakarating 'yan sa head ng department," sita ni Zadie habang kumakain sa sala.
Tiningnan ko ang kwarto na kinaroroonan ni Jena. Buhat no'ng dumiretso kami dito kina Jayril, wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak sa loob. She thanked me after saving her from them. Matapos no'n nagmukmok na siya ng ilang oras. I'm worrying kung ano na kaya ang ginagawa niya ngayon.
"Iniiyakan ba ang gano'ng klase ng lalaki? Gago 'yon, eh!" ani Grayson. "Pero, I wonder, kagaya kaya ni Jena 'yong mga iniwan ko? Magmumukmok tapos susugurin ako pagkatapos? Huwag naman sana."
Umirap si Jayril sa tinuran nito. "Eh, isa ka din palang gago, eh! Ikaw ang dahilan kung bakit maraming babae ang nagsasabing manloloko ang mga lalaki. Tapos nadadamay pa kami. Tsk!"
Grayson chuckled. Napakudkod siya sa batok. "Sorry, hindi ko naman kasalanang habulin ako. Pasensya na. Next time, hindi ko na talaga uulitin."
"Diba kabi-break niyo lang no'ng recent girlfriend mo? Si Hydee?" sabat ni Blair. "Ano na nga palang dahilan kung bakit kayo nag-break?"
"He kissed someone else in front of Hydee. Kagaya sa case nina Jena at Reagan. Parehong-pareho sila ng istilo sa panloloko." si Sveah na nakahalukipkip at nakasandal sa archway ng kusina.
"Mismo!"
Diego laughed. "Maging kontento ka naman, Grayson. Isa sa isang taon, gano'n. Hindi 'yong kada linggo, pa-iba-iba ka. Masyado ka namang abusado!"
"Hindi ko kasalanan 'yon. Kasalanan ng kagwapuhan ko kaya maraming babae ang nahuhulog sa'kin na hindi ko nasasalo. Teka, kasalanan na ba kapag biniyayaan ang isang lalaki ng charm at good looks?
"Napakahangin talaga! Ipinagmamalaki mo pa 'yan?"
"Hindi naman," tugon ni Grayson. "Hindi lang ako 'yong tipo ng lalaki na committed sa relationship. At siguro, gan'to talaga ako kase iniiwas ako ni Kupido sa mga maling tao! Gano'n, 'yon!"
"O baka naman, ikaw ang maling tao na iniiwas ni Kupido sa mga babaeng 'yon?" bwelta naman ni Sveah.
Napasimangot si Grayson. "Ang harsh mo sa'kin, Sveah. Hindi pa naman kita niloko, ah."
"Duh! In your dreams! Hindi mo 'ko maloloko, Grayson!"
Natawa naman ito. "Alangan, hindi naman naging tayo, diba? Unless kung gusto mo, hindi naman kita hahayaang mahulog lang."
"Asa ka pa na papatol ako sa katulad mo!" sabi nito sabay talikod at dumiretso sa labas.
Bumuntong-hininga ako. I took a peek outside the window at nakitang malapit na ngang sumapit ang gabi. Kanina pa pala nagdidiskusyon ang mga kasama ko rito at hindi ko na napansin ang mabilis na pagtakbo ng oras. Baka hinahanap na ako nina Mama't Papa. Besides, baka matatagalan din bago maka-recover si Jena. Hindi pa naman biro ang pinagdadaanan niya.
"Eycee, sa'n ka pupunta?" tanong ni Blair.
"Um, uuwi na ako. Kayo na bahala kay Jena. Text niyo na lang ako kung maayos na ang lagay niya."
Sinubukan pa akong pigilan ni Jayril. "Dito ka na mag-dinner, Eycee! Marami kaming inihanda rito."
I smiled and shook my head "Hindi na. Baka hanapin ako nina Mama. Sige, mauna na ako. Si Jena, ah. Huwag niyong pababayaan. Tutuloy na ako."
"Ingat ka!" dugtong pa ni Blair.
"Ihahatid na kita," presenta ni Diego.
