Hong Kong
1940 December
Sa kalagitnaan ng tumitinding pangalawang digmaang pandaig ay wala paring tigil ang paroon at parito ng mga tao. Tulad na lamang ng magkapatid na sina Celio at Celia na kasalukuyang sakay ng naglalayag na pampasahirong barko mula Japan patungong Hong Kong.
Maraming sakay ang barko na karamihan ay mga sino (Chinese), may mangilan-ngilang kanluranin din.
Malaki ang kainan sa loob ng barko na halos puno na rin sa tanghaling iyon. Sa isang sulok na mesa ay makikita doon na nakapalibot ang limang ginoo na pangkanluranin ang kasootan.
Dalawa sa mga ginoong iyon may mala mais na buhok, mapuputing balat at namamaga pa ang pisngi dahil sa lamig ng panahon kagaya ng isa pa na ang ipinagkaiba lang ay ang itim na buhok.
Ang dalawang pang ginoo naman ay parihong may itim at kulot na buhok, maputi din ang mga ito marahil ay dahil sa matagal na pamamalagi sa kanlurang lupain, hindi nga lang tulad sa tatlo kanina na halata ang lahing kastila at amerikano.
Masaya silang kumakain na animoy walang kagulohang nagaganap. May kung anu-anong pinag-uusapan na minsan ay nagkakatawanan pa. Marahil ay nakasanayan na lamang nila ang putukan, bumbahan at iyakan dahil sila ang mga sanggol na isinilang sa magulong panahon. At ngayon sa panahon ng kanilang tagsibol ay papaano nila gagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan?
"Nakakahiya mang aminin ngunit sasabihin ko parin." Wika ng isa na may mala mais na buhok na nagngangalang Alfredo Diaz. "Sa iyong kaanyuan ngayon ay mukhang higit ka pa yatang mas magandang lalake kaysa sa amin ginoong Celia."
Sumang-ayon naman ang tatlo habang patuloy ang masayang kaninan.
"Ang pangit kasi, mas pagkakamalan pa akong babae kaysa sa kanya eh." Pagbibiro naman ng kapatid ni Celia na si Celio at napahalakhak ang mga kasama nilang mukhang mga kanluranin ngunit sa pilipinas isinilang at may lahing malaya.
"Nagsalita ang sampid." Banat naman ni Celia na kasalukuyang nakaayos ng panglalake dahil napagkatuwaan lamang nito.
"Ako sampid? Kala pala ang gwapo ko." Sinabayan pa iyon ni Celio ng malakas na tawa pati narin ng mga kasama nila kaya naman ay nagtinginan sa kanila ang iba pang naroon na kumakain din.
Nagkasabay naman na siminyas ng katahimikan sina Manuel Revera na may mala mais ding buhok at Robert Taylor na siyang nag-iisa sa kanilang may lahing kano.
"Bukas ng umaga ay dadaong na ang barkong ito sa hongkong, may pupuntahan pa kaming tatlo kaya baka hindi na kami makasabay sa inyong magkapatid pauwi." Seryosong pahayag ni Robert.
Natigilan naman si Celia dahil ibig sabihin niyan ay hindi na niya makikita ang matagal na niyang hinahangaan (daw) na walang iba kundi ang makisig na si Robert.
Ano bang pwedi niyang gawin? Nais niya pang makasama ito ng matagal. At hindi niya pa nakukuha ang kailangan niya dito.
"Nako tamang-tama lamang iyon dahil nais din namin ng kapatid ko na mamasyal muna sa hongkong." Pagdadahilan ni Celia na sasalungatin sana ng nakababatang kapatid na nasa tabi niya, mabuti na lamang at tumingin muna ito sa kanya, at sa tinginan ng magkapatid ay nagkaintindihan sila. "Wala kaming kakilala dito sa Hong Kong, baka pweding sumama narin kami sa inyo?"
Nagkatingin ang tatlo, halata sa mga mukha ng mga ito ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Celia.
"Ah kasi..." Hindi naman alam ni Alfredo kung ano ang dapat sabihin.
"Kung hahayaan mong sumali si Celio sa amin ay pwedi namin kayong isama." Si Robert ang nagsalita. "We're not going there just for fun."
"I can't let him join that secret org of you people." Pagtanggi naman ni Celia. "Bakit hindi nalang kaya ako ang pasalihin niyo?"
Natawa ang mga ginoo sa winikang iyon ni Celia.
"Ayaw mong pasalihin si Celio pero gusto mong isali ang iyong sarili?" Pagpapalinaw ni Manuel kay Celia.
Sa pagkakataong ito ay tanging si Celio na lamang ang patuloy na kumakain. Mas pinili na lamang nito ang manahimik dahil alam niyang kahit anong mangyari ay hindi siya papayagan ng nag-iisa niyang kapatid na humawak siya ng baril na hindi upang libangin ang sarili kundi para pumatay ng tao.
"Becouse I'm the eldest and he is my little brother." Dahilan ni Celia.
"You're a... woman." Mabigat sa bidbid na sinabi iyon ni Robert. Matagal na niyang kilala si Celia at alam niya ring higit itong mas kapakipakinabang sa organisasyon kaysa sa ibang mga membrong lalake kung sakaling sasali ito.
Ang iniisip niya lamang ay oo nga at kapakipakinabang ito sa samahan ngunit magiging dagdag naman ito sa alalahanin niya, dahil kahit na sabihing medyo may pagkalalake itong kumilos at magsalita ngunit para sa kanya ay isa parin itong Maria Clara na dapat ingatan.
"Just becouse I'm a woman?" Natatawang tanong ni Celia sa tatlo na nangag-iwas ng tingin sa kanya. "Yes...I'm a woman... una mujer también podría morir por su país."
Matapos yun sabihin ni Celia ay mabilis itong tumayo at umalis.
"Hayyy." Sinamahan pa iyon ni Celio ng buntong hininga. "Pagpasinsyahan niyo na ang bruha na iyon ha, kain pa tayo oh."
"Pero sa totoo lang," si Manuel na uminum pa muna ng tubig saka nagpatuloy sa pagsasalita. "May ganda din naman siya at matalino, pwedi siyang—"
"That's enough!" Putol ni Robert sa sasabihin pa ni Manuel. "We can't drag a young and innocent lady into this war."
"Pero ang bala at bomba ay walang pinipili, matatamaan kahit sino." Si Albert naman na parang nag-aalangan sa pangungumbinsi kay Robert.
"Mi hermana es un talento trasero que ustedes no deberían ignorar" Kompyansang wika ni Celio habang nilalaro ang baso na naglalaman ng kalahating tubig saka ininum.
Sa pagkakataong ito ay si Robert naman ang nag-walk out sa hapunang iyon na kanina ay masaya.
Nagtungo si Robert sa unahan ng barko para sana magpaaraw ngunit naroon din pala si Celia kausap ang dalawang babae na kaedad lang marahil nito. Hindi parin nagpapalit ng kasootan si Celia at mukhang lalake parin ito habang ang dalawang babae naman ay nakapang-englatera ang kasootan, at halatang mula sa mayamang pamilya ng intsik.
Nakikita ni Robert na parang nakakatawa ang pinag-uusapan ng tatlo kaya minabuti nitong pasimpling lumapit ngunit sa kasamaang palad ay hindi din naman pala niya naiintindihan ang usapan ng mga ito.