Chereads / Whirls of the Sand / Chapter 2 - Chapter 2 : Roujen

Chapter 2 - Chapter 2 : Roujen

Strings of Romance Series #1

WHIRLS OF THE SAND

Chapter 2: Roujen

"Free writing is a type of poetry na alam kong magugustuhan ninyong lahat. Kase wala itong strict format. No rhymes, no meter. Katulad na lang ng ilang mga spoken poertry. It doesn't necessarily follow ground rules. All you need is a pen, paper and your heart to write."

Habang abala sa discussion si Mrs. Galvez, lumilipad naman ang utak ko sa ere. Halos ilang araw na ang lumipas, medyo okay na rin si Jena. Ngunit ako hindi pa rin nakaka-get over sa pag-iwan sa'min ni Papa. 'Yong na-upload na video namin, nawala na. Ewan ko kung pa'no 'yon nangyari. Salamat na lang nang marami sa kung sinumang nag-tanggal sa internet.

Hay! Hindi pa rin ako makapaniwala. Pakiramdam ko nakulong lang ako ng bangungot at kailangan ko lang gumising dahil hindi naman ito totoo. I slapped myself for almost a hundred times now. Nalungkot ako dahil totoo nga talaga ang lahat ng nangyari.

"Kapag wala kayong maisulat, don't stop. Continue your piece through dots. And then, whatever pops out in your mind, isulat niyo. That's a good start to all of you. Na-e-exercise pa ang mental capacity niyo sa pagsusulat."

Hinarap ko ang blangkong papel. I'm not in my writing mood kahit hilig kong gawin 'yon. Para kaseng gusto ko na lang umiyak kahit dito sa klase. Hindi ko na kase kaya. Ilang gabi ko ding sinubukang i-contact si Papa pero hindi niya na gamit ang registered number nya sa phone ko. Si Mama, hindi pa rin okay hanggang ngayon. Palagi pa rin siyang malungkot at umiiyak.

"So, I will set the timer for three minutes. Isulat niyo lahat ng nasa isip at puso niyo sa loob ng oras na 'yon. It's better if you'd be choosing a topic that's close to your heart. Mas maganda 'yon. And when I said stop, itaas lahat ng mga writing pen," Mrs. Galvez instructed. "At the count of three, magsisimula na kayo."

"In 1, 2, 3! Timer starts now!"

How would I start this?

Minuwestra ko ang aking kamay sa arm chair atsaka tinuon ang mga mata sa papel. Wala akong mapiga sa utak ko ngayon. Hindi ako makapag-isip nang maayos. I shook my head in dismay. Napasabunot pa ako sa sariling buhok dahil wala talaga. Wala akong maisulat.

Hanggang sa bumalik ulit 'yong mga nakaraang nangyari. Kay Jena. Kay Mama. Nakaramdam ulit ako ng galit. Para akong natauhan at nahimasmasang lasenggo na alam na ngayon ang dapat gawin.

Dear Pag-ibig,

Bakit kapag nasa buhay ka ng isang tao, sinasaktan mo sila?....... Pinapaasa mo silang magtatagal ka.......Na kaya mo ding patunayan ang forever...........Na kahit mamatay sila, nando'n ka pa rin........Pero bakit nawawala ka pala?......Bakit hindi mo 'yon sinabi no'ng una?......Andami mong pinaluha! Andaming naniwala sa'yo!........Andami pang sumugal......para lang malaman kung ikaw nga ba ang magiging dahilan para sumaya sila........Pero sana ipinaalam mo na....ikaw din pala ang magiging dahilan ng pagkawasak nila...

Salamat dahil kahit papano may mga taong sumaya dahil sa'yo........Pero nalulungkot ako na....no'ng....no'ng nawala ka, nawasak ang pamilya ko...pati ang kaibigan ko...Bakit hindi ka na lang nagtagal?.......Sana gano'n para hindi ko na 'to nararamdaman...Nag-stay ka na lang sana.....

Yours Truly,

Eycee

My tears fell when I was already halfway done. Ang imahe ni Papa at ng kabit niya ang paulit-ulit na bumabalandra sa isipan ko. And it kills me. Mas dumiin ang pagsusulat ko, kahit pa sa mga tuldok lang.

