Malakas na kinakatok o mas tamang sabihing dinadabog ni Celia ang pintuan ng Cabin kung saan pumasok ang kanyang kapatid.
"Lumabas ka diyan! Ako pa talaga ang walang halaga ngayon!" Galit na sigaw ni Celia sa pintuan. Katabi lang ito ng kanilang cabin at dito yung tatlong kasama nila kanina.
Wala siyang pakialam kahit na pinagtitinginan siya ng ibang mga tao. Basta kailangan niyang makaganti sa kapatid niya.
"Maawa ka naman sa pinto." Narinig niyang may nagsalita ng tagalog kaya napatingin siya dito at nakita niyang ang crush daw niya pala ito kaya umayos siya.
"Hi!" Nahihiyang bati niya dito. "Ni hao!" Bati niya pa sa mga nanunood na karamihan ay chinese.
"Mr. Ba Sel-yu." Tawag kay Celia ng isang chinese na babae na sa pagkakaalala ni Robert ay isa ito doon sa dalawang kausap ni Celia kanina.
"Ms. Ye." Masayang tawag naman niya sa babae at umaktong lalaking-lalaki talaga.
May iniabot itong papel sa kanya na kaagad naman niyang tinanggap. "Zhè shì wǒ de jiātíng zhùzhǐ. Wǒmen jiàng zài dì èr tiān jǔxíng jùhuì, hope you come."(It's my home address. We will have a party on the second day, hope you come.)
"Wǒ kěyǐ hé didi yīqǐ qù ma?" (Can I go with my younger brother?) Paniniguro niya dito at nakalimutan ng may galit siya sa kapatid niya.
"Tā?" (Him?) Itinuro pa ni Ms. Ye ang nasa tabi niyang si Robert.
"Méiyǒu. Bùshì tā." (No. Not him.) Kaagad naman niyang sagot dito na sinabayan pa ng pag-iling.
Si Robert naman ay mas lalong nais na malaman ang kanilang usapan lalo pa at itinuro siya ng babae kaya nasisiguro niyang siya ang pinag-uusapan ng dalawa.
"Hǎo ba, dài nǐ didi." (Ok, take your younger brother.) Pahintulot ni Ms. Ye saka tumalikod na ito at umalis.
"Anong kailangan non?" Usisa ni Robert.
"Inimbitahan lang naman ako na dulalo sa piging sa kanila. May show daw tungkol sa alamat ng unang ibon na nakalipad hanggang sa alapaap ngunit nabali ang pakpak at nahulog sa lupain ng Hong Kong." Dinagdagan niyang paliwanag dito bilang pagbibigay dito ng hint na may alam siya sa pakay ng mga ito sa Hong Kong. At yun ay ang puntahan ang mga dating pinuno ng samahang nakikipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas.
Bumalik na si Celia sa loob ng Cabin nila ng kanyang kapatid ngunit si Robert ay nanatili parin sa kinatatayuan nito. Napapaisip na parang ang iksi lang naman ng sinabi ng babae pero ang haba pala pagnaitagalog na.
Pagsikat ng araw kinabukasan ay nakadaong na sa pantalan ng Hong Kong ang barkong sinasakyan nila.
Humiwalay na silang magkapatid doon sa tatlo. Sumakay sila ng karwahe papunta ng hotel.
"Kung wala lang mga chinese character na nakadisply sa mga tindahan ay baka akalaing kong bumalik lang tayo sa Europe." Kuminto ni Celio pagkapasok nila sa nirentahang kwarto.
"Hongkong is British's colony." Wika naman Celia na kaagad na humiga sa malaki at malambot na higaan.
Habang si Celio naman ipinapasok at iniaayos sa cabinet ang mga gamit nila. "Wag ka munang humiga dyan, tulungan mo muna ako."
"Nahihilo ako." Ang sabi lang ni Celia kaya naman ay napailing nalang si Celio dahil alam niyang wala siyang magagawa dito.
Para kay Celio, ang tanging hindi kinatatamaran lamang ng kanyang kapatid ay ang habulin siya. Kahit ilang kilometro pa yatang takbuhan.
"Ilang araw tayo dito?" Tanong niya dito dahil hindi niya narinig kanina ang usapan nito at ng may-ari kung hanggang kailan ang binayaran nitong renta.
"Isang buwan." Walang ganang sagot ni Celia na nakapikit lang.
"I-isang buwan!" Di naman makapanilawalang pag-uulit ni Celio sa sagot ni Celia. "Akala ko ba doon na tayo sa atin magpapasko?" Nadisyang tanong nito.
"My dear little brother, war is a buseniss and in a buseniss we need a capital." Pangangaral dito ni Celia na nanatili paring nakapikit at mukha talaga nga yatang pagod ito dahil maging sa pagsasalita ay mabagal ito. "Marahil ay buwan na lamang ang bibilangin at pilipinas na ang pagtutoonan ng pansin ng Hapon."
"But we're not even done yet with Americans." Natigil na si Celio sa ginagawa na parang agad na nakaramdam ng pagod pero hindi dahil sa pag-aayos ng kanilang mga damit kundi ay dahil sa walang katapusang digmaan na parang wala namang pinatutunguhan.
"According to our intelligence, walang tigil daw ang paghahanda ng mga Hapon sa Taiwan."
"Kung nasa Taiwan sila, anong uunahin nila? Pilipinas o Hong Kong?"
"Britain or U. S. A." Pagtatama ni Celia sa tanong ng kapatid. "Malawak na ang nasasakupan ng great empire of Japan, they recruited soldiers mula sa mga nasakop nilang bansa. If you have a lot of pawns then you can play two or even more chess board at the same time."
"It's still useless kung puro pawns lang."
"It is not your problem. It's their weakness and our advantage. And they are not as stupid as you. And please...gusto ko ng matulog."
Samantala, huminto naman ang sinasakyang karwahe ng tatlo sa tapat ng isang salon. Bumaba sila bitbit ang kanikanilang bagahe.
"Beauty Salon." Basa ni Albert doon sa nakasulat sa karatula sa ilalim ng chinese character na hindi nila mabasa.
Hahawak palang sana si Robert sa pinto ngunit bumukas na ito at lumabas ang dalawang chinese na babaeng mga nasa thirties na yata.
Amoy na amoy pa sa dalawang chinese na iyon ang medisinang ginagamit sa pagkukulot ng buhok.
"Good morning sir," bati ng lumapit na binatilyo. Sa mata nito at sa kulay ng balat na kayumanggi ay mahahalata agad na hindi ito chinese.
Tumuloy silang tatlo sa loob. "Nasaan ang amo mo?" Si Manuel ang nagtanong doon sa binatilyo na agad nakaramdam ng takot sa kanila.
"A-ano pong kailangan nila?" Nag-aalangang tanong nito.
"Magpapakulay ako ng buhok." Si Robert ang sumagot saka naupo kaharap ang salamin.
"Anong kulay po?" Tanong pa ng binatilyo
"Katulad sa ibong adarna." Seryosong sagot ni Robert.
"Ang hirap naman po yata non." Reklamo ng binatilyo kaya naman ay hinawakan siya ni Mqnuel sa kwelyo.
"Pwedi sabihin mo nalang sa amo mo na may gustong magpakulay ng buhok dito katulad sa ibong adarna." Galit ng wika ni Manuel saka patulak na binitiwan ang kawawang binatilyo.
"Pero po kasi wala naman po kaming pangkulay na ganoon." Giit pa ng binatilyo.
"Robert, baka mali yata tayo ng napuntahan." Si Albert naman.