"Color game tayo? Padamihan ng mahuhulaang kulay!" Hamon ni Karl sakin.
"Aba! Game! Wag kang iiyak mamaya ah?" Sabi ko naman sakanya. And at that moment nakikita na namin ang perya kaya automatic na nag paunahan kami papunta duon. Miraculously, I won that race!
Nang naka dating na sila, nilapitan agad namin ang isang stall kung saan may naka set up na na color game.
"Wag kang iiyak Karl ah?" Asar ko sakanya. He just rolled his eyes at me and immediately placed a 10 pesos coin sa color blue at green. I on the other hand also placed a 10 pesos coin on color white and pink.
Pinanood lang naman kami ng mga pinsan at kaibigan namin.
Nang ilaglag na ng lalaki ang tatlong cubes, the first two stopped at white and the other on blue.
"Hah! See? Unang bagsak palang ako na agad panalo!" Mayabang na sabi ko kay Karl. He just scoffed and quickly placed another 10 pesos coins on the color white and blue. I then placed my coins on yellow and purple.
Again, the guy let's go and all three cubes landed on yellow. Nag tilian naman kaming mga babae nang makita ito!
"Kuya legit ba yan? Baka pinapanalo mo pinsan ko kasi babae sya ah. Wag kang maduga kuya!" Pag aakusa ni Karl.
"Hoy aminin mo na malas ka lang no! Last dali! I swear if I win again baka nga dinuduga ka na ni kuya." Sabi ko placing coins on purple and blue. Nag lagay naman si Karl sa white at red.
"Kuya pag nanalo pa pinsan ko dito, ay nako talaga ah." Sabi ni Karl na akala mo nag tatampong girlfriend mo kung umakto.
Ngumiti lang naman yung lalaki and he dropped the cubes. And surprise surprise, the cubes are purple, blue and green.
"Ay sige kuya ganyanan ah." Reklamo ni Karl.
"You know what? I'll play bingo, wanna come?" Aya ni ate Riana samin nila Ate Lou.
"Sure!" Sabay na sagot ni ate Cathy at ate Lou, sumunod nalang naman si Beks sakanila.
Kami nila Ryza ay pumunta sa tabing dagat para umupo sa mga bangka na naka parke sa buhangin. Medyo nahihilo na din kasi kami ni Ryza, we're obviously not heavy drinkers.
"Karl bili ka nga ng mga junk food! Pang pulutan!" Sabi ko sakanya. Nilahad nya ang palad nya sakin, kaya tinaasan ko sya ng kilay ko.
"Nasayo panalo ko diba? Go! Chupi!" Natatawang sabi ko.
"Mamaya lasing ka na tignan mo." Babala nya sakin habang naiiling na umalis.
"Bilhan namin kayo ng tubig, wait lang!" Sabi ni Rem bago hilahin si Joseph papunta sa pinag bilhan ni Karl.
"Ang init ah!" Reklamo ni Ryza. Fanning her body like a boy, using her tank top.
Umupo ako sa buhangin and I patted the space by my side. Umupo naman agad si Ryza sa tabi ko, we looked at the ocean and the sky glittering with stars. You'll never see a sight like this in the city.
"Ang ga-" I was cut off my a man's voice. "Ang ganda." He finished. Napa tingin naman ako sakanya, he was standing beside Ryza.
We locked eyes for a hot minute before he spoke again.
"Ian Santiago." Pag papakilala nya bago ilahad ang kamay nya sakin, asking for a hand shake.
"Ryza Mora. Nice to meet you!" Sabi ni Ryza, taking Ian's hand into a hand shake. I laughed inside, napaka protective din talaga neto ni Ryza minsan e.
"Ayy. Ano kayo ni tatay Agustino?" Tanong nya.
"Apo nya kami. I'm Amor." Sabi ko at nakipag kamay din sakanya.
"Sakto! Lagi kami naka tambay dun ng mga tropa ko e!" Sabi nya bago umupo sa harap namin ni Ryza.
"So they're the one's who kept smoking outside?" Inis na bulong sakin ni Ryza. Napa tango naman ako sa sinabi nya. Kaya pala every time na dadaan kami sa labas amoy sigarilyo kahit hindi naman naninigarilyo si lolo.
"Ian?" Rinig naming tawag ng isang lalaki kay Ian kaya pare pareho kaming napa tingin ulit sa likod namin. IT WAS A BUNCH OF GUYS! Medyo madilim kasi sa pwesto ni Ian kaya nag ma-make sure ata yung mga lalaki kung sya ba talaga yung naka upo dun.
"Oh?" Sagot ni Ian. Agad namang nag lapitang ang mga lalaki samin at agad kaming napa libutan ng mga lalaking di naman namin kilala.