All throughout my writing, iyak lang ako ng iyak. Buti na lang nakatulong ang buhok at panyo ko para hindi mahalata ng seatmate ko o ng kahit na sino. Nababasa din ng luha ang pinagsulatan kong papel at mahina akong napapasinghot. Alam kong hindi pa tapos ang three minutes, may oras pa ako. Kaso hindi ko na kaya. Mas naiiyak lang ako lalo.

"Excuse me, Ma'am. May I go out?" pagpapaalam ko.

"Tapos mo na ba, Eycee?" tanong niya.

"Opo, Ma'am."

Pagkasabi ko no'n, pinayagan niya na akong lumabas. Dumiretso kaagad ako sa C.R. May ilang students from lower grades ang naroon. Pumasok ako sa pinakagilid na cubicle at umiyak nang umiyak. Wala na akong pakealam kung anumang sabihin ng mga nakakarinig sa'kin.

Eycee! Iiyak mo lang lahat ng sakit! 'Pag nagawa mo 'yan, gagaan ang loob mo! Huwag mong kimkimin! Ilabas mo lang! Wala namang dapat pumigil sa'yo!

Ilang minuto akong naroon sa loob. Hanggang sa may kumatok sa pinto. Nakita ko ang black shoes ng taong 'yon mula sa baba. Other cubicles were not in use, bakit hindi na lang siya doon?

Napatigil ako sa paghikbi at inayos ang sarili. I breathed in and out for the nth time. Pinipilit kong pakalmahin muna ang sarili ko bago humarap uli sa mga tao. Marahan ang pagkatok ng taong 'yon kaya mukhang hindi naman siya iihi o ano. Ewan ko lang kung bakit wrong timing pa ang ginawa niyang 'yon.

"S-sandali lang," sabi ko, pinalis ko na kaagad ang mga luha ko, atsaka do'n naman napatigil ang pagkatok nito.

Konti na lang ay iisipin ko na talagang nasa loob ako ng horror film. Silent atmosphere. Soft knock from the door. Itim na sapatos. Mag-isa ako. Malungkot pa. Wala namang tao sa ibang cubicle pero dito pa mismo sa banda ko kumatok. Pang-horror na talaga!

Pero dahil sa mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko ngayon kesa sa takot, buong tapang kong binuksan ang pinto.

WOAH!

My teary eyes almost bulged. Hindi ako makapaniwala sa nilalang na sumulpot dito sa harapan ko! Halos mawala lahat ng sakit na nasa loob ko. Parang nabuhayan ako bigla.

Is this....real?

"Miss," bungad ng isang lalaki na siya palang kumakatok kanina dito sa—teka, siya 'yong nakita ko noon sa Student Center. 'Yong gwapong lalaki!

Si Mr. Hot, Handsome and Head-turning!

"Couldn't you moan with your low voice? You were too noisy." dagdag niya.

Napalinga-linga siya sa paligid, parang may hinahanap. Nang ma-proseso ko na kung ano 'yong sinabi niya, halos magtaasan ang lahat ng likido sa buo kong katawan. Namula pa ako. Damang-dama ko din kung pa'no umusok ang ilong ko dahil sa galit.

"You should have put a signage outside that you're pleasuring yourself at this hour. Edi sana, kami na ang nag-adjust para sa'yo." hirit pa niya.

He moved his head forward and looked at me in disdain. Halos magsalubong naman ang kilay ko dahil sa mga paratang niya.

Aba, greenminded pala ang lalaking 'to! No wonder, mukhang foreigner at utak foreigner din siya!

"I'm not moaning or pleasuring myself!! FYI, umiiyak ako no'n! Bakit napakabastos ng nasa isip mo?!" sigaw ko.

Gwapong-gwapo pa naman ako sa'yo! Kaso ganyan ka pala mag-isip!

