Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Summer Was A Roller Coaster Ride

🇵🇭Xyke_Arkus
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.5k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Lumabas ako ng kwarto ko hila-hila ang isang maleta at isang backpack. Mag babakasyon kami ng isang buwan ngayon sa Bicol, Ang hometown ni Lola.

Bumaba ako mula sa second floor papunta sa sala namin. Inilagay ko ang maleta at ang backpack sa sofa.

"Amor! Abangan mo sila Tita mo! Malapit na daw sila." Sigaw ni mama mula sa kwarto nya sa second floor.

"Okie! " Lumabas naman ako ng bahay papunta sa garden hanggang sa gate. Mga 10 min na pag aantay ay may humintong mini Bus sa harap ko.

"Amor!" Tawag sakin ng 24 y/o kong pinsang babae, si Ate Riana. Nag mamadali syang bumaba ng mini Bus at pumunta sakin para mayakap ako ng mahigpit.

"Ate Riana!" Yumakap ako sakanya pag lapit nya sakin. Bumaba naman ang kapatid nya na sumunod sakanya na si Ryza, 19 y/o. Nag hiwalay kami ng yakap at lumapit naman si Ryza sakin.

"Hi ate Amor!" Bati naman sakin ni Ryza. Binati ko din sya at niyakap din katulad ng ate nya.

"Sabihin mo kila Tita andito na kami." Sabi ni ate Riana. Tumango ako at pumasok ulit sa bahay.

"Ma, andito na sila tita!" Sigaw ko mula sa sala. Nag mamadaling bumaba ang Bunso kong kapatid, si Brian- mula sa second floor, sumunod naman sakanya ang Kuya namin, si Nicholas, na dala dala ang isang malaking backpack. Kinuha ni kuya Nicholas ang maleta at backpack ko at inilabas na ito.

"Tara na, tara na!" Nag mamadaling lumabas ang Lola namin mula sa kuwarto nya dito sa first floor, ang aming Lola Clefa.

"Mama! Wag kang mag madali! Maaantay tayo nyang bus." Suway naman ng mama ko na pababa ng hagdan dala ang dalawang maleta nila ng bunso naming kapatid. Tinulungan ko naman syang ibaba ang mga maleta.

"Mahaba pa kasi ang byahe natin! Kaya bilisan nyo na!" Excited na sabi ng Lola ko. Naka ngiting napailing-iling nalang kami ng mama ko.

Inilabas na namin ang mga gamit namin papunta sa mini bus na nirentahan nila Tito at Tita, at inilagay ito sa malaking compartment sa baba ng mini bus. Pag pasok namin sa loob, nakaupo ang Mama at Papa nila Ate Riana at Ryza sa likod ng driver, si Tita Sheila at Tito Mario. Nasa opposite side naman nila ang isa sa mga kapatid ni lola at ang asawa neto, si lolo Celio at lola Charm. Sa dulo ng Bus naka upo naman ang dalawa kong pinsan, diba sa dulo ng bus may limahang upuan sa likod? Yun, dun sila umupo. Mga 20 seats lang naman ang mini Bus na to.

Lumapit ako kila Tito at Tita saka nag mano. Nginitian nila ako at nakipag kamustahan na kila Mama at Lola nang makita nila ang mga ito. Nag mano din ako sa Lolo Celio at Lola Charm ko.

Nag madali naman akong pumunta sa dulo ng Bus at pumwesto sa may bintana. Sumunod ang kuya ko at pumwesto sa harap namin.

Bali ang upuan namin sa likod ay ganto:

Seat_Seat Seat_Kuya Nicholas

Ate Riana_Ryza_space_space_me

Mag kakaaway lang ang peg?

"May mga kasama pa daw tayo." Sabi ni Ate Riana sakin. Humarap ako sakanya at tinaasan sya ng kilay.

"Sino?" Tanong ko.

"Diba kasama natin sila Tita Jane pati si Tito Mike?" Tanong neto , tumango naman ako.

"May kasama pa daw silang limang tao, tapos si Lola Leona pa." Sabi ni Ryza. Tumango tango ako at inilabas ang earphones ko. Isinalpak ko ito sa Cellphone ko at nag pagtugtog. Si Lola Leona ay pinsan nila Lola Clefa at Lolo Celio.

"Sana may pogi dun! Hihihi." Tinaasan ko naman sya ng kilay sa sinabi nya.

"Hoy, may boyfriend ka na!" Suway ko sakanya. Malungkot na tinignan nya naman ako.

"Wala na kami Amor, gusto nya daw munang maging malaya." Sabi nya. Gulat na tinignan ko sya.

"Mag 8 years na kayo ah?" Gulat na sabi ko. Nag kibit balikat ito at tumingin nalang sa labas ng bintana. Nalungkot naman ako sa balita nya sakin.

Nang nasa daan na kami bigla kong naramdaman ang cellphone ko na nag vibrate. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakita na ang boyfriend ko pala. Sinagot ko naman ito agad.

"Hello, Darling?" Rinig kong sabi ni Leo Vince, sa kabilang linya.