"Hi mga ate!"
"Ano pong pangalan nyo?"
"Kilala nyo po to si Ian?"
"Ian bat di mo naman sinabing may mga chicks kang kaibigan?"
"Nice one Ian! Sino dyan bebe mo?" Sabay sabay nilang sabi kaya nag tinginan kami ni Ryza.
Alone with a bunch of guys we don't know is scary as it is, pero idagdag mo pa na may hawak kaming bote ng beer ni Ryza kaya halata namang nainom kami.
But just in time, bumalik na sila Joseph dala ang tubig at mga junk food.
"Amor? Ryza?" Tawag ni Jor kaya napunta lahat ng atensyon namin sakanilang tatlo.
"Kilala mo sila, Rem?" Tanong ni Ian. Agad namang lumapit sila Rem samin.
"Oo, mga pinsan ko." Sabi ni Jor with a hint of warning.
Agad akong tinabihan ni Joseph at agad din namang tumabi sila Rem at Karl samin.
"Baka naman Rem!" Sabi ng isang lalaki, raising his eyebrows at my cousin suggesting he set us up with him. Tinaas lang naman ni Rem ang middle finger nya kaya napag tawanan sya ng mga kaibigan nya.
"Luh? Grabe kayo maka magnet Amor at Ryza ah!" Rinig kong sabi ni Beks mula sa likod namin kaya agad akong napa tingin sakanila.
I sigh in relief. Great! Pwede na naming igala sila ate Riana at Ryza sa buong brgy!
"Andyan na pala kayo, tara na?" Pag aaya ko at agad na tumayo. Sumunod din naman sila Ryza sa pag tayo ko kaya lahat na sila ay nag tayuan na din.
Akmang aalis na ako nang may pumigil sakin. Napa tingin ako kay Ian na hawak na ang wrist ko, stopping me from going.
At dahil nga katabi ko si Joseph, hindi ko mapigilang mapa tingin sakanya. And it did not disappoint. He glares at Ian and his hands holding my wrist.
"Uhmm..." Ian hesitantly let's go nang makita na masama ang tingin ni Joseph sakanya.
"May pupuntahan pa ba kayo ngayon?" Tanong ni Ian. Napa tingin ako kay Rem, asking him to answer the question. Na intindihan naman agad ni Rem ang tingin ko.
"Igagala namin sila dito sa brgy." Sagot nya na ikina tango ni Ian.
"Pwede sumama?" Tanong ni Ian sakin. Siguro gusto nya na marinig na ako yung sasagot.
"Sure! Mas madami mas masaya!" Sagot ni ate Riana. "Riana Mora!" Sabi nya pa bago kinuha ang kamay ni Ian para makipag kamay dito.
Kaya eto kami ngayon nag lalakad kasama ang mga tropa ni Ian, bali sampu silang lahat kaya sobrang ingay. Lalo na't medyo lasing na sila ate Riana at ate Cathy.
"Uhmm... Single ka ba Amor?" Tanong ni Ian sakin bago sulyapan ng tingin si Joseph na nauunang mag lakad samin.
"I am. But it's complicated." Sagot ko naman sakanya. Even tho Leo's already flexing his new girlfriend online, hindi pa kami nag uusap, so it's just really complicated on my side.
"So pwede kang ligawan?" Medyo malakas na tanong nya kaya although we're all walking, lahat ng atensyon ng mga kasama namin ay nasaamin na.
I looked at my Cousins na nag thumbs up sakin, encouraging me to say yes. Napa pout nalang ako sakanila, I literally just had my heart broken! Seriously!
Nang napansin ni ate Riana na hindi ko nagustuhan ang pag thumbs up nila sakin, binagalan nya ang lakad nya para masabayan kami sa pag lalakad.
"Ian, mukha ka namang mabait na bata, alam kong aalagaan mo pinsan ko. Kaya antayin mo nalang sagot ng pinsan ko ah?" Sabi nya bago kindatan si Ian. Medyo napa kunot ang noo ko kasi double meaning yung sinabi nyang antayin nalang yung sagot ko. Pano kung ma misunderstood ni Ian?
"Sige po ate Riana!" Masayang sagot naman ni Ian. Omg! He did misunderstood!
May sasabihin na sana ako ng biglang may tinawag sila Karl.
"Tito John!" Sigaw nila Karl at ate Lou. Napa tingin naman ako sa direksyon ng tinitignan nila at nakita ang tito namin na palabas na ng brgy hall. Brgy Captain kasi ang tito namin.
Lumapit kami sakanya at nag bless. "Ang gagayun talaga ng mga pamangkin ko!" Puri nya saming mga babae nang makita ang mga naka sunod na lalaki samin.