"Alam mo, wala sana ako sa mood para makipagsagutan pa sa'yo. Pero pinainit mo ang ulo ko! Napakabastos din ng mga sinabi mo sa'kin! Eh, hindi naman totoo ang mga 'yon! Bakit? Gano'n ba ang mga babaeng kilala mo kaya gano'n din ang tingin mo sa'kin? Ibahin mo ko 'no!"

He let out a sigh and raised the side of his lips. Mataman niya akong tiningnan. Ilang dangkal lang ang agwat ng mukha namin. I stiffened. Para akong na-hypnotize. Imbes na ma-insulto, mas namangha pa ako sa namumungay niyang mga mata. Those eyes are stormy black in color. His very own shade. Ito siguro ang dahilan kung bakit nakukuha niya kaagad ang atensyon ng kahit na sino.

He suddenly snapped his fingers. "Whether you really cry or moan, you were still noisy. You still disturbed me. Well, not just me. Marami pang ibang students ang naabala dahil sa'yo. Even the faculty head and staffs. That's somewhat embarrasing!"

Napa-iling-iling siya. "What will they tell you, then?"

"Ano?!" bulalas ko.

Kinonsensya niya ako sa sinabi niyang 'yon. My eyes widened. Totoo ba? Totoong may mga teachers ding nakarinig na umiiyak ako dito? Tapos kagaya din sila ng lalaking 'to na inisip nilang umuungol ako?

Oh no!

"So, if I were you, if you don't want to be punished, come with me." dagdag pa niya.

What? Edi, mas nakakahiya 'yon! Iisipin nila lalo na may nangyari ngang milagro dito dahil dalawa lang kaming narito. Lalaki siya, babae ako. Nasa C.R. kami. Kahina-hinala talaga!

"Ayoko! Ano na lang ang sasabihin nila? Mas nakakahiya 'yon!" kontra ko saka siya sinimangutan.

Humalukipkip siya, tila iritado sa pahayag kong 'yon. His sexy lips mouthed an expression. Hindi ko nga lang naintindihan.

"Do I look like someone who'll take advantage of you?"

Ni-head-to-toe niya ako. Nagtaas kilay naman ako sabay yakap agad sa sarili. Tumiim-bagang siya. He also gave an emphasis to the word 'you.' Na parang ang ibig sabihin no'n, hindi ako 'yong tipo ng babaeng sasamantalahin niya.

I rolled my eyes at him.

"Anong advantage ba sinasabi mo? Hindi naman 'yon ang gusto kong sabihin."

"Tsk!"

He uncrossed his arms. Tsaka ako in-eksamina. Tiningnan niya ang pisngi kong may basa pa ng mga luha ko. I wiped it immediately. Napa-iwas naman agad siya ng tingin.

"Tigas ng ulo!"

Walang ano-ano'y hinila niya bigla ang kamay ko. Napaka-desidido niya talagang samahan ako palabas. Nagmumukha tuloy na siya ang mas matigas ang ulo sa'ming dalawa.

Mahigpit niyang hinawakan ang palapulsuhan ko hanggang sa madulas ito sa aking palad. His long fingers on my palm gave me a sudden jolt. Para akong kinuryente na hindi ko alam. Basta. Hindi ko lang ma-explain. Kaya 'yon, hindi kaagad ako nakapagsalita para sana pigilan siya.

Bago niya pa mabuksan ang pinto ng C.R., nakahanda na ako. Mariing nakapikit ang aking mga mata. Nakapagtago na rin ako sa itim niyang blazer. Mabuti na lang pala at napakatangkad ng lalaking 'to.

"I can't believe your boyfriend could cheat on you, Veronica. Nakakahiya ang ginawa nila!" wika ng isa sa mga naroon at nakaabang sa tapat ng C.R.

So, may girlfriend. Taken!

Niluwagan ko kaagad ang hawak ko sa kaniya. Nakakahiya naman kung makita ng babae niya. Ayoko pa namang naninira ng relasyon, kung sakali man.

When he noticed that I loosened the grip, pinagsalikop niya ang mga daliri naming dalawa. I gulped. Bakit niya ginawa 'yon?

"He did that on purpose. Para siguro gantihan ka!"