"Hello!" Masayang bati ko sakanya.

"Nasa byahe na kayo?" Tanong nya.

"Yes! Kakaalis lang namin."

"Walang Forever!" Bitter na sabi ni ate Riana. Tinawanan ko lang ito.

"Meron kaya!" Pang aasar ko sakanya. Nag make face lang naman sya sakin.

"Ay, uhmm... Sige na, mamimiss kita!" Sabi nya. Bakit parang nag mamadali naman sya masyado?

"Sige, mag ingat ka lagi ah? Wag mag pa lipas ng gutom! Walang signal dun kaya hindi na kita matatawagan o matetext." Paalala ko naman.

"Sige, bye!" Sabi nya saka agad agad pinatay ang tawag. Wala man lang "I love you?" Takhang sabi ko sa isip ko.

"Mag hihiwalay din kayo no!" Sabi ni ate Riana. I rolled my eyes, slightly giggling.

"Ewan ko sayo te! Mag hanap nalang tayo ng pogi dun para sayo!" Pabirong sabi ko sakanya.

"Sige sige, gusto ko yan!" Masayang sabi nya. Napa iling naman si Ryza. Hindi kasi sya mahilig sa ganun. Medyo boyish tong isang to e.

Nag tuloy tuloy ang byahe namin hanggang sa makarating kami sa isang mall. Nakita namin sila Tita Jane, Tito Mike at Lola Leona namin na may kasama pang iba.

"Oh? Kate, Mario!?" Bati ni Tito Mike kay mama at kay tito Mario. Tumayo si Mama sa kinauupuan nya at nakipag yakapan sa Pinsan nila.

"Baklang to! Miss na kita!" Bati ni mama. Bumati din si Tito at nakipag yakapan sa pinsan.

"Kate! Mario! Mga Pinsan ko!" Tili naman ni Tita Jane pag pasok ng mini bus. Nag yakapan din sila nila mama at Tito.

Nag tinginan naman kaming mag pinsan dito sa likod, nag tatanungan sa mga tingin kung mag mamano ba kami o makikipag beso sa mga bagong dating? Umiling nalang si Kuya bilang sagot na wag nalang sirain ang kasiyahan ng mag pipinsan sa muli nilang pagkikita kita.

Nag si pasukan na din ang mga kasama nila. Sa kalagitnaan ng masasayang kuwentuhan namin nag salita ang Lola Leona namin, she's 80.

"May sayawan duon! Mag sayaw kayong mga kabataan duon ha?" Sabi nya habang naka harap samin dito sa likod. Natigilan kaming mag pipinsan.

"Anong sayawan yun Lola?" Tanong ni Ate Riana.

"Party yun, pero may part na pang sweet dance!" Masayang sagot neto.

"Kelan yun Lola?" Tanong ko naman.

"Sa susunod na gabi." Masayang sagot nya.

Napa ngiti nalang kami ni ate Riana sa narinig. Lalo na ako, ang plano ko pa naman ay mag clubbing sa bicol kasama ang mga pinsan ko kaya sakto!

Fast forward to 11 hours on the road and 1 hour on the boat. The time is now 8:25 P.M.

"Kuya palagay nyo nalang yan dun sa bahay ah?" Sabi ni mama sa isa sa mga Pinsan nya. Tumango ang tito ko at isa isang dinala ang mga gamit namin sa bahay.

Pag baba na pag baba ko ng bangka na sinakyan namin, tinalunan agad ako ng isa sa mga Pinsan ko dito sa Bicol. Habang sila mama ay pumunta na sa iba pa nilang mga pinsan, kasama ang bunso kong kapatid.

Bumagsak ako sa buhanginan habang nasa itaas ko ang pinsan ko na bigla biglang na sulpot kung saan.

"Amor!!!" Masayang bati sakin ni Michael Rem, 18 y/o.

"Omg! Hi Rem!" Bati ko naman sakanya. Lalo nyang hinigpitan ang pag kakayakap sakin. Niyakap ko din naman sya pag tapos kong magulat sa pag yakap nya. Tumayo naman na sya at bumitaw sa pag kakayakap.

"Kumain na ba kayo?" Tanong nya samin pag tapos naming tumayo. Umiling kami nila Ate Riana.

"Hindi ako gutom, dun nalang ako sa bahay." Sabi ng Kuya ko. Tinanguan lang namin sya at umalis na ito.

"Napaka Anti Social talaga nyang Kuya mo! Pati ba naman satin ayaw makipag bonding?" Sabi ni ate Riana. Na tawa nalang naman ako, ganon kasi talaga si Kuya Nicholas e, mas gusto nya talaga na mag isa sya kesa makipag halubilo sa iba.

"Tara sakto inaantay namin kayo. Kain na tayo!" Sabi ni Rem. Tumango kami at nag punta sa isa sa mga bahay ng mga Lolo namin. Dere-deretso ang pasok namin sa bahay ng Lolo namin, at hindi pinansin ang mga nag tatakang tingin ng mga tao samin sa labas.