"Tito kay Ryza at Amor lang yan!" Biro ni ate Lou. Agad naman naming tinanggi ni Ryza yun na ikina tawa ng tito namin.
"Hali na kayo, mag si uwi na kayo at anong oras na oh." Sabi ni tito na ikina hinga ko ng maluwag.
"Sige na mga iho, mag si uwi na din kayo!" Sabi ni tito sa mga lalaki.
"Sige po!"
"Bye Cap!"
"Bye Ryza!"
"Mag paalam ka na ang arte mo!"
"Bye bye po!"
Naka ngiting kinawayan ko lang naman silang lahat.
"Bukas pupuntahan nyo yung Serena diba?" Tanong ni Tito John.
"Opo tito!" Excited na sagot ni ate Riana. Dahil nga first time nila dito, sobrang dali lang nila maaliw sa mga pinupuntahan namin.
"Dapat mga 6 ng umaga para makita nyo yung sunrise tsaka para low tide pa ang dagat." Sabi ni tito John kaya agad naming napag disisyonan na sundin ang sinabi ng tito namin.
Early in the morning nag lalakad na kami papunta sa serena, it's a place where the people here allegedly saw a real mermaid in that exact place kaya they built a statue of that mermaid where they saw it.
"Totoo kaya yun?" Tanong ni ate Riana after ikwento ni Rem yung reason bat Serena ang tawag sa place na yun at kung bakit nag tayo sila ng statue dun ng Serena.
"Ewan. Sobrang tanda na daw nung storya na yun e. Sabi ni papa ang nag kwento sakanya nun ay lolo nya pa." Sagot ni Rem.
"Madami daw naka kita?" Tanong naman ni Ryza.
"Oo, kaya yung iba naniniwala talaga. May pangalawang fiesta nga din kami para dyan sa serena na yan e. Kung ngayon fiesta ng brgy, sa susunod na linggo fiesta para sa serena." Sagot ulit ni Rem.
"Ang angas naman ng serena na yun, nag pa kita lang ng isang beses tas di na ulit nakita pero may fiesta para sakanya? Para kang nag celebrate ng anniversary nyo ng ka one night stand mo e." Natatawang sabi ni Beks. Gulat na tinignan namin syang lahat. "Oh bakit? Sinabi ko bang ginagawa ko yan?"
"Sabi na may nangyari sainyo ni June e!" Manghang sabi ni ate Cathy.
"Huy!" Gulat na sabi ni Beks bago takpan ang bibig ni ate Cathy. Nag tawanan nalang naman kami.
Pag dating namin sa Serena, pahirapan ang pag punta namin sa mismong statue. Nasa malaking bato ito at nasa malalim na parte na kasi eto ng dagat. Para mapuntahan mo yung statue, aapak ka sa ibang mga bato na papunta duon. It's literally jumping from rock to rock. Kailangan mo din mag ingat dahil medyo matutulis ang ibang parte ng mga bato at madaming mga sea urchin na nasa baba kaya pag na laglag ka, sugat ka na sa bato sugat ka pa sa mga tusok tusok ng sea urchins.
With that in mind Rem was a real gentleman at this moment. Every time na aapak na ko sa kabilang bato, mauuna muna sya para alalayan ako at sinisigurado nya na hindi ako madudulas. It was so sweet.
We took a bunch of pictures pag dating namin sa statue, nag kulitan, nag kwentuhan. And after a while we noticed na nag high tide na kaya napag desisyonan namin na bumalik na.
After all this time na pabalik na kami sa pangpang na pansin ko na lagi ng nasa cellphone nya ang atensyon ni ate Riana.
Hindi ko na masyado pinansin yun at nag enjoy nalang sa mga kwentuhan at jokes namin nila Ate Lou at Karl.
Nang naka alis na kami sa mga bato bato at nag lalakad na sa malambot na buhangin, nag lakad ako sa mababaw na parte ng tubig. Habang nag lalakad ay nag hahanap ako ng mga magagandang shells.
Napansin naman ito ni Rem kaya sinabayan nya ako at every time na may nakikita syang shell na maganda ay inaabot nya agad sakin.
Si Joseph din ay hindi nag pa huli. Kaya eto tatlo kaming nag lalakad sa dagat, nag hahanap ng mga shells.
"Amor tignan mo!" Excited na may kinuha si Joseph sa tubig at tinago ito sa likod nya. Lumapit sya sakin pero bago nya pa mapa kita sakin ay nag salita si Rem.
"Kung tatakutin mo sya dyan, wag ka na mangarap! Hindi takot si Amor sa mga starfish." Masama ang tingin na sabi ni Rem kay Joseph. Napa buntong hininga naman si Joseph at ipinakita nalang sakin ang starfish. Ginantihan nya din naman ng masamang tingin si Rem.