Ang ilan sa kanila ay panay ang sulyap sa'kin. Tinutukoy kung sino ako. Mas lalo ko namang pinag-igihan ang pagtago. Kinakaban na ako. My face turned pale, almost wanting to run away from here.  Dahil sa mga oras na 'to, mas nangibabaw na ang takot sa'kin kesa sa sakit. Nagkabaliktad na bigla!

"Roujen?!" gulat na sigaw ng maputi't magandang babae sa harap namin. "You're making out with someone? At sa female C.R. pa? Sorry to call it cheap, ah! But, yes, it is! Rouj! I never expected na ikaw pala ang pinag-uusapan nila rito. How could you?!"

Making out? Public C.R.? Cheap? Pinag-uusapan? Bakit ba sobrang layo ng interpretation nila sa aktwal na nangyari?

"Back off," he commanded in a cold tone. "I won't explain anything to you."

"Roujen!" inis na tawag nito pero nagpatuloy lang sa paglalakad 'tong nasa harap ko. "Roujen, you have to explain this to me!! Roujen!!"

Nilagpasan niya lang ang mga 'yon at mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko. Na para bang nilalayo niya ako sa kanila. Dahil nga sa mukhang mababangis ang mga babaeng 'yon at baka lapain pa ako ng buhay. Lalo na 'yong girlfriend niyang Veronica. Nakakatakot pa namang magalit. Parang handa pang suyurin ang mundo para lang sa boyfriend niya.

Akmang susunod na sana sila sa'min ngunit agad may humarang sa kanila na grupo ng mga kalalakihan. They were all in black suit, wearing their sunglasses. Maangas ang datingan nila. Kumbaga, mga bodyguards ng royal family.

Napatakip ako sa bibig. This guy is not just attractive, mayamang-mayaman din. Biruin mo may pa-gano'n pa siya. Ilang hakbang lang, meron na kaagad siyang guards. Ibang klase talaga!

Bigla ko tuloy naalala ang mga sinabi ko sa kaniya kanina. Kinilabutan tuloy ako sa mga iniisip kong posible niyang gawin sa taong 'tulad ko. 

I stared at our intertwined fingers and I reddened a bit. Bakit hanggang dito hindi niya pa rin ako binibitawan? Ibig sabihin ba nito, maghihiganti siya sa'kin? Ako ngayon ang ipapalapa niya sa mga bodyguards niya?

Pwes, bago pa mahuli ang lahat, uunahan ko na siya sa kaniyang plano!

"Um. 'Yong kamay ko, pwede bang pakibitawan na. Ang sakit na kase," buong tapang kong nireklamo sa kaniya.

Bumagal naman bigla ang lakad niya no'ng palabas na kami ng building. Nakita kong nasa likod na kami ng gym no'ng mapatigil siya, beastmode ang mukha. He let go of my hands. Napahaplos ako sa kamay kong iwinaksi niya, medyo namumula pa. Kinagat ko ang labi ko. Ang-harsh niyang humawak ng kamay. Siguro, kung hindi ko pa sinabi sa kaniyang sumasakit na 'to, baka nagkapasa pa 'tong palapulsuhan ko.

"Pasmado ka ba?" inis na tanong niya. "Look at my hand. It's wet! Kagagawan mo 'to." sabay punas sa kamay gamit ang panyong dala niya.

My anger rose in an instant. Napaka-arteng lalaki! Akala mo naman kung ano na 'yong ginawa ko sa kaniya. Grabe, nabasa lang! Tsk! Ang-arte por que mayaman!

"Sorry. Hindi ko naman kase alam na hahawakan mo 'tong pasmado kong kamay," I said with sarcasm and mentally rolled my eyes.

Hindi naman siguro nakaka-offend masyado 'yong sinabi ko. Baka kase biglang sumulpot ang mga alalay niya at kung ano pa ang iutos niyang gawin nila sa'kin.

"Besides having wet cheeks, you also have wet palms. I wonder if you're also wet down there," he mocked with a sly grin.

Nag-init bigla ang pisngi ko sa sinabi niyang 'yon. His green jokes are really out of place. Wala atang oras na makakalimutan niyang magbiro ng gano'n. Nakakainsulto! Nakakabastos pa!