"Amorr!" Masayang bati sakin ng pinsan ko pag pasok namin sa sala, si Louisa, 21 y/o. Tumayo ito at niyakap ako.

"Ate Lou!" Bati ko sakanya. Bigla namang may humila sakin mula sa pag kakayakap ng pinsan ko kaya nag reklamo ito.

"Hi Amor!" Sabi ng humila sakin at saka ako niyakap. Sa boses palang kilala ko na ito, si Karl, 20 y/o.

"Hello!" Niyakap ko din sya pabalik. Humiwalay naman sya dahil sa pag hila pa balik ni Ate Lou sakin saka sinamaan ng tingin ang pinsan namin.

"Eto nga pala kaibigan ko, Si Joseph." Tinuro ni Karl ang kaninang katabi ni Ate Lou na lalaki. Nginitian ako neto at tumayo.

"Joseph po!" Pag papakilala nya. Inilahad nya ang kamay nya para makipag shake hands.

"Amor." Pag papakilala ko din. Inabot ko naman ang kamay ko saka hinawakan ang kamay nya at nakipag shake hands.

"Infairness bagay kayo ah!" Biglang sabi ni Ate Riana. Gulat na tinignan ko naman sya.

"Huy! Kakakilala man lang nila!" Sabi ni Karl, his Bicol accent showing. Tinanguan ko naman sya sa sinabi nya.

"Oo nga, ano ka ba 'te." Suway ni Ryza sa ate nya.

"Ay oo nga pala! Eto naman si Riana at si Ryza, pinsan din natin sila. First time nilang pumunta dito." Pag papakilala ko naman. Nakipag yakapan din sila sakanila at nag pa kilala.

"Tara kain na tayo!" Sabi ni Rem. Kukuha na dapat ako ng pag kain ko ng pigilan ako ni Ate Lou.

"Kuhanan nyo na kami Rem para makakain na tayo." Utos ni Ate Lou sa mga lalaki. Wala naman silang palag na pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain namin. Naupo si ate Lou sa isang sofa kaya umupo na din kaming tatlo nila ate Riana sa katapat na sofa.

Bigla namang may pumasok sa back door ng sala.

"Baliw be! May itsura talaga yung lalaki, OMG!!!" Sabi ng lalaki, or should I say, bakla.

"Nako tigilan mo nga yan Beks! Lahat naman ng tao may itsura!" Suway naman sakanya nung babae na kasama nya. Napahinto silang dalawa ng makita na may ibang tao sa sala.

"Ayan na pala kayo eh! Eto nga pala ang mga pinsan ko sa Manila." Pag papakilala ni ate Lou samin sa babae at sa bakla.

"Eto si Amor, si Riana, at si Ryza. May dalawang kapatid si Amor na lalaki kaso wala dito, dumeretso ata sa bahay nila." Sabi ni Ate Lou.

"Eto naman si Alexander, tawagin nyo nalang syang Beks okaya Alexa. At eto si Cathy. Kaibigan namin sila ni Karl sa Caloocan." Nakipag kamay ako sakanila at tinignan silang pareho. Si Beks, ay Chubby ang face, pero pogi, naka sando sya at beach shorts, di mo naman mahahalatang bakla sya kaya medyo naguluhan ako kanina. Si Cathy ay naka pajama na, infairness ang ganda nya! Kaibigan lang ba to ni Joseph at ni Karl? Hinayaan lang nilang maging kaibigan to????

Naupo naman sila sa tabi ni ate Lou at nag tuloy tuloy ang usapan namin, tungkol lang naman sa kung anong anong bagay.

Maya-maya, dumating naman sila Karl na may hawak na tig-dalawang plato sa kamay. Inabot ni Karl ang isang plato kay ate Lou at ang isa ay kay Ryza. Sabay naman na inabot ni Rem at Joseph ang isa sa mga plato na hawak nila sakin. Gulat na tinignan naming lahat silang dalawa. Habang sila ay nag sukatan ng tingin.

Awkward na kinuha ko ang plato na inaabot sakin ni Rem. Kinuha naman ni ate Riana ang inaabot ni Joseph.

"Andito naman ako diba?" Pabirong sabi ni ate Riana. Nag tawanan naman kami sa sinabi nya. Inabot ni Rem at Joseph ang iba pang plato kay Cathy at Beks. Kumuha naman silang tatlo ng pagkain nila.

"Ilang taon na nga pala kayo Cathy?" Tanong ni ate Riana.

"Ako kaka-22 ko lang last week. Etong si Beks 21." Sabi ni Cathy.

"Edi Ate pala ang itatawag namin sayo! Ako at si Ryza 19 lang e, si ate Riana 24." Sabi ko.

"Ay ok, ako talaga pinaka matanda!" Reklamo ni ate Riana. Nag tawanan naman kami ng marealize nya na sya pala ang pinaka matanda saming lahat.

Ako nga pala si Amor Lizzele M. Mora. At eto ang simula ng up and down story ng bakasyon ko.