Hindi na ako tumanggi at umangkas na nga sa kaniyang motor. Baka kase lalo lang akong gabihin kapag nag-commute pa ako. Nang makarating na kami sa tapat ng bahay, nagpasalamat ako sa kaniya at pinaalalang mag-ingat siya sa daan.
Ilang minuto na ang nakalipas nang makaalis na si Diego. Mayamaya'y, narinig ko ang alitan nina Mama't Papa. The door yanked open. Tumambad doon si Papa na dala lahat ng mga gamit niya. Naguluhan ako sa nangyayari kaya binuksan ko kaagad ang gate.
"Ma! Pa! Ano po 'to? Anong nangyayari?" balisang tanong ko. "Pa, where are you going?"
"Fernan! Huwag kang umalis! Huwag mo kaming iwan ng mga anak mo!" pagmamakaawa ni Mama.
"Fernando!"
My mom was too desperate para pigilan siya. Pero hindi iyon naging sapat para manatili si Papa.
"Aalis na ako at hindi na rin babalik!" Papa said with finality in his voice. "Anak, I'm sorry. Patawarin mo 'ko sa gagawin kong 'to."
"Maawa ka, Fernan! Huwag mong ituloy ang umalis! Pakiusap! Mahal na mahal kita! Hindi ko kayang mawala ka!"
"P-Pa..."
Mama's in tears, begging him to come back, and on bended knees. Papa's holding his things, prepared to turn his back on us. At samantalang ako? I'm torn between someone who's heartbroken and someone who breaks heart. Pareho ko silang mahal at gustong manatili pero malabo na atang mangyari 'yon.
A car arrived in front of the gate. Sinubukan ko pang pigilan si Papa pero tumuloy pa rin siya. I saw a woman in the driving seat, ngumiti kay Papa at tinulungan pa siyang ipasok ang kaniyang mga gamit. Narinig ko naman ang walang tigil na pagmumura at pagsigaw ni Mama. Hanggang sa nawala na ang sasakyang 'yon sa paningin namin.
Naiwan sa isipan ko ang imahe ng papalayong pigura ni Papa, the sweet smile of her mistress, at ang sabay nilang pag-alis. And this moment will always remind me how my family broke. Bigla akong napanghinaan ng loob.
This is when I realized what Jena felt the moment she knew that Reagan cheated on her. Masakit pala talaga. At alam kong hindi ito matatablahan ng kahit anong advice.
Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha. Halos wala na akong maramdaman. My lips trembled. My arms, fingers...turned numb. Inalo ko kaagad si Mama dahil alam kong mas kailangan niya 'yon ngayon.
"M-Ma..."
"Mahal na mahal ko ang Papa mo, anak. Wala akong pagkukulang sa kaniya bilang asawa! Lahat binigay ko. Pero bakit iniwan niya pa rin ako at mas pinili ang babaeng 'yon?!"
She's a strong woman ever since. Gano'n ang pagkakakilala ko sa kaniya. Pero no'ng nawala si Papa, parang hindi na siya masaya na salubungin ang bawat araw. He left her wounded. Her heart has been broken many times. Ngayon lang ang pinakamalala dahil tuluyan na nga siyang iniwan ng taong minahal niya nang higit pa sa kaniyang sarili.
Sa pagkakataong ito, mas lalo akong nabigyan ng dahilan para hindi na pumasok sa isang relasyon. Nawalan na ako ng gana. Jena and Mama's story are the living proof that 'men break more hearts than women.' Itatatak ko 'yon sa puso't isipan ko. I'll never forget what happened to the both of them.
Mas napatunayan ko ngayong nakakatakot pala talaga ang sumugal sa pag-ibig. Ayoko na talagang subukan pa. Ayokong masaktan kagaya nina Mama at ng kaibigan ko. I've already seen how they cry over a man. I could now prepare myself from heartaches.
That is to never fall in love.
•••
WHIRLS OF THE SAND
Chapter 1: Heartache
Written by: MeiMoNymous
Strings of Romance Series #1
©All Rights Reserved 2020