"Bastos! Manyak! Pervert! Nakakainis ka! Napaka-berde talaga ng nasa isip mo!" hindi ko mapigilang sigawan na siya. "I actually thought na disente ka mag-isip. Kaso mali pala ako. Diyan ka na nga!"

Akmang aalis na sana ako nang sandaling dumilim ang aking harapan. Before I could ever take a step, minuwestra na kaagad ng lalaking 'yon ang sarili niya sa daanan para harangan ako. I knitted my eyebrows. Talagang may gana pa siyang gawin 'to ngayon. Panira talaga siya ng araw!

"Hey!"

Pinandilatan ko siya.

Hindi talaga nakakatuwa kapag gano'n ang mga biro 'no!

"Mauuna na ako. Ayokong magtagal pa rito habang iniisip kung ano na namang kabastusan ang lalabas diyan sa bibig mo!" gigil na sabi ko at talagang aalis na sana pero pa-harang-harang pa rin siya sa direksyon ko.

"Walking away without even thanking me?" saad niya saka ibinulsa ang kamay sa pocket ng kaniyang slacks.

"If I didn't risk to hold your wet hand, sira na siguro ang buhay mo ngayon."

Nagkibit-balikat siya. "Because if those girls get the chance to know who you are, they'll be posting your face all around the campus with a red scar. Worst, you'll be the enemy of almost a thousand students in this institution. And I know you won't like it."

Mangongonsensya ka pa talaga ngayon?

I heaved a sigh. "Salamat sa'yo, ah. Hindi pa nila nasisira ang buhay ko ngayon." Dahil ikaw naman ata ang sisira! "Salamat talaga!" madiing sabi ko.

"You didn't take it seriously."

Humalukipkip ako. "I did!"

"Tsk! Bahala ka." masungit niyang tugon. "If one day I see you with a red scar, don't ever blame me. I already warn you."

Tumikhim ako sabay yuko. Inangat ko ang aking mukha. At nag-register na naman sa'kin ang expressive niyang mga mata. Binalot kaagad ako ng pagkailang. So, I immediately diverted my sight to the digital clock near us.

"Kung gano'n pwede ka na bumalik sa girlfriend mo. Ipaliwanag mo sa kaniyang walang anumang milagro na nangyari sa'tin. Para hindi mo na ako takutin pa. At hindi na rin siya mag-isip ng kung ano. Salamat ulit."

"Milagro?" painosenteng tanong niya.

Ngayon pa talaga siya aasta na parang wala siyang alam sa mga gano'ng bagay. Eh, mukha namang expert pa siya sa usaping 'yon.

"Alam mo na 'yon. Hindi ko na kailangang ipaliwanag pa sa'yo." tugon ko. "Ikaw ang may dapat pang ipaliwanag sa mga naiwan do'n. Linisin mo na reputasyon mo. Atsaka...'yong relasyon niyo. Mukhang galit talaga sa'yo ang girlfriend mo."

Napangiwi ako dahil may sumagi bigla sa isipan ko.

"Sorry, ah. Nadamay ka pa sa ka-dramahan ko."

He stretched his lips into a smirk. "Why would I explain anything?"

"Syempre, girlfriend mo! Kailangan niya talagang malaman."

"I don't think so."

Inirapan ko siya. "I-explain mo. Baka maghiwalay kayo. Tapos sabihin nilang ako ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon niyo. Dahil diyan sa maling hinala nila. Ayokong makasira ng iba. Sa kahit anong dahilan, ayokong mangyaring may maghiwalay nang dahil sa'kin."

Ayokong maging katulad ni Mari sa relasyon nina Jena at Reagan. At mas lalong ayoko ding matulad sa kabit ni papa, na ngiting-ngiti pa habang binubuwag ang pamilya namin.

"I'll act that I didn't hear anything from you. I'll never explain it to them," he said with finality in his voice.

"At wala kang magagawa do'n."

•••

WHIRLS OF THE SAND

Chapter 2: Roujen

Written by: Charmm_Chamm

Strings of Romance Series #1

©All Rights Reserved 2020