Kinuha ko nalang ang starfish at lumapit kila at Riana at ate Lou na masayang nag uusap.
"Te oh." Sabi ko bago nilagay sa kamay ni ate Riana ang starfish.
"Huh?" Nag tatakhang tinignan ako ni ate Riana bago ito tumingin sa kamay nya. Agad namang napa tili si ate at hinagis ang starfish sa mukha ni Karl na nasa harap nya lang.
"Amor naman e!" Pa baby na reklamo nya. Kami naman ay tawa lang ng tawa sakanilang dalawa ni Karl. "Halika nga dito!" Banta nya bago ako tangkaing kilitiin. Agad naman akong tumakbo ng mabilis kaya ngayon ay nag hahabulan na kaming dalawa, tumakbo na din silang lahat, sinusundan kami habang natawa.
Maya maya ay napa hinto ako sa pag takbo ng may nakita akong pamilyar na lalaki na naka tayo sa malayo, nag cecellphone ito habang naka sandal sa puno. Napa tingin naman ako kay Ate Riana na napa hinto na din nang makita nya kung saan ako naka tingin kanina.
We didn't say anything to each other pero I know in that moment, she felt slightly guilty. She was busy talking to someone in her phone earlier pero di ko naman naisip na si Ian pala yun.
Nang naka habol na yung iba samin, tumabi nalang ako kila Karl at ate Lou, basically they're now circling around me as we walk. Pero hindi pa nila nakikita ang lalaking naka sandal sa puno.
Nang mga sampung hakbang nalang ang layo namin kay Ian ay tsaka lang sya napansin ng iba.
"Uy! Ikaw yung isa sa mga lalaki kahapon diba?" Gulat na tanong ni ate Lou.
"Hello po!" Nahihiyang sabi ni Ian. "Opo ako po yun."
"Bat andito sya?" Bulong ni Ryza sakin. Nag kibit balikat lang naman ako, not knowing what her sister is planning.
"Hi Amor!" Sabi ni Ian. He smiled sweetly at me while waving his hands.
"Hello." Maikling bati ko lang naman sakanya.
"Grabeng dedication ah! Stalker ka ba?" Pabirong sabi ni Beks pero halata namang na weirdohan din sya dahil nasa dulong parte na kami ng isla, malayo sa mga bahay at mga bangkero. It's like a mile away from people and he's just there waiting.
"Hindi po ko Stalker! Narinig ko po kasi kay Kap kagabi na pupunta kayo dito sa Serena, gusto ko po kasi makita si Amor." Sagot nya.
"He wanted to see you at 6:30 in the morning?" Bulong ni Ryza sakin. Again I just shrugged.
"Bakit?" Tanong ni Karl.
"Gusto ko lang po sana tanungin kung may ka partner na sya sa sayawan mamayang gabi." He said looking at Joseph.
"Wala pa. Diba?" Sagot ni ate Riana bago ako tinignan at kinindatan. I looked at her dumbfounded! I JUST RECENTLY FOUND OUT THAT MY BOYFRIEND WAS CHEATING ON ME! I am not ready for a relationship!
"So pwede ko ba syang maging ka partner?" Excited na tanong ni Ian kay ate Riana.
"Sure! Why not?" Ate Riana answered smiling brightly at him.
I had enough so hinila ko si Ate Riana at nauna na kaming nag lakad.
"Ate, what are you doing?" I asked, upset.
"Amor, he's a nice kid!" She said like that was enough.
"So? Hindi naman yun about sa pagiging mabait nya e!" I sighed. "I just got my heart broken, Ate. Wala sa plano kong mag hanap agad ng iba!"
"Okay, okay! I'm sorry. Fine, hindi na ako mangugulo pero just give it a shot sa sayawan mamaya, okay? Wala namang masama kung maging partner mo sya diba?" She insisted kaya wala na akong nagawa.
"Fine! Pero yun lang, okay? Hindi ako pumapayag na manligaw sya sakin!" Iritang sabi ko. Tumango naman sya bago ako mahigpit na niyakap.
"Pag may lalaking gusto mag pagamit, gamitin mo lang sila." Bulong nya sa tenga ko. It caused a shiver run down my spine. She grabbed my shoulders and stared me in the eyes, she looked at me like she wants to know if I got her message or not. I did, kaya tumango nalang ako. Binitawan nya ako at nginitian, then she started walking ahead of us.
I got her message clear as day, she wanted me to use Ian as a rebound. But I don't really want to, ayoko namang mang damay ng ibang lalaki dahil niloko ako ng isang lalaki.